Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PAGSUBOK SA DALISAY NA PAG-IBIG

Inihanda nina:

Riῇon, Dhae Brell Scyphtrrail L.

Japon, Adelyn B.

Mortezo, Norie Mae C.

Gutierrez, Johanna Alexa O.

Andriano, John Yuri O.

Mission, Jim Kenneth T.

Ballon, Jerald E.

Notre Dame of Abuyog, Inc.


S.Y. 2023-2024

FEBRUARY 2024
Rasyonal
Ang mahiwaga at banayad na pag-ibig ay pagbubuklod sa mga puso ng dalawang

taong nagmamahalan. Ang pag-iisang dibdib ang pinakabanal at higit na makapangyarihang

instrumento upang maging ganap na isa ang magsing-irog sa mata ng Diyos at sa ngalan ng

pag-ibig. Ito ay naghahatid ng halo-halong pakiramdam; sarap, kaligayahan, pananabik, takot

at pag-asa ngunit ito rin ay may kaakibat na mga gampanin at responsibilidad. Kaya naman,

mahihinuha sa maikling kuwento na ito na may mga digmaang nagaganap sa loob ng isang

relasyon at ang kabulugan ng pag-iibigan ng magsing-irog ay hindi lamang nasusukat sa

kanilang kakayahang magbunga ng isang supling na magiging tanda ng kanilang walang

hanggang pag-ibig.

Ayon kay Edgar Allan Poe (2007), na tinagurian Ama ng Maikling Kwento, ang isang

maikling kuwento o katha ay isang akdang pampanitikang na likha lamang ng guni-guni at

salagimsim ng may-akda na salig sa buhay ng aktuwal na naganap o maaring maganap. Ang

maikling kuwento o katha ay isa sa mga mahahalagang panitikan na minahal na ng

sangkatauhan magmula pa noong unang panahaon. Bagama’t mas maikli ito kaysa sa nobela,

ang mga kuwentong itinatampok dito ay kapupulutan ng aral at kinawiwilihang basahin ng

mga kababaihan, matanda, at lalo na ng mga kabataang tagapakinig.

Ang mga maikling kuwento ay madalas tumatalakay sa mga napapanahong problema

ng lipunan o may kaugnayan sa reyalidad. Ang mga aral na mapupulot sa mga paksa ng

maikling kuwento ay naglalaman ng mga makabukuhan na reyalisasyon o pag-unawa sa mga

bagay-bagay. Dagdag pa niya, ang maikling kuwento ng isang pangyayari hango sa tunay na

buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon, may isang

kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Kaya naman, ang pagsusuring ito ay nakatuon sa mga pagsubok sa dalisay na

masasalamin sa maikling kuwento ni Cirio H. Panganiban na pinamagatang “Bunga ng

Kasalanan”. Si Cirio H. Panganiban (1895-1955), ay isang abogado, propesor sa FEU at


namumukod bilang makabagong makata at mandudula. Kapanahon niya sina Jose Corazon de

Jesus, Deogracias Rosario at Teodoro Gener, mga kasapi ng samahang Ilaw at Panitik. Siya

ay ipinanganak noong Agosto 21, 1855 sa Bocaue, Bulacan at pumanaw noong 1955 sa

kasukdukang krisis ng “Cold War” nang mahati ang Vietnam sa sosyalistang Hilaga at

neokolonyang Timog, na pinagbuhatan ng madugong digmaan Indo-Tsina na nagpayanig sa

buong mundo.

Ang magsisilbing tiyak na layunin sa pagsusuring ito ay ang pagtukoy sa pagsubok sa

dalisay na pag-ibig sa pamamagitan ng (1) pinaka-ugat na problema ng kuwento, (2) ang

gampanin ng kababaihan sa pamilya, (3) ang panganib na pagdadalang-tao lalo ang

postpartum depression, (4) kahalagahan ng pananampalataya sa pagsasama at pagmamahalan

ng magsing-irog, at (5) ang tunay kabuluhan ng pag-ibig.

Kaligirang Teoretikal

Nakasaad sa artikulo ni San Juan (2016), Professorial Lecturer, Polytechnic

University of the Philippines, sanay sa paghihilera ng pangyayari ang makatang si Cirio H.

Panginiban, kinahihiligan niyang magpokus sa mga eksena o tagpong kinasasaniban ng

nakakapanabik at komplekadong sitwasyon, aksyon, diyalogo at pakikisalamuha. Kaya’t

imbis na naratibo, madulang paglalarawan ang pinipili niyang metodo sa maraming

pagkakataon. Isa na dito ang nilikha niyang maikling kuwento na pinamagatang “Bunga ng

Kasalanan” na lumabas sa isang lingguhang magasin na Liwayway noong 1920.

Ang pagsusuring ito ay nakasalig sa paniniwala ng mga teoryang mimetiko,

feminismo, eksistensyalismo, reyalismo (sentmental at mahiwagang reyalismo), at affective.

Sa pamamagitan ng mga teoryang ito ay matatalakay ang iba’t ibang pangyayari sa maikling

kuwento na saklaw ng pagsusuri. Sa teoryang mimetiko, bibigyang-pansin ng manunuri kung

paano replektibo ang pinaka-ugat na problema sa maikling kuwento sa reyalidad ng lipunan.


Maihahambing dito ang mga problemang kinakaharap ng mga magsing-irog sa kasalukuyan

at ang pinaka-ugat na problema ng maikling kuwento. Ayon sa libro ni Girard (2013), ang

teoryang ito ay nagpapakita sa pagkabuo at kritikal na pormulasyon para unawain ang

ugnayan ng akda at sa katotohanan. Sinasalamin nito ang pangaraw- araw na gawi ng mga tao

sa totoong buhay upang mas mauunawaan ng mga mambabasa at maihantulad ito sa kanilang

mga karanasan sa buhay.

Samantala, ang teoryang feminismo ay binibigyang pansin naman ang kababaihan sa

isang akda kung saan naglalayun itong baguhin ang di-kahong paglalarawan ng kababaihan

sa anumang uri ng panitikan. Makatutulong ang teoryang ito upang mabigyan ng pansin ang

sakripisyo at iba pang gampanin ng mga kababaihan sa isang relasyon na masasalamin sa

ginampanang papel ng isa sa mga tauhan sa maikling kuwento ng “Bunga ng Kasalanan”.

Sa teoryang reyalismo, layunin nitong maipakita ang karanasan ng tao sa lipunan sa

isang makatotohanang pamamaraan. Makakatulong ang mga ito sa manunuri na masukat

kung gaano kahalaga ang pananampalataya sa pagsasama at pagmamahalan ng magsing-irog

kung saan masasalamin sa maikling kuwento ang sumusunod:

a. Sentimental na Reyalismo, ito ay tumutukoy sa kung papaano naging optimistiko

ang mga tauhan para lang madinig ng langit ang kanilang panalangin.

b. Mahiwagang Reyalismo, ito ay nagpapakita sa kanilang pag-asa nila sa

pamamaraang pinagsanib ang pantasya at katotohanan nang may kamalayan

upang masolusyunan ang problemang kanilang kinakaharap.

Batay sa pananaw ng eksistensyalismo, ang kalayaang pumili ay may kasamang

komitment at responsibilidad dahil ang kalayaang pumili ng bawat isang indibidwal ay

kinakailangang tanggapin ang mga kaakibat na panganib at responsibilidad pasunod sa

kaniyang naisin saan man ito patungo. Ito ay sumasalamin sa kagustuhan ng mga tauhan sa

maikling kuwento na magkaroon ng supling ito ay may kaakibat na responsabilidad. Gamit


ang teoryang ito, matutukoy at maibahagi ng manunuri ang panganib na dala ng pagdadalang-

tao at lalo na ang postpartum depression na maaring maranasan ng isang babae pagkatapos

manganak. Ayon sa artikulo ng RiteMed (2021), isa itong komplikasyon matapos manganak

na pumipigil sa ina na makapag-alaga ng kanyang sanggol, makaramdam ng tuwa sa bagong

pangyayari sa kanyang buhay, at halo-halong emosyong kalakip ng panganganak. Ito ang

pagkakaroon ng matinding mood swings, pag-iyak, anxiety, at pagiging hirap sa pagtulog dala

ng pagkapanganak.

Gamit naman ang teoryang affective, matutukoy ng manunuri ang mga problema, aral

at konseptong nakapaloob sa maikling kuwento upang matukoy kung ano nga ba ang tunay

na kabuluhan ng pag-ibig. Ang manunuri ang makakabuo ng maikling deskriptibong

repleksiyon o sanaysay batay sa reaksyong naramdaman matapos mabasa at masuri ang

maikling kwento. Ang mga teoryang nabanggit ay magsisilbing gabay upang masuri ng

masinsinan ang maikling tula ni Cirio H. Panganiban. Tutuonang-pansin ng teoryang

mimetiko ang pagtukoy sa pinaka-ugat na problema ng maikling kuwento. Ang feminismo

naman ay gagamiting upang mabigyan ng pansin ang sakripisyo at iba pang gampanin ng

kababaihan sa isang relasyon. Habang ang teoryang sentimental at mahiwagang reyalismo ay

ang magiging instrumento upang masukat kung gaano kahalaga ang pananampalataya sa

pagsasama at pagmamahalan ng magsing-irog. Ang teoryang eksistensyalismo ay gagamitin

upang matukoy at maibahagi ang panganib ng pagdadalang-tao at lalo na ang postpartum

depression, at ang pagtukoy sa kung ano ang tunay kabuluhan ng pag-ibig naman ay

masasalamin sa teoryang affective.

Sa kabuuan, ang kuwento ng "Bunga ng Kasalanan" ni Cirio H. Panginiban ay

naglalaman ng mga konsepto ng pag-ibig, pagpatawad, pagtanggap at dalisay na pag-unawa

sa loob ng isang relasyon. Ito ay isang mahusay na paalala na bagama’t walang perpektong

pag-ibig, maaari pa rin itong maging makulay at makabuluhan sa kabila ng mga pagsubok.
Kaya’t ito ay naglalayong matukoy ang mga digmaang nakapaloob sa pag-ibig na

masasalamin sa maikling kwento ni Cirio H. Panganiban na pinamagatang “Bunga ng

Kasalanan”.

Layunin ng Pag-aaral

Ang maikling kuwento ni Cirio H. Panganiban na pinamagatang “Bunga ng

Kasalanan” ay nagpapapakita at naglalarawan sa mga napapanahong problema ngayon sa

isang relasyon na hango sa tunay na buhay. Magsisilbing tiyak na layunin ang mga

sumusunod:

1. Pinaka-ugat na problema ng maikling kwento.

2. Ang sakripisyo at gampanin ng mga kababaihan sa isang relasyon.

3. Kahalagahan ng pananampalataya sa pagsasama at pagmamahalan ng magsing-irog.

4. Ang panganib ng pagdadalang-tao at lalo na ang postpartum depression.

5. Ang tunay na kabuluhan ng pag-ibig.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga mag-aaral lalo na ang mga kababaihan, may

mga kasintahan, mga nagbabalak mag-asawa, magkaanak, at maging ang sambayanang

Pilipino. Magsisilbing gabay ang resulta ng pag-aaral na ito tungo sa pagpalaganap ng

kamalayan sa mga digmaang nakapaloob sa pag-ibig o mga hamon na maaaring makaharap

ng bawat indibiduwal lalo na ang mga babae, na papasok sa ganitong klase ng relasyon. Ito

ay makatutulong din upang buksan ang di-kahong mga isipan ibang tao tungkol sa buwis

buhay na responsibilidad ng pagdadalang-tao. Ang pagsusuring ito ay makakaambag din sa

pagpapalawak ng kaalaman at kakayakan sa pagsulat ng Panitikang Pilipino.

Saklaw at Limitasyon
Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa mga pagsubok sa dalisay na pag-ibig na

masasalamin sa maikling kuwento ni Cirio H. Pangaiban na pinamagatang “Bunga ng

Kasalanan”. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa pagtukoy sa pinaka-ugat na problema ng

maikling kuwento, ang sakripisyo at gampanin ng mga kababaihan sa isang relasyon

kahalagahan ng pananampalataya sa pagsasama at pagmamahalan ng magsing-irog, ang

panganib ng pagdadalang-tao at lalo na ang postpartum depression at ang tunay kabuluhan ng

pag-ibig.

Kahulugan ng mga Talakay

Talinghaga. Mga salitang kung saan may nakatagong kahulugan. Patungkol sa isang

bagay o pangyayari sa paraang hindi direkta. Gumagamit ng malalalim na pananalita o

panlalarawan upang patingkarin ang katangian ng paksa (Salvador, 2020).

Mag-asawa. Kaugnay ito ng salitang mag-asawa na tumutukoy sa pagpapakasal o

kaya sa isang pares ng mga tao na nagsasama dahil sa kasal o matrimony.

Kasalanan. Ang kahulugan ng salitang kasalanan ay isang bagay na iyong ginawa na

hindi angkop sa mga batas na ibinigay ng Diyos at tao.

Pananalampalataya. Ang pananampalataya ay isang paniniwala sa isang diyos o

mga diyos o sa mga doktrina o mga katuruan ng isang relihiyon.

Pagdadalang-tao. Ang pagdadalangtao o pagbubuntis (Ingles: pregnancy; Latin:

graviditas) ay ang pagdadala ng isa o higit pang mga supling, na tinatawag na fetus o embryo,

sa loob ng bahay-bata (utero) ng isang taong babae.

Post Partum Depression. Ang postpartum depression ay isang uri ng depression na

may kaugnayan sa kemikal, sosyal at pisyological na pagbabago na nagaganap sa babae

pagkatapos niyang manganak.


Mental Health. Kabilang sa kalusugan ng kaisipan ang paghahanap ng panimbang sa

lahat ng panig ng inyong buhay — pangkatawan, pangkaisipan, pandamdamin, at pang-

espirituwal. Ito ang kakayahang masiyahan sa buhay at harapin ang mga hamon na inyong

hinaharap araw-araw — kabilang man dito ang pagpili o ang paggawa ng desisyon, pag-

angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin, o ang pagpapahayag ng mga pangangailangan

at mga pagnanais.

Ina. Ang babaeng magulang ng anumang uri ng anak o supling. Karamihan sa mga

hayop, kabilang ang mga tao, ang ipinanganak mula sa isang ina at sa isang ama dahil sa

kanilang pag-ibig at pagtatalik. Ang ina ang nagdadalang-tao at nagluluwal ng sanggol.

Tinatawag na ina sa batas o biyenang babae ang ina ng asawa ng isang tao.

Mahiwaga. Isang salitang Tagalog na tumutukoy sa isang bagay na hindi

maipaliwanag ng rasyonal na pag-iisip.

Albularyo. Tumutukoy sa manggagamot na gumagamit ng sinaunang paraan ng

panggagamot. Kabílang sa mga pamama-raang ito ang pagtatapal ng mga halamang gamot at

langis, pag-oorasyon o pagbulong, pagtawas, pagbabanyos o pagpunas sa may sakit.

Pamamaraan ng Pagsusuri

Ang pagsusuring ito ay isang kwalitatibong uri ng pag-aaral na gagamit ng pagsusuri

sa paksa ng napiling panitikang upang matugunan ang layunin ng pag-aaral. Sa pamamagitan

ng pamamaraang ito, masusuri ang mga problemang kinakaharap ng napiling maikling

kuwento ni Cirio H. Panganiban na pinamagatang “Bunga ng Kasalanan”. Ang magsisilbing

gabay tungo sa layunin ay ang sumusunod na mga hakbang:

Unang Hakbang. Pinaka-ugat na problema ng maikling kuwento. Sa unang

bahaging ito, bibigyang-tuon ng manunuri ang iba’t ibang anggulo ng problema sa paksa

upang matukoy ang pinaka-ugat na problema ng maikling kuwento. Gamit ang teoryang
mimetiko, bibigyang-pansin ng manunuri kung paano replektibo ang pinaka-ugat na

problema sa maikling kuwento sa reyalidad ng lipunan. Makikita kung paano naihambing ang

problemang kinakaharap ng mga magsing-irog sa kasalukuyan at ang pinaka-ugat na

problema ng maikling kuwento.

Pangalawang Hakbang. Ang sakripisyo at gampanin ng mga kababaihan sa

isang relasyon. Ang bibigyang-pokus sa bahaging ito ay ang papel at gampanin ng mga

kababaihan sa isang akda. Makatutulong ito upang maiangat ang mga kababaihan at

mabigyang-pansin ang mga sakripisyo at gampanin ng mga kababaihan sa isang relasyon at

mabago ang di-kahong paglalarawan ng kababaihan sa anumang uri ng panitikan.

Ikatlong Hakbang. Kahalagahan ng pananampalataya sa pagsasama at

pagmamahalan ng magsing-irog. Sa bahaging ito, titingnan ng manunuri ang relihiyusong

pananaw ng mga tauhan upang masukat kung gaano kahalaga ang pananampalataya sa

pagsasama at pagmamahalan ng magsing-irog. Makakatulong din ito na maipakita ang

karanasan ng tao sa lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan katulad ng kung papaano

naging optimistiko ang mga tauhan para lang madinig ng langit ang kanilang panalangin at

kung paano sila kumapit sa mahiwagang pag-asa.

Ikaapat na Hakbang. Ang panganib ng pagdadalang-tao at lalo na ang

postpartum depression. Higit na bibigyang-pansin ng manunuri ang mgs napiling desisyon

ng mga tauhan kung saan ang kanilang kalayaang pumili ay may kasamang komitment at

responsibilidad. Makakatulong ito upang matanggap ng bawat indibidwal ang kaakibat na

panganib at responsibilidad pasunod sa kanilang naisin saan man ito patungo. Sa

pamamagitan ng hakbang na ito, matutukoy kung paano sila naapektuhan ng mga kaakibat na

responsibilidad ng kanilang kagustuhan na magkaroon ng supling na masasalamin sa

maikling kuwento.
Ikalimang Bahagi. Ang tunay na kabuluhan ng pag-ibig. Sa huling bahaging ito

makikita ang tugon ng manunuri sa akdang binasa kapag matutukoy na ng manunuri ang mga

problema, aral at konseptong nakapaloob sa mailking kuwento. Makatutulong ito sa

manunuri upang makakabuo ng maikling dekriptibong repleksiyon o sanaysay batay sa

reaksyong naramdaman matapos mabasa at masuri ang maikling kuwento. Sa mabubuong

sanaysay ng manunuri, makikita at mauunawaan dito ng mga magbabasa ang tunay

kabuluhan ng pag-ibig.
Sanggunian

Poe, E.A. (2007). Sambotani.

https://www.google.com.ph/books/edition/Sambotani_Iii_2007_Ed/8Uh6Z4_70X8C?

hl=en&gbpv=1&dq=ayon+kay+edgar+allan+poe&pg=PA8&printsec=frontcover

San Juan, E. Jr. (April 1, 2016). Paghahanap at Pagtuklas sa Panitik ni Cirio Panganiban.

https://philcsc.wordpress.com/2016/04/01/cirio-panganiban-tagalog-poet-dramatist-

fictionist-an-appraisal-in-filipino-by-e-san-juan-jr/

Girard, Rene. (2013). Rene Girard’s Mimetic Theory. Michigan State University Press East

Lansing, Michigan 48823-5245 p. 1-5. https://www.google.com.ph/books/edition/Ren

%C3%A9_Girard_s_Mimetic_Theory/MSFdppHDSpcC?

hl=en&gbpv=1&dq=what+is+mimetic+theory&printsec=frontcover

RiteMed. (February 22, 2021). Postpartum Depression.

https://www.ritemed.com.ph/depression/ano-ang-postpartum-depression

You might also like