Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao


Learning Delivery Modality Face-to-Face (In-Person)
Pagbilao National
TALA
Paaralan High School Baitang Baitang 9
SA Edukasyon sa
Guro Jhiel Ezra D. Almodiel Asignatura
Pagpapakatao 9
PAGTUTURO
Ikatlong
Petsa Marso 23, 2023 Markahan Markahan
Ikaanim na
Bilang
Oras 10:00-11:00 n.u. Linggo (Apat
ng Araw na araw)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng
Pangnilalaman kagalingan sa paggawa.
B. Pamantayan sa Nakagagawa ang mag-aaral ng mga hakbang upang mapanatili ang
Pagganap kagalingan sa pag-aaral o takdang gawain sa tahanan.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
D. Pinakamahalagang
Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) 1. Natutukoy ang mga indikasyon na ang isang gawain o produkto
(Kung mayroon, isulat ang ay may kalidad o kagalingan (EsP9KP-IIIe-12.1)
pinakamahalagang
kasanayan sa Pagkatuto o
MELC)
E. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan)
II. NILALAMAN Ang Kahalagahan ng Kagalingan sa Paggawa
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa K to 12 MELCS with CG Codes
Gabay ng Guro Pahina 117-118
b. Mga Pahina sa ADM Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 3
Kagamitang Pahina 1-24
Pangmag-aaral
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral
Pahina 147-161
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga
 Powerpoint Presentation
Kagamitang Panturo
 Papel na may mga guhit
para sa mga Gawain
 Mga larawan
sa Pagpapaunlad at
 Video Presentation
Pakikipagpalihan
 Yeso at Pisara
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Sa bahaging ito, sisimulan ng guro ang klase sa
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
pamamagitan ng isang panalangin. Susundan ito ng pagsasaayos
ng kapaligiran sa loob ng silid-aralan at pagtatala ng liban sa
klase.

A. Balik-aral
Magsasagawa ng pagbabalik-aral ang guro upang matiyak
kung handa na ba ang mga mag-aaral sa kasunod na aralin sa
tulong ng isang gawain/laro na may pamagat na SAME HERE!.

Panuto:
1. Magpapakita ang guro sa mga mag-aaral ng mga pangungusap
na may kulang na salita na kaugnay ng nakalipas na tinalakay
na aralin tungkol sa oras at panahon.
2. Pupunan ng mga mag-aaral ang mga pangungusap ng wastong
salita na nawawala.
3. Mamimili ang guro ng mag-aaral na sasagot base sa iba’t ibang
kategorya na ipapakita ng guro sa pamamagitan ng wheel
spinner na may pagkakapareho ang guro sa mga mag-aaral
(Kategorya: Buwan, almusal, magkakapatid, letra at kulay).

4. Iimik ang mga mag-aaral ng SAME HERE at tatayo kung ang


kategoryang ipapakita ng guro ay tinataglay nila o tinutukoy
sila. Maaring sumagot ang gustong mag-volunteer mula sa mga
mag-aaral na nakatayo o kung wala ay mamimili ang guro sa
mga nakatayo.
5. Bawat mag-aaral na makakakuha ng tamang sagot ay
magkakaroon ng bonus na puntos.

Mga sasagutan:
1. Ang panahon ang pinakamabisang _______________.
Sagot: Gamot

2. Kapag inaksaya mo ang panahon, aaksayahin ka rin ng _______.


Sagot: Panahon

3. Ang lahat ng __________ ay itinakda ayon sa kani-kaniyang


panahon.
Sagot: Bagay o Pangyayari

4. Time waits for _____ one.


Sagot: No

5. Ang panahon ay itinuturing na wise _____________.


Sagot: Counselor
B. Pagganyak
Bilang lunsaran ng paksang aralin, upang mapukaw ang
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
damdamin at kaisipan ng mga mag-aaral, magpapagawa ang guro
sa mga mag-aaral ng isang gawain na kung saan gagamitin nila
ang kanilang malikhaing pag-iisip sa pamamagitan ng pagdugtong
sa mga guhit na makikita sa ibibigay na papel ng guro upang
makabuo ng isang larawan ng kahit na anong bagay. Bibigyan ng
guro ng limang minuto ang mga mag-aaral upang gawin ang
gawain.

Pagkatapos ng pagpapagawa ng gawain ay tatawag ang


guro ng ilang mag-aaral para tumayo sa unahan at itatanong ng
guro kung anu-anong larawan ang kanilang naiguhit, kung
nahirapan ba silang dugtungan ang mga guhit at makalikha ng
kakaibang larawan, kung naniniwala ba silang ito ay bunga ng
kanilang pagkamalikhain at kung ano ang kanilang nadama
pagkatapos na sila ay makabuo ng isang larawan.

Sa bahaging ito’y ipaaala-ala ng guro na sa araling ito ay


inaasahan na ang mga mag-aaral ay matutukoy ang mga
indikasyon na ang isang gawain o produkto ay may kalidad o
kagalingan.
B. Pagpapaunlad A.
Bago isagawa ng guro ang pagpapaunlad at pagpapalawak
ng konsepto, magpapanood ang guro sa mga mag-aaral ng video
tungkol sa mga kilalang tao na naging matagumpay dahil sa
kanilang angking kagalingan/kasipagan sa kabila ng mga
pinagdaanan nilang mga pagkatalo at kabiguan sa buhay.
Magkakaroon ng talakayan at pagsasagot ng mga katanungan
pagkatapos ng pinanood/binasa.

Ilang kilalang tao na makikita sa video:

Michael Jordan Albert Einstein Bill Gates

Colonel Harland Sanders of KFC Thomas Edison


Mga katanungan:
1. Sa video na napanood, ano-anong pagpapahalaga ang kanilang
isinabuhay?
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
2. Paano nila nalampasan ang kanilang mga pagsubok?
3. Nagpamalas ba sila ng kagalingan sa paggawa sa kanilang mga
propesyon? Pangatwiranan.

Gawain/Laro – MATCH ME!


Panuto:
1. Pagtatapatin ng mga mag-aaral ang larawan at pangalan sa
tamang pahayag na tumutukoy dito.
2. Tataas ang kamay ng mag-aaral na nais sumagot at lalapit sa
unahan para sumagot gamit ang laptop.
3. Bawat mag-aaral na makakakuha ng tamang sagot ay
magkakaroon ng bonus na puntos.

Tamang sagot:
Thomas Edison – Inventor of Incandescent Light Bulb
Bill Gates – Co-founder of Microsoft
Albert Einstein – Theoretical Physicist and Noble Prize Winner
Michael Jordan – 6 times NBA Champion and 5 times NBA MVP
Colonel Harland Sanders – Build the KFC

B. Pagtalakay ng Guro
Sa pagtalakay, gagamit ang guro ng powerpoint
presentation upang mailahad nang maayos ang aralin.

Madalas nyo rin bang binabanggit ang mga salitang “Wow,


ang ganda naman nyan!”, “Ang galing!” o “Sino ang gumawa
nyan?” kapag nakakakita kayo o nakakapanood ng mga produkto
o kagamitang pumupukaw ng inyong atensyon? Naitanong nyo rin
ba sa inyong sarili kung kaya nyo ring gawin ang ganitong
produkto o kagamitan?
Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto
ay nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking
kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at layunin sa
paggawa. May mga partikular na kakayahan at kasanayan na
kailangan sa paggawa.
Ano-ano nga bang kasanayan ang kailangan sa paggawa
ng may kalidad? Bakit mahalaga ang kalidad o kagalingan sa
paggawa?
Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao
dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan niya ang kanyang
tungkulin sa sarili, kapwa at sa Diyos. Ang kagustuhang
maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kaniya upang
magkaroon ng kagalingan sa paggawa.
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10

Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin


ang sumusunod na katangian:
1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga – ito ang humuhubog sa
tao upang harapin ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa
pagkamit ng mithiin. Nagsisilbing gabay upang gumawa ng
kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad.
a. Kasipagan – tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin
ang isang gawain nang buong puso at may malinaw na
layunin sa paggawa.
b. Tiyaga – pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga
hadlang sa kanyang paligid.
c. Masigasig – pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at
siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.
d. Malikhain -ang podukto o gawain ay bunga ng mayamang
pag-iisip at hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng
iba.
e. Disiplina sa sarili – alam ang hangganan ng kanyang
ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao.
2. Nagtataglay ng mga kakailanganing kasanayan
a. Pagkatuto bago ang paggawa – tumutukoy sa paggawa ng
plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto.
b. Pagkatuto habang ginagawa – yugto ng pagkilala sa iba’t
ibang istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang
pagsasakatuparan ng mga tunguhin.
c. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain – yugto ng
pagtataya sa naging resulta o kinalabasan ng gawain.
3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos

Mga katangian na makatutulong upang magkaroon ng


matalinong pag-iisip upang maisabuhay ang kagalingan sa
paggawa
1. Pagiging palatanong
2. Pagsubok ng kaalaman gamit ang karanasan, pagpupunyagi at
ang pagiging bukas na matuto sa mga pagkakamali
3. Patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama bilang
paraan upang mabigyang-buhay ang karanasan
4. Pagiging bukas sa pagdududa/kawalang katiyakan
5. Ang paglalapat ng balanse sa sining, siyensya, lohika at
imahinasyon
6. Ang pananatili ng kalusugan at paglinang ng grace/poise
7. Ang pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay

Walong katangian na dapat taglayin ng tao upang


magtagumpay sa paggawa kalakip ng pagpupunyagi (Borg,
2010)
1. May maliwanag at tiyak na layunin
2. May malakas na hangarin
3. May tiwala sa sarili
4. May maliwanag at tiyak na plano
5. May tiyak at angkop na kaalaman
6. Nakikipagtulungan
7. May paninindigan
8. May matatag na pang-araw-araw na gawi

Gabay sa pagsasabuhay ng kasipagan at pagpupunyagi sa


paggawa
1. Simulan ang gawain nang may pasasalamat sa Diyos
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
2. Magkaroon ng mataas na sukatan sa pagganap sa gawain
3. Sikapin ang pag-unlad ng sarili sa gawain
4. Maging maayos at organisado sa paggawa
5. Ikalugod ang iyong gawain
6. Tingnan ang pagkakamali bilang paghamon sa pag-unlad ng
sarili sa gawain.
7. Panatilihin ang mataas na integridad sa pagganap ng tungkulin
8. Maging ligtas at malusog sa paggawa
C. Pakikipagpalihan Sa bahaging ito ay ipapagawa sa mga mag-aaral ang isang
Gawain sa Pagkatuto.

Tama o Mali
Panuto:
Isulat sa papel na ibibigay ng guro ang salitang Tama kung totoo
ang pahayag at Mali kung hindi totoo. Bibigyan ng guro ng tatlong
minuto ang mga mag-aaral upang gawin ang gawain.

Mali 1. Ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan ang


kailangan upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa.
Tama 2. Ang pagiging palatanong ay isang katangian na
makatutulong upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa.
Tama 3. Ang taong may kagalingan sa paggawa ay nagtataglay ng
pagpupuri at pasasalamat sa Diyos.
Mali 4. Ginagawa mo ang mga gawain kahit hindi mo alam kung
paano ito gagawin at kung para saan ito.
Tama 5. Ang matagumpay na tao ay may taglay na pagpapahalaga
sa buhay tulad ng kasipagan at pagiging malikhain.
D. Paglalapat Upang lubos na matiyak ang pagkatuto, ang guro ay
magbibigay ng mga Gawain sa Pagkatuto.

I. Panuto:
Buoin ang Venn Diagram na ibibigay ng guro gamit ang mga
pagkaunawang nabuo sa aralin. Bibigyan ng guro ng limang
minuto ang mga mag-aaral upang gawin ang gawain. Gawing
gabay sa pagsasagot ang mga sumusunod:

1. Sa loob ng malalaking bilog sa Venn Diagram (A, B, C), isulat


ang tatlong aspekto na mabibiyayaan ng mabuting paggawa ng tao.
Ang mga ito ay: a. sarili, b. kapwa at lugar ng paggawa, at c.
pamayanan o bansa
2. Isulat sa ibaba ng bawat aspekto ang mga benepisyo o ibubunga
ng kagalingan o kasipagan sa paggawa.
3. Isulat ang ugnayan ng dalawang aspekto sa espasyo kung saan
nag-ooverlap o nagsasanib ang dalawang bilog (D, E, F).

A B
D

E F

C
II. Panuto:
1. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang pangkat.
2. Mag-isip ng orihinal at kakaibang proyekto/produkto na
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
maaaring pagkakitaan kung saan maipamamalas ang kagalingan
sa paggawa.
3. Maghanda ng ulat ng mga kaganapan sa isinagawang proyekto
pagkalipas ng isang linggo. Lakipan ito ng mga larawan.
4. Ipaliwanag sa klase ang output ng gawain.
V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga mag-aaral ng kanilang naramdaman
Naunawaan ko _________ o reyalisasyon.
Nabatid ko __________
Panuto:
Kumpletohin ang pahayag at isulat ito sa kwaderno.

Sa araling ito, naunawaan/nabatid ko na ________________________.

Inihanda ni: Sinuri ni: Nabatid ni:

JHIEL EZRA D. ALMODIEL IRENE M. MARINO ELMER C. RAVINA


Guro III Dalubguro I Punongguro II

You might also like