Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BAGAUISAN, JESELLE G.

BSED 1A

PAGMAMAHAL NG ISANG MAGULANG

Kahit kailan ay hindi mapapantayan ang mga ginagawang sakripisyo ng magulang upang
masiguradong maayos ang buhay ng kanilang mga anak. Paano nga ba talaga ang tamang
pagpapalaki ng isang magulang sa isang anak at kung ano mismo ang kanilang dinaranas sa
pagpapalaki sa atin? Ano nga ba talaga ang dapat at maaari nating gawin bilang isang kabataan na
nagsisikap na makatulong at mapasaya ang ating mga magulang na nagpalaki at nagbigay buhay sa
atin?

Bilang isang anak paminsan ay nakikita ko rin kung gaano kahirap magpalaki ng isang anak
dahil ako mismo ay nakikita iyon sa pamamagitan ng aking ina na gagawin ang lahat para lang
makakain kami ng tatlong beses sa isang araw at sa pamamagitan din ng aking ama na
nagpapakahirap magtrabaho kahit na isang magsasaka para makapag aral kami Ng aking kapatid sa
eskuwelahan at mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Ngunit bakit nga ba may ilan paring
kabataan o halos karamihan sa lahat ng kabataan ngayon ay may kinikimkim na sama ng loob sa
kanilang mga magulang? Marahil dahil ito sa maling interpretasyon nila sa pagsasakripisyo ng
kanilang mga magulang,gaya na lamang ng pagtatrabaho nila sa ibang bansa o kahit rin dito sa ating
bansa na halos hindi na nila nakikita ang kanilang mga anak, ngunit sa likod siguro ng bawat pag
tatrabaho nila araw araw ay ang araw araw din nilang pagsasakripisyo na hindi nila makita ang
kanilang mga anak. Isa nga lang siguro ito sa mga dinaranas ng ating mga magulang. Dahil sa
panahon ngayon marami pang dinaranas ang ibang magulang lalo na ang mga magulang na
nahihirapan mag hanap ng trabaho o ung walang trabaho ngunit sinisikap pa ring mapag-aral at
magkaroon ng magandang buhay ang kanilang mga anak.

Ano nga ba ang pwede nating isukli sa kanilang pagpapalaki sa atin? Sa tingin ko kahit
simpleng “Thank you”, “I LOVE YOU” , pag yakap man lang at pagbeso ay maaari ng mapawi ang
bawat sakripisyo at hirap na kanilang dinanas at dinaranas. Dahil sila ang nagbigay buhay sa atin
gumabay ng tayo’y maliliit pa lamang kahit pa sabihin natin na habang ginagabayan nila tayo ay may
pagkakamali silang nagagawa sa atin hindi pa rin ito sapat na dahilan upang masabihan sila ng
masasamang bagay. Kung kaya’t sana’y maintindihan natin sila sa bawat bagay na kanilang
ginagawa. Sana’y sa lahat ng magagandang natutunan natin sa kanila pati na rin sa mga maling
nagawa nila ay gamitin natin ito sa pagtama na rin mismo ng ating mali para sa hinaharap kung tayo
man ay magkakaroon din ng pamilya,sana’y lahat tayo’y gawing gabay ang bawat problema at
pangyayari sa atin ngayon. Dahil maaaring lahat ng kanilang pinagdaanan ay atin ring atin ring
danasin ngunit sana sa mga panahong ito ay maging maayos,matatag at masaya dahil mahirap
magpalaki ng anak kung tayo mismo na anak ngaun pa lamang ay hindi na natin kayang gawin ang
ating responsibilad.

You might also like