Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

PAG-UNAWA SA

IMPLASYON
INIHANDA NI: BB. TRISHA KAYE LORCHA
ANO ANG IMPLASYON?
Ang IMPLASYON ay tumutukoy
sa patuloy na pagtaas ng
pangkalahatang presyo sa
pamilihan. Ang implasyon ay
economic indicator upang
maipakita ang kalagayan ng
ekonomiya.
GREAT DEPRESSION
NAGANAP NOONG 1930
SA EUROPE
Noong taong 1930 ay
nagkaroon ng hyperinflation
sa Europe, na kung saan labis
ang naging pagtaas ng presyo
ng mga bilihin.
2 URI NG
IMPLASYON
DEMAND PULL
Hinahatak pataas ng demand
ang presyo ng mga produkto at
serbisyo. Ito ay nagaganap
kapag mas mataas ang demand
ng mga produkto at serbisyo
kaysa sa supply na nasa
pamilihan.
DEMAND PULL
Ayon kay Milton Friedman, ang
money supply o labis na dami
ng salapi sa sirkulasyon ay isa sa
dahilan kung bakit tumataas ang
demand.
Labis na salapi = Maraming
produkto ang mabibili.
COST PUSH
Itinutulak pataas ng gastos sa
produksiyon ang presyo ng
mga produkto. Ang pagtaas ng
mga gastusin sa produksiyon
ang sanhi ng pagtaas ng presyo
ng mga bilihin.
MGA DAHILAN
NG IMPLASYON
MONOPOLY/KARTEL
Monopolyo - iisang prodyuser na kumokontrol
sa supply ng produkto sa pamilihan.
Kartel - Organisasyon ng mga prodyuser na
nagkakasundong manipulahin ang presyo,
pagtitinda, at produksiyon.

Kanilang tinatago ang mga produkto upang


magkulang ang supply at mapilitang magtaas
ng presyo sa pamilihan.
LABIS NA SALAPI SA
SIRKULASYON
Kapag labis ang salapi na mayroon ang
sambahayan ay tataas ang kanilang
kakayahan na bumili ng produkto.

Maraming salapi = Maraming demand


MIDDLEMAN
Napagigitnaan ng prodyuser at ng retailer o
konsyumer.

Ang middleman ang bumibili ng mga produkto


mula sa mga prodyuser at ibinebenta ito sa mga
retailer o konsyumer sa higit na mas malaking
halaga.

Prodyuser -> Middleman -> Retailer / Konsyumer


IMPORT DEPENDENT
EXPORT ORIENTED
Import Dependent - Nakadepende sa mga
import o mga pumapasok na produkto sa
bansa.

Export Oriented - Palagiang pag-eexport ng


mga produkto. Gumagawa ng produkto
upang ibenta o i-export sa ibang bansa.
OIL DEREGULATION
Pag-alis ng kontrol ng pamahalaan sa
pagtatakda ng presyo ng mga produktong
petrolyo.
Ang mga produktong petrolyo ay kasama sa salik
ng produksiyon, kaya’t kapag tumaas ito ay tataas
din ang presyo ng mga produkto (Domino Effect).

Langis -> Makinarya -> Pagproseso -> Produkto


Gas -> Sasakyan -> Transportasyon ng produkto
UTANG PANLABAS
Ang pagbabayad ng dayuhang utang ng ating
bansa sa World Bank (WB) at International
Monetary Fund (IMF) ay dahilan din ng
implasyon. Imbis na gamitin ang pambansang
badyet sa pagbibigay ng subsidy sa mga
kompanya ay binabayad ito para sa utang ng
bansa.
GASTOS
PAMPRODUKSIYON
Kapag mataas ang gastos sa
produksiyon ay mataas din ang magiging
presyo ng mga produkto sa pamilihan.
Dahilan:
Mataas na presyo ng hilaw na
materyales, produktong petrolyo, at
mataas na sahod ng manggagawa
EPEKTO NG IMPLASYON
Mataas na presyo

Mataas na Maraming
sahod negosyo

Maraming
manggagawa
DAHILAN, BUNGA, AT
SOLUSYON SA
IMPLASYON
DAHILAN BUNGA SOLUSYON
Labis na salapi sa Pagtaas ng demand Pagpapatupad ng tight
produksiyon money policy

Middleman sa pamilihan Pagdaragdag ng mga Pagtatakda ng price


produkto control

Monopolyo/Kartel Kinokontrol ang presyo Sugpuin at parusahan

Mataas na gastos sa Pagbaba ng supply Pataasin ang


produksiyon produksiyon

Export Orientation Kakulangan ng supply sa Produksiyon para sa


lokal na pamilihan lokal na pamilihan

Import Dependent Pagdagda ng imported Pagpapatupad ng


products proteksiyonismo
PURCHASING POWER
OF PESO (PPP)
Ito ay tumutukoy sa tunay na halaga ng piso sa isang tiyak
na panahon at ang kakayahan ng piso na makabili ng
produkto.

Mababa na purchasing power = Mataas ang bilihin


Mataas na purchasing power = Mababang presyo
MGA TAONG
NAKIKINABANG KAPAG
MAY IMPLASYON
MGA MANGUNGUTANG
Dahil bumababa ang halaga ng inutang.
Ibig sabihin, ang mga nangungutang ay
makakatipid dahil nabili na nila ang
produkto bago magkaroon ng implasyon.
MGA SPECULATORS /
ENTREPRENEUR /
MGA TAONG HINDI TIYAK ANG KITA
Sila ang mga tao na bumibili
ng produkto sa murang
halaga at binebenta ito sa
mas mahal na presyo, dahil
dito ay nagkakaroon sila ng
karagdagang kita o tubo.
MGA TAONG APEKTADO
NG IMPLASYON
MGA NAG-IIMPOK
Bumababa ang halaga ng mga
iniimpok. Dahil kapag nagkaroon ng
implasyon at bumaba ang purchasing
power ng peso ay kaunti na lamang
ang kaniyang mabibili.
MGA NAGPAPAUTANG
Ang mga nagpapautang ay maaaring
malugi. Dahil kapag nagkaroon ng
implasyon at bumaba ang
purchasing power ng peso ay kaunti
na lamang ang mabibili niya sa
perang naibalik sa kaniya.
MGA TAO NA MAY
TIYAK NA KITA
Patuloy ang pagtaas ng
presyo ngunit ang sahod
ay hindi nagbabago.
PAGSUKAT NG
IMPLASYON
Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga
piling produkto (food o non-food) na
palagiang kinokonsumo ng tao. Ang mga
ito ay nakapaloob sa basket o goods o
tinatawag na market of goods.
IBA’T IBANG
PANUKAT NG
PAGGALAW NG
PRESYO
1.GNP DEFLATOR /
GNP IMPLICIT PRICE INDEX
Ang GNP deflator ay ginagamit upang alamin ang halaga ng
GNP batay sa nakalipas na taon. Ang panukat na ito ay
ginagamit upang maisama sa pagkukwenta ng GNP ang
anumang pagbabago ng presyo.

GNP at Current Prices


GNP at constant prices =
GNP deflator
2.WHOLESALE PRICE INDEX
AT RETAIL PRICE
Wholesale - Maramihang pagbili ng mga produkto.
Retail - Tingian ang pagbili ng mga produkto.

Sinusukat nito ang pagbabago ng presyo ng mga


intermediate goods, crude materials, at yaring produkto sa
bilihang wholesale at retail.
3.CONSUMER PRICE INDEX
(CPI)
Ito ay panukat ng average na pagbabago ng presyo ng mga
bilihin na pangkaraniwang kinokonsumo ng mga mamimili.
Ang inflation rate ay nakabatay sa CPI.
Mataas na CPI = Kakaunti ang mabibili kapag hindi
nadagdagan ang kita ng mamamayan

Kabuuang presyo ng kasalukuyang taon


CPI = X 100
Kabuuang presyo ng basehang taon
PAGKUKWENTA NG ANTAS
NG IMPLASYON AT
DEPLASYON
Deplasyon - Tumutukoy sa pagbagsak o pagbaba ng
pangkalahatang antas ng presyo sa ekonomiya;
Kabaligtaran ng implasyon.

Inflation/
CPI present year - CPI previous year
Deflation = X 100
CPI previous year
rate
KAHALAGAHAN
NG CPI
Ito ay isang instrumento upang mabatid
ang cost of living sa isang ekonomiya.
Nasusukat ang inflation at deflation rate sa
bansa.
Panukat sa kakayahan ng piso na makabili
ng mga produkto at serbisyo.

You might also like