Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS

Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan, Unang Linggo

PAGKAMAMAMAYAN: KONSEPTO AT KATUTURAN

Pangalan: ________________________________________ Seksiyon: _________________

Kasanayang Pagkatuto:
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan (MELC- Week 1-2)
Layunin: (Unang Araw)
Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan
(Budget of Works-1)

Pangunahing Konsepto: Konsepto ng Pagkamamamayan


Sa pagsisimula ng iyong pagtalakay sa modyul na ito, pagtutuunan mo ng pansin ang
gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong
nalalaman tungkol sa konsepto ng pagkamamamayan at bahaging ginagampanan nito sa
kasalukuyan. Pakinggan ang awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon at
habang pinakikinggan ito ay maaaring basahin ang titik ng awitin sa ibaba.

”Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ,,

ni Noel Cabangon

Ako’y isang mabuting Pilipino


Minamahal ko ang Bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin.

Tumatawid ako sa tamang tawiran


Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at hindi nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan.

Bumababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan


‘Di na makahambalang parang walang pakialam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula.

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino


Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin.

‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay


Ticket lamang ang tinatanggap kung binibigay
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno
‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan.l

‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan


Inaayos kong mga kalat sa basurahan
Inaalagan ko ang aking kapaligiran.
1
“Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin.

Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang


Kaya’t pag-aarala ay aking pinagbubutihan
‘Di ako gumagamit ng bawal na gamot
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok.

Pingtatanggol ko ang aking karangalan


‘Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
‘Di ko binebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan.

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino


Ako, ilang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan.

“Di ko binubulsa ang pera ng bayan


Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Ginagalang ko ang aking kapwa tao.

Pinaglalaban kong dangal ng bayan ko


‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin.

Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin


Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin.

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino


Panatang makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang lupang sinilangan.

Ito ang tahanan ng aking lahi


Ako’y kaniyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya, at kapaki-pakinabang
Bilang ganti diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.

Susundin ko ang mga tungkulin ang aking paaralan

Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan


Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at buong katapatan
Sisikapin ko maging isang tunay na Pilipino, sa isip sa salita at sa gawa.
Sanggunian: Cabangon, N. (Composer). (2009). Ako'y Isang Mabuting Pilipino. [N. Cabangon,
Performer] Manila, Philippines.
2
Gawain 1: Awit-Suri!
Matapos suriin ang awit ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang katangian ng mabuting Pilipino ayon sa awit?
___________________________________________________________________________________________.

2. Sino-sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino?


___________________________________________________________________________________________.

3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang mga tungkulin at


pananagutan?
___________________________________________________________________________________________.
4. Paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng kabutihang panlahat at
pambansang kapakanan?
___________________________________________________________________________________________.

LIGAL AT LUMALAWAK NA KONSEPTO NG PAGKAMAMAMAYAN


Layunin: (Ikalawang Araw)
Nakapagpapakita ng kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan sa pamamagitan ng
paggawa ng kabutihan sa kapwa (Budget of Works-2)

Pangunahing Konsepto: Ligal na Pananaw


Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang
tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng
daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng
citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis.
Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.

Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan. Ang pagiging
citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin.
Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi
maging ang kalagayan ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain
sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay
maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.

Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming pagbabago ang konsepto ng


citizenship at ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang
isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark
Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy
sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen,
siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.

Gawain 2: Tuklas-Kaalaman

Pagyamanin ang kaalaman tungkol sa paksa. Punan ng impormasyon sa talahanayan.

Maglista ng mga Gawaing Nagpapakita ng Pagiging Kahalagahan ng Gawaing


Aktibong Mamamayan Pansibiko o Pagiging Aktibong
Mamamayan

1.
2.
3.
4.
5.

3
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang magiging bunga kung ang lahat ng Pilipino ay nagmamahal sa bansa?
___________________________________________________________________________________________.
2. Paano tayo makatutulong nang epektibo sa pag-unlad ng ating pamayanan at bansa?
___________________________________________________________________________________________.

ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN

Layunin: (Ikatlong Araw)


Nakapagtatalakay sa loob ng klase tungkol sa kahalahagan ng aktibong
pagkamamamayan (Budget of Works-3)

Pangunahing Konsepto: Saligang Batas


Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng mga
mamamayan nito. Dito rin makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado
at ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen. Bilang halimbawa,
tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng1987 ng
Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang
maituturing na mamamayan ng Pilipinas.

SEKSIYON 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: (1) yaong mamamayan ng


Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito; (2) yaong ang mga ama o mga
ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na
ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
gulang; at (4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas. SEKSIYON. 2. Ang katutubong
inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala
nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang
kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino
ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
SEKSIYON. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas. SEKSIYON. 4. Mananatiling angkin ang kanilang
pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi
kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil
nito. SEKSIYON. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang
pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Unang


dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa
mga ito ay ang sumusunod: 1.) ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang
bansa; 2.) tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan, at 3.) nawala
ang bisa ng naturalisasyon. Dalawa ang Prinsipyo ng Pagkamamamayan. Una ay Jus
sanguinis- ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa
kanyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas. Jus soli o jus losi – ang
pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ay ipinanganak. Ito ang prinsipyong
sinusunod sa Amerika.

Sanggunian: Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang Konstitusyon ng
Republika ng Pilipinas 1987. Retrieved August

4
Gawain 3: Filipino Citizenship Concept Map

Isulat ang hinihinging impormasyon sa kasunod na concept map batay sa iyong binasang
teksto.

Gawain 4: Pagsulat ng Repleksiyon:

Sumulat ng isang repleksiyon tungkol sa paksang tinalakay. Gawing gabay ang sumusunod
na mga tanong at ang pamantayan sa pagmamarka.
1. Paano tayo lubusang makalalahok sa mga gawain sa pamayanan?
2. Paano nakatutulong ang ating pagtupad ng ating mga tungkulin sa pagkakaroon ng
kaunlaran, katahimikan at katiwasayan sa pamayanan?
3. Gaano kahalaga ang isang mamamayang sa lipunang Pilipino?

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang


Puntos
Pag-unawa Malinaw na nailahad ang sagot sa mga gabay 15
na tanong at kakikitaan ng kawastuan.
Organisasyon Kumprehensibo, malinaw at maayos ang 10
paglalahad ng ideya ayon sa paksa.
Nilalamanan Wasto, makatwiran at makatotohanan ang 10
lahat ng reaksiyon at opinyon na nakabatay
ang nilalaman sa mga tinatalakay na paksa.
Teknikalidad Kakikitaan ng kahusayan sa pagsulat ng 5
sanaysay tulad ng paggamit ng tamang bantas,
kaayusan ng pangungusap, at pagdebelop ng
kaisipan.
Kabuuan 40

Sanggunian: K-12 Araling Panlipunan 10, Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
2017. Ikaapat na Modyul, Week 1 & 2. Kagawaran ng Edukasyon. Ground Floor, Bonifacio
Bldg., DepEd Complex. pp. 351-358.

K to 12 Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu. Batayan at Sanayang Aklat sa Araling


Panlipunan. 2017 Binagong Edisyon. Rex Bookstore, Inc. pp. 309-327.

5
Answer Key:

Gawain 1: Awit-Suri!
(Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 2: Tuklas Kaalaman


(Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 3: Filipino Citizenship Concept Map


(Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 4: Pagsulat ng Repleksiyon


(Magkakaiba ang mga output)

Author: JANICE C. PARADIANG


School: Agusan National High School
Division: Butuan City
Email Address: janice.paradiang@deped.gov.ph

Tagasuri:

1. JACQUELINE B. VIDAL
SST-III, Social Studies
District Quality Assurance Team

2. CATHERINE A. BAYOTAS
MT-II, Social Studies
District Quality Assurance Team

3. MARINA B. SANGUENZA, PhD


SSHT-IV, Social Studies
District Quality Assurance Team

4. CARLOS C. CATALAN JR., PhD


Division Aral. Pan. Coordinator
Butuan City Division

6
WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS
Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan, Ikalawang Linggo

Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

Pangalan: ________________________________________ Seksyon: _________________

Kasanayang Pagkatuto:
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan (MELC- Week 1-2)

Layunin: (Unang Araw)


• Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa aktibong pagkamamamayan at
ang pag-unlad sa sarili. (Budget of Works-4)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman
Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan. Tinitingnan
ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad
ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng
kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa pagtugon niya
sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa
kabutihang panlahat. Mangyari pa, tinitingnan ng bawat isa na siya ay bahagi ng isang
lipunan kasama ang ibang tao.

Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang
mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat
gampanan, inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung
kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito.

Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang mamamayan ang


kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Kaniyang gagamitin ang pamamaraang
ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at
saloobin. Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng
pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang
ipatutupad sa isang estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng
lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw
at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.

Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating matukoy ang mga


katangian ng isang mabuting mamamayan. Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng
mamamayan ay inaasahang makabayan, may pagmamahal sa kapwa, may respeto sa
karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin
bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.

Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring


makatulong sa ating bansa. Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin
na maaaring gawin ng bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng pagiging simple ng mga ito ay
maaaring magbunga ang mga ito ng malawakang pagbabago sa ating lipunan.

1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.


2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay na smuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto.
Bilhin ang gawang-Pilipino.

7
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga
anak.
Sanggunian: Lacson, Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our
Country. Alay Pinoy Publishing House

Gawain 1: Gawain-Kahalagahan Tandem


Magbigay ng limang gawain na sa inyong tingin ay nagpapakita ng pagiging aktibong
mamamayan mula sa lumawak na pananaw. Pagkatapos nito ay ipaliwanag ang kahalagahan
tungo sa pag-unlad sa sarili.

Layunin: (Ikalawang Araw)


• Nakapagpipili ng tao o mga pangkat ng tao na malaking tulong sa pamahalaan
dahilan sa aktibong mamamayan (Budget of Works-5)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman

Pagkatapos linangin ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa konsepto at katuturan ng


pagkamamamayan ay hamunin naman sila upang pagnilayan ang mga kaalamang ito para sa
mas malalim na pag-unawa. Ang bahaging ito ay puno ng mga gawaing susubok sa kritikal na
pag-iisip ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsusuri ng isang artikulo. Inaasahang sa
pagtatapos ng bahaging ito ay may malalim nang pag-unawa ang mga mag-aaral tungkol sa
aralin.

8
Ang artikulong Filipino Ideals of Good Citizenship ni Mahar Mangahas, ay tungkol sa resulta
ng isinagawang ISSP Citizenship Survey noong 2004 kung saan tinanong ang mamamayan ng
iba’t ibang mga bansa, kasama na ang mga Pilipino, tungkol sa kanilang konsepto ng isang
mabuting mamamayan. Binigyang-diin ang mensaheng inilalahad ng artikulo at kung ano ang
kaugnayan ng mensaheng ito sa tradisyonal at lumawak na konsepto ng pagkamamamayan.

Gawain 2: Suri-Basa

Basahin ang artikulong Filipino Ideals of Good Citizenship ni Mahar Mangahas. Pagkatapos ay
sagutin ang mga katanungan sa loob ng kahon sa ibaba.

“Ang pananaw ng mga Pilipino sa pagiging mabuting mamamayan”


Mahar Mangahas Philippine Daily Inquirer 01:33:00 04/19/2008

Noong nakaraang lingo ay aking iniulat na tayong mga Pilipino, kung ihahambing sa
ibang nasyonalidad, ay napakahusay sa pangangalaga ng ating karapatan sa pagsasagawa ng
civil disobedience. Ngunit, tayo ay below average pagdating sa pangangalaga ng ating
karapatan sa minimum living standard, karapatan ng mga minorities, karapatan para sa
pantay na pagtrato, Ang bahaging ng modyul na ito ay tutulong sa iyo upang mas mapalalim
ang iyong pag-unawa sa konsepto at katuturan ng pagkamamamayan. Sa pagtatapos ng
modyul, inaasahang mabuo sa iyong kaisipan ang kasagutan sa tanong na, “Ano ang
katangian ng isang mabuting mamamayang Pilipino?” karapatan para marinig, at ang
karapatang makilahok sa demokratikong proseso.

Hindi lamang ang paggiit ng mga karapatan ang kalakip ng pagiging mabuting
mamamayan kundi maging ang pagtupad sa mga tungkulin.

Sa lingong ito, aking iuulat, batay pa rin sa 2004 Survey on Citizenship of the
International Social Survey Program (www.issp.org), na ang mga Pilipino, kung ihahambing sa
iba, ay may mataas na pananaw sa kung ano ang mga dapat gawin ng isang mabuting
mamamayan.

Gumawa ang 2004 ISSP Citizenship Survey ng isang listahan ng 10 tungkulin ng


mga mamamayan at tinanong ang mga respondent na markahan ang bawat isa gamit scale na
mula sa 1 hanggang 7, kung saan ang 1 ay hindi mahalaga at ang 7 ay napakahalaga. Narito
ang bahagdan ng mga sumagot ng 6 o 7 na mga Filipinos, ang ibang nasyonalidad, at ang
global average, ayon sa pagkakasunod ng mga tungkulin ng mamamayan na minarkahan:

9
Kriterya kalagayan
5. Ang maging epektibo sa panlipunan at Ang Pilipinas ang nanguna rito; ito lamang
politikal na mga samahan. ang bansa kung saan ang mayorya ng mga
respondent ay nagsabi na ito ay mahalaga.
Ang Mexico at South Africa ay parehong nasa
ikalawang puwesto. Finland ang pinakahuli.

6. Subuking unawain ang katuwiran ng mga Nangunguna ang mga Mexicans. Ang
taong may ibang opinion. Pilipinas ay pang-siyam at ang pinakahuli
ay ang Czech Republic .

7. Pumili ng produkto para sa politikal, Ang Portugal ang nanguna, sinundan ng


etikal o pangkalikasang kadahilanan, Spain, at Australia . Dalawang bansa lamang
kahit na ito ay mayroong dagdag na ang mayroong mayorya ng mga taong
gastos. nagsabing ang isang mabuting mamamayan.
Ang Pilipinas ay pang-apat kasama ang
Austria. Ang pinakahuli ay ang Bulgaria.

8. Tulungan ang mamamayan ng bansang Ang mga bansang nanguna ay ang Venezuela
may hindi magandang kalagayan. Chile, Uruguay , at ang Mexico. Ang Pilipinas
ay panganim, kasunod ng Israel. Ang mga
nasa huli ay Czech Republic at ang Hungary
pagkatapos ng Japan.

9. Tulungan ang mamamayan ng mga bansa Pang-una ang Venezuela at ang Pilipinas, na
sa mundo na may hindi magandang ay ang pang-siyam sa sampung bansa kung
kalagayan. saan ang mayorya ng mga respondent ay
nagsasabing ang pagtulong sa iba ay bahagi
ng pagiging mabuting mamamayan. Ito ay isa
sa mga isyu kung saan ang United States ay
below average.

10. Handang maglingkod sa militar sa oras Ang Israel ang nanguna, kung saan ang
ng pangangailangan panlahatang serbisyo militar ay bahagi ng
kanilang seguridad. Malayo ang puntos ng
Russia sa Israel, Poland, at ang Pilipinas, na
kasama ang Venezuela sa pang-apat na
puwesto. Ang mga bansang nasa huli ay ang
Flanders at Japan.

10
Marami tayong matutuhan sa ating sarili sa pamamagitan ng pag-aaral sa ibang tao.
Ipinapakita ng mga survey, na hindi sa unang pagkakataon, na ang tingnan ang mga Pilipino
na mayroong sirang kultura ay pagbatay sa ‘parachute journalism’ sa halip sa agham
panlipunan.

Sanggunian:

Mangahas, M. (2008, April 19). Filipino Ideals of Good Citizenship. Retrieved March 19, 2014, from
Inquirer: http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080419131332/Filipino-ideals-of-
good-citizenship
Salin sa Filipino ni Mark Alvin M. Cruz

Layunin: (Ikatlong Araw)

• Nakapagpapaliwanag sa klase bakit umuunlad tayo kung samasamang maging


aktibong pagkamamamayan (Budget of Works-6)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman

Ang aktibong pakikilahok sa mga prosesong Politikal ng mga mamamayang batid ang
kanilang mga karapatan ay makatutulong sa pagbuo ng makabuluhang solusyon sa mga
isyung panlipunan sa kasalukuyan. Nasa kamay ng mga aktibong mamamayan ang pagtugon
sa mga isyung panlipunang kasalukuyan nating nararanasan. Ang pagbuo ng mga solusyon
ay magsisimula sa pagkilala natin na tayo ay mayroong pananagutan para sa ating lipunan.
Mahalagang maunawaan natin na hindi lamang pamahalaan ang may tungkulin para
paunlarin ang ating bayan. Nararapat na tayo ay aktibong nakikilahok sa pagbuo ng mga
programang magbibigay tugon sa mga isyu at suliraning panlipunan.

11
Gawain 3: Replekto-Suri

Suriin ang mga larawan at sagutin ang gabay na tanong. Isulat ang inyong reyalisasyon sa
loob ng scroll sa ibaba.

Joey A. Gabieta. Inquirer. net. Retrieved April 4, 2016 http://www.topnews.in/regions/Philippines

12
RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON
DIMENSYON Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos ng Pagpapabuti
1 Puntos

Buod ng aralin, Maliwanag at Maliwanag Hindi gaanong Hindi maliwanag at


paksa, o gawain kompleto ang subalit may maliwanag at marami ang kulang
pagbuod ng kulang sa kulang sa sa mga detalye sa
araling detalye sa detalye sa paksa o sa araling
tinalakay paksa o sa paksa o sa tinalakay
araling araling
tinalakay tinalakay

Presentasyon ng Lahat ng Tatlo lamang Dalawa Isa lamang sa mga


pagkakasulat pamantayan ay sa mga lamang sa mga pamantayan ang
a. Maayos ang matatagpuan pamantayan pamantayan matatagpuan sa
pagkakasunod- sa kabuuan ng ang ang kabuuan ng
sunod ng mga repleksiyon matatagpuan matatagpuan repleksiyon
ideya sa kabuuan ng sa kabuuan ng
b. Hindi repleksiyon repleksiyon
paligoyligoy ang
pagkakasulat
c. Angkop ang
mga salitang
ginamit
d. Malinis ang
pagkakasulat

Sanggunian:
K-12 Modyul ng Mag-aaral.Araling Panlipunan10:Mga Kontemporaryong Isyu at
Hamong Panlipunan 2013. Ikaapat na Modyul, Week 1&2. Kagawaran ng Edukasyon. Ground
Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex. Pp.359-366.
Lacson, Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country.
Alay Pinoy Publishing House
Mangahas, M. (2008, April 19). Filipino Ideals of Good Citizenship. Retrieved March 19,
2014, from Inquirer:
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080419131332/Filipino-ideals-
of-good-citizenship
Salin sa Filipino ni Mark Alvin M. Cruz

13
Answer Key:

Gawain 1: Gawain-Kahalagahan Tandem


(Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 2: Suri-Basa
(Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 3: Replekto-Suri
(Magkakaiba ang mga sagot/May Rubrik sa Pagmamarka)

Tagasuri:

3. MARINA B. SANGUENZA, PhD


SSHT-IV, Social Studies
District Quality Assurance Team

4. CARLOS C. CATALAN JR., PhD


Division Aral. Pan. Coordinator
Butuan City Division

14
WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS
Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

Modyul 4 Aralin 2: MGA KARAPATANG PANTAO

Pangalan: ________________________________________ Seksyon: _________________

Kasanayang Pagkatuto:
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.(MELC- Week 3 – 4)

Layunin: (Unang Araw)


• Nakapagsusuri sa kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang
pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
(Budget of Works-1)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman

Historikal na Pag-unlad ng Konsepto sa Karapatang Pantao

539 B.C.E. Sinakop ng Haring Cyrus ng Persia at ng kanyang mga tauhan ang lungsod ng
Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maari silang pumili ng relihiyon.
Idineklara din ang pagkakapantay-pantay ng lahi.

Nakatala ito sa isang baked clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder”. Tinagurian
ito bilang “World First Charter of Human Rights” . Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa
karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.

Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism,


Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa
moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang kapwa.

Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, hari ng England, sa Magna Carta, isang
dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi
maaring dakpin, ipakulong at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman na walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito nilimitahan na ang kapangyarihan ng bansa.

Noong 1628 sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga karapatan tulad
ng hindi pagpataw ng buwis na walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong na
walang sapat na dahilan at hindi pagdeklara ng Batas Militar sa panahon ng kapayapaan.

Noong 1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang Batas ng kanilang bansa.
Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791.
Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging
ang iba pang taong naninirahan sa bansa.
Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni
Haring Louis XVI. Sumunod ang paglagda ng Universal Declaration of the Rights of Man and of
the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.

Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado
ng United States sa Geneva, Switzerland.Kinilala ito bilang The First Geneva Convention na
may layuning isaalang-alang ang mga nasugatan at may sakit na sundalo na walang anumang
deskriminasyon.
Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni
Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong

15
Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estado Unidos. Sa pamamagitan ng naturang Komisyon,
nilagdaan at ipinatupad ang Universal Declaration of Human Rights.

Gawain 1: Stair Diagram - Completion


Batay sa babasahin sa itaas, ilahad at suriin ang limang (5) makasaysayang kaganapan
lamang tungkol sa konstekstong historikal ng pag-unlad ng konsepto ng karapatang pantao
kalakip ang bawat dokumento na nakapaloob dito. Isulat batay sa naunang nangyari
hanggang sa pinakahuli.

Pamprosesong Tanong:
1.Bakit mahalagang malaman at maunawaan ang kasaysayan ng pagsusulong at
pangangalaga ng mga karapatang pantao?

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________.

Pangunahing Konsepto/Nilalaman

Ang Universal Declaration of Human Rights

Ang Universal Declaration of Human Rights ay isa sa mahalagang dokumento na naglalahad ng


mga karapatang pantao ng mga indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng
tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.

Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945 binigyan-diin ng mga bansang kasapi
nito na magkaroon ng mga kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang
kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa. Ito ay naging
bahagi ng adyenda ng UN General Assembly noong 1946.

Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United
Nations si Eleanor Roosevelt – ang biyuda ni dating pangulong Franklin Roosevelt ng United
States. Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing karapatang
pantao at tinawag ang talaang ito bilang Universal Declaration of Human Rights.
Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at
binansagan ito bilang “International Magna Carta for All Mankind “.

Sa kauna-unahang pagkakataon pinagsama-sama, at binalangkas ang lahat ng karapatang


pantao ng indibidwal sa isang dokumento. Ito ang naging batayan ng mga demokratikong
bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang Batas.

16
Umabot ng halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR.
Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng
pagkakapantay-pantay at pagiging malaya. Binubuo naman ng mga karapatang sibil at
pulitikal ang Artikulo 3 hanggang 21. Nakadetalye naman sa Artikulo 22 hanggang 27 ang
mga karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural. Tumutukoy naman ang huling artikulo
(Artikulo 28 hanggang 30) sa tungkulin ng tao na itaguyod ang karapatan ng ibang tao.

Makikita sa ibaba ang buod ng Universal Declaration of Human Rights.

UN (United Nations).(2014). The Universal Declaration of Human Rights. Retrieved 2014


at United Nations
Kaisa ang Pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting na
pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatang pantao sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ayon sa
Seksiyon 11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 ay
pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan ang lubos na
paggalang sa karapatang pantao. Binigyan-diin ng Estado ang pahayag na ito sa Katipunan
ng mga Karapatan(Bill of Rights) na nakapaloob sa Seksiyon 1-22 ng Artikulo III.
Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan
ng pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang
karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksiyon 8, 11, 12, 13, 18(1), at 19.
Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ang bawat
mamamayan ng isang demokratikong bansa. Mayroon namang apat na klasipikasyon ang
Constitutional Rights.
17
Una, Natural Rights. Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipinagkaloob ng estado.
Ito ay mga karapatang mabuhay(right to live), maging malaya(right to liberty), at magkaroon
ng ari-arian(right to property).

Ikalawa, Constitutional Rights. Mga karapatang ipinagkaloob at pinangalagaan ng Estado. Ito


ay ang mga sumusunod:
➢ Karapatang Politikal – kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o
hindi sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
➢ Karapatang Sibil – mga karapatang tiniyak sa mga pribadong indibidwal na maging
kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais na hindi lumalabag sa batas.
➢ Karapatang Sosyo-ekonomik – mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at
pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibidwal.
➢ Karapatan ng Akusado – mga karapatan na magbibigay-proteksiyon sa indibidwal na
inakusahan sa anomang krimen.

Ikatlo, Statutory Rights. Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas. Ito ay ang karapatang makatanggap ng minimum wage.
Gawain 2: Chart Analysis

Bigyan-analisa ang mga piling sitwasyon sa loob ng Chart.

Sitwasyon o Pangyayari Karapatang Pantao na Hakbang na Dapat


Nalabag Isagawa
1.Ginawang alipin ang
batang anak ng magulang.
2. Sinasaktan ng asawang
lalaki ang asawang babae
dahil sa selos.
3.Pinaratangan at
nakulong ang isang tao
dahil inakusahang
nagnakaw.
4. Pinaalis sa kumpanya
ang isang empleyado dulot
ng krisis.
5. Pinagtatrabaho na
walang pahinga ang isang
manggagawa gaya ng
nurse na OFW sa
kasagsagan ng pandemya.

MGA ORGANISASYONG NAGTATAGUYOD SA KARAPATANG PANTAO

Layunin: (Ikatlong Araw)


• Nakapagpapaliwanag sa karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong
panlipunan.

Pangunahing Konsepto/Nilalaman

Karaniwan sa magtatagumpay na pandaigdigang samahang nagtataguyod ng


mga karapatang pantao ay nagmula sa mga NGO o Nongovernmental
Organization kung saan pinangungunahan ng mga karaniwang mamayan at
hindi ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga samahang ito.

18
Sa ibaba ay ang tala ng piling organisasyon:
❖ Human Rights Action Center (HRAC) – itinatag ni Jack Healey, isang kilalang human
rights activist. Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig
at nagsilbing boses ng mga walang boses. Nakipag-ugnayan din ang HRAC sa
pandaigdigang sining tulad ng musika, teatro, pelikula at maging ng printed material
upang maipalaganap ang kahalagahan ng karapatang pantao.
❖ Global Rights – pangunahing layunin nito ay itaguyod at pangalagaan ang karapatan
ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan. Pinalakas din nito ang
mga aktibong kalahok ng samahan na itala at ilantad ang mga pang-aabuso sa
karapatang pantao at makapagtaguyod ng mga repormang patungkol sa karapatang
pantao.
❖ Asian Human Rights Commission (AHRC) – itinatag noong 1984 ng mga tanyag na
grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya. Layunin ng
samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at
pagsasakatuparan nito sa buong Asya.
❖ African Commission on Human and People’s Rights – ito ay isang quasi-judicial body
na pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia. Layon nitong proteksiyonan at itaguyod ang
karapatan ng mga tao at magbigay ng interpretasyon sa African Charter on Human and
People’s Rights.
❖ Amnesty International – isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang
umaabot sa mahigit pitong milyon katao. Ang motto nito ay “ it is better to light a candle
than to curse the darkness”. Pangunahing adhikain nito ang magsagawa ng
pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng mga katapatang pantao sa buong
daigdig. Gayundin mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng paglabag sa
karapatang pantao.
Sa Pilipinas, ang Commission on Human Rights (CHR) ay may pangunahing tungkulin na
pangalagaan ang karapatang pantao ng mga mamamayan. Kinikilala ang CHR bilang “National
Human Rights Institution” (NHRI) ng Pilipinas. Nilikha ito ng Konstitusyon ng Republika ng
Pilipinas alinsunod Sa Seksiyon 17 (1) ng Artikulo XIII.

Nagkakaloob ang CHR ng mga programa at serbisyo upang maprotektahan ang karapatang
pantao ng bawat Pilipino. Ilan sa mga ito ay pagdodokumento at pangangasiwa ng mga reklamo
tungkol sa paglabag sa karapatang pantao, pagbibigay tulong at serbisyong legal sa mga
biktima, pagsubaybay sa kalaga- yan ng mga piitan at rehabilitation center kung may kaso ng
paglabag sa karapatang pantao at pagsasagawa ng mga forensic at medico legal services.

Binibigyan-tuon din ng CHR ang iba’t ibang programa, estratehiya, at advocacy campaign
upang higit na makapagbigay ng impormasyon at aktibong makalahok ang mga mamamayan
sa pangangalaga ng mga karapatang pantao sa bansa.

May ilang piling ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas at organisasyon na nangangalaga at


tumutugon din sa isyu ng karapatang pantao sa bansa. Ito ang iilan sa ibaba:

❖ DSWD – may tungkuling pababain ang antas ng kahirapan sa bansa, magbigay


serbisyong panlipunan, proteksiyunan ang mga bata, dukha, may kapansanan at lahat
ng nangangailangan.
❖ DEP.ED. – may tungkuling magpatupad ng plano, programa, at proyektong pang-
edukasyon sa bansa. Nagbibigay-pagkakataon sa lahat lalo na sa mga kabataan na
makapag-aral ng maayos.
❖ DOLE - may tungkuling pangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa sa bansa at
bigyan-proteksiyon laban sa anumang uri ng pang-aabuso.
❖ OWWA – nangangalaga at nagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng mga OFW o
Pilipinong nangingibang bansa. Nagbibigay-tulong din sa mga pamilyang naiwan sa
bansa.
❖ PAO – nagbibigay tulong legal sa mga taong walang kayang idepensa ang sarili sa korte.
❖ VAWC – nagbibigay tulong sa mga kababaihan at kabataan na naging biktima ng
karahasan at anumang pang-aabuso.

19
Gawain 3: Pagsulat ng Sanaysay
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa Karapatang Pantao.
Gawing gabay ang sumusunod na mga tanong at ang pamantayan sa pagmamarka.

1. Bakit mahalagang malaman at maunawaan ng karapatan ng bawat tao?


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Pag-unawa Malinaw na nailahad ang sagot sa mga gabay 10
na tanong
Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng ideya. 5
Maayos na naipahayag ang pagkakaugnay ng
mga tinalakay na konsepto
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. 10
Nakabatay ang nilalaman sa mga tinatalakay
na paksa.
Teknikalidad Sumunod sa pamantayan ng sanaysay tulad 5
ng paggamit ng tamang bantas, kaayusan ng
pangungusap, at pagdebelop ng kaisipan.
Kabuuan 30
2. Paano mo maiiwasan ang pang-aabuso o paglabag sa karapatang pantao?

Sanggunian:

K-12 Modyul ng Mag-aaral.Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu at


Hamong Panlipunan (2013), Ikaapat na Markahan, pp. 369 – 395.

United for Human Rights. A Brief History of Human Rights (2014).

UN(United Nations).(2014). The Universal Declaration of Human Rights. Retrieved 2014


at United Nations.

Saligang Batas ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas. Ang Konstitusyon ng Republika ng


Pilipinas 1987. Retrieved 2014 at Official Gazzette.

Commission in Human Rights and Department of Education.Facilitator’s Manual on


Human Rights Education(2003).

Slideshare.net.; Mga Ahensiya ng Pamahalaan at Tungkulin.

Answer Key:
Gawain 1: Stair Diagram Completion
• 539 B.C.E. Cyrus Cylinder, World First Charter of Human Rights
• 1215 Magna Carta ni John I ng England
• 1628 Petition of Rights ng England
• 1791 Bill of Rights ng United States
• 1789 Universal Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
• 1948 The Universal Declaration of Human Rights
Gawain 2: Chart Analysis
• Karapatang makapag-aral at makapaglaro – Isuplong
sa DSWD (pwede ibang katanggap-tanggap na sagot)
• Karapatang alagaan at mahalin ng tunay ng asawa sa ilalim ng kasunduan sa kasal
(matrimony) – Ireklamo sa VAWC desk ( iba pang katanggap-tanggap na sagot)
• Karapatan sa patas na paglilitis – Idulog sa CHR at PAO (ibang katanggap -tanggap na
sagot)
20
• Karapatang makapagtrabaho at makatanggap ng benepisyo – Isumbong sa DOLE (pwede
ang ibang katanggap-tanggap na sagot)
• Karapatang makapagpahinga at maglibang – Ireklamo sa OWWA at embahada ng
Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas at ng bansang pinagtatrabahuan ( pwede ang
ibang katanggap-tanggap na sagot)

Gawain 3: Pagsulat ng Sanaysay


(Magkakaiba ang mga nilalaman at pagkasulat ng sanaysay)

Author: ROSE ANN D. LAGMAY


School: Agusan National High School
Division: Butuan City
Email Address: rose.lagmay@deped.gov.ph

Tagasuri:

3. MARINA B. SANGUENZA, PhD


SSHT-IV, Social Studies
District Quality Assurance Team

4. CARLOS C. CATALAN JR., PhD


Division Aral. Pan. Coordinator
Butuan City Division

21
WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS
Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan- Ikaapat na Linggo

Mga Karapatang Pantao

Pangalan: ________________________________________ Seksyon: _________________

Kasanayang Pagkatuto:
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsulong at pangangalaga sa karapatang
pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan. MELC Week 3-4
Layunin: (Unang Araw)
Nakapagsusulong sa pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon sa mga
isyu at hamong panlipunan. (BOW No.4)

Pangunahing Konsepto/Nilalaman

Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 Artikulo III

SEK. 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao nang hindi sa
kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.
SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili,
pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahaluglog at
pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant
sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na
pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap
niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyaking tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at
ang mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.

SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya
maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ng naiiba ang kaligtasan o kaayusan
ng bayan ayon sa itinatakda ng batas.(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa
alin mang hakbangin sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito sa
sinusundang seksyon.
SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita,
pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang
magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa
malayang pagsasa-gamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang
pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang
pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon sa pagsasagamit
ng mga karapatang sibil o pampulitika.

SEK. 6. Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa
saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni
hindi dapat bawalan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng
kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring
itadhana ng batas.

SEK. 14. (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang
hindi sa kaparaanan ng batas.(2) Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay
dapat ituring na walang sala hangga’t hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa
ng karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at

22
dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at hayagang
paglilitis, makaharap ang mga testigo at magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak
ang pagharap ng mga testigo at paglitaw ng ebidensya para sa kanyang kapakanan. Gayon
man, matapos mabasa ang sakdal, maaaring ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal
sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang
humarap.

SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus maliban kung may
pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang pambayan.
SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng
kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, malapanghukuman, o
pampangasiwaan.
SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.

SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang paniniwala at
hangaring pampulitika. (2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod,
maliban kung ang kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.

SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-
makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang batas at
hukuman.

Sanggunian: Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas,


At pinalimbag ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. (1991). Retrieved 9 2017, February,
from http://www.gov.ph/downloads/1987/02feb/19870211-Konstitusyon-CCA.pdf

Gawain 1.Kung Ikaw Ay …


Panuto: 1. Pumili ng tatlong sitwasyon sa loob ng kahon at pag-isipan ng mabuti kung
anong mga karapatang pantao ang dapat isaalang –alang kung mailalagay sa napiling
sitwasyon.
Sitwasyon 1.1:___________________________________________________________________

Sitwasyon 1.2:___________________________________________________________________

Sitwasyon 1.3:___________________________________________________________________
2. Ipaliwanang ang kaugnayan ng kaalaman sa mga karapatang pantao sa
pagtugon ng mga isyu at hamong panlipunan.

23
Layunin: (Ikalawang Araw)
Nakapagsasabi kung paano matugunan ang mga isyu at hamong panlipunan
(BOW No.5)

Gawain 2. Mga Isyu at Karapatang Pantao

Layunin: (Ikatlong Araw)


Nakapagrereport sa mga kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa
karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan

Gawain 3.Mga Scenario: Paglabag at Hakbang

Kumuha ng larawan o artikulo sa pahayagan tungkol sa mga situwasiyon sa bansa o ibang


bahagi ng daigdig na may paglabag sa karapatang pantao. Gawin sa diyagram ang pagsagot
sa hinihinging mga datos.

24
Sumulat ng repleksiyon kung gaano kahalaga na mapangalagaan ang mga karapatang
pantao upang maging susi sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.

Tunghayan ang rubric sa pagmamarka ng repleksyon.

RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON


DIMENSYON Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos ng Pagpapabuti
1 Puntos
Buod ng aralin, Maliwanag at Maliwanag Hindi gaanong Hindi maliwanag
paksa, o gawain kompleto ang subalit may maliwanag at at marami ang
pagbuod ng kulang sa kulang sa kulang sa mga
araling detalye sa detalye sa detalye sa paksa
tinalakay paksa o sa paksa o sa o sa araling
araling araling tinalakay
tinalakay tinalakay
Presentasyon ng Lahat ng Tatlo lamang sa Dalawa lamang Isa lamang sa
pagkakasulat pamantayan ay mga sa mga mga pamantayan
a. Maayos ang matatagpuan sa pamantayan pamantayan ang matatagpuan
pagkakasunod- kabuuan ng ang ang sa kabuuan ng
sunod ng mga repleksiyon matatagpuan matatagpuan repleksiyon
ideya sa kabuuan ng sa kabuuan ng
b.Hindi repleksiyon repleksiyon
paligoyligoy ang
pagkakasulat
c. Angkop ang
mga salitang
ginamit
d. Malinis ang
pagkakasulat

K-12 Modyul ng Mag-aaral.Araling Panlipunan10:Mga Kontemporaryong Isyu at


Hamong Panlipunan 2013. Ikaapat na Modyul, Week 1&2. Kagawaran ng Edukasyon. Ground
Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex. Pp.3396-405
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, Linangan ng mga Wika sa Pilipinas.
(1991). Retrieved 9 2017, February, from
http://www.gov.ph/downloads/1987/02feb/19870211-Konstitusyon-CCA.pdf

25
Answer Key:

Gawain 1: Humn Rights Declared


(Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 2: Kung Ikaw ay……………


(Magkakaiba ang mga sagot)

Gawain 3: Mga Scenario Paglabag at Paghakbang


(Magkakaiba ang mga sagot)

Author: JO GRACE A. LATONERO


School: Agusan National High School
Division: Butuan City
Email Address: jogracelatonero@deped.gov.ph

Tagasuri:

3. MARINA B. SANGUENZA, PhD


SSHT-IV, Social Studies
District Quality Assurance Team

4. CARLOS C. CATALAN JR., PhD


Division Aral. Pan. Coordinator
Butuan City Division

26

You might also like