Professional Documents
Culture Documents
Panitikan Reviewer
Panitikan Reviewer
PANAHON NG KATUTUBO
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Karamihan sa mga panitikan ay pasalin-dila lamang
o Anyong Patula
Bulong
Tugmang-bayan
Bugtong
Epiko
Salawikain
Awiting-bayan
o Anyong Tuluyan
Kwentong-bayan
Alamat
Mito
o Anyong Dula
Katutubong sayaw
Ritwal ng babaylan
May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na
bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga akeologo (archaeologists) sapagkat batay
sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang
ang mga ito ay gawa ng demonyo.
Bugtong
o Pinahuhulaan at nangangailangan ng mabilisang pag-iisip
o Binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma
o Ang pantig nito ay maaaring apat o hanggang labindalawa
o Kadalasang patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong
paligid ng mga Pilipino
o Halimbawa
Dumaan ang hari, nagkagatang ang mga pari
Siper
Hinila ko ang baging, sumigaw ang matding
Kampana o batingaw
Heto na si Kaka, bubuka-bukaka
Gunting
Tumingin ka sa akin, makikita mo’y ikaw din
Salamin
Pagkagat ng madiin, naiiwang ang ngipin
Stapler
Pinilit na mabili, saka ipinambigti
Kurbata o necktie
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan
Damit
Palaisipan
o Kilala rin bilang pahulaan o patuturan
o Isang suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.
o Isang libangan at nais aliwin ang mga tagapakinig
o Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-
sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon
o Halimbawa
Paano tatawa ang dalaga na hindi makikita ang kanyang ngipin?
Takpan ang bibig gamit ang panyo, pamaypay o palad
May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang ganda. Bawal
tumingala upang siya ay makita. Ano ang gagawain ng binatang sumisinta?
Tumigil sa tapat ng tore at uminom ng tubig upang mapatingala at makita ang
prinsesa
Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang mga
kapitbahay kung saan babagdak ang itlog ng tandang. Saan babagsak ang itlog ng
tandang?
Hindi nangingitlog ang tandang
May isang hari na gustong lituhin ang manliligaw ng kaniyang prinsesa. Kapag nabunot
daw ng lalaki ang itim na bato mula sa sisidlan, papayag siyang ipakasal ang anak sa
lalaki. Dalawa lamang ang bato sa sisidlan, ngunit ang hindi alam ng lalaki na parehong
puti ito. Paano maiisahan ng lalaki ang hari?
Itapon niya sa malayo ang bato. Kung puti ang matira sa sisidlan, ibig sabihin ay
itim na bato ang nakuha niya
May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay
may panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan palabas. Sa ikalawa
naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay may
isang leon na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan?
Sa ikatlong pinto, sapagkat ang leon na tatlong taon nang di nakakakain ay
pinaka-malamang na patay na
Bago matuklasan na ang Mt. Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, ano
ang pinakamataas na bundok sa mundo?
Mt. Everest
Anong bagay ang nasisira na, hindi pa man naisasakatuparan?
Pangako
Kasabihan
o Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao
o Ito ay isang pangungusap na madalas na sinasabi ng mga tao at nagbibigay ng payo o
impormasyon tungkol sa buhay at karanasan ng tao
o Ito ay isang maikling kilalang pananalita - isang pahiwatig ng karunungan at katotohanan o
isang pangkalahatang payo
o Sayings
o Halimbawa
Ang batang makulit, napapalo sa puwit
Ang batang matalino, nag-aaral ng husto
Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan
Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap
Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating pagtanda
Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli
Kung may tiyaga, may nilaga
Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag
Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan
Bulong
o Isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas
o Ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto
o Isang panalangin ang bulong na binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang
pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran
o Halimbawa
Ikaw ang nagnakaw ng bigas ko
Lumuwa sana ang mata mo
Mamaga nawa ang katawan mo
Patayin ka ng mga anito
ALAMAT
Isang uri ng panitikang tuluyan na ang karaniwang paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng
isang bagay, pook, kalagayan o katawagan
Mababakas na ang mga pangyayari ay likhang-isip lamang, salat sa katotohanan at tunay na di-
kapanipaniwala subalit ang mga matatandang kaugaliang Filipino ay masasalamin din sa mga
akdang ito at ang layunin nito’y manlibang
Halimbawa
o Tagalog - Si Malakas at Si Maganda
o Pampanga - Bakit Maliwanag ang Araw Kaysa Buwan?
o Ilocos - Bakit Maalat ang Dagat?
o Kalinga - Ang Alamat ng Niyog
o Bicol - Alamat ng Bulkang Mayon
o Bisaya - Alamat ng Bundok Kanlaon
o Bisaya - Pinagmulan ng Araw at Gabi
o Mindanao - Pinagmulan ng Sansinukob
KWENTONG BAYAN
Binubuo ng mga kwento o buhay, mga alamat at mga romansa
Kung susuriing mabuti, ang lahat ng kwentong bayang ito ay may iisang pinagmulan, ngunit dahil sa
pagkakahiwa-hiwalay ng mga pangkat-pangkat na naging bara-barangay, sa kabila ng maraming
dantaon, ang mga bagong kaligiran at karanasan ay pumasok sa mga salaysay at siyang ikinapag-iba-
iba
Binbuo ng mga kwentong tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan at
katatawanan na kapupulutan ng magagandang aral sa buhay.
Kwentong nagpasalin-salin
Halimbawa
o Tagalog - Si Juan at ang mga Alimango
o Bisaya - Ang Batik sa Buwan
o Marano - Naging Sultan si Pilandok
o Ilocos - Ang Diwata ng Karagatan
EPIKO
Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa
Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at
pakikidigma
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’s
tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan
Halimbawa
o Bidasari (Moro) o Hinilawod (Bisaya)
o Tatuang, Tulalang, Tuwaang (Bagobo) o Indarapatra at Sulayman (Magindanaw)
o Parang Sabir (Moro/Tausug)
o Haraya (Bisaya)
o Maragtas (Bisaya)
o Kumintang (Tagalog)
o Biag (Buhay) ni Lam-Ang (Ilokano)
o Ibalon (Bicolano)
o Bantugan (Muslim/Maranao)
o Labaw Donggon (Ilongo)
o Handiong (Bikol)
o Hudhud (Ifugao)
o Alim (Ifugao)
PANAHON NG KASTILA
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Isanaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni
Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 bilang kauna-unahang Kastilang Gobernador-Heneral
Nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Cavite noong 1872
Pasyon
o Aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo
o Binabasa tuwing Mahal na Araw
o Nagkaroon ng apat na bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa
pangalan ng mga nagsisulat
Version de Pilapil (Padre Mariano Pilapil)
Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen)
Version dela Merced (Ancieto dela Merced)
Version de Guia (Luis de Guia)
Urbana at Felisa
o Aklat na sinulat ni Modesto de Castro
Tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog”
o Naglalaman ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa
o Pawang nauukol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang
nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino
PANAHON NG PAGBABAGONG-ISP
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Binitay sa pamamagitan ng garote ang tatlong paring martir (GOMBURAZA) noong Pebrero 17,
1872 sa Cavite dahil sa maling paratang ng pagpapatalsik na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong
1872.
Diwang liberalism sa pamamagitan ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan
Ang pagkakadala sa kapuluan sa liberal na lider na si Gobernador Heneral Carlos Ma. De la Torre,
isang dating kawal na walang pangmamata sa di-kalahi at malayang nakikihalubilo sa mga
Pilipino
Pumalit bilang bagong Gobernador Heneral si Rafael de Izquierdo na mapagmataas at mahigpit na
gobernador ng Pilipinas
KILUSANG PROPAGANDA
Layunin
o Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas
o Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
o Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya
o Gawing mga Pilipino ang kura paroko
o Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o
pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan
Jose Rizal
o Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda
o Magulang
Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro (Ama)
Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos (Ina)
o Pinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna
o Ikapito sa labing-isang magkakapatid
o Mga sagisag panulat
Lalong-laan
Dimasalang
Agno
o Nagwakas ang kaniyang buhay noong Disyembre 30, 1896
Pedro Paterno
o Isang iskolar, dramateryo, mananaliksik at nobelista ng Kilusang Propaganda
o Sumapi rin siya sa Kapatiran ng mga Mason at sa Asociacion Hispano-Pilipino upang
itaguyod ang layunin ng mga Propagandista
o Unang manunulat na Pilipinong nakalaya sa sensura sa panitikan noong mga huling araw ng
pananakop ng mga Kastila
Taluktok ng Maghihimagsik
o Andres Bonifacio
Ama ng demokrasyang Pilipino
Ama ng Katipunan
Siya ang namuno sa pagtatatag ng samahang “Kataas-taasan, Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan”
Umanib sa “La Liga Filipina”
o Emilio Jacinto
Sagisang Panulat: Dimas Ilaw
Utak ng Katipunan
Tumayo siya bilang kanang-kamay ni Bonifacio
o Apolinario Mabini
Kinilala bilang “Utak ng Himagsikang Filipino” at “Dakilang Lumpo” dahil sa
kaniyang mga akda at naging mahalagang tungkulin noong panahon ng Himagsikang
Filipino
Nagkasakit siya at naging lumpo makaraan ang dalawang taon
Nabalitaan ni Heneral Emilio Aguinaldo ang galing niya sa batas kaya’t hinirang siyang
punong ministro ng rebolusyonaryong Kongresong Malolos
Siya ang sumulat ng mga dekreto, manipesto, at iba pang kasulatan para kay
Aguinaldo kaya naituring na “Utak ng Himagsikang Filipino”
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Nagwagi ang mga pilipinong manghihimagsik laban sa mga Kastilang sumakop sa atin nang higit sa
tatlong daang taon.
Naiwagayway ang ating bandila noong Hulyo 12, 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan.
Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas
o subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga
Amerikano
Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan tulad ng lathalain, tula,
kwento, dula, sanaysay, nobela, at iba pa
o Maliwanag na mababasa sa mga akda nila ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng Kalayaan.
Claro M. Recto
o Naging pangulo ng Lupon ng Saligang Batas
o Tinipon niya ang kaniyang mga tula sa “Bajo Los Cocoteros” (Sa ilalim ng Niyugan)
o Naging batasang tagapayo ng kapuluan
o Kagawad sa katas-taasang Hukuman
o Pangulo sa mababang kapulungan ng minorya
o naging kinatawan ng Pilipinas sa Pandaigdig na Hukuman sa Netherland
o “Ang Dampa Kong Pawid”
Lope K. Santos
o Ama ng Balarila
o Nobelista, makata at politiko dahil siya ay naging senador
o Tinaguriang “Haligi ng Panitikang Pilipino”
o Mas kilala sa palayaw na Mang Openg
o Kagawad at patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa
o Propesor ng Wika sa UP
o “Banaag at Sikat” ang kanyang obra maestra
Jose Corazon De Jesus
o Sagisag: Huseng Batute
o Hari ng Balagtasan
o Makata ng Pag-ibig
o Tinawag ring “Pepito” noong kanyang kapanahunan
o “Isang Punong Kahoy” tula na itinuring na kanyang obra maestra
Amado V. Hernandez
o Makata ng Manggagawa
o Makata, kwentista, nobelista, mandudula, mamamahayag, politiko, at lider manggagawa
o Akda: Isang Dipang Langit, Bayang Malaya, Mga Ibong Mandaragit, Luha ng Buwaya at
marami pang iba.
o “Ang Panday” ang kanyang pinaka-obra maestra
Florentino Collantes
o Sagisag panulat: Kuntil Butil
o Maliban sa Tagalog, marunong ding siyang magsalita ng Kapampangan, Ilokano at Bisaya
o Kinilalang batikang “duplero” ng kanyang panahon at nahirang na Ikalawang Hari ng
Balagtasan o Prinsipe ng Balagtasan
o “Lumang Simbahan” - obra maestra
Ildefonso Santos
o Isinilang noong Enero 23, 1897
o Kauna-unahang guro ng Pilipino sa National Teacher’s College
o Sagisag Panulat: Ilaw Silangan.
o Pagsulat ng tula at pagsasalin sa tagalog ng ibang akda
o Siya ang nagsalin sa Tagalog ng Pambansang Awit.
Teodoro Gener
o Naging pangulo ng “Kapisanang Ilaw at Panitik”
o Makata at Nobelista Mananagalog
o Kalihim ng “Sanggunian ng mga Pantas ng Akademya ng Wikang Tagalong”
o Obra maestra niya ang pagkakasalin sa Tagalog ng nobelang kastila na “Don Quijote de la
Mancha”
Iñigo Ed Regalado
o Sagisang Panulat: Odalager
o Patnugot ng “Mithi”, “Pagkakaisa” at “Watawat”
o isang kwentista, nobelista at mamamahayag sa larangan ng panitikan
o Ang paksa ng kanyang mga tula ang buhay at mga bagay-bagay sa kapaligiran.
o Punong patnugot ng “Liwayway”
o May-akda ng Madaling Araw at Sampaguitang Walang Bango
Severino Reyes
o Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog
o Tinatawag na Don Binoy at gumamit ng sagisag na Lola Basyang
o Ama ng Lingguhang Liwayway
o Ama ng Dulang Pilipino
o Walang Sugat - obra maestra na pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong
tunay na nagmamahalan.
Aurelio Tolentino
o Isang mandudula, makata, at mangangatha
o Nabilanggo dahil sa akda niyang may temang makabayan at mapanghimagsik
o Ama ng Dulang Kapampangan
o Kahapon, Ngayon at Bukas - obra maestra na tumutuligsa sa mga Intsik, Amerikano,
Kastila, pati na ang mga Pilipinong nagtaksil sa sariling bayan.
Hermogenes Ilagan
o Kilala sa tawag na Ka Mohing
o Bantog na mandudula at kinikilálang “Ama ng Dulaang Tagalog.”
o Isa siyá sa masigasig na tagapagtaguyod ng sarsuwelang Filipino.
o Itinatag niya ang “Compaña Ilaga” na naging matagumpay sa pagtatanghal ng dula sa
Gitnang Luzon
o Akda: Dalagang Bukid, Dalawang Hangal at Biyaya ng Pag-ibig