Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Karapatang Pambabae

ni Ramiyah Somirado Ampuan


Sa hilya ng buhay, dalawang kasarian ang makarapatan sa lahat ng bagay. Lalaki at babae
lang ang hugis salita na tanggap ng bawat isa. Ngunit sa pamamahala ng pamumuhay, hindi
maipagkakailang hindi gaano kapantay ang trato sa karapatan ng lalaki sa babae. Sa daan-daang
taong lumipas, diskriminasyon sa pagiging babae ay hindi kaanya-anyaya sa pagkat kitang kita
kung paano ipagpaliban ang isang mahalagang opinyon, ideya o desisyon na nagmumula sa mga
babae. Ang babae ay hindi lamang maaaring idipena na mahihina kasi nadadala ng kanilang mga
emosyon. Katotohanan talagang ang mga babae ay masyadong sagasa sa pananalita kapag sila ay
galit ngunit hindi iyan sapat na basihan para iparamdam sa kanilang hindi sila sapat sa kani-
kanilang posisyong ginagampanan. Sa ngalan naman ng kanilang kaugalian, hindi limitado ang
mga salita na sa kanila ay maaaring ilarawan tulad na lamang ng ang mga babae ay masipag,
matyaga, matiisin o martyr, matalino, mapagpahalaga, mapagalala, maasahan, kritiko sa pag-iisip
at iba pa. Ang mga katangian na iyan ay nagpapatunay na kahit kailan hindi nagpapatinag ang
sangguniang babae sa kahit na anong diskriminasyon ng lipunan sa kanila.
Sa lipunang ito, maraming pinagmumulan ang diskriminasyon sa mga babae. Bahagi na
lamang ay sa trabaho, sa bahay, sa organisasyon, sa mga programa o padaluhan, sa paaralan o sa
kahit na anong larangan gaya ng sports at iba pa. Ngunit ang pinakamasilan na diskriminasyon ay
ang mga babae ang palaging sangkot sa malalaswang pangyayari o krimin tulad na lamang ng rape,
kidnap at pambubully. Kung ating bibigyang pansin sa mga balita sa telebisyon, radyo, social
medias at posts, mga babae ang karamihang sangkot. Ang mga krimin na ginagawa sa kababaihan
ay isang diskriminasyong pambabae na kinatawan sa dahilang sila ay mahihina. Bakit naiisip ng
mga tao na irape ang babae? Hindi ba dahil sila ay mahihina. Bakit nagiging target ang mga babae
sa isang kidnapping? Hindi ba dahil sila ay mahihina. Bakit nagiging layon ang mga babae sa isang
pambubully? Hindi ba dahil mahina sila. Ang pinakadahilan na pwedeng tukuyin kung bakit may
mga insedenting sangkot ang mga kababaihan ay dahil sa paniniwalang sila ay mahihina.
Sa ideya ng mga balita ay hindi pabor sa hustisya kung tayo lamang ay tatahimik at hayaang
ang mga kababaihan na patuloy na masangkot sa mga umuusbong na krimin. Ang
pinakamagandang solusyong sa mga isyung ito ay dapat panatilihin ang kaligtasan ng mga
kababaihan sa pamamaraan ng pagbibigay seguridad ng kanilang pamilya tulad ng kanilang ama,
mga kapatid na lalaki o mga kamag-anak na lalaki. Hindi talaga natin kayang ibahin ang mindset
ng mga taong patuloy na gumagawa ng krimin. Ang kaya natin gawin ay mag ingat na lamang at
magsimula sa ating mga sarili. Sabi nga nila, ligtas ang may alam. Kaya’t dapat ay palaging
nakatutok sa mga balita para hindi tayo mapag iwanan at maging kampante sa kahit saan man tayo
naroroon.

You might also like