Module 1 AP9 Q1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Araling Panlipunan

Unang Markahan
Modyul 1: KONSEPTO NG
EKONOMIKS
Revised 2021
Pambungad sa Araling Panlipunan 9
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayupaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education Division of Cebu City – Region VII


Office Address: Imus Ave., Day-as, Cebu City
Telefax: 255-1516
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph
Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 1: Ang Pangunahing
Konsepto ng Ekonomiks

Tagalikum/Tagapagkontekswalisa
CHRISTINE A. ARENDAIN
Budla-an Integrated School
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ninanais ding
matulungan kang makamit ang pamatayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag- aaral.
Ang tulong-aral na ito ay inaasahang makakaugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang inyung pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Balikan/ Panimulang Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
awain upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
uklasin Suriin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
Pagyamanin sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong
Isaisip natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sagawa sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Tayahin Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Karagdagan
g Gawain
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain
Pagwawasto sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Modyul
Ang Kahulugan at Konsepto
1 ng Ekonomiks
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
Pamantayang Pangkasanayan:
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiya
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
Kakayahan:
Nailalapat ang Kahulugan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.
Paksa/Code: Ang Kahulugan at Konsepto ng Ekonomiks (AP9MKE-1a-1)

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t-ibang
aralin sa modyul na ito. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
1. Anong salitang Griyego na ang kahulugan ay bahay?
A. Oikos B. Nomos C. Hucos D. Cosmos
2. Alin sa pagpipilian ang tumutukoy sa mga yamang nauubos at hindi na
mapalitan sa paglipas ng panahon?
A. Tao B. Pera C. Likas D. Kapital
3. Ang mga sumusunod mga halimbawa ng yamang kapital, alin ang hindi kabilang?
A. Oras B. Gusali C. Imbakan D. Makinarya
4. Ano ang tawag sa ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay?
A. Choice B. Incentives C. Opportunity Cost D. Trade-off
5. Ano ang ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon?
A. Choice B. Incentives C. Trade-off D. Opportunity Cost
6. Ang Ekonomiks ay hango sa salitang Griyego na oikonomia ayon kay (Viloria,
2000), ano ang kahulugan ng salitang Oikos?
A. Bahay B. Pamamahala C. Pamayanan D. Sambahayan
7. Ano ang tawag sa mga yaman na nakakatulong sa paglikha ng produkto na may
limitasyon din ang dami na maaaring malikha?
A. Tao B. Pera C. Likas D. Kapital
8. Ano ang tawag sa pagbibigay ng karagdagang allowance ng nga magulang
kapalit ng mas mataas na marka na pinagsisikapang makamit ng mga
mag-aaral?
A. Choice B. Incentives C. Marginal thinking D. Trade-off
9. Dito sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay
gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon, ano ang
tinutukoy dito?
A. Choice B. Trade – Off C. Incentives D. Marginal thinking
10. Alin ang hindi kabilang sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya
na kapaki-pakinabang sa lahat?
A. Gaano karami? C. Saan gagawin?
B. Paano gagawin? D. Ano ang gagawin?
11. Dito nagmula ang pagpaplano kung paano hahatiin ang mga gawain at
pagpapasya kung hahatiin ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan. Ano ang tinutukoy nito?
A. Bahay B. Pamamahala C. Pamayanan D. Sambahayan
12. Kung ikaw ay taong rasyonal, ano ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng
desisyon?
A. Mga hilig at kagustuhan.
B. Mga dinaluhang okasyon.
C. Mga paniniwala, mithiin, at tradisyon.
D. Ang opportunity cost sa pagdedesisyon.
13. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan sa kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao
na nakakaimpluwensiya sa kanilang padedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay ang pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng
kakapusan.
14. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Bakit
may nagaganap na may trade-off at opportunity cost?
A. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao.
B. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer.
C. upang makagawa ng produktong kailangan sa pamilihan.
D. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo.
15. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman
tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng
kakapusan ang mga ito?
A. Dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad ma pumipinsala sa
mga pinagkukunang-yaman.
C. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga
produktong ibenebenta sa pamilihan.
D. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa
pinagkukunang- yaman ng bansa.

Aralin 1- Ang Kahulugan at Konsepto ng Ekonomiks

Alamin Natin

Kumusta mga mag -aaral sa ekonomiks? Sana patuloy tayong maging positibo sa
harap ng pandemic na kinakaharap natin. Sama-sama nating labanan ito at
harapin na may buong tapang at ngiti. Ang hamon ng ating pamumuhay sa
araw-araw.
Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa Kahulugan at Konsepto ng ekonomiks.
Inaasahan na nasusuri ng mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
A. Nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng salitang Ekonomiks;
B. naisasabuhay ang konsepto ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay;
at
C. nakabubuo ng matalinong pagpapasya at pagtugon sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
Panimulang Gawain
LARAWAN-SURI: Suriin ang larawan sa ibaba at pagkatapos sagutin ang
pamprosesong tanong.

https://www.vox.com./platform/amp/2020/4/13/2120583

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga konseptong nakapaloob sa larawan?
2. Bakit kailangang matugunan ang mga usaping ito?
3. Paano ito maiuugnay sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
4. Paano ba naaapektuhan ang kabuhayan at pamumuhay nating mga
mamamayan sa kinaharap na COVID-19?

Tuklasin at Suriin

Bakasin natin ang kahapon!


Panuto: Makikita sa ibaba ang mga iba’t-ibang kaisipan sa pagsilang ng
ekonomiks. Tunghayan ang papel na ginampanan ng mga ekonomista. At
pagkatapos sagutin ang pamprosesong tanong.
https://www.slideshare.net/mobile/dach121811
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang inilahad ng nasa larawan?
2. Bakit nararapat na bigyang - pansin ang mga impormasyong ibinigay ng
mga ekonomista sa itaas?
Halika at sabay tayong magbasa. Tara na! Tuklasin natin ang kahulugan ng
ekonomiks.
Ang Ekonomiks ay isang Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan
ang tila walang katapusang pangangailangan ng tao gamit ang pinagkukunang-
yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia,oikos ay
nangangahulugang bahay,at nomos na pamamahala (Viloria,2000).
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw,1997). Ang
sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga
desisyon. Nagpaplano kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring
nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain,
tubig,tirahan, at iba pang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t-
ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung anu-
anong produkto at serbisyong gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano
karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan
sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga
pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng
limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limistayon ang kakayahan ng
tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang
likas at kapital. Ang yamang-likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng
makinarya, gusali at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang
dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan
batay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na paki-pakinabang
sa lahat.
Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-araw-araw
na suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng
bawat indibidwal pati ang mag-aaral na katulad mo.
Ngayong nauunawaan na natin ang kahulugan at konsepto ng ekonomiks.
Mahalagang masagot natin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang kahulugan ng ekonomiks?
2. Sa anong paraan may pagkakatulad ang ekonomiya at sambahayan?
3. Bakit ang kakapusan ang pinagtuunan sa pag-aaral ng ekonomiks?
Dahil nasagot na natin ang katanungan sa itaas. Dadako naman tayo sa
mahalagang konsepto ng ekonomiks.
Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at
marginal thinking ay makakatulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging
rasyonal ang bawat pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba.
- Ito ay ang pagpili o pagsasakrispisyo ng isang bagay kapalit
ng ibang bagay. -Mahalaga ang trade-off, sapagkat sa
Trade-off pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpilian sa
pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aral ka
ba o maglaro?
-Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative
na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case,
Opportunit Fair , at Oster, 2012).
-Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang halimbawa ay
y Cost ang halaga ng pag-aaral na pinagpalibang gawin.
-Ito ay isang bagay na inaalok sa isang tao upang siya ay
magpursiging makamit ang isang bagay. At ito ay
nakapagbago ng desisyon (brainly.ph).
Incentives -Halimbawa ang pagbibigay ng karagdagang allowance ang
mga magulang kapalit ng mas mataas na marka na
pagsisikapang makamit ng mag-aaral.

Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang


karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang
Marginal na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa gagawing
desisyon sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang
thinking allowance at mataas na grado, ay masasabing maaaring
maging matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao.

Isaisip

Panuto: Punan ng tamang salita ang pahayag upang mabuo ang konseptong
nakapaloob dito.

Ang Ekonomiks ay isang Agham 1. na nag-aaral kung paano matugunan


ang tila walang katapusang 2. at kagustuhan ng tao gamit ang
pinagkukunang- 3. .Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia,4.
ay nangangahulugang bahay,at 5. na pamamahala .Ang mga kaalaman sa
konsepto ng trade-off, opportunity cost, 6. , at marginal thinking ay
makakatulong sa 7. pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat
8. ng desisyon.
Pagyamanin at Isagawa

Panuto: Iangkop ang sitwasyon mula sa Hanay A at B. Isulat ang tamang titik
ng tamang sagot bago ang bawat bilang.
A B
Suliranin Solusyon
.1. Nawalan ng hanapbuhay ang ama. A. Matuto at muling bumangon.
2. Laganap ang korapsyon sa bansa. B. Muling pagtatanim ng puno.
3. Maliit ang marka. C. Pagtugon sa pagbibigay-trabaho.
4. Nabuntis sa murang edad. D. Pagtatanim ng gulay at prutas.
5. Pagkaubos ng mga puno. E. Makinig sa payo ng pamahalaan.
6. Pangingibang bayan. F. Pagpaplano ng pamilya.
7. Kakulangan sa pagkain. G. Didiskarte gamit ang kakayahan
8. Palaging huli sa oras. H. Pahalagahan ang bawat panahon.
9. Paglobo ng populasyon I. Magsikap sa pag-aaral
10. Pagtaas ng kaso ng COVID-19. J. Pagsuplong sa kinauukulan

Tayahin
Ngayong natalakay na natin ang mga aralin sa modyul 1. Inaasahan ko na
masagutan natin ng buong husay ang mga katanungan sa ibaba.
Panuto: Isulat ang titik ng pinaka tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng incentives?
A. paggawa ng gawaing bahay o matulog
B. paggawa sa gawaing bahay sa halip matutulog
C. binigyan ng perang pang-load si Anna dahil ginawa niya ang
gawaing bahay
D. natutunan ni Mando ang maging responsable sa pagtulong sa
gawaing bahay
2. Mula sa bilang 1, sa pagkatuto ni Mando na maging responsable sa pagtulong sa
gawaing bahay, ano ang katawagan nito?
A. Choice B.Trade-off C. Incentives D. Marginal thinking
3. Ang salitang ekonomiks ay hango sa dalawang salita Oikos at nomos, ano ang
ibig sabihin nito?
A. Pagbuo ng produkto
B. Pamamahala sa bahay
C. Pagpalitan ng produkto
D. Pamamahala sa pamahalaan
4. Alin sa mga sumunod ang hindi kabilang sa sanhi ng kakapusan sa likas
na yaman?
A. Pagkaubos ng punong kahoy sa kabundukan.
B. Pagpapalawig ng mga minahan sa mga negosyante.
C. Patuloy na pagtambak ng mga katubigan para sa gawaing komersyal.
D. Pag-igting ng mga batas at programa sa pagprotekta sa likas na yaman.
5. Sa pagkalat ng pandemya na COVID-19. Naging suliranin ang pagtugon sa
kakulangan ng mga protective gear gaya ng PPE, face mask, medical
supplies at iba pa. Alin ang hindi kabilang sa apat na pangunahing
katanungang pang- ekonomiya upang matugunan ang kakulangan sa
mga nabanggit sa itaas?
A. Gaano karami? C. Paano gagawin?
B. Saan gagawin? D. Ano ang gagawin?
6. Sa panahon ng COVID-19 pandemic, paano mo mapamahalaan ang
suliranin kung sakaling ikaw ay nawalan ng trabaho?
A. Batikusin ang ang pamahalaan.
B. Maghintay ng ayuda mula sa gobyerno.
C. Hahanap ng paraan gaya ng online selling.
D. Manghingi ng suporta mula sa may kayang kamag-anak.
7. Alin ang hindi kabilang sa limitasyon ng dami ng maaaring malikha na produkto
at serbisyo sa yamang kapital?
A. Dahil ito ay naluluma
B. Dahil nakapagbagal sa pagbuo ng produkto at serbisyo
C. Dahil nangangailangan ng yamang tao sa paggamit nito
D. Dahil walang kakayahan ang ibang mamamayan sa pagbili nito
8. Paano nakakatulong ang matalinong pagdedesisyon gamit ang mga
kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal
thinking? Upang
A. Aktibo na makisapi sa lipunan.
B. Maging handa para sa kinabukasan.
C. Maging rasyonal sa bawat pagbuo ng desisyon.
D. Mapunan ang kagustuhan at pangangailangan.
9. Bahagi na ng buhay ng tao ang choice. Sa pagpoproseso ng pagpili mula sa
choice, hindi maiwaiwasan ang trade-off, alin sa mga sumusunod ang halimbawa
nito?
A. Mag-aral ka ba o maglaro?
B. Ang matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao.
C. Paglalaro sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aaral na
pinagpalibang gawin.
D. Ang pagbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit
ng mas mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagiging taong rasyonal sa
paggawa ng desisyon?
A. Inilagay ni Xhiamy sa alkansya ang kanyang sobrang allowance.
B. Nagluluto si Joy ng kanin na kasya lamang sa kanilang hapunan.
C. Pinag-isipang maigi ni Juphe kung anong kurso ang kukunin sa kolehiyo.
D. Hinayaan ni Glaiza na bukas ang kanilang telebisyon kahit hindi siya
nanonood.
11. Bakit maituturing na mahalaga ang papel na ginampanan ng mga
Griyego sa pag-aaral ng ekonomiks noon at ngayon? Dahil
A. Sa kanilang kagalingan sa larangan ng ekonomiks.
B. Gusto ng mga pinuno na gamitin ang kanilang talino.
C. Nagmula sa kanila ang tanyag na pangunahing
unibersidad sa mundo.
D. Sa kanila unang naipakilala ang konsepto ng
pag-aaral ng ekonomiks.
12. Ang Trade-off ay ang pagpili o pagsasakrispisyo ng isang bagay kapalit
ng ibang bagay. Bakit mahalaga ito? Sapagkat
A. Ito ang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa
ng desisyon
B. Ito ay isang bagay na inaalok sa isang tao upang siya ay
magpursiging makamit ang isang bagay.
C. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga
pagpilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.
D. Dito sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga,
maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing
desisyon.
13. Alin sa mga sumusunod ang papel na ginampanan ng sambahayan sa pag-
aaral ng ekonomiks?
A. Dito pinatuunang pansin ang mga kilos at gawi ng tao.
B. Dito nalikha ng mga produkto at serbisyo sa isang ekonomiya.
C. Sila ang gumawa ng desisyon kung anu-anong produkto at serbisyong
gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.
D. Dito nagmula ang pagpaplano kung paano hahatiin ang mga
gawain at pagpapasya kung hahatiin ang limitadong resources sa
maraming pangangailangan at kagustuhan.
14. Ano ang pangunahing layunin sa pag-aaral ng ekonomiks? Upang
A. Malabanan ang krisis na kinakaharap ng bansa.
B. Matutunan ang pagdidiskarte sa harap ng hamon sa buhay.
C. Matutunan kung paano maging responsableng mamamayan.
D. Matugunan ang tila walang katapusang kagustuhan
at pangangailangan ng tao dulot ng limitadong
yaman.
15. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman
tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng
kakapusan ang mga ito? Dahil
A. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala
sa mga pinagkukunang-yaman.
B. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang-yaman
ng bansa.
C. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong
ibenebenta sa pamilihan.
D. Limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Karagdagang Gawain
MAGPASYAHAN TAYO!
Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung
ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon
at sa ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya.
Option A Option B Desisyon Dahilan
1.Pagpapatuloy ng pag- Pagtatrabaho
aaral sa kolehiyo pagkatapos ng high
school
2. Paglalakad papunta Pagsakay ng jeep o
sa paaralan tricycle papunta
sa paaralan
3. Paglalaro sa parke Pagpasok sa klase
4. Pananaliksik sa silid Pamamasyal sa parke
aklatan
5.Pakikipagkuwentuhan Paggawa ng takdang-
sa kapitbahay aralin

Pamprosesong Tanong:
1.Bakit kailangang isaalang-alang ang pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
2.Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging
makatuwiran ka ba sa iyong pasya?
AP9 EKONOMIKS – UNANG MARKAHAN – MODYUL 1 – UNANG LINGGO

Susi sa Pagwawasto

ISIPIN NATIN

PAGYAMANIN AT ISAGAWA

Sanggunian
Picture Collage Corona Virus
https://www.vox.com./platform/amp/2020/4/13/2120583
Kahulugan ng Incentives https://brainly. Ph/question/259733
Larawan ng mg ekonomista https://www.slideshare.net/mobile/dach121811
Teksto sa Suriin ay halaw sa K to 12 EKONOMIKS MODYUL pahina15-17
Kahulugan ng Incentives https://brainly.ph/question/332676
Magpasyahan ay halaw sa K to 12 EKONOMIKS MODYUL pahina 13-14

You might also like