AP LessonExemplar Modyul42

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10

Learning Area Araling Panlipinan 10


Learning Delivery Modality Face-to-Face (In-Person)
Pagbilao National
TALA
Paaralan High School Baitang Baitang 10
SA Araling
Guro Mr. Rodel F. Faller Asignatura panlipunan 10
PAGTUTURO
Ikatlong
Petsa Marso 11, 2024 Markahan Markahan
Bilang
Oras
ng Araw

I. LAYUNIN
B. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga Isyu ng
Pangnilalaman Karahasan at Diskriminasyon

Sa araling ito ay pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang na


D. Pamantayan sa ginagawa ng mga pandaigdigang organisasyon, pamahalaan at
Pagganap mamamayang Pilipino upang matugunan ang mga isyu at hamon
sa kasarian (gender identity) sa isyung panlipunan.
F. Mga Kasanayan sa Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayang
Pagkatuto Plipino sa mga
isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 3)
H. Pinakamahalagang Kognitibo Natutukoy ang mga Pagtanggap at Paggalang sa
Kasanayan sa (Cognitive) Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay.
Pagkatuto (MELC)
(Kung mayroon, isulat ang Pandamdamin Nakapagpapasya sa sarili ukol sa pantay na
pinakamahalagang (Affective) pagtingin at Pagalang sa kapwa
kasanayan sa Pagkatuto o
MELC)
Sayko-Motor Naikakabit ang kahalagahan ng mga prinsipyo
(Psychomotor) tungo sa pagkapantay pantay

J. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan)

II. NILALAMAN Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-


pantay.

III. KAGAMITAN PANTURO


B. Mga Sanggunian

b. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
d. Mga Pahina sa Deped, Araling Panlipunan 10, Ikatlong Markahan-Modyul 3:
Kagamitang Tugon ng Pamahalaan at Mamamayang Pilipino sa mga Isyu ng
Pangmag-aaral Karahasan at Distriminasyon.

f. Mga Pahina sa
Teksbuk
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
h. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning Resource
D. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo
 Powerpoint Presentation
para sa mga Gawain
 Laptop
sa Pagpapaunlad at
 Yeso at Pisara
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULA Gawain ng mag-aaral
I. Paunang Gawain
A. Magandang umaga sa inyong -Magandang umaga din po
lahat mga minamahal kong Ma’am.
mga mag-aaral.

Tumayo ang lahat para sa isang -Panalangin


Panalangin
B. Maaari ko bang malaman ang - Wala po
bilang ng liban sa araw na ito. - 1 po

C. Ngayon tingnan naman ninyo -Opo,nakuha at naitapon


at kunin ang mga basura na na po naming sa tamang
malapit sa inyong upuan upang basurahan ang mga
maging Maganda at malinis ang basura.
ating silid- aralan bago ang
ating talakayan.

Maraming salamat! Maaari ng


maupo ang lahat.

II. Balik-Aral
1. Magbigay ng batas at -Republic Act 9710 o Magna
Carta for women- nagsasaad ng
Organisasyon na nagbibigay ng mga karapatang
proteksiyon sa kalalakihan, pangkababaihan at parusang
kababaihan, at LGBTQIA+. nakaukol sa pagtapak nito.
-Republic Act 9262 -batas
kontra karanasan sa mga
kababaihan at mga anak nito.
-Republic Act 7192- integration
ng pagkakapantay ng babae at
lalaki; Kung saan ay dapat
makatanggap ng pantay na
oportunidad at pagkilala ang
mga babae sa lalaki.
-Patungkol naman sa mga
batas na pumoprotekta sa mga
kalalakihan at komunidad ng
LGBT, mahabang diskusyon at
debate pa din ang nakapaligid
dito.

2. Ano ang kahalagan nito sa iyo - para po sa akin mahalaga ang


bilang mag-aaral, kasapi ng batas upang maging ma ayos
lipunan at pamilya? ang ating lipunan at para may
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
pag kakaisa ang mga tao sa
isang lipunan.

III. PANIMULANG GAWAIN

Bago Tayo magsimula at magpatuloy


sa ating leksyon ngayong araw
maaring nyo bang basahin ang tula
ito.

PAGKAKAIBA
Ni: Marie Cris F. Tecson

Respeto! Pitong letra, isang salita


Wari' ba'y katumbas, mala-gintong
halaga Hirap matamasa, lalo kung sa
mata nila, ikaw ay iba.

Sino ka nga ba at sino nga ba sila?


Tayo nga ba'y may tunay na
pagkakaiba? Bakit 'di alisin ang
tingin sa limitadong nakikita ng mata
At simulang pakinggan ang hinaing
ng bawat isa?

Marahil ako'y rosas at ikaw ay asul At sa


kinalaunan bahaghari ay sumibol
Maaaring sa kulay, tayo'y nagkaiba
Ngunit hindi ba't sa isang obra, lahat ay
mahalaga?

Siya ngang sa mata ng tunay na May-


Akda Babae't lalaki tanging Kaniyang
likha Ang mapabilang sa pangatlong
kasarian Ay isa nga bang pagkakasala?

Iba-iba man ang ating kasarian Sa dulo'y


iisa pa rin ang ating pinagmulan Kaya’t
pagkakapantay-pantay ay itaguyod at
ipaglaban Sapagkat tayong lahat ay may
iisang karapatan.

Mga Gabay na tanong:


1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?
- Gustong ipahiwatig NG Tula
na kahit tayoy may pagkakaiba
iba kailangan nating irespeto
Ang bawat isa.
2. Anong damdamin ang namayani
sa iyo habang binabasa ang tula?
- Nalungkot ako at marami
Bakit? akong naalala, naalala ko Yung
mga maling bagay na ginagawa
NG iba sa kanilang kapwa dahil
it ay naiiiba.
Pero ito naging masaya ako
kase dito sa Tula na ito
pinapahalagahan Ang
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
pagrespeto sa bawat isa kahit
tayoy iba iba.
3. Sino-sino ang mga karakter na
ipinakikita sa tula? Ano ang - Siya,ako at ang iba pa.
kanilang pagkakaiba?
4. Paano makakamit ang respeto
ng iba’t ibang kasarian? - Makakamit ang respeto sa
iba't ibang kasarian sa
pamamagitan ng pagtanggap
nito,kung iba man ang kasarian
ng bawat isa ay dapat parin
natin irespeto dahil yun ang
mas nakakabuti sa lahat.
5. Bilang mamamayan, paano ka
makatutulong upang - Makakatulong ako sa
pamamagitan ng pagtanggap ko
maitaguyod ang pagtanggap at rin sa kasarian para kahit
paggalang sa kasarian? papaano matutularan rin nila
ito ang irespeto ang kasarian
dapat wag na tayong mag
alinlangan dahil kung ano
mang meron tayo ay dapat
tanggap natin dahil binigay ito
sa atin ng diyos.
B. PAGPAPAUNLAD Matapos natin matukoy ang halaga ng
inyong binasang tula. Tukuyin naman
natin ang Pagtanggap at Paggalang sa
Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-
pantay.

Handa na baga ang lahat! -opo ma’am

MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA

 Isang pangkat ng mga eksperto ang


nagpulong sa GADJAH MADA
UNIVERSITY sa Yogyakarta, Indonesia
noong Nobyembre 6-9, 2006
 Bumalangkas sila ng mga prinsipyo
na tinatawag na Mga Prinsipyo ng
Yogyakarta ukol sa Aplikasyon ng
Pandaigdigang Batas ng mga
karapatang Pantao kaugnay ng
Oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.
 Inaayon ito ng mga eksperto sa legal
na pamantayang pandaigdig, ang
Pandaigdigang Batas ng mga
Karapatang Pantao o Universal
Declaration of Human Rights (UDHR).

1.Ang karapatan sa unibersal na


pagtatamasa ng mga karapatang pantao
Lahat ng tao ay isinilang ng malaya at pantay
sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa,
anuman ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian, ay
nararapat na ganap na magtamasa ng lahat
ng karapatang pantao.
2.Ang mga karapatan sa pagkakapantay-
pantay at kalayaan sa diskriminasyon
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
lahat ng karapatang pantao nang walang
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-
pantay sa batas at sa proteksyon nito, nang
walang anumang diskriminasyon, kahit may
nasasangkot na iba pang karapatang pantao.
3. Ang karapatan sa pagkilala sa batas
Sa batas, ang lahat ay may karapatang
kilalanin bilang tao saan man. Ang mga
taong may iba-ibang oryentasyong seksuwal
at pagkakakilanlang pangkasarian ay dapat
na nagtatamasa ng mga kapasidad na legal
sa lahat ng aspekto ng buhay
4. Ang karapatan sa buhay
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang
sinuman ang maaaring basta na lamang
pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan,
kabilang ang may kaugnayan sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.
5. Ang karapatan sa seguridad ng pagkatao
Ang lahat ay may karapatan sa seguridad ng
pagkatao at sa proteksyon ng estado laban sa
karahasan o pisikal na pananakit, gawa man
ng mga opisyal-gobyerno o sinumang tao o
grupo.
6. Ang karapatan sa pribadong buhay
Ang lahat ay may karapatan sa pribadong
pamumuhay nang walang arbitraryo o labag
sa batas na pakikialam ng iba.
7. Ang karapatan na hindi arbitraryong
mapiit
Walang sinuman ang aarestuhin o ikukulong
nang arbitraryo o basta-basta na lamang.
Ang pag-aresto at pagkukulong dahil sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian, kahit na iniutos ng korte, ay
arbitraryo
8. Ang karapatan sa patas na paglilitis
Ang lahat ay may karapatan sa isang patas at
pampublikong paglilitis ng isang
mapapagkatiwalaan, independyente, at
walang kinikilingang hukumang itinatag ayon
sa batas
9. Ang karapatan sa makataong pagtrato
habang nakapiit
Ang lahat ng pinagkaitan ng kalayaan ay
tatratuhin nang makatao at may paggalang
sa angking dignidad ng isang tao. Ang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian ay hindi maihihiwalay sa
dignidad ng bawat tao.
10. Ang karapatan laban sa torture at sa
malupit, makahayop, o mapanghiyang
pagtrato o pagpaparusa
Ang lahat ay may karapatang hindi ma-
torture at hindi ipailalim sa malupit,
makahayop, o mapanghiyang pagtrato o
pagpaparusa sa anumang dahilan.
11. Ang karapatang maipagtanggol laban
sa lahat ng anyo ng pagsasamantala,
pagbebenta, at trafficking ng tao
Ang lahat ay may karapatang maging ligtas
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
sa trafficking, pagbebenta, at iba pang anyo
ng pagsasamantala, gaya, halimbawa, ng
pagsasamantalang seksuwal nang dahil sa
aktwal o inaakalang oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
12. Ang karapatan sa trabaho
Ang lahat ay may karapatan sa disente at
produktibong trabaho, sa makatarungan at
paborableng mga kondisyon sa paggawa, at
sa proteksyon laban sa disempleyo at
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
13. Ang karapatan sa social security at iba
pang proteksyong panlipunan
Ang lahat ay may karapatan sa social
security at iba pang proteksyong panlipunan
nang walang diskriminasyong bunga ng
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.
14. Ang karapatan sa sapat na pamantayan
ng pamumuhay
Ang lahat ay may karapatan sa isang sapat
na pamantayan ng pamumuhay, kabilang
ang sapat na pagkain, ligtas na inuming
tubig, angkop na sanitasyon at pananamit, at
sa patuloy na pagpapaunlad ng kalagayan sa
buhay.
15. Ang karapatan sa sapat na pabahay
Ang lahat ay may karapatan sa sapat na
pabahay, kabilang ang proteksyon sa
pagpapalayas nang walang diskriminasyong
nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
16. Ang karapatan sa edukasyon
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon,
nang walang diskriminasyong nag-uugat at
sanhi ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga
Estado ay dapat tumiyak na ang edukasyon
ay nakatuon sa pag-unlad ng personalidad,
talino ng bawat estudyante, at ng kanilang
abilidad na mental at pisikal sa kasukdulan
ng kanilang potensyal; at tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga estudyante,
anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal
at pagkakakilanlang pangkasarian.
17. Ang karapatan sa pinakamataas na
pamantayan ng kalusugang makakamit
Ang lahat ay may karapatan sa
pinakamataas na pamantayan ng kalusugang
pisikal at mental nang walang
diskriminasyong bunga ng oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Batayang aspekto ng karapatang ito ang
kalusugang seksuwal at reproduktibo.
18. Proteksyon laban sa mga abusong
medical
Walang sinuman ang mapipilit na sumailalim
sa anumang medikal o sikolohikal na
panggagamot, proseso, at pagsusuri, o kaya’y
bimbinin sa isang pasilidad na medikal nang
dahil sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
19. Ang karapatan sa malayang paglalahad
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
ng opinyon at pamamahayag
Ang lahat ay may karapatan sa malayang
opinyon at pamamahayag, anuman ang
kanilang oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Kabilang
dito ang paghahayag ng anyo o pagkatao sa
pamamagitan ng pananalita, pagdadala ng
sarili, pananamit, katangian ng katawan,
pagpili ng pangalan, o iba pa
20. Ang karapatan sa malayang asembleya
at pagsapi sa mga Samahan
Ang lahat ay may karapatan sa malayang
pagtitipon at pagsapi sa mga samahan,
kabilang ang nauukol sa mapayapang
demonstrasyon.
21. Ang karapatan sa malayang pag-iisip,
konsensiya, at relihiyon
Ang lahat ay may karapatan sa malayang
pag-iisip, konsensiya, at relihiyon. Hindi
maaaring gamitin ng Estado ang mga
karapatang ito upang pangibabawin ang mga
batas, patakaran, o gawi na pumapawi sa
pantay na proteksyon ng batas, o kaya’y
nagdudulot ng diskriminasyong sanhi ng
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.
22. Ang karapatan sa malayang pagkilos
Ang lahat ng naninirahan nang legal sa loob
ng isang Estado ay may karapatang pumunta
kung saan nila gusto, at manirahan saan
man sa nasasakupan ng nasabing Estado.
23. Ang karapatang humanap ng asilo
Ang lahat ay may karapatang humanap at
magtamasa ng asilo o santwaryo sa ibang
bansa upang makaligtas sa pang-uusig.
Hindi maaaring alisin, palayasin, o ipatapon
ng isang Estado ang isang tao sa kung saan
siya ay maaaring pahirapan, usigin, o
dumanas ng pagmamalupit, makahayop o
mapanghiyang trato, o pagpaparusa bunga
ng oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian niya.
24. Ang karapatang magbuo ng pamilya
Ang lahat ay may karapatang magbuo ng
pamilya, anuman ang kanilang oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang mga pamilya ay may iba-ibang anyo.
Walang pamilya ang dapat na dumanas ng
diskriminasyon dahil sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
ng sinuman sa mga myembro nito.
25. Ang karapatang lumahok sa buhay-
pampubliko
Bawat mamamayan ay may karapatang
sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang
karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo
ng mga patakarang may kinalaman sa
kaniyang kapakanan at upang mabigyan ng
pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa
mga pampublikong ahensya,.
26. Ang karapatang lumahok sa buhay-
pangkultura
Ang lahat, anuman ang kasarian ay may
karapatang lumahok nang malaya sa buhay-
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
pangkultura at upang ipahayag, sa
pamamagitan ng pagsali sa mga usaping
pangkultura.
27. Ang karapatang magtaguyod ng mga
karapatang pantao
Ang lahat ay may karapatan, bilang
indibiduwal, o sa pakikipagtulungan sa iba,
na magtanggol at magpatupad ng mga
karapatang pantao sa pambansa at
pandaigdigang saklaw nang walang
diskriminasyong sanhi ng oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
28. Ang karapatan sa mabibisang lunas at
pagtutuwid ng kamalian
Bawat biktima ng paglabag sa mga
karapatang pantao, ay may karapatan sa
mabisa, sapat, at karampatang mga remedyo.
Ang mga hakbang na naglalayong magbigay
ng reparasyon, o nauukol sa ikabubuti ng
mga biktimang may iba-ibang oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian,
ay hindi maihihiwalay sa karapatan para sa
mabibisang lunas at pagtutuwid ng
kamalian.
29. Pananagutan
Karapatan ng lahat na biktima ng paglabag
sa mga karapatang pantao, kabilang ang mga
nakapaloob sa Mga Prinsipyong ito, na
papanagutin ang mga maysala, sila man ay
tuwiran o di-tuwirang responsable, opisyal
man ng gobyerno o hindi.

GENDER AND DEVELOPMENT (GAD)

 Ito ay isang pananaw at proseso ng


pag-unlad na mayroong pakikilahok
at nagbibigay lakas, pagkakapantay-
pantay, napapanatili, malaya sa
karahasan, may paggalang sa
karapatang pantao, sumusuporta sa
pagpapasiya sa sarili at
pagsasakatuparan ng mga kakayahan
ng tao.
 Ito ay binuo noong 1980 bilang
alternatibo sa Women in Development
(WID).
 Ang pangunahing pokus ng GAD ay
ang dalawang mahalagang balangkas
nito, ang Gender Roles at Social
Relations Analysis
 Ang Gender Roles ay nakatuon sa
pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa
lipunan at ang pagiging patas ng
lalaki at babae sa pagkukunan ng
pangkabuhayan.
 Ang Social Relations Analysis naman
ay nakatuon sa pag-aaral ng
panlipunang katayuan ng kalalakihan
at kababaihan sa lipunan.
 Ninanais ng GAD na ang mga
kababaihan ay may kaparehong
pagkakataon tulad ng kalalakihan,
kabilang na rito ang kakayahang
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
lumahok sa pampublikong sektor.

Gender and development sa pilipinas

 Ang Plano ng Pilipinas para sa


Gender and Development, para sa
mga taong 1995-2025, ay isang
pambansang plano na tumutugon at
naglalayon ng pagkakapantay-pantay
at kaunlaran para sa kalalakihan at
kababaihan.
 Ito ng dating Pangulong Fidel V.
Ramos bilang Executive Order No.
273, noong Setyembre 8, 1995.
 Ang gobyerno ay naglalaan ng 5
porsiyento ng badyet para sa iba’t
ibang ahensiya nito.
o Ito ay upang higit na
mapagbuti ang mga polisiya at
patakaran ukol sa
pagpapaunlad ng kasarian.
Gayundin, ang bawat ahensiya
ng gobyerno ay naglalayon na
makapagsagawa ng mga
pagsasanay para sa
pagpapaunlad ng kasarian at
matugunan ang isyu ukol rito

A. C.PAKIKIPAGPALIHAN Ang guro ay magpapagawa ng Gawain


sa mga mag aaral.

Kasunod nito ay maari Ninyo ulit


sagutan ang gawaing ito.

Panuto: Sumulat ng isang patalastas o


anunsyong pandyaryo o pantelebisyon na
nagpapakita ng mga pamamaraan sa
pagtanggap at paggalang sa kasarian
tungo sa pagkakapantay-pantay.
Gamiting gabay ang mga pamantayan sa
rubrik. Isulat ang iyong sagot sa isang
papel.

B. D. PAGLALAPAT Upang lubos na matiyak ang pagkatuto,


ang guro ay magbibigay ng mga Gawain
sa Pagkatuto.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang


PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
bawat pahayag, sitwasyon, at tanong. Isulat
ang iyong sagot sa isang papel.
1. Patuloy na nagpapatupad ang pamahalaan
ng mga hakbang upang maitaguyod ang
karapatan ng bawat isa sa edukasyon
anuman ang kasarian. Alin sa mga
sumusunod ang hakbang na ito ng
pamahalaan?
A. Balewalain ang disiplina sa mga
institusyong pang-edukasyon
B.Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong
guro at kawani sa paaralan.
C. Hindi pagbibigay sa mga pangangailangan
ng mag-aaral, kawani at guro.
D.Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa
pag-unlad ng paggalang sa mga karapatang
pantao.
2. Kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang
isang lalaki. Siya ay tinanggihan ng ilang
mga ospital upang gamutin. Anong
karapatan niya ayon sa Yogyakarta ang
binalewala?
A. karapatan na tanggapin sa ospital
B.karapatan sa mga pasilidad ng ospital
C.karapatan sa social security at iba pang
proteksyong panlipunan
D.karapatan sa pinakamataas na
pamantayan ng kalusugang makakamit
3. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya
ay may karapatang maipagtanggol ang sarili
sa tulong ng isang abogado sa harap ng korte
o hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta
ang nagsasaad nito?
A. karapatan sa patas na paglilitis
B.karapatan na seguridad ng pagkatao
C.karapatan sa hindi arbitraryong mapiit
D.karapatan sa makataong pagtrato habang
nakapiit
4. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang
kauna-unahang mambabatas na
transgender. Siya ang nagpanukala ng
SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng
Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?
A. karapatang mabuhay
B.karapatan sa trabaho
C.karapatang lumahok sa buhay-pampubliko
D.karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng
mga karapatang pantao.
5. Ang karahasan at diskriminasyon ay
patuloy na nararanasan ng iba’t ibang
kasarian sa lipunan. Kaya, ang mga
kinatawan ng mga grupong nagsusulong ng
karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong
Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia upang
pagtibayin ang isang pandaigdigang
pakikibaka para sa isyu ng oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Ano ang naging bunga ng pagtitipong ito?
A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta.
B.pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+
C.pagbuo ng komisyon ng karapatang ng mga
kasarian
D.pagkakabuo ng samahan na nagsusulong
sa kasarian
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10
6. Hindi ininda ng mga miyembro ng
LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang
mapayapang demonstrasyon upang
maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang
pangungusap ay nagpapahayag na: A.
anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
B. ang lahat ay may karapatan sa malayang
asembleya
C. ang lahat, anuman ang kasarian ay
malaya sa pagpili ng relihiyon
D.walang sinuman ang maaaring pigiling
magtungo kung saan nila gusto
7. Ito ay pamimilit sa isang taong sumailalim
sa isang sikolohikal na paggagamot,
pagsusuri o kaya’y pagbimbin sa isang
pasilidad na medikal.
A. abusong medikal C. pribadong buhay
B.malayang pagkilos D. sapat na
kalusugan
8. Ayon sa Gender and Development ang
lalaki at babae ay mayroong pantay na
pagkakataon sa pagkukunan ng kabuhayan
para sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang nagpapakita nito? A. pantay na
pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman
B.pantay na access sa ligtas at malusog na
kapaligiran
C.patas na pagbibigay ng mga insentibo sa
pagbili ng pangangailangan
D.pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya
sa lahat ng antas sa trabaho
9. Ito ay pagtatamasa ng mga kapasidad na
legal sa lahat ng aspekto ng buhay anuman
ang kasarian.
A. pribadong buhay C. pagkilala ng batas
B.maka-taong pagtrato D. seguridad sa
pagkatao
10. Isang aplikanteng lalaki ang hindi
tinanggap sa paaralang kaniyang inaaplayan
sapagkat pawang mga babae lamang ang
nagtuturo rito. Anong prinsipyo ng
Yogyakarta ang nabalewala?
A. karapatang mabuhay C. karapatan sa
malayang pagkilos
B.karapatan sa trabaho D. karapatang
magbuo ng pamilya

C. V.PAGNINILAY Ang Aking Repleksiyon!

Mula sa mga paksang tinalakay hinggil


sa Ang Pagtanggap at Paggalang sa
Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-
pantay.

Gumawa ng isang repkeksyon na may


kaugnayan sa iyong mga natutunan at
mga bagay na ninanais maisagawa
upang mapagtagumpayan ang mga
hamon ukol sa diskriminasyon sa
kababaihan at LGBTQIA.
PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 1-10

D. ASIGNATURA

Panuto: Punan ng angkop na mga


kasagutan ang “Bintana ng Pag-
unawa sa Paggalang at Pagtanggap sa
Kasarian”. Gayahin ang pormat sa
ibaba. Isulat ang sagot sa isang papel.

Inihanda ni: Sinuri: Nabatid:


Michelle M. Moratalla RODEL F. FALLER AGRIFINA A. CAPISTRANO, EdD.
Student Teacher Cooperating Teacher Master Teacher I

You might also like