Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Schools Division office of Cotabato
Malinao High School

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

Mayo 15, 2023

Paaralan: Malinao High School Bilang at Pangkat:


Guro: G. Nino M. Estoque Asignatura: Filipino
Oras: 10:00 – 10:30 n.u Markahan: Apat

I. LAYUNIN

Sa loob ng isang (1) oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na dumating sa buhay na napagtagumpayan


dahil sa pananalig sa Diyos at tiwala sa sariling kakayahan.F7PS-IVc-d-20

a. Nalalaman at nauunawaan ang mga payo ng Matandang Ermitanyo kay Don Juan sa buod
ng isang akda;
b. Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na dumating sa buhay na
napagtagumpayan dahil sa pananalig sa Diyos at tiwala sa sariling kakayahan;
c. Napapahalagahan ang sariling pananalig sa Diyos at sa sariling kakayahan.

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra maestro sa
Panitikang Pilipino

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong
naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.

C. Mga kasanayan sa pagkatuto


F7PS-IVc-d-20

II. NILALAMAN

a. Paksa: Buod ng kabanata V at VI (saknong 162-231) Ang Payo ng Matandang


Ermitanyo at Ang Bunga ng Kataksilan nga mga nakakatandang kapatid ni Don Juan
b. Kagamitan: Powerpoint presentation, activity sheets, komiks
c. Laang oras: Isang (1) oras
d. Sanggunian:
 PUNLA (aklat)- Panitikang rehiyonal at Ibong Adarna (pahina 309-330)
 Ang Paglalahad ng Ang Ibong Adarna (aklat)- pahina 38-45
 https://youtu.be/j6f3dpNZuno at https://youtu.be/2f07CocctN0
e. Pagsama-sama ng halaga(values integration): pagpapahalaga at kooperasyon.
f. Stratehiya: Direct Teaching, brain storming, lecture-discussion, cooperative learning,
inquiry approach, hands on/individual or group approach

III. PAMAMARAAN

A. Paunang Gawain (3 minuto)


1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagtala ng liban
B. Pagbabalik Aral (5minuto)

Kabanata 4- Si Don Juan at ang Matandang Leproso


 Pambungad na tanong
Ano ang tinalakay nating noong nakaraang tagpo?
Sino ang nakita at binigyan ni Don Juan ng tinapay?

C. Motibasyon/Pagganyak (5minuto)

Bidyo/awit na presentasyon na pinamagatang “Pagsubok” na siyang panonoorin at pakikinggan


ng mga mag-aaral. Pagkatapos ay sasagutin ang sumusunod na tanong.

Pamprosesong tanong:
 Paano kaya natin malalampasan lahat ng pagsubok sa ating buhay?
 Nakaranas na ba kayong mabigo o may karanasan na ba kayo tungkol sa pagsubok na
nalampasan niyo na?

D. Pagtalakay ng bagong aralin (20 minuto)

Nalalaman at nauunawaan ang mga payo ng Matandang Ermitanyo kay Don Juan sa buod ng
isang akda. F7PS-IVc-d-20

a. Pagbubukas ng mga Talasalitaan

Ermitanyo- taong naninirahan mag-isa.

Leproso- taong may malalang karamdaman sa balat.

Mahalina- maakit.

Kataksilan- pagtatraydor.

Piedras Platas- puno kung saan nakatira ang ibong Adarna.

Dayap- isang prutas na pabilog at maasim.

Labaha- matulis at matalim na bagay

b. Paglalahad ng aralin

Buod ng kabanata V at VI (saknong 162-231) Ang Payo ng Matandang Ermitanyo at Ang Bunga
ng Kataksilan nga mga nakakatandang kapatid ni Don Juan.

Ang Payo ng Matandang Ermitanyo at Pagdakip sa Ibong Adarna (Saknong 162-196)

Napahinto si Don Juan sa isang puno at muntik nang mahalina. nagpatuloy siya sa paklalakbay at
nalampasan ang pang-aakit ng puno, kayat siya ay humayo sa ermitanyo. Laking gulat ni Don Juan nang makita
roon ang tinapay na ibinigay niya sa matandang leproso. Magiliw na tinanggap ng ermitanyo si Don Juan at sila
ay lumabas para pag-usapan ang pakay nito. Sa pagkarinig ng matanda ay nagbigay ito ng payo kung paano
mahuhuli ang ibon. Pagdating sa punong hapunan ng Adarna, hinintay ito ni Don Juan na dumating at sa
paghihitay ng prinsipe ay dumating na nga ang hinihintay na Ibon at nagsimula na itong umawit gaya ng
inaasahan. Ngunit dahil sa payo ng matandang ermitanyo kay Don Juan ginamit niya ito upang labanan ang
antok. Matapos ang iakapitong awit at ikapitong pagbibihis, kinuha ni Don Juan ang ibong Adarna. Bumalik si
Don Juan sa ermetanyo para humingi ng tulong para sa kanyang mga kapatid ay inutusan siya na sumalok ng
tubig upang ibuhos sa mga taong-bato at napagtagumpayan ito ni Don Juan. Bago sila umalis ay nagbilin pa ang
matanda sa tatlong magkakapatid.
Ang Bunga ng Kataksilan nga mga nakakatandang kapatid ni Don Juan. (Saknong 197-231)

Habang sila’y naglalakbay pauwi, nag-uusap ang magkapatid na si Don Pedro at Don Diego. Sa kanilang
pag-uusap ay may nabuong maitim na balak. Habang nagtatawanan ang dalawang magkapatid, dumating ang
bunsong kapatid na si Don Juan. Kinabukasan, handa na silang isagawa ang kanilang binabalak at nang
magkaroon ng pagkakataon ay pinagtulungang bugbugin ng dalawa ang kanilang bunsong kapatid at kinuha ang
ibong Adarna. Halos patay na sa bugbog nang iwan ng mga kapatid si Don Juan. Sa pagbabalik ng dalawang
nakakatandang kapatid ni Don Juan ay sinalubong sila ng reyna at iba pang tao sa kaharian. Tinanong ng reyna
ang magkapatid kung nasaan ang kanilang bunsong kapatid, ngunit ang tugon lang ng dalawa ay hindi nila alam.
Nag-abang ang lahat sa pag-awit ng Adarna, ngunit tumindi lamang ang kalungkutang nadarama ng hari sa
sinapit ng bunsong anak. Nang maalala ng hari ang kanniyang napanaginipan. Nagtataka naman ang lahat kung
bakit ayaw umawit ng Adarna at mas nalungkot ang buong kaharian.

E. Aplikasyon (15 minuto)

Pangkatang Gawain

Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na dumating sa buhay na napagtagumpayan


dahil sa pananalig sa Diyos at tiwala sa sariling kakayahan.F7PS-IVc-d-20

Masining na Pagsasalaysay/Pagsasadula

(Ilalahad ang pamantayan/rubrik bago magsimula ang gawain)

(Sa klaseng may tatlumpong (30) mag-aaral ay hahatiin ito sa tatlong(3) pangkat tigsasampu
bawat pangkat.)

Narito ang pamantayan/rubrik na gagamitin sa pagmamarka.

Pagtatanghal ng Dula Marka


Pagganap (angkop sa papel na ginagampanan) 25%
Produksiyon (Angkop na aspektong biswal, kilos at 25%
galaw sa tanghalan)
Dating sa madla 25%
Mensahe (Napapanahon, makabuluhan, at may 25%
pagsunod sa tema)
Kabuuan= 100%

Narito naman ang panuto para sa gagawing pagsasalaysay o pagsasadula. Sa loob ng labinlimang
(15) minuto, siyam (9) na minuto para sa paghahanda at pagsasaulo at anim (6) na minuto naman
para sa pagtatanghal. Dalawang (2) minuto bawat pangkat.

Para sa bawat pangkat

Magsadula ng isang pangyayari na hindi tatagal sa 2 minuto na ipinapakita ang kahalagahan ng


pamilya, pananalig saDiyos, at tiwala sa sarili, sa kabila ng pagsubok na pinagdaraanan.

F. Pagninilay (2 minuto)

Napapahalagahan ang sariling pananalig sa Diyos at sa sariling kakayahan. F7PS-IVc-d-20

Upang mas mapalawig pa ang ating kaalaman tungkol sa aralin,narito ang isang halimbawa ng
isang pagsubok na napagtagumpayan ng isang tauhan. (Magpapakita ng video clip na
pinamagatang “Ang Pagsubok ni Job”sa klase.)
G. Ebalwasyon/Pagtataya (3minuto)

Pagpipili
Panuto: Tukuyin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ilan ang payo na ibinigay ng matandang ermitanyo kay Don Juan?


a. Apat b. Dalawa
c. Isa d. Tatlo
2. Ano ang nangyari kay Don Juan nang mailigtas niya ang kanyang mga kapatid?
a. Binugbog siya b. Niyakap siya
c. Pinabayaan siya d. Pinasalamatan siya
3. Bakit hindi lumaban si Don Juan sa kaniyang mga kapatid?
a. Dahil wala siyang laban? b. Dahil naaawa siya sa mga ito?
c. Dahil mahal niya ang mga ito? d. Dahil hindi siya marunong sumuntok
4. Ano ang payo ng ermitanyo kay Don Juan para makuha ang Ibong Adarna?
a. Bigyan ng pagkain ang ibon
b. Batuhin ang Ibon para mahulog
c. Sugatan ang kamay at pigaan ng dayap
d. Pakinggan ang awit ng ibon pagkatapos ay hulihin
5. Paano mapagtatagumpayan ang isang pagsubok?
a. Humingi ng tulong sa iyong pamilya
b. Manalig sa Diyos at magtiwala sa sarili
c. Humingi ng tulong sa mga nakaranas na ng pagsubok
d. Hayaan na lang ang pagsubok dahil matatapos din ito

IV. Takdang-Aralin (2 minuto)

Panuto: Sa isang kalahating papel na pahalang (1/2 crosswise), gamitin sa pangungusap ang mga
talasalitaan.

Halimbawa: Labaha- Ginamit ni kuya ang labaha para tanggalin ang kaniyang bigote.

1. Matandang Ermitanyo
2. Mahalina
3. Kataksilan

(Mayroong natitirang limang (5) minuto para sa paghahanda sa susunod na klase.)

Inihanda ni:

G. Nino M. Estoque
Aplikanting Guro

You might also like