Sa Napanood Nating Balita

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa napanood nating balita .Ano kaya ang kinalaman nito sa susunod nating aralin?

konsepto ng kasarian at sex

KASARIAN- Ang "kasarian" ay tumutukoy sa mga katangian, mga papel, at mga katangian na pang-
katawan na kaugnay ng pagiging lalaki, babae, o iba pang mga katangian o pagkakakilanlan sa
seksuwalidad. Ito ay nagmumula mula sa biyolohikal na aspeto ng tao, kabilang ang kanyang anatomikal
na kaanyuan, hormonal na pagkakaiba, at iba pang mga pisikal na pagkakaiba. Gayunpaman, ang
konsepto ng kasarian ay higit sa kanyang biyolohikal na aspeto lamang, sapagkat ito rin ay may
kaugnayan sa mga pangkalahatang paniniwala, mga papel, at mga katangian na itinuturing na kaugnay
sa mga lalaki at mga babae sa isang partikular na kultura o lipunan.

SEX- Ang "sex" ay tumutukoy sa mga biyolohikal na kategorya ng pagkakakilanlan bilang lalaki, babae, o
intersex. Ito ay batay sa mga pisikal na katangian tulad ng anatomikal na estruktura, kromosomang
seksuwal, at hormonal na komposisyon. Ang mga tao ay kadalasang itinuturing na nasa isa sa dalawang
kategorya ng sex, na lalaki o babae, batay sa mga biyolohikal na katangian, ngunit mayroong mga
indibidwal na may mga karanasang nagsasaad ng iba't ibang uri ng intersex, kung saan ang mga pisikal
na katangian ng kanilang kasarian ay hindi eksaktong tumutugma sa tradisyonal na mga kategorya ng
lalaki o babae.

Dati walang pinagkaiba ang kasarian at sex.

Nagsimula ito noong 1950s sa mga sikolohista sa Estados Unidos at Inglatera.

Sex

1.Biyo-pisyolohikal

2.Panlahat

3.Medyo hindi nagbabago

4.Kategorya -babae o lalaki

5.Katangiang pantay na pinahahalagahan

Gender

1.sosyo-sikolohikal

2.Kultural/ nakatali sa kultura

3.Nagbabago

4.Kategorya-feminine o masculine

5.Katangiang maytatak ng inikwalidad o di pagkakapantay-pantay.

Paglalarawan:

Sex

1.Ang babae ay may buwanang regla.


2.May bayag ang lalaki.

3.Ang babae ay may suso at ang suso nila ay may gatas.

4.Mas malaki ang buto ng lalaki.

Genger

1.Sa Estados Unidos, mas mababa ang kita ng babae kaysa sa lalaki.

2.Sa Vietnam, mas maraming lalaki ang naninigarilyo.

3.Sa Saudi Arabia, hindi pwede magmaneho ang mga babae.

4.Sa maraming bansa, ang gawaing babae ay sa gingawa ng babae.

ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identy?

Ang sexual orientationay tumutukoy sa kakayanan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ang malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaring
katulad ng sa kanya, iba sa kanya o kasariang higit sa isa-GALANG YOGYAKARTA

Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong
makakatalik, kung siya ay lalaki,babae o pareho

Ang gender identification (pagkakakilanlang kasarian) kinikilala bilang malalim na damdamin at personal
na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugmasa sex niya ng siya ay ipinanganak
kabilang ang personal na pagtuturing sa sariling katawan ( na maaring mauwi , kung malayang pinipili ,sa
pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot o iba
pang paraan) ai iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit , pagsasalita at pagkilos.-
GALANG YOGYAKARTA

Mga Uri ng Oryentasyong Sekswal

1.Heterosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang kasarian.

2.Homosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang kasarian.

3.Bisexual–tao na naaakit sa parehong babae at lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay AC-DC, silahis, atbp.

4.Intersex –tao na ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi akma sa lalaki o babae.
Ang halimbawa ay ipinanganak na babae ngunit mayroon syang male reproductive organ. Ang ibang
tawag sa kanya ay hermaphrodite

5.Lesbian–babae na nagkakagusto o naakit sa kapwa babae. Ang ibang tawag sa kanya ay tibo, tomboy,
lesbiyana, atbp.

6.Gay–lalaki na nagkakagusto o naakit sa kapwa lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay bakla, beki, bayot,
bading, paminta, sirena, atbp.
7. Transgender –tao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring taliwas sa ari nung ipinanganak siya
o yung inatas sa kanya ng lipunan. Ang ibang tawag sa kanya ay transwoman, transman, atbp.

8.Queer – tao na may sexual orientation o sexual identity na hindi nakapirmi o nag-iiba o maaring hindi
limitado sa dalawang kasarian lamang.

You might also like