Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

11

Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION

Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300

Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Quarter 2: Week 6
Learning Activity Sheet

1
FILIPINO 11

Pangalan: ___________________________Ikalawang Markahan-Ikaanim na Linggo


Taon at Pangkat: ______________________Petsa: _______________________

Kakayahang Diskorsal
(Kakayahang Diskurso ng mga Pilipino)

Panimula (Susing Konsepto)


Sa pang-araw-araw na gawi ng tao ay laging kaakibat ang pakikipag-usap,
pakikipagtalastasan at pakikihalubilo sa iba. Mula sa mga gawi na ito ay mababatid ang
kahalagahan ng diskurso na makapagpahayag ng ideya at maunawaan ito ukol sa isang
paksa na nagmumula sa isang payak na salitaan patungo sa mga tekstong nakasulat tulad
ng libro, pahayagan at iba pa na nakapaloob sa kakayahang diskorsal. Ang kakayahang
diskorsal naman ay ang pagtukoy sa kakayahang matiyak o masiguro ang pagiging wasto ng
isa o higit pang kahulugan ng teksto at sitwasyon na nakapaloob o nakaayon sa konteksto.

Dalawang anyo ng diskurso

1. Pasalitang Diskurso– ito ay karaniwang magkaharap ang partisipant kung kaya’t bukod
sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit pinagtutuunan din ng mga bawat kasapi ang
ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono , diin, kilos, kumpas ng
kamay ,tinig, tindig at pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring makapagbago ng
kahulugan ng isang mensahe.

2. Pasulat na Diskurso– higit na pag-iingat ang isinasagawa ng manunulat sa sandaling


mensahe na nakapaloob sa isang isinulat na diskurso ay nakarating sa tagatanggap at ito’y
kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kanyang mga naisulat.

Apat na uri ng Diskurso

1. Pasalaysay

 Ito ay pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod na


pangyayari, mga tauhan, at may tagpuan. Ito rin ay teksto na nagbibigay ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari habang nagpapakita ng mga
impormasyon tungkol sa mga tiyak na sitwasyon, tagpo, panahon at mga
tauhan. Halimbawa nito ay alamat, pabula, mito, epiko, parabola, kuwentong-
bayan, maikling kuwento, dula, anekdota at nobela.
 Layunin nito na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang pangyayari sa
isang maayos at sistematikong kaayusan.

2. Paglalarawan

 Ito ay teksto kung saan inilalarawan ang isang biswal na konsepto tungkol sa
isang tao, bagay, pook o pangyayari. Maaaring nagbibigay rin ito nang mas
malalim na paglalarawan sa kabuuan ng bagay o ng isang pangyayari.
Nahahati ang paglalarawan sa (1) Masining, kapag gumagamit ng mga

1
matatalinhagang salita sa paglalarawan na ginagamit sa mga literari na akda,
at (2) Pangkaraniwan, kapag gumagamit ng mga simple o ordinaryong salita
na abot ng kaisapan ng isang ordinaryong mamamayan.
 Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang
maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat.

3. Paglalahad

 Ito ay uri ng tekstong nagpapahayag na may tunguhin – ang ipaliwanag ang


pangyayari, opinion, kabatiran, at mga kaisipan. Halimbawa nito ay ang mga
artikulong nababasa sa diyaryo o pahayagan.
 Layunin nitong makapagbigay ng impormasyon

4. Pangangatwiran

 Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala, o kuro-kuro na naglalayong


mapaniwala ang kausap o bumabasa sa opinyon, palagay at paniniwala ng
nagsasalita o sumusulat. Halimbawa nito ay opinyon, mga isyung talakay
(debate), at ebalwasyon.
 Layunin nitong makahikayat ng tao sa isyu o panig.

Dalawang Kakayahang Pandiskurso: Tekstuwal at Retorikal


1. Tekstuwal na kakayahang Pandiskurso

 Kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba't ibang teksto


gaya ng mga akdang pampanitikan, transkripsiyon, gabay na instruksiyon at
iba pang pasulat na komunikasyon

2. Retorikal na kakayahang Pandiskurso

 Kahusayan ng indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon. Kasama ang


kakayahang unawain ang iba't ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw o opinyon.

Mga Teorya ng Diskurso


Ang teorya ng diskurso ay susi upang maunawaan ang nais iparating o tanggapin natin
ayon sa mensaheng nais iparating. Ang teoryang ito ay makatutulong upang makagawa ng
desisyon tungkol sa desisyon sa sitwasyong inilalahad ayon sa komunikasyong nagaganap.
Speech Act Theory

 Sa teoryang ito, isinasaad na ang pangunahing premis na ang wika ay mode


of action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon. Ipinakikila rito ang
komunikasyong lingguistik ay hindi simbolo o salita, o ang pangungusap lang
mismo kundi ito ay produksyon o paglikha ng mga simbolo, salita o
pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.
 Ang aktong lingguistik ay may tatlong component: (1) locutionary o ang akto ng
pagsasabi ng isang bagay, (2) illocutionary o ang pagganap/performance sa
pagsasabi ng isang bagay (3) perlocutionary o ang pagsasabi ng isang bagay
na kadalasang nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto sa
damdamin, pag-iisip at aksyon ng tagapakinig, ng ispiker o maging ng ibang

2
tao. Samakatuwid, ang una ay may kahulugan , ang ikalawa ay may puwersa
at ang ikatlo ay may konsikwens.

Isang halimbawa nito ay nagaganap sa isang restawran:


costumer : may cola ba kayo?
waiter : sprite na lang po
costumer : Sige, sprite na lang
waiter : (Sabay alis)

Ang halimbawa ay nagpapakita ng speech acts. Sa pamamagitan nito,


nagkakaroon ng ideya ang customer hinggil sa kanyang hinihingi (request) sa paraang
patanong, natanggap at naunawaan ito ni waiter sa paraang aktong nagbibigay siya ng offer
na sprite na lang (hindi direktang sinabi na ubos na ang cola) na sinabayan ng kanyang kilos
ayon sa konsikwens ng natanggap na ideya mula rito.
Ethnography of Communication

 Sa teoryang ito, ipinapakita o pinag-aaralan ang mga sitwasyon, gamit, pattern


at tungkulin sa pagsasalita. Isang paraan na ginagamit dito ay pakikisalamuha
ng mananaliksik sa pangkat ng tao sa isang pangkat ng komunidad na
tinatawag na imersyon.

A. Direktib. Ipinahahayag ang diskursong nakikiusap upang gawin o itigil ang


isang bagay. Halimbawa: Maaari mo akong tulungan? Pasulat naman.

B. Komisib. Ipinapahayag ang diskursong nangangako o kaya ay pagtanggi


ng isang kilos o gawain. Halimbawa: Ayaw kong maglaro ngayon, talagang-
talagang magbabasa ako ngayon.

C. Representatib. Ipinahahayag ang diskursong nagpapatunay o


nagpapahayag ng katotohanan. Halimbawa: Ang anak ni Marie mismo ang
nagsabi na wala na ang tatay niya.

D. Deklaratib. Ipinahahayag ang diskursong nakapagpapabago ng kalagayan.


Halimbawa: Uwian na. Ipinahahayag ko na kayo ay mag-asawa na ngayon.

E. Ekspresib. Ipinahahayag ang diskursong katuwaan, pagkabigo,


compliment ng paggusto o pag-ayaw. Halimbawa: Naku, aalis na kami! Hindi
ko akalain na bumagsak ako sa pagsusulit natin.

Teskto at Konteksto
Ang ideyang pinagpapalitan sa isang diskurso ay tinatawag na teksto samantalang ang kahulugan
na hatid nito ay tinatawag na konteksto.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


 Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan
ng pagsasalita (F11WG-IIf-88)
 Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng
wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas (F11EP-IIf-34)

3
Pagsasanay 1

Panuto: Punan ang graphic organizer. Magtala ng mga salitang may kaugnayan sa salitang
diskurso.

Gabay na tanong:

Mula sa mga naitalang mga salita, gamitin ang mga ito upang makabuo ng pangungusap na
naglalaman ng payak na kahulugan ng diskurso. (2 puntos)

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagsasanay 2

Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag, M kung mali at salungguhitan ang salitang
nagpamali sa pahayag.

____1. Ang diskurso ay araw-araw nang gawi ng tao.


____2. Isa sa mga kahalagahan ng diskurso ay pagbabahagi ng ideya sa iba.
____3. Ang kakayahang diskorsal ay ang pagtukoy sa walang kasiguraduhang pagtiyak sa
pagiging wasto ng isa o higit pang kahulugan ng teksto.
____4. Ang ideyang pinagpapalitan sa isang diskurso ay tinatawag na teksto.
____5. Ang kahulugan na hatid naman ng teksto ay tinatawag na koneksyon.
____6. Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod na pangyayari, mga
tauhan, at may tagpuan ay uri ng diskurso na nagsasalaysay.
____7. Layunin ng pangangatwirang uri ng diskurso ang makapagbigay ng impormasyon .
____8. Teoryang pragmatiks ang susi upang maunawaan ang nais iparating o tanggapin
natin ayon sa mensaheng nais iparating.
____9. Sa teoryang speech act, isinasaad na ang pangunahing premis na ang wika ay mode
of action.
____10. Ang locutionary ay ang akto ng pagsasabi ng isang bagay

4
Pagsasanay 3

Panuto: Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay pasulat o pasalitang anyo ng diskurso. Isulat
ang titik A kung ito ay pasulat at titik B naman kung ito ay pasalita.

____1. Gumagamit ng mga simbolo ____2. Gumagamit ng tunog.

____3. Panlipunan ang konteksto sa ____4. Indibidwal ang konteksto sa


pagtanaw sa presensya ng tagapakinig. pagtanaw (nag-iisa ang manunulat upang
gumana ang imahinasyon) sa mambabasa

____5. May malay (conscious) sa paggamit ____6. Walang malay (unconscious) sa


ng wika ang manunulat. paggamit ng wika ang nagsasalita.

____7. Likas at natututuhan sa prosesong ____8. Natututuhan sa isang pormal na


natural. pag-aaral.

____9. Isinasaalang-alang ang social ____10. Isinasaalang-alang ang audience.


settings

Pagsasanay 4
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (2 puntos bawat bilang)

1. Ano ang diskurso? Bakit mahalagang pag-aralan ito?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng teksto at konteksto.


_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

3. Mula sa teorya ng diskurso na Ethnography of Communication, magbigay ng halimbawa


ng pahayag na kinapapalooban ng ekspresib.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Magbigay ng isang halimbawa ng pasulat at pasalitang diskurso.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5
5. Sa iyong palagay, ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na “Inay, tubig”.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagsasanay 5
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa iyong mga karanasan sa epekto ng Covid-
19 sa iyo.

Pamantayan sa pagmamarka sa pagsulat ng sanaysay:

BATAYAN NG KAPASYAHAN BAHAGDAN MARKA NG GURO


Pagiging malikhain 5
Kaakmaan sa paksa 2
Nilalaman 2
Kaayusan/kalinisan ng mga salita 1
Kabuuan 10

6
Repleksyon

Mahalagang matukoy nating higit ang mga layunin at gamit ng mga kakayahang
diskurso upang…

Sanggunian

Ma.Luisa M. Cantillo. SIKHAY - Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino para sa Ika-11 Baitang. St. Bernadette Publishing House
Corp., 2016,133-140

Avigail Gabaleo Maximo. Diskurso sa Filipino, Last Modified September 8, 2014.


slideshare.net/avigailgabaleomaximo/diskurso-sa-filipino

Mariel Bagsic. Pagkakaiba ng pasalita at pasulat na diskurso. Last Modified March 3, 2016.
https://www.slideshare.net/marielbagsic/pagkakaiba-ng-pasalita-at-pasulat-na
diskurso

7
8
Chief- CID
ROBERT E. OSONGCO EdD
EPSVR-LRMDS Armenia Integrated School
LILY BETH B. MALLARI Teacher I
EPSVR-FILIPINO Manunulat/Naglapat
HELEN G. LAUS EdD EUNICE MAE P. DONATO
Sinuri nina: Inihanda ni:
Mga Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay 1
Maaaring sagot ng mga mag-aaral
1. pakikipagkomunika
2. pakikipag-usap
3. pakikisalamuha
4. pakikipagkumustahan
5. pakikihalubilo
6. Pakikipagkwentuhan
7. Pakikipagtalstasan
Gabay na tanong:
Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng iba’t ibang kasagutan.
Pagsasanay 2
1. T 6. T
2. T 7. M, paglalahad
3. M, walang kasiguraduhan 8. M, Pragmatiks
4. T 9. T
5. M, konteksto 10.T
Pagsasanay 3
1. A 6. B
2. B 7. B
3. B 8. A
4. A 9. B
5. A 10. A
Pagsasanay 4
Mga maaaring kasagutan ng mga mag-aaral sa bawat bilang.
1. Ang diskurso aqy ang pagpapahayag ng ideya at pag-unawa ukol sa isang tiyak na paksa.
Ito ay mahalagang pag-aralan upang higit na mapadali ang pakikipagkomunika, sa pagbuo
ng ideya at pag-unawa sa isang usapan o sulatin.
2. Ang teksto ay ang ideyang pinagpapalitan sa isang diskurso samantalang ang kahulugan o
pagpapakahulugan naman ditto ang tinatawag na konteksto.
3. Talagang napakaganda ng palabras na aking napanood kanina.
4. Pasulat: paglilimbag ng pahayagan, pagsulat ng iba’t ibang uri ng tekstong pangdiskurso
Pasalita: pakikipagkumustahan, debate
Pagsasanay 5
Maaring magkakaiba ang magiging kasagutan ng mga mag-aaral.
Babala– ibabatay sa pamantayan ang sagot ng mag-aaral.

You might also like