Q3 LAS ESP9 9.4 Week 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

9

EDUKASYON
sa
PAGPAPAKATAO
Activity Sheet
Quarter 3 – MELC 4

KATARUNGANG PANLIPUNAN

REGION VI – WESTERN VISAYAS

i
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet

Manunulat: Cathy Binolirao


Editor: Alma C. Sinining
Tagasuri: Jona S.Demaraye, Gethel A. De Guzman
Tagaguhit: Eldiardo E. de la Peña
Tagalapat: Antonio O Rebutada
Management Team: Ramir B. Uytico Clarissa G. Zamora
Pedro T. Escobarte Fevi S. Fanco
Elena P. Gonzaga Ivy Joy A. Torres
Donald T. Genine Alma C. Sinining
Miriam T. Lima Jason R. Alpay

ii
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang Edukasyon SA Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Dibisyon ng Lungsod ng
Escalante sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda
ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral
na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang
oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-
pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na
patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang
matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.
Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga
gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

iii
Learning Activity Sheets
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

KATARUNGANG PANLIPUNAN

I. KASANAYANG PAMPAGPAKATUTO AT KODA

Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon


EsP9KP-IIId-9.4

II. PANIMULA

Ang katarungang panlipunan ay ang pag-iingat sa sarili ng komunidad upang makagawa,


makabuo, at makalikha. Kakailanganin sa katarungang panlipunan ang mga batas upang
maingatan ang mga indibidwal na karapatan ng tao, ang pamahalaan upang masiguro ang patas
na pagbabahagi ng yaman ng bansa, ang pulis upang magbantay sa kalayaan ng mga tao.
Ngunit, higit pa dito, ang pinakasentro ng lahat ay ang mga malalalim na ugnayan ng tao sa loob
ng komunidad.

Ang kapayapaan ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng kaguluhan o sa pagkakaroon


ng parehong kapangyarihan ng mga bansa. Ang kapayapaan ay ang pagkakaisa sa puso ng mga
tao at sa panlipunang kaayusan ng katarungan. Kailangan dito ang paggalang sa dignidad ng
tao at ang palagiang pagsasanay na maisabuhay ang diwa ng pagkakaisa upang maitaguyod ang
kabutihang panlahat. Sa huli, maitataguyod mo ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng
pagbibigay mo sa iyong kapwa ng nararapat sa kanya. Ito ay tanda ng paggalang mo sa kanyang
dignidad bilang tao.

1
III. MGA SANGGUNIAN

Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 pp. 129-146

IV. MGA GAWAIN


A. Paunang Pagtataya

GAWAIN 1:

PANUTO: Pumili lamang ng isa sa mga paksa o sitwasyong nakalista sa loob ng kahon.
Ipahayag ang pagsang-ayon o pagtutol mo sa paksang napili.Isulat ito sa inyong sagutang
papel.Tingnan ang rubriks para basehan ng puntos ng iyong kasagutan.

1. Tinatanggihan ng mga mamamayan ang pandaraya sa negosyo.


2. Pangungurakot sa pribado at pampublikong institusyon.
3. Hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado.

Mga tanong:
1. Bakit ito ang napili mong paksa?
2. Ano ang dahilan kung bakit mo sinasang-ayunan o tinututulan ang napili mong paksa?
3. Makamit ba ang katarungang panlipunan sa ganitong paraan?Ipaliwanag ang iyong
sagot.

GAWAIN 2:

Mahalagang tandaan na ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa


karapatan ng bawat isa anumang ugnayan mayroon ka sa iyong kapwa.

Pagnilayan mo ang iyong ugnayan sa iyong kapatid, kamag-aral, o kaibigan. Nanaisin mo ba na


panghimasukan o dominahan nila ang buhay mo? O baka di mo namamalayan na ginagawa mo
rin ang ganito sa kanilang buhay?

1. Ano ang papel mo sa ganitong sitwasyon?


____________________________________________________________________________
________________________________________________________.
2. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili tungkol sa pagtugon sa pangangailangan ng iyong
kapwa?
____________________________________________________________________________
________________________________________________________..

2
3. Ipaliwanag “ Nobody is so rich who has nothing to receive and nobody is so poor who has
nothing to give”.
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________.

Rubriks:
Lubos na Kasiya- Kasiya-siya Hindi Kasiya-siya
siya
(10pts) (7pts) (3pts)
Organisasyon
Malinaw ang kaisipang
inilahad.
Nilalaman
Ang kaisipang inilahad ay
makabuluhan.
Kaayusan ng sulat kamay

V. REPLEKSIYON

Anong konsepto ang natutunan mo mula sa mga gawain at babasahin tungkol sa Katarungang
Panlipunan?
Ang konseptong natutunan ko tungkol sa katarungang panlipunan ay
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_____________________________________________________.

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

Ang gawain 1 at 2 ay nakadepende sa sagot ng mga mag-aaral.

You might also like