Detailed Lesson Plan (DLP) Format - Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Instructional Planning

(The process of systematically planning, developing, evaluating, and managing the instructional process by using
principles of teaching and learning – D.O. 42, s. 2016)
Detailed Lesson Plan (DLP) Format

Paaralan Clarendon College Baitang/Antas 8


Guro Atilano, Angelica Ann P. Asignatura Filipino-8
Regala, Mary Joy G.
Sidoro, Aynielyn
De Pedro, Aiza
Petsa at Oras ng Ika-4 ng Marso Markahan Unang Markahan
Pagtuturo 2:30pm-4:00pm

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
Pangnilalaman pampanitikan ng Mindanao.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong
panturismo.
C. Mga kasanayan sa Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang
Pagkatuto napakinggan.
Isulat ang code ng bawat F7PN- Ic-d-2
kasanayan
II. NILALAMAN Unang Markahan- Aralin 2 (ika-7 Baitang)
III. KAGAMITANG T.V, laptop, DLP, Instructional materials
PANTURO
A. Sanggunian WOW Filipino 7
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk 32-43
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning https://youtu.be/VRroSa_uGdo?si=NdrBi-VbJK1dk6kK
Resources https://youtu.be/vT7Y7OEvtUE?si=wJb5jyJFg2PIYuyp
https://youtu.be/08J7pAEy1H4?si=JQEyIEmPqxwn7U2Q
https://youtu.be/IrRz81sc-Jc?feature=shared

B. Iba pang Kagamitan Bidyo


Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Noong nakaraang araw ang ating tinalakay ay tungkol sa Tayutay, ano nga
aralin at/o pagsisimula ng ulit ang Tayutay?
bagong aralin

Magaling bigyan natin sya ng sampung palakpak!

Ito ay sinasadyang gamitan ng mga talinghaga o di-karaniwang salita


upang gawing mabisa, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
B. Paghahabi sa layunin ng Bago tayo dumako sa ating talakayan, magkakaroon muna tayo ng laro na
aralin pinamatagatang "BREAK A CODE"?

Panuto:
1. Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat at ang unang pangkat ay
tatawaging A at ang isang pangkat ay B.
2. Ang alpabeto ay may 26 na litra ang A ay kumakatawan bilang 1 at ang Z
ay kumakatawan bilang 26 sa alpabeto. Ang gagawin natin ay ipagpapalit
ang litrang A ay kumakatawan bilang 26 at ang Z ay kumakatawan bilang 1.
3. Magpapakita ako ng mga numero at hulaan ng bawat pangkat ang ating
paksa sa araw na ito.
4. Ang unang pangkat na makakatapos ay magpalakpak at pumili ng isang
kinatawan na siyang magpiprisenta.
C. Pag-uugnay ng mga Magkakaroon tayo ng aktibidad upang masimulan ang ating talakayan
halimbawa sa bagong aralin ngayon. Ang aktibidad na ito ay pinamatagatang "ARRANGE ME".
Panuto: Muling ayusin ang gulo-gulong litra upang mabuo ang mga salitang
konektado sa paksa.

1. Amggnla ta Nglokapti - Langgam at Tipaklong


2. Hoenku ta Ngogpa - Kuneho at Pagong
3. Noel ta Gaad - Leon at Daga
4. Dalawang Pusa at Unggoy - Ngawalda Sapu ta Oyggun
D. Pagtatalakay ng bagong Ano ang Pabula?
konsepto at paglalahad ng "Mga Palagay-palagay sa Pinagmulan"
bagong kasanayan #1 Ang pabula ay kuwentong gumagamit ng mga hayop na nagsasalita at
gumagalaw na tulad ng tao upang makapaglahad ng katotohanan o
makapagturo ng aral. Ito ay isang akdang tuluyan na bunga ng kathang isip.
Ayon kay Damiana L. Eugenio (2001), ang pabula ay isang uri ng salaysay
na nauukol sa mga hayop na nagtuturo ng aral na angkop sa sangkatauhan.
Ang itinuturing na ama ng sinaunang mga pabula ay si Aesop. Hindi tiyak
kung totoo ba siyang tao o isang alamat lamang. Pinaniniwalaang nabuhay
siya sa pagitan ng 620-564 BCE ngunit walang tiyak ang kanyang
kapanganakan.

E. Pagtatalakay ng bagong Mayroon akong ipiprisentang magkakaibang bidyo na kailangan ninyong


konsepto at paglalahad ng hulaan ang pamagat base sa isinagawang aktibidad na pinamagatang
bagong kasanayan #2 "ARRANGE ME". Tukoyin kung kanino nararapat ang mga aral na ipinakita
sa bidyo. Tingnan natin kung tama ang mga sagot ninyo.
F. Paglinang sa Kabihasaan Matapos mapanuod at mapakinggan ang pabulang "Ang Dalawang Pusa at
(Tungo sa Formative ang Unggoy", hinuhain naman ang maaaring kalabasan ng mga pangyayari
Assessment 3) batay sa naging wakas ng kwento.
Panuto :
Hatiin ang klase sa sa dalawang pangkat. Ngayong nasubok ang samahan
ng dalawang pusa dahil lang sa pagkain at matapos ubusin ng unggoy ang
bibingka, ano kaya ang maaaring sumunod na mangyayari? Itanghal ang
maaaring maging senaryo sa pamamagitan ng pagsasadula.

Pamantayan :
Nilalaman - 30
Preparasyon -10
Partisipasyon -20
Pangkalahatang Pangganap - 40
Kabuan : 100%
G. Paglalapat ng aralin sa Ang guro ay magtatanong at hahayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang
pang-arawaraw na buhay kanilang mga sagot sa klase.

1. Naranasan mo na rin bang dayain ng iyong kapuwa? Paano ka tumugon


dito?
2. Nahingan ka na rin ba ng tulong ng iyong mga kaibigan upang lutasin
ang kanilang problema? Para saan? Paano mo sila tinulungan?
3. Kung ikaw ang magre-resolba sa problema, paano mo ito lulutasin.

H. Paglalahat ng Aralin Itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong bago ibigay ang mga
konsepto pagkatapos ng mga tanong.

1. Ano ang tatlong bagay na natutunan ninyo?


2. Magbigay ng isang pabula.
3. Magbigay ng aral ng pabulang Leon at Daga.
I. Paglalahat ng Aralin Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang letra
na pinaka akma at isulat ito sa kalahating bahagi ng papel.

1. Ito ay kuwentong gumagamit ng mga nagsasalita at gumagalaw na tulad


ng tao upang makapaglahad ng makatotohanan o makapagturo ng aral.

A. Parabula
B. Pabula
C. Salawikain
D. Sawikain

2. Ilang kuwento ang inyong napanood?

A. 4
B. 3
C. 5
D. 2

3. Itinuturing na ama ng sinaunang Pabula?

A. Damiana L. Eugenio
B. Abdullah T. Madale
C. Aesop
D. Ambrose Biece

4. Ano ang katangian na ipinakita nina Langgam at Tipaklong sa Pabulang


napanuod?

A. Masipag at Tamad
B. Matapat at Mapagkumbaba
C. Masayahin at Mapanlamang
D. Magalang at Makasarili

5. Ilarawan kung anong hayop na tauhan sa Pabula si Pagong at Kuneho?

A. Si Pagong ay may tiwala sa sarili ngunit si Kuneho naman ay mataas ang


kumpyansa sa sarili.
B. Si Pagong ay mabilis kumilos at si Kuneho ay masipag.
C. Si Kuneho ay mapanlamang samantalang si Pagong ay higit na
mapanlamang.
D. Si Kuneho ay mapagbigay ngunit si Pagong naman ay makasarili.

J. Karagdagang Gawain para Panuto:


sa takdang-aralin at Magsaliksik ng iba pang Pabula ng Mindanao. Lagumin ang kuwento nito at
remediation tukuyin ang aral na mapupulot dito.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
masosolusyunan sa tulong
ng aking punongguro at
supervisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

You might also like