Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

1st Lagumang Pagsusulit sa Filipino

Name: ______________________________ Baitang&Pangkat: __________________

A. Basahin ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang pangngalan na


ginamit sa pangungusap.

1. Nagtinda ng gulay si Nana Perla.

2. Namasyal ang buong pamilya sa Baluarte.

3. May regalo akong bagong sapatos kay ninang ko.

4. Si Bruno ang alaga naming aso.

5. Nagpagamot kami sa albularyo.

B. Punan ng angkop na pangngalan upang mabuo ang bawat


pangungusap.

6. Si _______________________________ ang principal sa aming paaralan.

7. Ang aking guro ay si ___________________________________.

8. Nag-aaral ako sa paaralang ___________________________________.

9. Ang pangalan ng alaga kong aso ay _____________________________.

10. Inaayos ko ang ___________________________ pagkatapos maglaro.


2nd Lagumang Pagsusulit sa Filipino

Name: ______________________________ Baitang&Pangkat: __________________

A. Kahulugan nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. PANGHALIP B. KAHULUGAN
1. Tumutukoy sa isang taong pinag-uusapan. a. ikaw

2. Tumutukoy sa sarili ng nagsasalita. b. kami

3. Tumutukoy sa isang taong kausap. c. kayo

4. Tumutukoy sa taong nagsasalita at ang d. ako

kanyang kasama.

5. Tumutukoy sa mga taong kausap. e. siya

B. Punan ng angkop na panghalip ang pangungusap. (Ako, ikaw, siya,


kami, kayo, sila)

6. “Ako ay nakatira sa Baguio City. _________ Nena saan ka nakatira?” sabi


ni Helen.
7. Ako, sina Boyet at Garry ay magkakasamang uuwi. _________ ay
maglalaro ng basketbol mamaya.
8. “Nasaan sina Iza, Kyla at Rosa _________ ang maglilinis ngayon,” sabi ni
Sophia.
9. __________ ay si Jena, ang bago nilang kaklase.
10. “Toni, pakihanap si Pilo tinatawag ________ ng ating guro.”
3rd Lagumang Pagsusulit sa Filipino

Name: ______________________________ Baitang&Pangkat: __________________

A. Pagtambalin ang sanhi sa Hanay A sa angkop na bunga sa Hanay B.


Isulat ang titik ng tamang bunga sa patlang sa bawat bilang.
A. SANHI B. BUNGA
____1. Napakainit ng panahon. A. Kinansela ng DepEd ang klase.
____2. May sirang ngipin si Tomas. B. Mababa ang nakuha niyang marka
sa pagsusulit.
____3. Hindi kumain ng tanghalian si C. Pumunta siya sa dentista.
Michael.
____4. Hindi nag-aral si Danny. D. Gutom na gutom siya.
____5. Napakalakas ng bagyo. E. Binuksan namin ang aircon.

B.Basahin ang bawat pangungusap. Dugtungan ng sanhi o bunga upang


mabuo ito.

6. Nilagnat si Pia dahil _______________________________________.

7. Nag-ensayo sa pagkanta si Toni kaya _____________________.

8. Nahuli sa klase si Owen sapagka’t ________________________.

9. Marunong maghiwalay ng basura ang mga mag-aaral kaya’t


___________________________________________________.

10. Sumakit ang tiyan ni Nida dahil ___________________________.


4th Lagumang Pagsusulit sa Filipino

Name: ______________________________ Baitang&Pangkat: __________________

A. Ilarawan ang katangian ng mga tauhan. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Nagtitira si Mona mula sa baong ibinibigay ng kaniyang nanay. Hindi niya ito basta
ginagastos sa bagay na walang halaga.
A.mahusay B.matipid C.malakas

2. Habang pauwi si Lita may napulot siyang pera. Nakita niya si Tina na mas nauna sa
kanya. Hinabol niya ito at isinuli niya ang pera. Si Lita ay isang batang________.
A. matapat B. matipid C. matulungin

3. May uwing pagkain ang tatay. Sinabi nito na hatian ni Dina ang kanyang kapatid na
si Hani. Hinati ni Dina nang magkasinlaki at ibinigay niya kay Hani ang parte nito.

A. masinop B. mapagbigay C. marunong

4. Palagi na lang nakasigaw si Joni sa kaniyang mga kapatid. Walang araw na hindi
mainit ang kaniyang ulo kahit wala namang kadahidahilan.
A. magagalitin B. mahinahon C. matipid

5. ”Ayaw kitang kalaro! Madungis at mabahong bata!”


A.matapat B. matapobre C. mahinahon

B. Piliin sa kahon ang letra ng tamang sagot na naglalarawan sa bawat


tauhan. Isulat sa patlang bago ang bilang ang iyong sagot.
______ 6. Inalagaan ni Cindy ang kanyang ina.
______ 7. Kapag walang gumagamit, pinapatay ni Lina ang ilaw.
______ 8. Sinusunod ng dalawang bata ang mga napagkasunduang patakaran sa
kanilang bahay.
______ 9. Ginagawa lahat ni Eman ang kanyang gawain sa paaralan.
______ 10. Natutuwa si Len na magbigay ng pagkain sa mga kaklase niyan
walang bao.

masipag matipid masunurin masikap


mapagmahal mapagbigay
5th Lagumang Pagsusulit sa Filipino

Name: ______________________________ Baitang&Pangkat: __________________

A. Isulat ang tamang letrang nagsasaad ng tamang damdamin ayon sa


salitang may salungguhit.

______ 1. Napasigaw at nasabi niya ng malakas, “Ay, kabayo!” dahil sa


matinding gulat.
a. lungkot b. pagkabigla c. panghihinayang
______ 2. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang may ibang
gumagamit ng kaniyang damit.
a. inis b. tuwa c. galit
______ 3. Naku, ang dilim, tumatayo na balahibo ko! Anong lugar kaya ito?
a. gulat b.takot c. pagkabigla
______ 4. Aha! Diyan ka lang pala nagtatago. Ikaw na ang bagong taya.
a. inis b. tuwa c. pagkagulat
______ 5. Yehey, may bago akong bisikleta.
a. tuwa b. lungkot c. pagkabigla

B. Basahin at unawain ang kuwento. Ibigay ang sariling kaisipan o


reaksiyon sa mga sumusunod na tanong.

Dahil sa pandemiya na COVID 19, marami sa kapitbahay ni AJ ang

nawalan trabaho at nangangailangan ng tulong. Gusto ni AJ at ang

kanyang kaibigan na may maluwag na kabuhayan na tumulong sa mga

kapitbahay nila sa pamamangitan ng pag-iipon ng bigas, de-lata at gamot.

Masaya silang nagbigay ng mga ito bilang tulong sa mga tao.


6. Sa iyong reaksiyon, tama ba ang ginawa nila AJ?
a. Oo b. Hindi c. Pwede d. Hindi pwede

7. Sa iyong palagay, sino ang nangangailangan ng tulong ngayong panahon


ng pandemya?
a. Mahirap na pamilya b. Mayamang pamilya
c. Walang dapat tulungan d. Mga nabigyan ng ayuda

8. Ano kaya ang layunin ni AJ bakit niya ginawa ito.


a. Para maging sikat si AJ
b. Para makatulong sa nangangailangan
c. Para malaman ng tao na mayaman sila
d. Para lumayo sa kaibigan niya

9. Maliban sa pagiging matulungin, ano pa kaya ang katangian ni AJ?


a. mayabang b. pasikat
c. Maawain d. matalino

10. Kung nasa mabuting kalagayan ka sa buhay, ibabahagi mo ba sa iba


ang natatanggap mong biyaya?
a. Hindi, dahil may natanggap naman silang ayuda.
b. Hindi, dahil ito ay pinaghirapan ko
c. Oo, dahil nangangailangan sila ng tulong.
d. Pwede, kasi wala na silang makakain.
6th Lagumang Pagsusulit sa Filipino

Name: ______________________________ Baitang&Pangkat: __________________

A. Tignan ang bawat larawan. Isulat ang pangalan ng bawat isa.

1. 2. 3.

_______________ _______________ _______________

4. 5.

_______________ _______________

B. Piliin ang angkop na salita sa panaklong ( ) para mabuo ang


pangungusap.

6. Ang ganda ng bulaklak na nasa _____________. (plorera, plurera)

7. Binuhat ko ang gamit ng ating _____________. (guru, guro)

8. Sumakay ako ng _____________ (taraysikel, traysikel) papuntang

paaralan.

9. May bago akong _____________. (sipilyo, sipiliyo).

10. _____________ (Kalabaw, kalabao) ang gamit ni Tata Pedro sa pag-

aararo.
7th Lagumang Pagsusulit sa Filipino

Name: ______________________________ Baitang&Pangkat: __________________

A. Pag-aralan ang larawan. Isulat ang letra ng larawan magkatugma ang


pangalan.

1. a. b. c.

2. a. b. c.

3. a. b. c.

4. a. b. c.

5.a. b. c.

B. Basahin ang bawat salita. Sumulat ng salitang katugma nito.

6. baso - ____________

7. tinapay - ____________

8. walis - ____________
9. aliw - ____________

10. aklat - ____________

8th Lagumang Pagsusulit sa Filipino

Name: ______________________________ Baitang&Pangkat: __________________

A. Hanapin ang limang salitag-naglalarawan o pang-uri sa crossword


puzzle. Isulat ang mga ito.

C L A M A S A R A P

A M S J K F B A H A

B Y A H F R E S S N

M J F L W Y G G F D

N J S E A K J R H A

L G F F T L R D E K

D D H E F H I T G L

M A G A N D A M K I

H H M A S A Y A S E

G J K S T A K Y J E

C. Kopyahin ang salitang naglalarawan sa bawat bilang.


6. Maulap ang kalangitan sa amin.

7. Bago ang suot niyang sapatos.

8. Mataba ang sanggol na anak ni Mang Lando.


9. Ang Amerika ay isang mayamang bansa.

10. Makintab ang sahig sa kuwarto.

You might also like