Professional Documents
Culture Documents
Assesment 1
Assesment 1
IKAAPAT NA MARKAHAN
ESP 9- Modyul 1 & 2
Pangalan:______________________________Baitang at Pangkat:________________________________
A. Panuto: Basahin ang bawat aytem at piliin ang angkop na sagot sa mga tanong/pahayag .
Isulat lamang ang titik sa puwang bago ang bilang.
______1.Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay
may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang na sa Baitang 9, ano ang
pinakamahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa
iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
a. Pahalagahan at paunlarin
b. Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
______2.Alin sa sumusunod na pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na
may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong
matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap
na bagay, at pagbubuo ng masistemang paraan sa pagkuha ng datos?
a.Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Talento
_____5.Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan
niya sa pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at
pagtitiyaga ay nakuha naman niya sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang
pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang
pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo pa‘t bukas siya pagdating sa
komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Anong pansariling salik ang naging
tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
a. mithiin b. pagpapahalaga c. kasanayan d. hilig
_____6.Sa Multiple Intelligences Survey form, matutukoy mo ang iyong talento at kakayahan.
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga talino o intellegences?
a. Spatial c. Auditory
b. Existentialist d. Kinesthetic
_____7.Ang kakayahan ay isa sa pinakamahalagang salik sa pagpili ng track o kurso. Alin sa
mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Tseklist batay sa Uri ng Kakayahan.
a. Kakayahan sa Pakikiharap sa Tao
b. Kakayahan sa mga Datos
c. Kakayahan sa mga Bagay-bagay
d. Kakayahan sa mga solusyon sa problema
1
_____8. Ang RIASEC ay isang paraan upang matukoy ang Hilig ng isang tao kung saan ang R ay
Realistic, I ay Investigative, A ay Artistic, S ay Social, at E ay Enterprising, Ano naman ang
kinakatawan ng titik C?
a.Conventional b.Cooperation c.Conference d.Caring
_____13.Kung ikaw ang nasa katayuan ni Eric ano ang iyong gagawin?
a. Huminto muna at maghanap ng trabaho
b. Mag-alaga ng mga hayop sa bukid
c. Kumuha ng pagsusulit para sa scholarship
d. Maghanap ng mayamang mapapangasawa
_____14.Ang mga panloob na mga pansariling salik ay makakatulong sa pag-unawa ng
kahalagahan ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikalbokasyonal o negosyo bilang
tugon sa hamon ng paggawa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ito?
a. Talento b. Hilig c. Katayuang Pinansyal d. Kakayahan
_____15.Kinahiligan ni Joe ang paggamit ng mga makina at iba pang mga kagamitang pang-
kunstruksiyon. Anong kakayahan ang tinutukoy ng pahayag?
a. pakikiharap sa Tao
b. mga datos
c. mga bagay-bagay
d. mga ideya at sulosyon
_____16.Ang aming kapitbahay ay laging nakikipagtulungan, nakikisama sa iba kaya’t naging
matagumpay sila sa kung anumang aktibidades na gagawin ng aming pamayanan. Sa aling
kasanayan/skills ito napapabilang?
B. Basahin ang tungkol Mga Kursong Pagpipilian ng mga Kabataan batay sa inyong
talento, kakayahan o hilig na maaari nyong gabay sa pagpili ng inyong track para sa
Senior High School. Ilista ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa mga kursong
inyong nasasaliksik at anong kaalaman ang pumukaw sa Iyo, Ihanay ito sa loob ng
talahanayan:
Kursong Mahalagang Impormasyon/mga Kaalamang Pumukaw sa Iyo
Nasasaliksik Gawain
Hal. Malaki ang potensyal sa pag-unlad sa Nagustuhan ko ito dahil sa
Accountancy and Accounting dahil sa mataas ang malalaki ang kikitain ko at
Businessrelated pangangailangan ng mga negosyo at makatutulong din ito sa pag-
Courses institusyon para sa mga accountant. Ang unlad ng ating Ekonomiya.
mga lisensyadong accountant ay
karaniwang tumatanggap ng mga matataas
na suweldo at magagandang benepisyo.
Ang mga tapos naman sa mga
businessrelated course ay maaaring gawing
manager sa mga negosyo at ang iba ay
nagiging entrepreneur.
1.
2.
3
3.
4.
5.
C.Batay sa mga nailista na mga kurso o trabaho na ayon sa inyong talento hilig at
kakayahan, i-ayos mo ito ng sunod-sunod ayon sa inyong hilig, mithiin at lokal at
global na demand. Pagkatapos ipaliwanag kung paano mo nabuo.
1.__________________________________
2.__________________________________
3.__________________________________
4. _________________________________
5.__________________________________
Pangalan at lagda ng
magulang:___________________________________________Petsa:_______________________
4
Ikatlong Linggo-ESP 9
Mga Kursong Pagpipilian ng mga Kabataan
Mga Kalamangan at Kahinaan ng ilang Mga Pagpipiliang Karera
Upang magsilbing gabay sa mga tinedyer sa matalinong pagpili ng karera o kursong kukunin, tatalakayin sa
lekturang ito ang ilang mga kalamangan at kahinaan ng ilang mga kurso sa kolehiyo. Ang mga
impormasyong ito ay magagamit ng mga magulang, guro, at tagapayo sa paggabay at pagpapayo kung ang
partikular na kurso ba ay nakaayon o di-nakaayon sa isang kabataan.
Nangangailangan ang mga ito ng konsentrasyon sa pag-aaral, kakayahan sa analitikong pag-iisip, interes sa
mga sining at agham panlipunan, at ng maraming pagsusuri at sentido komun. Sa merkado, kaunti ang
5
demand sa mga nagtapos sa mga kursong ito. Ang mga nagtapos sa mga ito ay karaniwang nagpapatuloy sa
pagkuha ng batas, teolohiya, o iba pang mas mataas na kurso sa agham ng tao. Ang ilang mga nagtapos ay
karaniwang nagiging propesor sa mga paaralan.
Angkop ang mga kursong agrikultura sa mga mahilig sa pagtatanim. Sa mga mapagmahal naman sa mga
hayop, angkop ang kursong may kinalaman sa animal husbandry gaya ng Veterinary Medicine. Ang mga
nagtapos sa mga kursong ito ay maaaring makapasok sa mga tanggapan ng pamahalaan tulad ng Ministry of
Agriculture, Bureau of Animal Industries,Agriculture industries at mga Pamantasan, mga sakahan, poultry,
mga laboratoryo, mga tanggapan ng pananaliksik, at food industries.
Ang mga nagnanais kumuha ng mga kursong ito ay kailangang may lakas ng loob, may tunay na interes sa
pananim at hayop, at handa sa imersiyon sa mga sakahan at makisalamuha sa mga hayop. Maraming hamon
ang haharapin sa mga karerang ito.
Malaki ang potensyal sa pag-unlad sa Accounting dahil sa mataas ang pangangailangan ng mga negosyo at
institusyon para sa mga accountant. Ang mga lisensyadong accountant ay karaniwang tumatanggap ng mga
matataas na suweldo at magagandang benepisyo. Ang mga tapos naman sa mga business-related course ay
maaaring gawing manager sa mga negosyo at ang iba ay nagiging entrepreneur.
Itinuturing nga lamang na mahirap na kurso ang Accountancy at mahirap maging isang sertipikadong
Pampublikong Accountant. Kailangan ang konsentrasyon sa pag-aaral, ang husay sa matematika, ang
pagiging palaaral, at ang tiyaga. Ang accounting ay maaaring nakakasawa o di nakakawiling trabaho dahil
ang gawain ay paulit-ulit, metikuloso, at maaaring mangailangan ng pagtatrabaho sa kompyuter sa matagal
na panahon. Sa mga business-related careers naman ay mataas ang kumpetisyon.
7. Teacher Education
Ang Teacher Education courses ay pagsasanay upang maging kwalipikadong tagapagturo sa paaralan.
Malaki ang utang na loob ng mga propesyonal sa kanilang mga guro. Kung wala ang mga guro, wala ang
mga propesyonal sa kanilang kinaroroonan ngayon.
Ang pagtuturo ay isang dakilang propesyon. Laging may pangangailangan sa mga guro sapagkat laging may
mga mag-aaral at paaralan. Ang pagtuturo ay nakasisiya sapagkat may kaligayahang dulot ang kaalaman na
ikaw ay nakapagbabahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral. Lalo na sa SPED Education,
masarap sa pakiramdam na makatulong sa mga SPED student sa pamamagitan ng paghuhubog sa kanila
para na rin mapabuti ang kanilang kondisyon.
Kailangan ang pagiging pasensiyoso o pasensiyosa sa pagiging guro. Bukod sa aktuwal na pagtuturo, may
mga gawaing-papel na dapat gawin tulad ng mga ulat ng indibidwal na progreso at mga ulat ukol sa mga
6
antas sa mga mag-aaral. Kailangan din na maging sensitibo at malikhain para sa mga pangangailangan ng
mga tinuturuan. (© by Marissa G. Eugenio/AlaminNatin.com)
Pangalan at lagda ng
magulang:___________________________________________Petsa:_______________________