Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang 7
Markahan: Ikatlo Linggo: ___2___

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pagunlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang
Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag- unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang
Asya sa Transisiyonal at Makabagong panahon(ika-16 hanggang ika-20 siglo).
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
1.Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa
Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon(Ika-16 hanggang ika-20 siglo).
2. Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto
(ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya. (AP7TKA-IIIa-1.1)
D. Mga Tiyak na Layunin
II. NILALAMAN
Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
Modyul ng Mag-aaral
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Pag-usbong Ng kabihasnan, pahina 269-272 Asya; Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba, pahina 196-2004 At iba pang aklat
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang mag-aaral Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 196- 2004
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa LR Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo
Mapa ng mundo, mga larawan
IV. PAMAMARAAN
ADVANCED LEARNERS
A. Balik-aral: Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral ng nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin .
1.Ano ang tinalakay natin kahapon?
2.Ano ang natutunan mo sa araling iyon?
AVERAGE LEARNERS
ENTRY PASS
Pasagutan sa mga mag-aaral ang template na naglalaman ng mga katagang:
“Ang natutunan ko sa nakaraang aralin ay tungkol sa
_______________________ __________________________________________”
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga sumusunod:
a.Vasco De Gama
b.John Cabot
c.Ferdinand Magellan
d.Miguel Lopez ded Legaspi
Mga tanong na sasagutin ng mga mag-aaral.
1. Sino ang mga nasa larawang ito?
2. Ano ang alam ninyong mga ginawa ng mga taong ito?
3. Saang bansa o kontinente sila nagmula?
Ilahad ang mga layunin ng aralin. Ipabasa sa mga mag-aaral sa mga tiyak na layunin ng aralin.
C. Pag uugnay ng mga halimbawa sa bagong Aralin.
DISCUSSION WEB
Itanong ang core question at hayaang magbigay ng kasagutan na “oo” at “Hindi” ang mga mag-aaral.
Oo - Sang-ayon ba kayo sa ginawang pananakop ng mga kanluranin sa mga bansa sa Asya?
Pangatwiranan. (Hindi)

 Magbibigay ng isang sitwasyon ang guro.


“Kung kayo ay buhay na noong unang panahon at may mga dumating na mga dayuhang mananakop, ano ang
inyong gagawin?”
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at SURI-TEKSTO
Bibigyan ng babasahin ang mga mag-aaral. (Sipi mula sa module SURI-TEKSTO
Bibigyan ng babasahin ang mga mag-aaral. (Sipi mula paglalahad ng bagong kasanayan#1 pahina196--204.)
Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa lima . Bawat pangkat ay bibigyan ng babasahin at may mga sasagutang mga
katanungan na iuulat sa klase sa module pahina 196-204. Ipapaskil ng guro ang mapa ng Mundo.
Ipapahanap ang mga bansang kanluranin sa pamamagitan ng pagdidikit sa mapa ng hugis bituin sa bansang kanluranin
at hugis buwan naman sa mga bansa sa Asya na sinakop.
Sasagutin ang mga tanong;
1.Anong mga kanluraning bansa ang sumakop sa Asya?
2.Anong mga bansa sa Asya ang sinakop nila?
3.Anong mga dahilan bakit sinakop ng mga kanluranin ang ilang bansa sa Asya?
4.Ano ang mga paraan ng pananakop ng mga Kanluranin sa atin?
5.Ano ang mga dahilan kung bakit sinakop ng mga Kanluranin ang ilang mga bansa sa Asya?
E. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2
“I ACTING MO”
Sa pagtalakay ng mga dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin pumili ng isa at gawan ito ng isang maikling acting.
(Pagsasadula)
Gagamit ng rubrics sa pagmamarka.
Mataas na score- 5
Mababang Score -1
Pangkatang Gawain:
Magbibigay ang guro ng isang sitwasyon at ito ay isasadula ng pangkat.
Sitwasyon:
1. Masiglang palitan ng mga produkto
2. Pakikipagkalakalan ng mga Europeo sa Pilipinas
3. Paghahanda ng paglalakbay ni Marco Polo papuntang Asya
4. Krusada o labanan ng mga Kristiyano upang mabawi ang Jerusalem.
Gagamit din ng rubrics ang guro sa pagmamarka.
May ganap na pag-unawa sa paksa na pinagtutuunan ng pansin
Magaling na naipahayag ang paksang binigyan diin - 4
Mainam na nailahad ang kaalaman sa paksa - 2
Nakahihikayat sa nanonood - 2
Nakapagbibigay ng karagdagang mpormasyon - 2
KABUUANG ISKOR
F. Paglinang sa kabihasaan( tungo sa Formative Assessment) Magbigay ng paliwanag kung bakit iyon ang kanilang
ginawang pagsasadula. Magtatanong ang guro tungkol sa ibinaging pagsasadula ng mga mag-aaral.
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makasalamuha
ang mga Kanluranin, aling bansa ang iyong pipiliin na mapabilang at makipamuhay ka sa kanila? Bakit?
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makasalamuha ang mga Kanluranin, aling bansa ang iyong pipiliin na
mapabilang at makipamuhay ka sa kanila? Bakit?
H. Paglalahat ng aralin
EXIT PASS
Maghahanda ang guro ng template ng Exit Pass.
Pasagutan sa mga magaaral ang katagang :
“Isa sa mga mahahalagang konsepto at ideya na natutunan ko sa araw na ito ay ________________.”
I. Pagtataya ng Aralin
Dugtungan ang mga salita upang makabuo ng isang pangungusap. Gabayan ng guro ang mga magaaral na makabuod.
1.Ang mga bansang kanluranin na sumakop sa mga bansa sa Asya ay ang _______________________.
2.Ang mga bansa sa Asya na sinakop ng mga Kanluranin ay ang _________________.
3.Ang mga dahilan ng __________________.
PAPER AND PENCIL TEST Enumeration:
1-4 Mga bansang kanluranin na nanakop sa Asya
5-8 Mga bansa sa Asya na sinakop ng mga kanluranin
9-11- Paraan na ginawa ng mga kanluranin sa pananakop pananakop ng mga Kanluranin ay__________________. .
Ang epekto ng pananakop ay ang ______________________.
12-15- Dahilan ng pananakop _______________________.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation
Magsaliksik kung ano ang mga papel ng kolonyalismo at Imperyalismo sa kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya
Sumulat ng isang buod tungkol sa paksang tinalakay
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag aaral na nangangailanga n ng iba pang Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nabigyan ng solusyon sa tulong ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nabuo na nais kong ibahagi sa mga kapuwa ko guro?

Inihanda ni:
Lorebeth D. Montilla

You might also like