Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Detailed Lesson Plan (DLP) Format

DLP No.: 2 Learning Area: Araling Grade Level: 9 Quarter: 2 Duration:


Panlipunan 60 minutes

Learning Competency Naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa Code:


kalagayan ng presyo at ng pamilihan. AP9MYK-IIe-9

Key Concepts/ Ang ekwilibriyo ay kalagayan sa pamilihan kung saan ang dami ng demand
Understandings to be (Qd) at supply (Qs) ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ito
Developed: rin ay halaga ng kasiyahan na matatamo sa pagkonsumo sa isang produkto na
sinasang-ayunan naman ng bahay-kalakal sa isang pamilihan. Samakatuwid, ito
ang halaga ng pagdedesisyon na sinasang-ayunan ng lipunan.

Ang kakulangan (shortage) at kalabisan (surplus) ang dalawang pangunahing


suliranin ng pamilihan. Nagkakaroon ng kakulangan kung ang dami ng demand
ay mas malaki kaysa sa suplay. Habang ang kalabisan ay nangyayari kapag mas
malaki ang suplay kaysa sa demand. Maaaring malutas ang mga suliranin ng
sistema ng pamilihan.

Mahalaga ang ekwilibriyo sa pamilihan upang masinop na magamit ang mga


pinagkukunang-yaman.

1. Objectives
Knowledge Natutukoy ang pagkakaiba ng kakulangan (shortage) at kalabisan (surplus).
Skills Nakagagawa ng isang graph na nagpapakita ng interaksyon ng demand at
suplay.

Attitude Napahahalagahan ang implikasyon ng ekwilibriyo sa pamilihan at sa pang-


araw-araw na pamumuhay ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay mungkahi ng
dapat gawin upang magkaroon ng ekwilibriyo sa mga piling sitwasyon.

2. Content/Topic Interaksiyon ng Demand at Suplay

3. Learning “Ekonomiks” (Learner’s Module) pp.159-167, activity sheets, printed visuals,


Resources/Mat manila paper, markers
erials/
Equipment
4. Procedures
4.1 Gawain 1:LARAWAN-SURI
Introductory Panuto:Suriin ang larawan at sagutan ang mga katanungan.
Activity
(5 mins)
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Naranasan mo na ba ang ipinapakita sa larawan?
Ibahagi ang naging karanasan.
3. Ilarawan ang tungkulin o papel mo at ng iyong
katransaksiyon gaya ng ipinakikita ng larawan.
4. Anong konsepto kaya ang ipinapahiwatig ng
larawan?
Maaaring sagot:
1.Isang babae na bumibili ng mga prutas sa
pamilihan.
2.Oo.Sa tuwing linggo, bumibili kami ng nanay
ng mga prutas at gulay sa palengke.
3.Ako bilang konsyumer-tagabili ng mga
produkto at serbisyo.
Tindero/tindera bilang prodyuser-tagabenta
o tagapagbili ng mga produkto at serbisyo
4.demand at suplay, interaksiyon ng demand
at suplay

4.2 Activity Gawain 2: Knowledge Organizer


( 10 mins.) Panuto:Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat at bibigyan ng teksto ang
bawat mag-aaral para basahin. Pagkatapos ay sagutan ang graphic organizer na
nasa ibaba bilang pangkatang gawain. Pipili ang bawat pangkat ng isang taga-
ulat upang ipresenta ang kanilang output.

Ekwilibriyo

Interaksiyon ng
Demand at Supply

Disekwilibriyo

Ekwilibriyo Dami ng
demand=dami
Interaksiyon ng ng suplay
Demand at Supply
Shortage
Disekwilibriyo (Kakulangan)

Surplus
(Kalabisan)

4.3 Analysis Ipoproseso ang sagot ng mga mag-aaral sa kanilang graphic organizer.
( 10 mins)
LOTS
1. Ano ang dalawang uri ng disekwilibriyo sa pamilihan?
Sagot: kakulangan (shortage) at kalabisan (surplus)

2.Ano ang pagkakaiba ng kakulangan at kalabisan?


Sagot: Nagkakaroon ng kakulangan kung ang dami ng demand ay mas malaki
kaysa sa suplay. Habang ang kalabisan ay nangyayari kapag mas malaki ang
suplay kaysa sa demand.
3. Kailan masasabing mayroong ekwilibriyo sa pamilihan?
Sagot: Kapag parehas ang dami ng demand at suplay sa isang takdang presyo.

HOTS
4. Paano nagkakaroon ng gampanin ang presyo upang magkaroon ng ekwilibriyo sa
pamilihan?
Sagot:Ang presyo ang nagtatakda ng dami ng demand at suplay sa pamilihan.Ang
pagsasaayos ng nagtutungaliang interes ng mamimili at bahay-kalakal ay isinasagawa
sa pamamagitan ng pagtatakda ng ekwilibriyog presyo.

5.Bakit mahalaga ang ekwilibriyo sa pamilihan?


Sagot:Mahalaga ang ekwilibriyo sa pamilihan upang masinop na magamit ang
mga pinagkukunang-yaman.

4.4 Abstraction Ang ekwilibriyo ay kalagayan sa pamilihan kung saan ang dami ng demand
(5 mins) (Qd) at supply (Qs) ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ito
rin ay halaga ng kasiyahan na matatamo sa pagkonsumo sa isang produkto na
sinasang-ayunan naman ng bahay-kalakal sa isang pamilihan. Samakatuwid, ito
ang halaga ng pagdedesisyon na sinasang-ayunan ng lipunan.

Ang kakulangan (shortage) at kalabisan (surplus) ang dalawang pangunahing


suliranin ng pamilihan. Nagkakaroon ng kakulangan kung ang dami ng demand
ay mas malaki kaysa sa suplay. Habang ang kalabisan ay nangyayari kapag mas
malaki ang suplay kaysa sa demand. Maaaring malutas ang mga suliranin ng
sistema ng pamilihan.

Mahalaga ang ekwilibriyo sa pamilihan upang masinop na magamit ang mga


pinagkukunang-yaman.

4.5 Application Practice/Drill:


(10mins.)
Gawain 3: LABIS? KULANG? o SAKTO?
Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang LABIS kung
ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng surplus, KULANG
kung shortage, at SAKTO kung ekwilibriyo.

1. Kailangan ni Chiello ng isang dosenang rosas para sa kaarawan ng


kaniyang ina ngunit siyam na rosas lamang ang natitira sa flower shop.
KULANG
2. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang Php50 at sa
dami na 30. SAKTO
3. May 100 sako ng palay si Isko ngunit 70 sako lamang ang handang
bilhin ng bumibili nito. LABIS
4. May 36 na panindang payong si Berlin. Dahil sa biglaang pagbuhos
ng ulan, naubos lahat ang kaniyang paninda. SAKTO
5. Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni Aling Nery dahil sa
suspensiyon ng klase kaninang umaga. LABIS
6. Naubos kaagad ni Mang Kiko ang kaniyang paninda nang bilhin lahat
ng mga turista ang mga ito. SAKTO
7. Sa sobrang init ng panahon, naging matumal ang benta ng lugaw ni
Jocelyn. LABIS
8. Isandaang kilo ang supply ng sibuyas sa Gapan City Public Market at
isandaang kilo rin ang demand para rito. SAKTO
9. May 50 lapis ang kailangan ng mga mag-aaral sa Paaralang
Elementarya ng San Roque ngunit 30 lamang ang natitirang supply ng
Rose School Supplies. KULANG
10. Biniling lahat ni Ventor ang mga tindang biko ni Clara. SAKTO

4.6 Assessment Indibidwal na Gawain/Maikling Pasulit


(10 minutes) Gawain 4: S.O.S (SURPLUS o SHORTAGE)
Panuto:Suriin ang market schedule sa pares ng sapatos sa ibaba. Batay sa
talahanayan, tukuyin kung ang sitwasyon ay shortage, surplus, o ekwilibriyo.
Isulat ang iyong sagot sa hulihang kolum. Pagkatapos, ipakita sa pamamagitan
ng graph ang nilalaman nito.Isulat ang sagot sa papel na ibinigay ng guro.
MARKET SCHEDULE PARA SA PARES NG SAPATOS

Presyo(Php) Dami ng Dami ng Sitwasyon


Demand Supply
100 80 20 shortage
200 70 30 shortage
300 60 40 shortage
400 50 50 ekwilibriyo
500 40 60 surplus
600 30 70 surplus
700 20 80 surplus

Graph

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kalagayan ng pamilihan ng sapatos kapag ang presyo ay Php200?
kakulangan (shortage)
2. Ano ang kalagayan ng pamilihan ng sapatos kapag ang presyo ay Php600?
kalabisan (surplus)
3. Ano ang ipinahihiwatig ng punto ng ekwilibriyo?
Ang ekwilibriyo ay kalagayan sa pamilihan kung saan ang dami ng demand
(Qd) at supply (Qs) ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.

4.Sikaping humanap ng sitwasyon kung saan may nagaganap na palitan


(exchange) sa loob ng paaralan. Halimbawa ay palitan ng salapi, diskusyon, at
iba pa. Sagutin ang tanong: Ano ang maitutulong mo upang magkaroon ng
ekwilibriyo sa nasabing sitwasyon?Ipaliwanag.
Nagbebenta ang aking kaklase ng munchkins sa halagang walong piso bawat
piraso.Para sa akin, sobrang mahal ng presyo kaya tumawad ako sa aking
kaklase na gawing anim na piso.Hindi siya pumayag dahil malulugi daw siya.
Kaya kami ay nagkasundo sa presyong pitong piso bawat piraso para
magkaroon ng ekwilibriyo.

Nagkaroon ng diskusyon ang pangkat kung sino ang mag-uulat sa klase. Walang
gustong magpresenta dahil nahihiya. Para mayroon kaming iskor, kahit
nahihiya ay iprinesenta ang sarili bilang taga-ulat.

5.Assignment Sagutan ang tanong sa ibaba.Isulat ang sagot sa inyong kwaderno sa Araling Panlipunan.
(5Minutes)
Ano-ano ang iba’t ibang estraktura ng pamilihan?

6.Wrap-up/
Concluding Ang puwersa ng demand at suplay ang bumubuo sa pamilihan.
Activity
(5 minutes)

Reflection (DepED Order No. 42, s. 2016)

A. No. of learners who earned 80% in the evaluation


B. No. of learners who require additional activities for remediation
C. Did the remedial lessons work?
D. No. of learners who have caught up with the lesson
E. No. of learners who continue to require remediation
F. Which of my learning strategies worked well? Why did these work?
G. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me solve?

Prepared:

Name: Brea R. Coyoca School: Garing National High School


Position: Teacher III Division: Cebu Province
Contact Number: 09569621359 Email address: brea.coyoca@deped.gov.ph

Noted :

MELANIE GRACE M. LOCSIN


Principal I

You might also like