Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Schools Division of Calbayog City
OQUENDO NATIONAL HIGH SCHOOL

MASUSING BANGHAY- ARALIN SA EDUKASYON SA


PAGPAPAKATAO 7

Paaralan Oquendo National High School Antas 7


EDUKASYON SA
Guro Norhan F. Malie Asignatura
PAGPAPAKATAO
Lunes Miyerkules
Petsa at Oras
Pebrero 19, 2024 Pebrero 21 2024 Kwarter Ikatlong Markahan
3:00 – 4:00 pm 3:00 - 4:00 pm

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa hirarkiya ng
mga pagpapahalaga.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng magaaral ang paglalapat ng mga tiyak na
hakbang upang mapataas ang antas ng kaniyang mga
pagpapahalaga.

Mga Kasananayan sa Pagkatuto. MELC:


(isulat ang code ng lahat ng A. Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay
kasanayan) sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay gabay sa
makatotohanang pagunlad ng ating pagkata. EsP7PB
IIId-10.3
B. Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang
upang mapataas ang antas ng kaniyang mga pagpapahalaga
EsP7PBIIId-10.4

Tiyak na Layunin
1. Nakikilala ang hirarkiya ng pagpapahalaga ni Max
Scheler
2. Nakakalahok sa pag presenta ng napiling hirarkiya ng
pagpapahalaga
3. Naisasabuhay ang hagdan ng pagpapahalaga

Nauugnay sa hirarkiya ang kahalagahan ng


pangangalaga sa kalikasan

II. Nilalaman Hirarkiya ng Pagpapahalaga


III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian Teksbuk sa Edukasyon sa Papakatao
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk LM pg. 219-222
4. Karagdagang kagamitan Laptop, PowerPoint presentation, larawan
B. Iba pang kagamitang panturo

IV. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Balik-aral sa A. PAGHAHANDA
Nakaraan Aralin 1. Panalangin
o Pagsisimula ng ‘Tumayo ang lahat para sa isang
Bagong Aralin panalangin’ (Ang mga mag-aaral ay mag-dadasal)

2. Pagbati
‘Magandang umaga mag-aaral!’ ‘Magandang umaga din po ma’am’

3. Pagpuna ng kaayusan
‘Bago umupo ay paki ayos muna ng
inyong mga upuan’ (aayusin ng mga mag-aaral ang
kanilang mga upuan)
5. Pagtsek ng atendans
‘Sabihing present kapag tinawag anng
pangalan’ (Ang mag-aaral ay magsasabi ng
present)
6. Alituntunin sa Klase

‘Bago tayo tuluyang magsimula, may


iilan lamang akong alituntunin na nais
kong sundin ninyo;
Una, wag makikipag-usap sa katabi
kung wala itong kaugnyan sa aralin
natin
Pangalawa, tumayo kapag ikaw ay
tinawag o may nais itanong patungkol
sa aralin natin.
Pangatlo huwag magseselpon
pagnagsisimula na ang klase.
Yan lamang ang mga alituntunin na
nais kong gawin ninyo sa klase ko.
maliwanag ba?’

b. Balik-aral

1. Tungkol saan ang huli nating ‘Katangian ng mataas na antas na


tinlakay? pagpapahalaga

2. Ano-ano ang limang katangian ng 1.Mas tumatagal ang mas mataas na


mataas na antas na pagpapahalaga? pagpapahalaga kung ihahambing sa
mababang pagpapahalaga.
2.Mas mahirap mabawasan ang kalidad
ng pagpapahalaga
3.Mataas ang antas ng pagpapahalaga
kung ito ay lumilikha ng iba pang mga
pagpapahalaga
4.Ang lalim ng kasiyahang madarama
sa pagkamit nito.
5.Ang pagpapahalaga ay nsa mataas
na antas kung hindi ito organismong
nakararamdam nito.

3. Saan kinuha ang katangian ng ‘Mula sa tesis Mula sa tesis ni Tong-


mataas na antas na pagpapahalaga? Keun Min na study of hierarchy’

C. PAGGANYAK

‘Bago tayo magsimula sa pagtatalakay


ay magkakaroon muna tayo ng laro.
Ang larong ito ay tinatawag na
I.N.I.T.I.A.L.S.’

‘Gamit ang picker name wheel, ang


mapipili ng wheel ay siyang sasagot sa
guess the word. Naiintindihan ba?

(Ang guro ay may bibigay ng ‘Opo, ma’am’


halimbawa kung paano lalaruin ang
I.N.I.T.I.A.L.S)

1. ..
2. ..

3.

4. (Mga tala: ang mag aara- na mapipili ng


name picker ay siyang sasagot sa
I.N.I.T.I.A.L.S)

5.

Mga sagot:
1. Values
2. Spiritual
3. Holy
4. Sensory
5. Vital
B. Paghahabi sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Layunin ng Sa araling ito, naasahan na ang mag-
Aralin aaral ay, pakibasa:
Layunin:

1. Nakikilala ang hirarkiya ng


pagpapahalaga
2. Nakakalahok sa pag presenta ng
napiling hirarkiya ng pagpapahalaga
3. Nakakasunod sa hagdan ng
pagpapahalaga

C. Pag-uugnay ng ‘Ang inyong mga sinagutan sa laro ay


Halimbawa sa mga hirarkiya ng pag papahalaga, ito
Bagong Aralin ay may kaugnyanan sa ating aralin,
ngayon ay alamin natin ito at unawain.
D. Pagtatalakay ng Lahat ng tao ay may pinahahalagahan,
Bagong bagay man ito o taong espesyal. Ngunit
Konsepto at mahalagang maunawaan kung paano
Paglalahad ng husgahan kung mababa o mataas ang
Bagong
isang pagpapahalaga. Sumulat si Max
Kasanayan # 1
Scheler na tinawag nyang Hirarkiya ng
Pagpapahalaga, dito ipinaliwanag niya
ang iba’t-ibang bahagdan ng
pagpapahalaga.
E. Pagtatalakay ng
Bagong ‘Ano ang mga Hirarkiya ng
Konsepto at Pagpapahalaga?’
Paglalahad ng
Bagong
‘Pakibasa’
Kasanayan # 2
1. Pandamdam na Pagpapahalaga
(Sensory Values) ito ay itinuturing na
pinakamababang antas sa
kadahilanang tumutukoy ito sa mga
pagpapahalagang nagdudulot ng
kasiyahan ng tao katulad ng
pangunahing pangangailanagn ng tao.

2. Pambuhay na Pagpapahalaga
(Vital Values) ito ay ang
pagpapahalagang may kinalaman sa
kung paano mapa buti ang kalagayan
ng buhay ng isang tao (well-being).

3. Mga Espiritwal na Pagpapahalaga


(Spiritual Values). Maituturing na mas
mataas ang pagpapahalaga nito kaysa
sa dalawang unang nabanggit. Ang
pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa
mga nagpapahalagang para sa
kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas
nakararami.

Tatlong uri ng pagpapahalagang


Espiritwal
 Mga pagpapahalagang
pangkagandahan. (Aesthetic
Values)
 Pagpapahalagang katarungan
(Value of Justice)
 Pagpapahalagang ganap sa
pagkilala sa katotohanan (value of
full cignition of truth)

4. Mga Banal na pagpapahalaga


(Holy Values) Ito ang pinakamataas sa
lahat ng antas ng mga pagpapahalaga.
Tumutukoy ito sa mga
pagpapahalagang kailangan sa
pagkamit ng tao ng kaniyang
kaganapan upang maging handa sa
pagharap sa Diyos.

(Ang guro ay magbibigay ng paliwanag


sa bawat hirarkiya at magbibigay ng
halimbawa)
F. Paglinang ng 1. Ano-ano ang mga hirarkiya ng
Kabihasaan pagpapahalaga ayon kay max scheler?
(Tungo sa 2. Magbigay ng halimbawa paano mo (Ang sagot ay nakadepende sa
Formative maisasabuhay ang hirarkiya ng pagunawa ng mag-aaral)
Assessment)
pagpapahalaga

G. Paglalapat ng ‘Ngayon ay magkakaroon tayo ng


Aralin sa Pang- pangkatang gawain hahatiin ko ang
Araw-araw na klase sa apat na pangkat.
Buhay
Panuto: Bubunot ang representate ng
bawat grupo sa kahon kung saan ito ay
naglalaman ng apat na hirarkiya ng
pagpapahalaga. Ang nabunot ay
gagawan ng dula-dulaan basi sa inyong
mga karanasan sa hirarkiyang napili.

Rubriks: (Ang mag-aaral ay magsasadula)


Pagkakaisa - 30%
Pagganap - 30%
Nilalaman ng pagsasadula - 40%

Total: 100%

H. Paglalahat ng ‘Nauunawaan na ba ang araling ito?


Aralin
‘Ano-ano nga ulit ang apat na hirarkiya (Ang mag-aaral ay sasagot sa mga
ng pagpapahalaga ayon kay Max tanong)
Scheler, mula sa pinakamababa
hanggang sa pinakamataas?’
I. Pagtataya ng Para sa maikling pagtataya, kumuha ng 1/2
Aralin na papel crosswise

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang


mga tanong. Piliin ang may pinakatamang
sagot.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng


hirarkiya ng pagpapahalaga?

A. Pagpapahalagang pangkagandahan
(Aesthetic Values)
B. Pagpapahalagang katarungan (Value of
Justice)
C. Pagpapahalagang para sa kabutihan ng
mas nakararami (Spiritual Values)
D. Pangunahing pangangailangan ng tao
(Basic Human Needs)

2. Ano ang tinutukoy ng "Pandamdam na


Pagpapahalaga"?

A. Pagpapahalaga sa karamdaman ng tao


B. Pagpapahalaga sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao
C. Pagpapahalaga sa kalagayan ng buhay
ng isang tao
D. Pagpapahalaga para sa kabutihan ng
mas nakararami

3. Ano ang pinakamataas sa lahat ng antas


ng mga pagpapahalaga?

A. Banal na pagpapahalaga
B. Pagpapahalagang karunungan
C. Pambuhay na pagpapahalaga
D. Pagpapahalagang pangkagandahan

4. Kung ang isang kaibigan mo ay nasa


kalagayan ng pagkalugmok at lungkot, ano
ang magiging pinakamahalagang gawin
mo?

A. Ipakita ang pagmamahal at suporta sa


kanya
B. Ipagdasal siya para sa kanyang
kaligayahan
C. Magbigay ng tulong pinansyal o
materyal na makakatulong sa kanyang
kalagayan
D. Mangiaganyo ng ibang tao at humingi
ng tulong sa sa kanila

5. Kapag ikaw ay hinatulan ng hukuman


ngunit alam mong ikaw ay walang
kasalanan, ano ang pinakamahalagang
gawin mo?

A. Ipakita ang iyong pagiging matapat at


ipaglaban ang iyong katuwiran
B. Tanggapin ang hatol ng hukuman ng
may kababaang loob
C. Maghanap ng paraan upang makalaya
kahit sa pamamagitan ng hindi tamang
pamamaraan
D. Magpatulong sa kakilalang abogado at
hayaang siya na ang bahala sa kaso

Mga Sagot:
1. B
2. A
3. A
4. A
5. A
V. Mga Tala

VI. Pagninilay

Inihanda ni:

NORHAN F. MALIE
Practice Teacher

Sinuri at pinagtibay:

IRA A. CALAOAGAN
Cooperating Teacher

You might also like