Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

What is ?

Gabay sa pagsasagawa ng Buwanang Pulong

Who are Binhi?


Ang Binhi sa Kapisanan sa Iglesia na kinabibilangan ng mga bautisadong
kabataan na mula edad labindalawa (12)hanggang sa edad labimpito (17).
Ang mga kaanib sa Kapisanang Binhi ay ang mga kabataang nasa kritikal
na estado – hindi masasabi na dalaga at binate at hindi na rin mga musmos
na dumadalo sa Pagsamba ng Kabataan – ang edad ng isang Binhi ay
tinatawag na adolescents.

When Binhi Established?


Itinatag ng Pamamahala ang Kapisanang Binhi at KADIWA noong October
1973 sa panahon ng Kapatid na Erano G. Manalo.

Why Binhi was established?


 Binhi’s Vision Statement
“Uliran at mananampalatayang mga kabataang Iglesia ni Cristo
na nagpapahalaga sa karunungan at kaalaman.”
 Binhi’s Mission Statement
“Isulong ang masiglang paglilingkod sa Diyos, mataas na uri ng
paggalang sa magulang, at mataas na pagpapahalaga sa pag
aaral.”

As a Binhi member, what are the benefits I could get?


1. Aktibidad
Maraming aktibidad ang Kapisanang Binhi na ating mapapakinabangan.
Ang mga aktibidad na inilulunsad ng Kapisanang Binhi ay tutulungan
tayo sa ating pag-aaral, kalusugan, pakikipagkaibigan at marami pa.
Narito ang ilang halimbawa ng aktibidad ng Kapisanang Binhi:
a. Unity Games – basketball, volleyball, badminton, board games
b. Socializing – Get Together, Friendship day
c. Entertainment – Band Together, Hand Mime, Speech Choir,
Himig ng Kaligtasan, Songs of Faith Love & Hope, Videoke
Challenge, Rap contestd.

d. Arts – Poster Making Contest, Painting Contest, Sketch Making,


Drawing
e. Seminar – Leadership workshop, Public Speaking seminar,
Effective learning seminar, Career guidance
f. Environment –clean-up drive, tree planting
g. Educational - English speaking training, Efficient Learning Habits,
Spelling Bee

2. Buwanang Pulong
Isang beses sa isang buwan ay nagtitipon ang lahat ng mga kaanib sa
Kapisanang Binhi para tumanggap ng payo, paalala at saway ng
Pamamhala. Dito matututunan kung paano dapat mamuhay ang isang
kabataang Cristiano para huwag madaig at gumaya sa mga masasamang
ugali ng mga taga-sanlibutan. Malaki ang pakinabang natin kapag lagi
tayong dumadalo sa Buwanang Pulong dahil tayo ay gagabayan at
tutulungan sa ikapagtatamo ng maganda at matagumpay na kinabukasan.
Minsan ay isinasagawa ito sa Lokal (Gusaling Sambahan) o sa bawat Purok
(dako) batay sa itatagubilin ng mga Maytungkulin sa Kapisanang Binhi.

3. Real & Happy Friendship


Ang totoong kaibigan ay hindi ka dadalhin sa masama. Kaya kung ang
kaibigan mo ay mahilig manungayaw at ito’y nagaya mo,
nangangahulugan lamang na masamang impluwensya ang iyong mga
kaibigan. Ang tunay na kaibigan ay matatagpuan sa Kapisanang Binhi.
Kapag lagi kang dumadalo ng aktibidad, buwanang pulong at mga
pagtitipon sa Gusaling Sambahan, marami kang makikilala at
makakaibigan. Ang totoo, “kapatid” pa ang turing natin sa isa’t isa.

What are the prohibition to all Binhi members?


1. Bawal ang Pagsali sa Fraternity/Sorority/Gang at iba pang kauri
nito.
Sa halip na sumama sa mga grupo-grupo sa paaralan, tayo ay masiglang
lumahok sa CBI o Christian Brotherhood International sa ating paaralan.
Walang kabuluhan ang pagsali sa ganyang mga grupo at magdudulot pa
ng kapahamakan.

2. Bawal ang anomang uri ng Bisyo


Sakit na nakamamatay, gastos at pahirap ang idudulot ng anomang uri ng
bisyo. Huwag tayong magtangka na sumubok ng anomang uri ng bisyo.

3. Masama ang pagkahantong sa mga online games addiction


Maaring hindi lahat ng mahilig maglaro sa mga online o mobile games ay
may addiction.

Paano ba natin masasabi na ang isang kabataan ay masydong nahumaling


sa paglalaro ng online games o paggamit ng social media?

I. Napapabayaan ang pag-aaral dahil rito


- Dahil sa walang disiplina sa paglalaro ng online games at paggamit
ng social media, naging mababa ang kanyang grado.
II.
Ayaw sumunod at tumulong sa mga Magulang
- Hindi naman tayo pinagbabawalan ng ating mga magulang na
maglaro ng online games/mobile games. Kaya lang nila tayo
sinasaway sa paggamit nito dahil hindi na tayo tumutulong sa
gawaing bahay. Tayo ay nakatira ng tahanan kaya obligasyon nating
tumulong sa ikaaayos ng ating sambahayan.
III. Nagiging tamad sa mga mga Gawaing Paglilingkod
- Ang masama sa ilang mga kabataan ay nakapaglalaan ng oras sa
paglalaro sa computer o mobile games ngunit kinatatamaran niya
ang mga pagdalo sa gawaing espirituwal. Bilang mga kaanib sa
Kapisanang Binhi, dapat makita sa atin ang kasiglahan, may
partisipasyon sa mga gawain at pamamahayag, nagmimisyon,
dumadalo ng aktibidad at walang absent sa pagsamba.

4. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga Binhi ang pakikipagtipan


Kaninoman.S
Hindi binibigyan ng atensyon ng isang Binhi ang pakikipagtipan dahil
alam niyang ang ito ay paghahanda sa buhay may asawa. Ang
pinaghahandaan ng Binhi ay ang kanyang kinabukasan o career. Hindi
nagpapaapekto ang isang Binhi kung nakikita niya na ang kanyang mga
kaklase o kaibigan ay nahulog sa pakikipagtipan. Alam ng isang Binhi
naito ang daan ng magandang kinabukasan. Makakamit ito kapag
nagsikap mag-aral, sumunod sa mga magulang at prayoridad ang pagka
Iglesia ni Cristo.
Ang pakikipagtipan sa isang Binhi ay hahadlang sa magandang buhay sa
hinaharap. Mamili tayo: Maayos na buhay o walang direksyon at maling
buhay. Piliin ang tama.
IGLESIA NI CRISTO
KAPISANANG BINHI
Pahayag ng Paninindigan
(WITH OATH PAUSE)

Iibigin ko ang Diyos at ang ating Panginoong Jesus/ nang buong puso, buong
pag-iisip at buong kaluluwa./ Pahahalagahan ko ang Iglesia Ni Cristo/ at
pasasakop ako sa kanyang Pamamahala/ sa lahat ng sandali ng aking buhay./
Dahil dito, paninindiganan ko ang mga bagay na sumusunod:/

1. Magiging masiglang kaanib ako ng kapisanang binhi/ at makikipagkaisa


ako/ sa mga adhikain at mga layunin nito./
2. Ako’y hindi makikipagtipan/ o mag-aasawa ng taga-sanlibutan./
Itataguyod ko ang malinis at banal na pamumuhay./ Hindi ako
makikisangkot sa mga kalayawan/ o anumang masamang gawain/ tulad
ng paglalasing/ at paggamit ng ipinagbabawal na gamot./
3. Pagsisikapan ko na mapaghandaan/ ang ukol sa ikapagtatamo ng matatag
na kinabukasan./ Itataguyod ko ang kasipagan at pagpupunyagi/ tungo
sa ikapagtatamo ng matatag at malinis na ikinabubuhay./
4. Iibigin ang aking mga magulang/ at papasakop ako sa kanilang mga
palatuntunan/ na hindi labag sa mga aral ng Diyos./ Sila’y aking
paglilingkuran/ at tutulong ako sa ikatatatag ng aming sambahayan./
5. Ako’y maglilingkod sa Panginoong Diyos/ at sa ating Panginoong Jesus/
at aking itataguyod ang maunlad na buhay espiritwal/ tungo sa
ikapagtatamo ng pangakong kaligtasan./

You might also like