Arts5 Q3 Module3a

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

5

ARTS
Ikatlong Markahan – Modyul 3a:
Ang Sining ng Paglilimbag

NegOr_Q3_MAPEH5_Module3a_v2
ARTS – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3a: Ang Sining ng Paglilimbag
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ruth P. Nalam, Bernadeth U. Oquendo, Lorenzo, Jr. E. Jalloren
Editor: Ramzhel Mae E. Argoncillo, Antonieta E. Lajot, Marynell G. Maquiling
Tagasuri: Bernadeth U. Oquendo, Florence M. Pinili
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Jenith C. Cabajon
Joelyza M. Arcilla, EdD Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis, EdD Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, EdD Elmar L. Cabrera
Dan P. Alar, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin
Ang mga katutubong kuwentong bayan ay binubuo ng mga tauhan na hango
sa kaisipan at imahinasyon. Malikhaing isinasalaysay nito ang kabayanihan,
kagandahan, at pambihirang kapangyarihan ng mga katutubong tauhan.
Nanatiling buhay sa iba’t ibang salinlahi ang mga katutubong kuwentong
bayan at marami sa mga ito ay naisulat o nailimbag sa mga aklat, komiks, at
naipalabas sa telebisyon at pelikula. May naaalala ka pa ba sa mga karakter na ito?
Naaalala mo pa ba ang kanilang kuwento?
Gamit ang iba’t ibang teknik o pamamaraan ng paglilimbag, bibigyang buhay
muli ang mga karakter na ito.

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang TAMA
kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Ang paglilimbag ay isang uri ng sining kung saan ang larawan na iginuhit o inukit
ay inililipat sa ibabaw ng papel, tela, kahoy at iba pang bagay.
2. Ang paglilimbag ay nagsimula sa bansang Hapon.
3. Ang monoprinting ay isang uri ng paglilimbag kung saan natatangi ang bawat
malilikhang larawan.
4. Ang Ukiyo-e ay mga larawang nilimbag na nagpapakita ng pang-araw-araw na
gawain at larawan ng buhay sa bansang Hapon.
5. Ang tinta, na inukit sa kahoy at brayer ay mahalagang gamit sa paglilimbag ng
larawang iginuhit at inukit.
6. Ang mga kwentong bayan tulad ng kuwento ni Mariang Makiling ay magagamit na
paksa sa paglilimbag.
7. Si Mariang Sinukuan ay isa sa mga pinakakilalang tauhan na diwata sa mga
kuwentong bayan.
8. Ang pagguhit at pag-ukit ng mga linya sa kahoy na inilimbag ay mahalaga dahil
nakapagbibigay ito ng biswal na pandama.
9. Ang sining sa pagpipinta ay pamamaraan ng paglipat ng larawang iginuhit at
inukit sa bagong papel.
10. Ang sining ng paglilimbag ay isang paraan o maaaring gamitin sa pagkukuwento.

NegOr_Q3_MAPEH5_Module3a_v2
1
Balikan
Siyempre naman, Lily!
Ang nakaraang leksyon
Abby, naaalala natin ay tungkol sa
mo ba ang pagpipinta ng mga
nakaraang magagandang tanawin
leksyon natin sa sa ating bayan.
Arts 5?

Ano pang magagandang


tanawin ang nais mong
maipinta na
maipagmamalaki sa mga Nais kong maipinta ang
dayuhan? Bakit mahalagang Bulkang Kanlaon,
mapangalagaan ang mga Bundok ng Talinis,
likas na yaman at yamang Tambobo Bay, at iba pa.
kasaysayan ng bansa?

Tuklasin
Kilala mo ba si Mariang Makiling? Ano ang
mga kuwentong narinig o nabasa mo tungkol kay
Mariang Makiling? Ano ang mga aral na nais
maiparating ng mga kwentong ito?
Maraming mga alagad ng sining na lumikha
ng magagandang obra gamit ang mga tagpo sa
kuwento ni Mariang Miling bilang paksa. May mga
guhit, painting, at eskultura ni Mariang Makiling.
Ngunit sa araling ito, ikaw ay maglilimbag gamit ang
kuwento ni Mariang Makiling bilang inspirasyon.
Ang likhang-sining na iyong nakikita ay isang
halimbawa ng inilimbag na larawan ni Mariang
NCCA Official, 2015 Makiling. Kaya mo rin bang gawin ito?

NegOr_Q3_MAPEH5_Module3a_v2
2
Suriin
Ang sining ng paglilimbag ay pamamaraan ng paglipat ng larawang iginuhit at
inukit na maaaring mula sa kahoy, goma, metal, at iba pa. Inilimbag ito sa anomang
bagay tulad ng papel at tela gamit ang tinta. Maaari ring ilimbag ang nararamdamang
tekstura mula sa likod ng mga dahon at iba pang mga bagay.
Ang teknik na ito ay nagsimula sa bansang Tsina daantaon na ang nakalipas.
Ginamit nila ang paglilimbag bilang pamamaraan ng pagtatala ng kasaysayan sa
kanilang bansa. Ginamit din nila itong paraan ng pagkukuwento gamit ang mga
larawan.
Sa bansang Hapon, ang paglilimbag ay pinalawak bilang isang sining. Ang
ukiyo-e ay mga larawang nilimbag na nagpapakita sa pang-araw-araw na gawain at
larawan ng buhay.
May iba’t ibang uri ng sining ng paglilimbag na ipinakilala at pinasikat sa Asya,
Europa, Africa, at iba pang bahagi ng mundo.
Ang iba’t ibang uri nito ay monoprint, intaglio, aquatint, engraving, etching,
mezzotint, linocut, block print, lithography, silk screen o serigraph, woodblock print, at
drypoint.

Ang Monoprinting
Ang monoprinting ay isang uri ng
paglilimbag kung saan one of a kind o
natatangi ang bawat malilikhang larawan.
Hindi ito tulad ng ibang uri ng paglilimbag kung
saan maaaring lumikha ng maraming kopya sa
orihinal na larawan.
Isinasagawa ang monoprinting sa
pamamagitan ng paglalagay o pagdaragdag
ng tinta (additive method) o pagtatanggal o
pagbabawas ng tinta (subtractive method) sa
Brown, 2014
malinis na plate na karaniwang metal o salamin.

Pagyamanin
Basahin ang ilang impormasyon tungkol sa kuwentong Mariang Makiling upang
magkaroon ka ng ideya sa iyong ililimbag na likhang-sining.
Ang mga kuwento tungkol kay Mariang Makiling ay bahagi ng ating pasalitang
tradisyon bago pa man ito naisatitik ng mga manunulat. Ang pasalitang tradisyon (oral
tradition) ay binubuo ng mga awit o kuwento na may kahalagahan sa ating kasaysayan
at kultura. Ito ay nagpasalin-salin sa mga tao sa iba’t ibang henerasyon sa
pamamagitan ng pagsasalita o pakikipagtalastasan.

NegOr_Q3_MAPEH5_Module3a_v2
3
Ang kuwento ni Mariang Makiling ay kuwentong bayan tungkol sa isang Diwata
ng kagubatan na nakatira sa kabundukan ng Makiling sa Laguna. Siya ay tinaguriang
tagapag-alaga sa kayamanan ng kagubatan at tagapagbigay sa mga taong umaasa
sa likas na yaman ng kabundukan. Si Mariang Makiling ay inilalarawan bilang isang
babaeng may pambihirang kagandahan. Ang kanyang buhok ay maitim at mahaba.
Ang kanyang mga mata ay pawang nangingislap sa maamo niyang mukha. Si Maria
ay kadalasang makikita sa kanyang maputi at mahabang pananamit.

Isaisip
Ang mga kuwentong bayan tulad ng Mariang Makiling ay kapupulutan ng
magandang aral at pagpapahalaga sa buhay. Maaaring gamitin ang mga kuwentong
ito bilang inspirasyon ng likhang-sining.

Isagawa
Gawain 1: Cardboard Printing ni Mariang Makiling
Mga Kagamitan:
2 pirasong cardboard (8.5 x 11 inches o glue
kasinlaki ng isang short bond paper) puting papel
gunting acrycolor
Hakbang sa Paggawa:
1. Planuhin ang larawan ni Mariang Makiling ayon sa iyong imahinasyon.
2. Sa isang pirasong cardboard, gupitin ang mga hugis at linya na bubuo sa larawan
ni Mariang Makiling.
3. Idikit ito sa isang pirasong cardboard at ayusin ang larawan ni Mariang Makiling
ayon sa iyong nais.
4. Lapatan ng acrycolor ang bahagi na nakaumbok sa cardboard sa pamamagitan
ng brush.
5. Ipatong ang puting papel sa bahaging may kulay at dahan-dahang iangat.
6. Patuyuin.
7. Suriin ang likhang-sining gamit ang rubrik.

Maaaring maging gabay sa paggawa ang sumusunod na larawan.

1. 2. 3.

NegOr_Q3_MAPEH5_Module3a_v2
4
4. 5.

Photo Reference: Halina’t Umawit at Gumuhit 5, p. 142

Gawain 2: Rubrik para sa Cardboard Printing ni Mariang Makiling


Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong
aralin.
Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi
pamantayan pamantayan nakasunod
Mga Sukatan nang higit sa ayon sa sa
inaasahan inaasahan pamantayan
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
1. Nagamit ang imahinasyon sa
pagbuo sa isip ng larawan ni
Mariang Makiling
2. Nailarawan si Mariang Makiling
mula sa imahinasyon sa
pamamagitan ng cardboard printing
3. Nagamit ang iba’t ibang linya,
hugis, at tekstura upang mabuo
ang inilimbag na larawan
4. Nakasunod sa mga hakbang sa
paglilimbag ng larawan

Tayahin
Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang diwa o kaisipan ng
pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik na katumbas ng tamang sagot. Isulat
ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang _________ ay isang uri ng sining kung saan ang larawan na iginuhit o inukit
ay inililipat sa ibabaw ng papel, tela, kahoy at iba pang bagay.
A. paglililok B. paglilimbag C. pagpapanday D. pagpipinta
2. Ang paglilimbag ay nagsimula sa bansang _________.
A. Europa B. Hapon C. Singapore D. Tsina
3. Ang _________ ay isang uri ng paglilimbag kung saan one of a kind o natatangi
ang bawat malilikhang larawan.
A. cardboard printing B. linoblock C. monoprinting D. string printing
4. Ang _________ ay mga larawang nilimbag na nagpapakita sa pang-araw-araw na
gawain at larawan ng buhay sa bansang Hapon.
A. Hagiyoh B. Hanga C. monoprint D. Ukiyo-e
NegOr_Q3_MAPEH5_Module3a_v2
5
5. Ang _________ ay mahalagang gamit sa paglilimbag ng larawang iginuhit at inukit.
A. brayer B. inukit na kahoy C. tinta D. lahat ng nabanggit
6. Ang mga kuwentong bayan tulad ng kuwento ni Mariang Makiling ay magagamit
na _________ sa paglilimbag.
A. karakter B. kulay C. materyal D. paksa
7. Si _________ ay isa sa mga pinakakilalang tauhan na diwata sa mga kuwentong
bayan.
A. Mariang Aguila C. Maria Makiling
B. Maria Leonora Teresa D. Mariang Sinukuan
8. Ang pagguhit at pag-ukit ng mga linya sa kahoy na inilimbag ay mahalaga dahil
_________.
A. naglalahad ito ng biswal na paningin
B. nagpapahayag ito ng biswal na paghinga
C. nagpapatunay ng biswal na gamit sa paglilimbag
D. nakapagbibigay ito ng biswal na pandama
9. Ang paglilimbag na nagagawa sa isang pagkakataon at hindi nauulit ay tinatawag
na _________.
A. aquatint B. mesotint C. monoprint D. serigraph
10. Ang sining ng paglilimbag ay isang paraan ng _________.
A. pagdarasal B. pagkukuwento C. pagpapakitang-gilas D. pagsayaw

Karagdagang Gawain

Para sa karagdagang kaalaman kung paano gawin ang monoprinting,


maaaring panoorin ang tutorial video na makikita sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=7Vm4Q5CYoX0

NegOr_Q3_MAPEH5_Module3a_v2
6
Susi sa Pagwawasto
10. B 5. D
9. C 4. D
8. D 3. C
7. C 2. D
6. D 1. B
Tayahin

Isagawa (Ang mga gawain ay maaaring magkaiba.)


10. TAMA 5. TAMA
9. MALI 4. TAMA
8. TAMA 3. TAMA
7. MALI 2. MALI
6. TAMA 1. TAMA
Subukin

Sanggunian
Aklat
Copiaco, Hazel P., Jacinto, Emilio Jr. S. (2016). Halinang Umawit at Gumuhit 5.
Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc.
(Batayang Aklat, Pag-aari ng Pamahalaan)

Online
Brown, Cecily. (2014). Artsy.net. Retrieved on December 14, 2021 from
http://bit.ly/2M4hInC
Hill, Eli. (2018, August 16). 9 Types of Printmaking You Need to Know. Artsy.net.
Retrieved on December 14, 2021 from https://www.artsy.net/article/editorial-
nine-types-of-printmaking-you-need-to
NCCA Official. (2015, June 4). Sagisag Kultura-M. Flickr. Retrieved on December
14, 2021 from http://bit.ly/3oX2srv

8
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like