Professional Documents
Culture Documents
Katutubong Panitikan
Katutubong Panitikan
Sanligang Kasaysayan
● Ang panitikan, tulad ng kasaysayan, ay nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga naganap sa isang
lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito.
● Samantalang ang kasaysayan ay tukuyan at naglalarawan ng hubad na katotohanan, ang
panitikan ay nagagayakan ng magagarang damit ng pagpapahayag at nakukulayan ng
malikhaing guni-guni ng mga akda.
● Wika nga ni Long, ang panitikan ay “mga naisulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at
damdamin ng tao.”
● May panitikan na tayo sa panahong ito. Karamihan ay nagpapalipat-lipat lamang sa bibig ng mga
tao atnagtataglay ng impluwensya ng Malayo Indonesyo.
● Ang ating panitikan ay nasa anyo ng mga alamat, kuwentong-bayan, kantahing bayan, epiko at
mga karunungang bayan tulad ng mga salawikain, bugtong, palaisipan, sawikain at kasabihan.
● Ang unang alpabetong ginamit ng ating mga ninuno ay katulad ng alpabetong Malayo-Polenesyo.
Binubuo ito ng labimpitong letra: tatlong patinig at labing-apat na katinig na tinatawag na
Baybayin. Ang pagsulat at pagbasa sa panahong iyon ay mula sa itaas at mula sa
kaliwa,pakanan.
Ang Tula
● Ang pagsulat ng tula ay isang hamon sa mga makata sa dahilang matimpi ang paggamit ng mga
salita, may bilang ang mga patinig at may kahirapan ang pagpili ng mga magkakatugmang salita
bagama’t sa ayon ay hindi na gaanong kinikilala ng mga makabagong makata ang bilang ng mga
pantig o sukat at tugma.
● Ang tula, may sukat at tugma o Malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at
sining ng kariktan. Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang
magandang halimbawa rito.
● May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginagamit ay piling-pili at naaaayon sa
mabuting panlasa. May iba’t ibang pagpapakahulugan kung ano ang tula.
Sa panahon bago dumating ang mga kastila, ang mga pang-araw-araw na usapan ay
magtataglay ng magagandang kaisipan at mga talinghaga. Ito’y mapapansing ginagamit pa hanggang
ngayon sa mga lalawigan at nayon.
Mula sa mga karunungang bayan ay sumilang ang mga kantahing bayan na inaawit n gating mga
ninuno sa saliw ng mga makalumang instrument.
Ang mga ito’y nagpapahayag ng damdamin, pamumuhay, karanasan, pananampalataya,
kaugalian at
hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang lugar.
Ayon sa aklat ng “Panitikan ng Pilipinas” nina Jose Villa Panganiban at C.T Panganiban,
ang mga uri ng kantahing bayan noong unang panahon ay ang mga sumusunod:
A. Soliranin (rowing songs)
B. Talindaw (boat songs)
C. Diona (nuptial or courtship songs)
D. Oyayi o Uyayi (lullaby)
E. Dalit (hymns)
F. Kumintang (war or battle songs)
G. Sambotani (victory songs)
H. Kundiman (love songs)
Ang mga sumusunod na awiting bayan ay mula sa malalayong pook, mga liblib na nayon at mga
kabundukan.
Chua-ay (Awit na Pangkasalan ng mga Igorot)
Lalaking matapang, lalaking malakas
Ikaw’y siya naming tinatawagan. . . . Hoy!
Halika, halika’t tinatawag ka. . . . Hoy!
Matapang lumaban, malakas gumawa
Halika na rito, halika rito. . . . Hoy!
Magpasan ng bigas, dalhin sa bayan. . . . Hoy!
Awit sa Pakikidigma
Ang nuno nating lahat
Sa kulong ay hindi nasindak
Sa laban ay di naawit
Pinuhunan, buhay, hirap
Upang tayong mga anak
Mabuhay nang mapanatag
Itong ating kabukiran
Sampung buhay at tahanan
Ibig nilang kuning tunay
Maagaw sa ating kamay?
Tayo baga’y mag-aasal
Gayong buhay, tila patay?
Ang Epiko
Ang epiko ay isang tulang pasalaysay na ang paksa ay tungkol sa, pakikipagsapalaran, katapangan
at kabayanihan ng mga pangunahing tauhan.
May mga pangyayari sa tulang ito na hindi kapani-paniwala ngunit nagbibigay ng aral.
Mga halimbawa ng epiko:
A. Mga Epiko ng mga Muslim.
● Ang “Darangan” ng mga Muslim ay patulang mga salaysay sa kagitingan at kabayanihan ng mga
mandirigmang Muslim ngunit tatlo lamang ang nasalin sa Ingles. Ang pagsasaliksik ay utang kay
G. Frank Lauback.
● Nasusulat sa wikang Maranaw ang “Darangan”. Pinakapopular ang “Bantugan”.
● Pumapangalawa ang isinalin sa Ingles ni G Najeeb Saleeby, ang “Indarapatra at Sulayman”.
Ang Dula
Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos
at galaw ang kaisipan ng may-akda
Tatlong Bahagi ng Dula
1. Yugto – Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa dula. Inilalahad ang pagmukhang tabing upang
magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsipaganap gayundin ang mga manonood.
2. Tanghal – Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos
ng tanghalan.
3. Tagpo – Ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.