Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANALANGIN SA BANAL NA PAMILYA NG NAZARETH

PANIMULANG PANALANGIN: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN


NAMUMUNO: Halina Panginoon at lumapit ka sa amin.
LAHAT: O Panginoon, magmadali ka sa pagsaklob sa amin.
NAMUMUNO: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
LAHAT: Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang
hanggan. AMEN
NAMUMUNO: Halina at purihin si Hesus, anak ng Diyos at napaloob sa buhay nina Maria
at Jose, nakipamuhay kasama nila at nagtungo sa Nazareth.
LAHAT: At sumunod sa kalooban nila.
LAHAT: Panginoon, liwanagan mo kami at sa pamamagitan ng halimbawa ng Banal na
Pamilya, ituro mo sa amin ang daan patungo sa tunay na kapayapaan.
NAMUMUNO: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
LAHAT: Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang
hanggan. AMEN
NAMUMUNO: Halina at parangalan natin ang Banal na Birheng Maria at purihin ang anak
niyang si Hesus, na ating Panginoon. Sapagkat gumawa ang Poon ng mga dakilang bagay.
LAHAT: At banal ang kanyang pangalan.
LAHAT: Panginoon, liwanagan mo kami at sa pamamagitan ng halimbawa ng Banal na
Pamilya, ituro mo sa amin ang daan patungo sa tunay na kapayapaan.
NAMUMUNO: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
LAHAT: Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang
hanggan. AMEN
NAMUMUNO: Halina at purihin si Hesus, ang Anak ng Diyos na siyang tinawag ding anak
ni San Jose. At ginawa niyang pinuno ng kanyang bahay.
LAHAT: At tagapamahala ng lahat ng kanyang mga ari-arian.
LAHAT: Panginoon, liwanagan mo kami at sa pamamagitan ng halimbawa ng Banal na
Pamilya, ituro mo sa amin ang daan patungo sa tunay na kapayapaan.
NAMUMUNO: Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
LAHAT: Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang
hanggan. AMEN
NAMUMUNO: Mapapalad ang mga taong namamalagi sa kanyang tahanan, O Panginoon.
LAHAT: At sila’y magpupuri sa iyo magpakailanman.

MANALANGIN TAYO
O Panginoong Hesukristo, na napasakop kay Maria at Jose ay pinababanal ang simpleng
pamumuhay sa pamamagitan ng iyong mga pagpapahalaga at halimbawa, ipagkaloob mo
sa pamamagitan ng tulong ni Maria at Jose, halimbawa ng Banal na Pamilya, ang aming
isinasamo. Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. AMEN.
NAMUMUNO: Papurihan natin ang Ama at Anak kasama ang Espiritu Santo.
LAHAT: Purihin siya at ipagdangal magpakailanman.
PANALANGIN

O Jesus, Maria at Jose, tinatanggap ka namin sa aming tahanan at sa aming puso. Ang
aming pagtanggap na ito ay simbolo ng aming pagnanais na tularan ang iyong
pagmamahal para sa bawat isa sa amin at ng iyong tapat na pagsunod sa kalooban ng
Diyos. Ipamagitan mo kami sa Diyos habang ipinapanalangin sa Ama ng lahat ang aming
mga kailangan. O Panginoon, aming Ama sa langit, iyong maawaing pagkalinga,
ipinagkakatiwala namin ang aming mga kamag-anak, kaibigan at lahat ng pamilya sa
buong mundo. Basbasan mo kami habang binabasbasan mo ang Banal na Pamilya sa
Nazareth. Jesus, Maria at Jose, ipagkaloob mo para sa amin ang biyaya na mamuhay sa
tunay at perpektong pagkakaunawaan ng aming pag-iisip, kalooban at pagkilos upang
magampanan namin ang aming tungkulin para sa aming pamilya, ng may matimyas na
pagmamahal at tunay na pagtalima sa Diyos. Bigyan mo kami ng biyaya upang ang aming
buhay ay maisunod namin sa kalooban at plano ng Diyos para sa amin. Bilang mga
Kristiyano, tulungan mo kami laging magnais at matapat na makibahagi sa simbahan
upang ipagtanggol at palaganapin ang Pananampalataya at patuloy na maglingkod sa iyo
at sa aming kapwa ng may katapatan at buong pagmamahal. AMEN.

PAGBABASBAS

LAHAT: Basbasan mo Panginoong Hesus, kasama ni Maria at Jose, ang lahat ng pamilya.
Lingapin mo kami bilang iyong mga anak. Habilin mo sa bawat relasyon ng bawat pamilya
ang pag-ibig, pagtitiwala, pang-unawa, pagpapatawad, pakikipagkasundo at kapayapaan.
Nawa’y ang diwa ng pagkalinga ay laging magningas sa aming buhay sa pamamagitan ng
aming salita at gawa. Nawa’y sa pagsisikap naming maging halimbawa at modelong
pamilya, ang pag-uugali mo sa Banal na Mag-anak ang siyang aming maging gabay upang
mamuhay kami ng tapat sa aming bokasyong magmahal at maglingkod.

LAHAT: Ama, biyayaan mo kami ng iyong katapatan, katapangan at pagmamahal kay


Hesus, Maria at Jose. Maging gabay ka sana namin at maging aming tunay na pahingahan
upang mamuhay kaming nakikita ang lahat sa ngalan ng pananampalataya upang maging
totoo kami sa pagtugon sa tawag ng paglilingkod. Katulad nina Hesus, Maria at Jose,
hayaan mong yakapin namin ang buhay sa kabila ng pangamba at takot sapagkat ikaw
ang aming tunay na lakas. Ipinapanalangin namin ito sa pamamagitan ng Banal na
Pamilya sa Nazareth, Hesus, Maria at Jose, ang huwaran ng lahat ng pamilya. AMEN.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. AMEN.

You might also like