Instructional-Plan-in-Ekonomiks (Konsepto NG Demand)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Instructional Plan in Ekonomiks

Name of Teacher: Brea R. Coyoca Grade/Year Level: Grade 9


Learning Area: Araling Panlipunan Quarter: 2
Lesson No. 1: Konsepto ng Demand Duration: 1 hour

Learning Objectives:
Knowledge: Natutukoy ang kahulugan ng demand.

Skills: Nakagagawa ng demand curve gamit ang mga datos sa demand schedule.
Attitudes: Napahahalagahan ang matalinong pagpapasya sa pagtugon sa sa mga pagbabago ng
mga salik na nakakaapekto sa demand.

Resources Needed: Aklat “Ekonomiks, Mga Konsepto at Aplikasyon”, Balitao, ET. Al. pp. 254-
270, Ekonomiks (Gabay sa Pagturo) pp. 198-207, Powerpoint Presentation, Google Form,
Google Meet

Methodology:
I. Preparation
 Panalangin (optional)
 Pagbati
 Pagbalik-aral
 Pangganyak: “BUBBLE THOUGHT”. Suriin ang nilalaman ng bubble
thought at sagutan ang mga pamprosesong tanong.
1. Ano-ano ang ipinahihiwatig ng bubble thought?
2. Anong konsepto sa ekonomiks ang inilalarawan ng bubble thought?
II. Presentation
Powerpoint Presentation-Teacher Led Discussion. Ibahagi sa mga mag-aaral
ang Powerpoint Presentation tungkol sa konsepto ng demand. Magkaroon ng
talakayan tungkol dito.
III. Practice
Gawain 1:I-DEMAND, ITALA, at IKURBA .Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong
klase sa P.E. Nagkataong may tinda sa kantina na buko juice. Ilang baso ng buko juice ang
handa at kaya mong bilhin sa presyong Php6, Php8, Php10 hanggang Php14 kada baso? Itala
ito sa kolum ng Qd. Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo
upang mabuo ang demand schedule.

Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 50 – 2P. Pagkatapos nito ay


ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve.
Demand Schedule para sa baso ng Buko Juice

Presyo Bawat Baso (Php) Quantity Demanded


6
34
10
26
14

Gamitin ang nasa itaas para sa paggawa ng demand curve base sa datos ng demand schedule.
Gawain 2: Video Watching.Magpakita ng video na nasa wikang Ingles tungkosl sa pagtaas ng demand ng
bakuna kontra Covid-19 .Pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1.Ano ang ipinapahiwatig sa nakitang video?


2.Ano kaya ang dahilan ng pagtaas ng demand sa bakuna kontra Covid-19?
3.Ayon sa Batas ng Demand, kapag tumaas ang presyo ay bababa ang demand nito. Bakit kaya
mataas pa rin ang demand ng bakuna sa kabila ng pagtaas ng presyo?
4. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakaiwas sa Covid-19?

Assessment:

Short Quiz via Google Form


Assignment:
Magsaliksik ng iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban sa presyo at isumite
ito bukas sa Google Qlassroom.

Prepared by:

BREA R. COYOCA
Teacher 3

Checked by:

FRITZIE C. SORONIO
Principal I

You might also like