DLP15 Final-Demo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Lungsod ng Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO
Masusing Banghay - Aralin sa ESP10
Ikalawang Semestre, A.Y. 2021 – 2022

Masusing Banghay-Aralin sa Pakitang Turo sa ESP 10


I. LAYUNIN
a. Naipaliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.
b. Natukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na umiiral sa lipunan.
c. Nakalikha ng masining na gawain upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo).
II. PAKSANG-ARALIN
Paksa : Pagmamahal sa Bayan
Sanggunian : Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul 5, pp. 184-206
Kagamitan : telebisyon, laptop, powerpoint presentation, pantulong biswal,
flip chart, whiteboard marker, pisara, kartolina, sobre
III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang-Gawain

1. Pagdarasal

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

(Pangungunahan ng guro ang panalangin.)


(Tatalima ang mga mag-aaral at taimtim na
sasabay sa panalangin.)
2. Pagbati sa klase
Isang mapagpalang umaga mga bata! Kumusta
kayo?
Mabuti naman po!
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo maupo, mangyari lamang na ayusin
ang hanay ng mga silya at pulutin ang anumang
kalat na inyong makikita.
(Mabilis na susunod sa utos ng guro.)
4. Pagtatala ng mga liban
Sino ang kalihim ng klaseng ito? Mayroon bang
liban sa araw na ito?
Ikinalulugod ko pong ipaalam sa inyo na wala
pong liban sa araw na ito.

B. Pagganyak

Para sa pagsisimula ng ating panibagong aralin,


pakinggan at unawaing mabuti ang mensahe ng
awiting aking inihanda. Ito ay may pamagat na
“Ako’y Isang Mabuting Pilipino”, inawit ni
Noel Cabangon. Sa nakakaalam ng awitin,
maari ninyo itong sabayan.

https://youtu.be/ZORawoLpOOo

Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin?


Ang mensahe po ng awit ay pukawin po ang
mga Pilipino sa mga mabuting gawain na dapat
linangin ng isang mabuting mamamayan.
(Maaaring may iba pang kasagutan)

Magaling! Ang awit na ito ni Noel Cabangon ay


isang magandang paalala kung paano nga ba
maging isang mabuting Pilipino. Sa mga
simpleng paraan ay kayang-kaya natin ipakita
ang ating pagmamahal sa bayan.
Magbigay ng isang liriko ng awit na nakaantig
sa iyong puso.
Ang liriko po na nakaantig sa aking puso ay
“Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino,
Minamahal ko ang bayan ko.
(Maaaring may iba pang kasagutan)
Mahusay ang iyong kasagutan! Ang liriko na
iyong binanggit ay tunay na nakakaantig ng
damdamin.
Ayon sa awiting ito, ano kaya ang paksang ating
tatalakayin ngayong araw?
Sa akin pong palagay, ang paksang ating
tatalakayin ay pagmamahal sa bayan.
(Maaaring may iba pang kasagutan)
Tama! Ang paksang ating tatalakayin ay
Pagmamahal sa Bayan.

C. Aktibiti

Hahatiin ko ang klase sa dalawang (2) pangkat.


Mangyari lamang na pumili ng isang lider.
Tatawagin natin ang ating gawain na “Alin
Kaya?!” kung saan bawat pangkat ay pipili ng
mga pangungusap o parirala na nagsasaad ng
mga halimbawa ng mga paglabag sa
pagmamahal sa bayan na umiiral sa lipunan.
Idikit ang mga inyong napiling pangungusap o
parirala sa kartolina. Bawat paglabag na
mapipili ay may kaukulang isang puntos. Lahat
ng inyong kakailanganin sa gawaing ito ay nasa
loob ng sobre. Ipiprisinta ng bawat lider ng
pangkat ang kanilang mga naging kasagutan.
Ang pangkat na siyang makakakuha ng mas
mataas na puntos ay siyang mananalo.
Bibigyan ko lamang kayo ng limang (5) minuto
para tapusin ang gawaing ito.

Naunawaan ba ang aking panuto?


Opo, naunawaan po namin.

Kung gayon, maaari na kayong magsimula.


(Maaaring may iba pang kasagutan)
Mahusay! Ang inyong pangkat ay nakakuha ng
anim (6) na puntos.

(Maaaring may iba pang kasagutan)


Magaling! Ang inyong pangkat naman ay
nakakuha ng (4) apat na puntos.

D. Analisis

Alamin natin ang kahulugan ng pagmamahal sa


bayan.
Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa
papel na dapat gampanan ng bawat
mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din
itong patriyotismo, mula sa salitang ‘pater’ na
ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa
salitang pinagmulan o pinanggalingan.

1. Paano mo masasabi na mahal mo ang iyong


bayan?
Masasabi ko po na mahal ko ang bayan ko
kung nagagampanan ko po ng maayos ang
aking mga tungkulin bilang isang
mamamayan.
(Maaaring may iba pang kasagutan)
Napakahusay! Nararapat mong linangin ang
mga gawaing ang hangad ay kabutihang
panlahat nang sa gayon ay masasabi mong
mahal mo ang iyong bayan.

Sa puntong ito, suriin na natin ang inyong mga


naging kasagutan sa pangkatang gawain.
(Ipiprisinta ng bawat lider ng pangkat ang
kanilang mga naitalang kasagutan.)

(Isa-isang sisiyasatin ang mga naitalang


kasagutan sa tulong ng mga mag-aaral.)

Mahusay ang inyong mga naging kasagutan!


Ang pangkat na nakuha ng mas mataas na
puntos ay ang _________ pangkat. Binabati ko
kayo! Salamat po.

Bigyan natin ang bawat isa ng “Ang Galing


Clap”.

(Ipapakita ng guro kung paano gawin


ang “Ang Galing Clap”)
(Gagawin ng mga mag-aaral ang “Ang Galing
Clap”)
2. Bilang isang mag-aaral, may nagawa ka na
ba para masabing mahal mo ang iyong
bayan?
Opo, nag-aaral po ako nang mabuti,
iginagalang ko po ang aking mga magulang at
mayroon po akong pananalig sa Diyos.
(Maaaring may iba pang kasagutan)

Mahusay! Bilang isang mag-aaral marami ka ng


magagawa upang maipakita ang pagmamahal
sa bayan.

Narito ang Mga Pagpapahalaga na Indikasyon


ng Pagmamahal sa Bayan.

• Pagpapahalaga sa buhay
• Katotohanan
• Pagmamahal at pagmamalasakit sa
kapwa
• Pananampalataya
• Paggalang
• Katarungan
• Kapayapaan
• Kaayusan
• Pagkalinga sa pamilya at salinlahi
• Kasipagan
• Pangangalaga sa kalikasan at
kapaligiran
• Pagkakaisa
• Kabayanihan
• Kalayaan
• Pagsunod sa batas
• Pagsulong sa kabutihang panlahat

Upang mas matandaan ninyo, tandaan ang 9P’s


at 7K’s.

3. Ano-ano ang mga nagawa mo para sa


pamilya, paaralan, at pamayanan bilang
pagpapakita ng pagmamalasakit?

Iginagalang ko po ang aking mga magulang at


minamahal ng lubos ang aking mga kapatid. Sa
paaralan naman po, sumusunod ako sa mga
alituntunin at nag-aaral ng Mabuti. Sa
pamayanan naman po, nakikiisa po ako sa mga
proyekto.
(Maaaring may iba pang kasagutan)

Mahusay! Lubos akong natutuwa sapagkat


marami kang nagagawang mabuti para sa
kagalingan ng nakakarami. Masasabi ko na
mayroong kang pagmamahal sa bayan.

4. Alin sa mga pagpapahalagang nabanggit


ang dapat mo pang linangin? Ipaliwanag.

Ang dapat ko pa pong linangin ay kasipagan.


Madalas po kasi hindi ko nagagawa ang aking
mga responsibilidad.
(Maaaring may iba pang kasagutan)

Mahusay! Salamat sa inyong katapatan.


Naniniwala ako na malilinang ninyo ito basta
palagi ninyong isaisip at isapuso ang
pagmamahal sa bayan.

E. Abstraksyon

Sa tulong ng larawan, sagutin ang katanungan


na:

1. Ano ang kahalagahan ng pagmamahal sa


bayan?

Mahalaga po ang pagmamahal sa bayan


sapagkat ito ang magiging daan upang
makamit ang layunin na gustong makamit
hindi lamang sa kapakinabangan ng isa kundi
panglahat.
(Maaaring may iba pang kasagutan)
Napakahusay! Sapagkat pinagbubuklod ng
pagmamahal sa bayan ang mga tao sa lipunan.
Naiingatan at pinahahalagahan ng pagmamahal
sa bayan ang karapatan at dignidad ng tao
gayundin ang kultura, paniniwala at
pagkakakilanlan.

F. Aplikasyon

Sa inyong kwaderno, sumulat ng sariling


kasabihan upang maipamalas ang pagmamahal
sa bayan (Patriyotismo).

Narito ang kraytirya ng pagmamarka:

KRAYTIRYA PORSYENTO
Nagpapahayag ng 10%
kagandahang asal
Mabisa ang paggamit ng 5%
mga salita sa
pagpapahiwatig
Naghahatid gabay sa pang 10%
araw-araw na buhay
KABUUAN 25%

Mayroon lamang kayong tatlong (3) minuto


para sa gawain na ito at pagkatapos ay tatawag
ako ng ilan sa inyo upang ibahagi sa klase ang
natapos na gawain.

(Maaaring may iba pang kasagutan)


Mahusay! Ang kasabihan na iyong isinulat ay
tunay na magandang gabay sa araw- araw
nating pamumuhay. Nawa ay malinang sa atin
ang pagmamahal sa bayan.
G. Pagpapahalaga

Nais kong iwan sa inyo ang isang kotasyon


bilang gintong-aral sa araw na ito.

Sino ang nais magbahagi ng kanilang mga


saloobin o ideya sa kotasyong ito?
Sinasabi po sa kotasyon na ito, ang
pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay
pagsasabuhay ng pagkamamamayan. Bilang
isang mamamayan ng bansang ito, nararapat
po na nakikiisa tayo sa mga gawaing
makakabubuti sa nakararami o maging sa
panlahat.
(Maaaring may iba pang kasagutan)
Napakaganda ng iyong kasagutan! Tama,
bilang isang mamamayan nararapat tayong
tumupad sa mga tungkulin sapagkat ito ay
indikasyon ng pagka-Pilipino. Ang taong tunay
na nagmamahal sa bayan ay nagsasabuhay ng
mga pagpapahalaga at nakaaambag sa pag-
angat ng kulturang Pilipino at kaunlaran ng
bansa.

I. PAGTATAYA

TAMA o MALI

Panuto: Basahin at unawain ang bawat


pangungusap. Ilagay ang letrang T kung ang
sinasaad ay tama at letrang M kung ang
isinasaad ay mali. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel. Sagot ng Mag-aaral:

_______1. Pagmamahal sa bayan ang tawag sa


pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat
mamamayang bumubuo rito.
1. T
_______2. Ang patriyotismo ay tumutukoy sa
mga ideolohiyang pagkamakabayan at
damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba
pang may pagkakaparehong wika, kultura, at
mga kaugalian o tradisyon.
2. M
_______3. Sa nasyonalismo isinaalang-alang
ang kalikasan ng tao kung saan tuwiran nating
binibigyang-kahulugan ang kabutihang
panlahat.
3. M
_______4. ‘Pater’ ang salitang Latin na ang ibig
sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa
salitang pinagmulan o pinanggalingan.
4. T
_______5. Naiingatan at pinahahalagahan ng
pagmamahal sa bayan ang karapatan at
dignidad ng tao gayundin ang kultura,
paniniwala at pagkakakilanlan.
5. T
_______6. Ang hindi mo pagtupad sa iyong
mga tungkulin bilang isang mamamayan ay
halimbawa ng paglabag sa pagsasabuhay ng
pagmamahal sa bayan. 6. T

_______7. Bilang isang mamamayan ng isang


bansa, mahalaga na alam ng bawat isa kung
paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan.
7. T
_______8. Ang laging pag-una sa pansariling
kapakanan ay isang indikasyon ng pagmamahal
sa bayan.
8. M
_______9. Ang pagtitipid ng tubig, pagtatanim
ng puno at hindi pagtatapon ng basura kung
saan-saan angkop na kilos na nagpapamalas ng
pagmamahal sa bayan.
9. T
_______10. Kung hindi ka nagbibigay-pugay sa
bandila o watawat ng ating bansa,
nagpapamalas ka ng pagmamahal sa bayan

10. M

Susi sa Pagwawasto:

1. T
2. M
3. M
4. T
5. T
6. T
7. T
8. M
9. T
10. M
Bahagdan ng Pagkatuto:
______________

IV. TAKDANG-ARALIN

Sa isang malinis na papel, sumulat ng mga pangako sa iyong sarili kung paano mo pa mas
malilinang ang pagmamahal sa iyong bayan.

Inihanda ni:

Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:

Gurong Tagapagsanay

You might also like