Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

THIRD PERIODICAL TEST IN MAPEH V

S.Y. 2023-2024

MUSIC

A. Pag-aralan ang iskor ng awit na nasa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Sa anong anyo ng musika nabibilang ang awit na “Happy Birthday”?


A. Tertiary C. Strophic
B. Unitary D. Octave

2. Anong anyo ng musika nabibilang ang awit na “Silent Night”?


A. Strophic C. Octave
B. Unitary D. Tertiary

3. Ilang verse mayroon ang awit na “Silent Night”?


A. 1 C. 3
B. 2 D. 4

4. Ilang verse mayroon ang awit na “The Farmer in the Dell”?


A. 1 C. 3
B. 2 D. 4

5. Ilang verse mayroon ang awit na “Happy Birthday”?


A. 1 C. 3
B. 2 D. 4

B. Basahin ang mga sumusunod at piliin ang titik ng tamang sagot

6. Si Mrs. De Guzman ay naghahanap ng timbre ng lalaki na may katangiang magaan,


manipis at mataas. Anong uri ng timbre ang hinahanap niya?
A. Soprano B. Alto C. Tenor D. Bajo

7. Si Regine Velasquez ay tinaguriang ASIA’s Song Bird dahil sa husay nitong umawit. Ano
ang kanyang Timbre?
A. Alto B. Soprano C. Bajo D. Tenor

8. Si Anna ay may mababang boses at may pagka-boses lalaki, anong uri ng timbre meron
siya?
A. Alto B. Soprano C. Bajo D. Tenor
9. Nais sumali ni Tom na makasali sa isang choir, bagay kasi sa kanya ang mababa at
makapal na boses, anong uri ng boses meron siya?
A. Alto B. Soprano C. Bajo D. Tenor

10. Hilig ni Stephany na umawit, bagay sa kanya ang mga awitin ni Morisette Amon. Anong
uri ng timbre ang kaya niya?
A. Alto B. Soprano C. Baho D. Tenor

ARTS

11. Ito ay isang proseso ng paglilimbag kung saan ay gumagamit ng isang mesh upang ilipat
ang tinta o kulay sa isang bagay upang magawa ang isang disenyo o imahe.
A. Engraving C. Silkscreen
B. Intaglio D. Monoprint

12. Paano mo pahahalagahan ang mga disenyo ng mga Pilipino?


A. Ipagmalaki C. Sirain
B. Walang pakialam D. Tumahimik lang

13. Ang ____________ ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng


pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay.
A. Sketching C. Drawing
B. Paglilimbag D. Painting

14. Gumagawa kayo ng iyong mga kaklase ng isang likhang-sining ng bigla mong natabig ng
di sinasadya ang water color na ginagamit mo. Ano ang gagawin mo?

A. Pababayaan lang C. Magagalit


B. Isusumbong sa guro D. Pupunasan

15. Ito ay isang uri ng paglilimbag kung saan ang disenyo ay inuukit sa pamamagitan ng
paghiwa sa isang bagay na palimbag at ang nabuong disenyo mula sa nahiwang bagay ang
siyang paglalagyan ng tinta.
A. Monoprint C. Intaglio
B. Engraving D. Silkscreen

16. Isa sa magandang katangian ng mga Pilipino ay ang ________________ sa kultura tulad ng
mga nakagisnang sariling mito o alamat na nagmula pa sa ating mga ninuno.
A. Matiisin C. Mapagmalaki
B. Mapagmahal D. Matipid

17. Ito ay isang paraan ng paglilimbag na isinasagawa sa pamamagitan ng paglalagay o


pagdaragdag ng tinta o pagtatanggal ng tinta sa malinis na plate na karaniwang metal o
salamin.
A. Intaglio C. Engraving
B. Monoprint D. Silkscreen

18. Ito ay isang kasanayan sa paglikha ng disenyo sa isang matigas na bagay, karaniwan
itong ginagawa sa patag na ibabaw sa pamamagitan ng pang-ukit gamit ang burin.
A. Intaglio C. Monoprint
B. Engraving D. Silkscreen

19. Ang mga sumusunod ang mga gamit sa paglilimbag sa papel.


A. Papel o karton, limbagang plato, disenyo.
B. Papel,pinta,hulmahan,lapis.
C. Lapis,papel,rubber,kahoy,pinta,gunting,hulmahan.
D. Linoleum, rubber (sole of shoes) kahoy na inukit.

20. Ano ang gagawin mo pagkatapos mong gamitin ang iyong mga arts materials pagkatapos
ng inyong klase?
A. Magliligpit at itatago ang mga gamit.
B. Hayaan lang sa sahig.
C. Tawagin ang kaklase at ipaligpit ang mga gamit.
D. Itapon sa basurahan lahat ng gamit.
PHYSICAL EDUCATION

21. Ano ang naidudulot na tulong sa ating katawan ng pagiging physically fit?
A. Pagtaas ng timbang C. Pagpapalakas ng stamina
B. Paghina ng katawan D. Pagkakaroon ng sakit

22. Batay sa Health-related Fitness Components, ng isang tao , alin sa mga sumusunod ang
dapat mong piliin upang magkaroon ng abilidad ang muscle na magawa ng paulit-ulit ang
mga galaw ng hindi napapagod?
A. Cardiovascular endurance C. Muscular endurance
B. Muscular strength D. Flexibility

23. Ano ang panganib na maaring maidulot ng paglahok sa mga pisikal ng gawain kung
hindi susunod sa mga patakaran?
A. pagkakaroon ng teamwork C.pagkakaroon ng masayang gawain
B. pagkakaroon ng aksidente D. pagkakaroon ng mabuting pakikisalamuha
sa kasama

24. Si Carlo ay isang mahusay na mananayaw sa kanilang paaralan. Nagsasanay siyang


magsayaw tatlo hanggang limang beses sa isang lingo, ano ang maaaring maidulot o
maitulong nito sa kanyang kalusugan? ?
A. Nagiging hindi balanse ang kanyang katawan.
B. Nagiging masasakitin.
C. Nagiging madaling mapagod
D. Napapanatili nito ang tamang timbang ng kanyang katawan

25. Si Randy at ang kanyang mga kaibigan ay lumahok sa sayawang patimpalak ng kanilang
Barangay, ngunit madalas na hindi sila nanalo at hindi maganda ang kinalalabasan ng
kanilang sayaw sapagkat hindi sila nagkakasabay sabay sa pagsasayaw. Alin sa palagay mo
sa mga sumusunod ang kakailanganin niya at ng kanyang mga kasama upang maging
maayos ang kanilang pagsasayaw ?
A. Pagiging hindi marespeto C. Pagiging walang pakialam sa kasama
B. Pagkakaroon ng teamwork D. Pagiging mabagal

26. Bakit mahalagang sundin ang mga panuntunang pakaligtasan sa pagsasayaw?


A. Upang maging magaling sa pagsasayaw
B. Upang magkaroon ng malawak na lugar na gagamitin sa pagsasayaw
C. Upang magtagal ang sayaw
D. Upang makaiwas sa aksidente

27. Paano nahuhubog ng pagsasayaw ang kagandahang pag-uugali ng isang batang Pilipino?
A. Pinatitibay nito ang pagkakaibigan, pagsasamahan ng bawat mananayaw
B. Nagpapakita ng malalaswang galaw na hindi angkop sa mga bata.
C. Naipapakita ang pagkakawatak-watak ng bawat miyembro ng grupo.
D. Nagiging aktibo sa pagsasayaw at walang kapaguran sa pagsasayaw.

28. Bakit mahalaga na matutunan ng isang bata ang mga katutubong sayaw?
A. Upang maging sikat sa iba
B. Upang malaman ang ating kultura at ito ay mapalagu pa
C. Upang maging magaling na mananayaw
D. Upang magkaroon ng maraming kakilala

29. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng katutubong sayaw?


A. Cariñosa B. Don Romantiko C. Señorita D. Boom boom

30. Ano ang katangian na ipinapakita sa sayaw na Cariñosa?


A. Masipag at mabait C. Mapagmahal at malambing
B. Masaya at malungkot D. Matapat at matiyaga

31. Ang Polka sa Nayon ay isang halimbawa ng katutubong sayaw. Ito ay kadalasang
sinasayaw sa mga pagtitipon na isinasagawa ng dalawang tao na pares, isang babae at isang
lalaki. Paano mo mailalarawan ang sayaw na Polka sa Nayon? Ang sayaw na Polka sa
Nayon___________
A. Ay nagpapakita ng paglalambingan ng lalaki at babae sa isa’t isa
B. Ay nagpapakita ng tamang pakikitungo ng lalaki at babae sa isa’t isa
C. Ay nagpapakita ng pagtutulungan ng lalaki at babae sa isa’t isa
D. Ay nagpapakita ng katapatan ng lalaki at babae sa isa’t isa

32. Inaya ka ng iyong ka eskwela na babae na maging ka pares niya sa pagsasayaw ng Polka
sa Nayon sa darating na patimpalak ng sayaw sa inyong paaralan bilang isang kapares na
lalaki ng iyong kaeskwela,Ano ang angkop na kasuotan ang maaari mong isuot?
A. Poloshirt B. Barong Tagalog C. Jacket D. Sando

HEALTH

33. Ano ang tawag sa isang halimbawa ng gateway drug na matatagpuan sa sigarilyo at iba
pang produktong tabako ?
A. Caffeine B. Nikotina C. Ethanol D. Substance

34. Mahilig bumarkada sa ibat ibang tao si Ronny may mga barkada siya na mabuti ang
naidudulot at may mga barkada din siya na hindi mabuti ang naidudulot. Ano ang nararapat
niyang gawin upang ang mga barkadang ito ay hindi maging dahilan ng kanyang
pagkalulong sa gateway drug?
A. Sumama at gawin ang gusto ng mga kabarkada
B. Gayahin ang kilos at gawi ng mga kabarkada
C. Sundin ang payo ng mga magulang patungkol sa kung ano ang mga dapat na
tamang gawin. At magpasya ng tama
D. Huwag na lang pansinin ang mga kabarkada

35. Alin sa mga sumusunod na produkto ang nagtataglay ng substansyang ethanol?


A. Noodles B. Pancake C. Alak D. Sigarilyo

36. Alin sa mga sumusunod ang nakapgdudulot ng karagdagang enerhiya subalit kung labis
ang paggamit nito ay nakasasama sa kalusugan?
A. Caffeine B. Nikotina C. Substance D. Ethanol

37. Nakasanayan na ni Lenie na sa tuwing siya ay inaantok sa kanyang panggabing trabaho


ay madalas siyang umiinom ng kape. Kung ikaw si Linda gagawin mo rin ba ang kanyang
gawi, upang mawala ang antok na kanyang nararamdaman? Bakit?
A. Oo, sapagkat ito ay payo ng mga nakakatanda
B. Oo, sapagkat hindi maganda ang aking pakiramdam
C. Hindi, sapagkat ang madalas na pag-inom ng kape na may su
abstansiyang caffeine ay nakakasama sa kalusugan
D. Hindi sapagkat nakasanayan ko na ang ganoong pakiramdam,

38. Si Marie ay palakaibigan at positibo ang mga pananaw sa buhay. Kung ang pag-aaral
ang paguusapan kahit hindi man siya kagalingan at katalinuhan sa loob ng klase ay
nagaaral parin siyang mabuti pag tinawag at tinanong siya ng guro sa loob ng klase ay
sinasagot niya ang mga tanong nito ng walang pagaalinlangan o hindi nahihiya sa mga sagot
niya. Paano mo mailalarawan ang pagkakaroon ng mayos na pakikisalamuha sa ibang tao
ni Marie ,batay sa sitwasyong nabanggit?
A. Maayos ang pakikisama niya sa ibang tao.
B. Hindi pinapahalagahan ang nararamdaman ng iba
C. Hindi na sinubukang gawin ang isang bagay na alam niyang hindi kaya.
D. Walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya

39. Ano ang maidudulot ng sobrang pag-inom ng inuming may alkohol?


A. Pagkalagas ng buhok B. Pagkasira ng Brain cells
C. Insomnia o hirap sa pagtulog D. Pagiging nerbyoso

40. Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang suliranin sa nutrisyon?
A. Kumain sa hindi tamang oras at magpagutom
B. Kumain lamang ng mag-isa
C. Pag-inom ng tatlo hanggang apat na baso ng tubig araw-araw
D. Pagkain ng wasto at masusustansiyang pagkain araw-araw

You might also like