ESP VISUAL Mga Batas Na Nakabatay Sa Likas Na Batas Moral

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mga Batas Na Nakabatay sa Likas na Batas

Moral
Ano ang BATAS?
-Ginagawa para sa lahat at hindi para sa ilan lamang. Malaking papel
ang ginagampanan ng batas upang magkaroon ng KAAYUSAN ang mga
bagay-bagay sa LIPUNAN.
-Makatarungang prinsipyong gumagabay sa kilos ng tao sa kanyang
pakikisalamuha sa Lipunan.
-Ayon kay Sto. Tomas Aquinas ang batas ay ang kautusan ng katuwiran
na ginawa upang makamit ang kabutihang panlahat. Ang LIKAS NA
BATAS MORAL ay pangkalahatang tuntunin o ordinansa para sa
kabutihang panlahat.
-Tinutukoy ng batas ang mga gawaing dapat na isakatuparan at
pinahihintulutang maaaring gawin o sundin ng tao at mga gawaing
dapat na iwasan nito tulad ng pagnanakaw, pagpatay, at pang-aabuso
sa kapwa.
KAHALAGAHAN NG BATAS
-Instrumento ng Diyos upang mapangasiwaan ang pamahalaan ng
inaasahan ng Lipunan na magsasabuhay sa mga karapatang pantao ng
mga mamamayan.
-Ito ay tuntunin na ginawa at ipinapatupad ng pamahalaan para sundin
ng mga tao.
-Ito ay pinagbabatayan ng anumang kautusan, desisyon o program ana
ipinatutupad ng pamahalaan.
KATANGIAN NG BATAS
1. Ang batas ng tao ay kailangang naaayon sa Batas Moral at sa
batas ng Diyos.
Sampung Prinsipyo na Kinakailangan para sa Ikabubuti ng Buhay
1. Huwag papatay ng inosenteng tao.
2. Huwag magiging sanhi ng sakit o paghihirap
3. Huwag magnanakaw o mandaraya.
4. Tumupad sa binitawang pangako at igalang ang kasunduan.
5. Huwag ipagkait sa kapwa ang kanyang Kalayaan.
6. Maging makatarungan
7. Ibigay ang nararapat na pasasalamat sa paglilingkod.
8. Magsabi ng totoo.
9. Tumulong sa kapwa
10. Sumunod sa makatarungang batas.
2. Ang batas ng tao ay kailangan magpanatili at may tunguhin para
sa kabutihang panlahat.
3. Ang batas ay kailangang makatarungan at walang kinikilingan.
4. Ang batas ng tao ay kailangang napaiiral at sinusunod.

-Ang batas ang nagsisilbing gabay ng tao upang tuwirang malaman


kung ano ang nararapat at maaaring gawin at kung ano ang bawal
gawin. Ang anumang batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral
ay dapat sundin pagkat ito ay tumutugon sa pangangailangan ng
tao. Ang pagsunod at pagtaguyod sa mga batas na ito ay mahalaga
upang makamit ang kabutihang panlahat.

You might also like