Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

I.

PAMAGAT
GIYERA
Ni Honorio Bartolome de Dios
II. BUOD
Matapos kumalat sa San Martin ang pagpapaganda ni Bernie sa mukha ng yumaong anak ni
Donya Estela na si Estrelita sa paraang halos hindi na ito makilala ng kanyang mga kaibigan
at kamag-anak, di magkamayaw ang mga tao sa pagpapaayos nila ng buhok at mukha kay
Bernie, lalong-lalo na tuwing may espesyal na okasyon gaya ng binyag, kasal, debut,
pagtatapos at flores de mayo.
Pagkatapos mahalal si Romano Alvares Jr. bilang punongbayan, apat na baryo sa San Martin,
kabilang na ang pamilya ni Bernie, ang sapilitang inilikas sa mga karatig-bayan upang
magtayo ng planta ng kuryente sa dalampasigan.
Pagkauwi ni Jaime pabalik ng San Martin mula Los Baños, dumalaw ito sa parlor ni Bernie at
nalungkot sa nasaksihan: sira na ang mga lupain sa San Martin, maitim ang usok na
nanggagaling sa may planta at kakaunti na ang mga huli ng mga mangingisda sa dagat.
Tatlong bangkay ng mga magsasakang nakatali ang mga kamay at paa, wasak ang mukha at
luwa ang bituka ang natagpuan sa bundok ng Matalim na kidlat; pinapalabas ng mga
bodyguard ng alkalde na NPA ang mga biktima pero alam ng taong bayan na ang tanging
kasalanan ng tatlo ay ang pagtanggi sa pag-alis sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay
at puno ng mangga na masasagasaan ng itatayong planta.
Muling nahalal si Romano Alvares Jr. bilang alkalde at sa ikapitong taon ng operasyon ng
planta, sa araw mismo ng kapistahan ni San Martin, pinaslang sina Jaime at apat pa nitong
kasamahan.
Kumalat ang balita tungkol sa napakalaking donasyon na ibinigay ni Donya Estela sa kura ng
parokya para sa kapistahan ng San Martin kaya't nang tumakbo ito sa pagka-alkalde laban sa
maybahay ni Romano Alvares Jr., nanalo ito.
Biyernes ng gabi, nakatulog na sa harap ng telebisyon si Bernie nang maalimpungatan sa
mga katok ni Gabriel, kaibigan ni Jaime na may pagbabanta sa buhay; pinatuloy ni Bernie si
Gabriel at inayusan (ginupitan, kinulayan ng kulay mais ang buhok, nilagyan ng foundation
ang mga pisngi) para hindi ito makilala pagpunta nito sa estasyon ng Bus patungong Maynila
kinabukasan.
Isang araw, natagpuan na lamang ang bangkay ni Bernie sa loob ng kanyang parlor na tadtad
ng pasa at saksak.

II. III. PASUSURI

A. Uri Ng Panitikan
Ito ay ang maikling kwento na“Giyera” ni Honorio Bartolome de Dios . ng maikling kwento
ay isang masining na uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng maikling salaysay
tungkol sa isang mahalagang kaganapan. Ang kathang ito ay maikli lamang kung kaya’t ang
pagbabasa nito ay maaring matapos sa isang upuan o isang impresyon lamang. Ang mga
pangyayari sa akdang ito ay karaniwang nagmula sa malikot na imahinasyon ng manunulat,
maari ding ito ay nakabatay sa sariling karanasan ng may akda. Ayon naman kay Edgar Allan
Poe, ang kinikilalang Ama ng Maikling Kwento, ito ay isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at bungang-isip ng may akda, na maaring hinango sa isang tunay na pangyayari sa
buhay.

B. Paksang Diwa
Industriyalisasyon
Ang bayan ng San Martin, kung saan payak ang pamumuhay at pagsasaka at pangingisda ang
pangunahing ikinabubuhay ng mga tao, ay unti-unting naging urbanisado makaraang ipatayo
ang planta ng kuryente.
Pera at kapangyarihan
Ang mayayamang angkan nina Romano Alvares Sr. at Donya Estela Salvador ang nag-
aagawan sa mga posisyon sa San Martin.
Papel ng mga bakla sa lipunan
Sila Jaime at Gabriel ay hayagang tumututol sa pagpapatuloy ng operasyon ng planta at dala
nitong mga sakit sa mga mamamayan ng San Martin. Sila Mandy at Vanessa, bagamat
itinakwil ng kanilang sariling mga ama dahil sa kanilang sekswalidad, ay nagsisikap na
buhayin ang kanilang mga pamilya.

C. Tagpuan
SAN MARTIN

D. Paglalarawang Tauha. Protagonista supporting Tauhan


Bernie -may-ari ng pinakasikat na parlor sa bayan ng San Martin. Siya ang taga-ayos ni
Donya Estela Salvador.
Jaime -kaibigan ni Bernie. Nag-aral siya ng agrikultura sa pamantasan ng Los Baños. Hayagan
ang naging laban niya at ng kanyang grupo sa pagpapatigil ng operasyon ng planta. Madalas
silang magmartsa ng mga magsasaka at mangingisda patungo sa munisipyo at magpiket sa
harap nito.
Gabriel -kaibigan ni Jaime. Sumasama rin siya sa mga pagkilos.
Mandy at Vanessa -mga baklang parlorista ni Bernie. Itinakwil sila ng kanilang mga ama pero
tinanggap rin nang mag-umpisang mag-akyat ng pera sa bahay.
Romano Alvares Jr. -alkalde ng San Martin. May mga nagdududa sa pagkapanalo niya bilang
alkalde sa pangalawang pagkakataon. Mayroon siyang magarang Pajero at dose-dosenang
bodyguards. Siya ang nagpatayo ng planta.
Donya Estela Salvador -pinakamayamang donya sa San Martin. Isa siya sa limang
panginoong-maylupa na nagmamay-ari ng San Martin. Tinalo niya sa pagka-alkalde ng San
Martin ang asawa ni Romano Alvares Jr.
Rico-kapatid ni Bernie na namatay sa unang buwan ng operasyon ng planta.

E. Pananaw/ Panoto de blsta


IV. Sariling Reaksyon

A. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Queer
Ang layunin ng panitikan na ito ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga
homosexual.

B. Mga Pansin at Puna


Ang karapatang pantao ng mga homosekswal ay magkakaiba sa iba't ibang bansa sa mundo.
Kabilang sa karapatang pantao na pinaglalaban ng mga homoseksuwal ang karapatang
ihayag ng malaya ang kanilang kalooban (freedom of expression), karapatang sibil na
maikasal at makamit ang mga benepisyo na ibinibigay ng estado sa mga kasal na
heteroseksuwal at mga anak nito, karapatang mabuhay ng malaya at walang diskiminasyon.
Mga halimbawa ng mga diskriminasyon na nararanasan ng mga bakla ay ang hindi
pagtanggap sa trabaho dahil sa kanilang seksuwalidad, mga pang iinsulto at pagkutya,
pagpapaalis sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o kilos gaya ng nangyari kay
Inday Garutay at BB Gandanghari sa Aruba bar, mga karahasan at minsan ay pagpatay,
bullying ng mga homosekswal na estudyante, at iba pa. Ilan lamang iya sa lumalalang
kalagayan ng mga kapatid nating homosexual
Ang mga epekto ng diskriminasyong ito sa isang homosekswal ay kinabibilangan ng
depresyon, paglayo sa mga tao (social withdrawal), hindi pagpasok sa eskwela,
pagpapatiwakal at iba pa.
Kaya, ang pantay-pantay na pagtinginat mabuhay ng Malaya at malayo sa diskrimininasyon
ang tanging hangad nila. May ilan na nakakaintindi may ilan naman na hindi, ngunit tao din
sila. Nasasaktan at nahihirapan kaya’t atin silang tulungan.

C. Tauhan
Bernie-may-ari ng pinakasikat na parlor sa bayan ng San Martin. Siya ang taga-ayos ni Donya
Estela Salvador.
Jaime- kaibigan ni Bernie. Nag-aral siya ng agrikultura sa pamantasan ng Los Baños. Hayagan
ang naging laban niya at ng kanyang grupo sa pagpapatigil ng operasyon ng planta. Madalas
silang magmartsa ng mga magsasaka at mangingisda patungo sa munisipyo at magpiket sa
harap nito.
Gabriel- kaibigan ni Jaime. Sumasama rin siya sa mga pagkilos.
Mandy at Vanessa- mga baklang parlorista ni Bernie. Itinakwil sila ng kanilang mga ama pero
tinanggap rin nang mag-umpisang mag-akyat ng pera sa bahay.
Romano Alvares Jr.- alkalde ng San Martin. May mga nagdududa sa pagkapanalo niya bilang
alkalde sa pangalawang pagkakataon. Mayroon siyang magarang Pajero at dose-dosenang
bodyguards. Siya ang nagpatayo ng planta.
Donya Estela Salvador- pinakamayamang donya sa San Martin. Isa siya sa limang
panginoong-maylupa na nagmamay-ari ng San Martin. Tinalo niya sa pagka-alkalde ng San
Martin ang asawa ni Romano Alvares Jr.
Rico-kapatid ni Bernie na namatay sa unang buwan ng operasyon ng planta.

V. Bisang Pampanitikan
A. Bisang Pang kaisipan- Lahat Tayo nagkakamali lalaki man o babae o bakla at Kung
another mang URI Ng kasarian Ang importante ay mas piliin natin Gawin Ang Tama para SA
ikabubuti Ng lahat, mahalagang mag isip Ng mabuti para SA ibabubuti.
B. Bisang Pandamdamin- Masakit man kalooban sa kataposan Ng kwento pero masaya sa
kalooban na mabuti At ginawa Ang Tama sa mga taong nag buhis Ng buhay.
C. Bisang kaasalan- Hindi Tama na apakan Ang ibang Tao para Lang sa iyong kahiligang
pansarili, mahalagang isipin natin Ang nararamdaman Ng iba .

VI. Implikasyon sa Panlipunan


Pinapaunawa niya sa lipunan at mga kalagayan ng mga miyembro ng LGBTQ (Lesbian, Gay,
Bi-Sexual, Transgender, Queer) ang kanilang kalagayan at karanasan sa mga tao upang
maintindihan nila ang kanilang kalagayan. Gumagawa rin siya ng maiikling katha tungkol
dito. Ang mga nilalaman nito ang mga problema na pinagdadaanan ng bawat tauhan. Isa sa
kanyang mga katha ay ang Sa Labas ng Parlor, isa dito ay ang kuwentong "Atseng",
patungkol sa kung pano mauunawaan ng isang musmos na si Ato ang karahasan ng kanyang
pinsan na lalaki at kay Atseng. Ilan pa sa kanyang mga gawa ay ang "Lalaki", patungkol sa
pag-aaklas laban sa karahasan ng mundo at ang "Geyluv", tungkol naman sa kung paano
pinagsamantalahan ang isang bakla.

VI. Kahalaghan Ng Pangkatauhan


Sa paaralan na ang mga kabataan ay hinuhubog sa kaalaman at pati na rin kagandahang-
asal, dapat ikintal natin sa isipan ng mga bata ang kahalagahan ng respeto at
pagkakaunawaan sa isa’t isa, dahil ang mga bakla/bayot/bading/tomboy at iba pang tawag
sa kanila ay ating mga kapatid, kapitbahay, kaibigan, kalaro, at karamay at nagbibigay ngiti
at ligaya sa ating buhay. Kaya respeto at pang-unawa ang ating handog sa kanila at gagawin
din nila ito sa atin.
Sa kasalukuyan, narito ang tala ng mga maimpluwensiyang mga tao sa kanilang larangan.
Naway magsilbi silang inspirasyon at mabuting halimbawa sa lahat.
161

4Teoryang Queer

Umusbong ang Teoryang Queer mula sa mga pag-aral tungkol sa mga bakla/lesbiana na
nagsimula noong kalagitnaan ng dekada "80 na sanandig sa mga feministang pag-aaral.
Ngunit para sa mga teoristang queer, higit na malawak ang pag-imbestiga sa pamamalagay
na ito Tintingnan at pinag-aaralan/sinusuri sa pananaw na ito ang mga bagay na itinuturing
na nasa kategoryang normative at deviant, lalo sa mga gawain at mapagkakakilanlang sosyal
ng bawat individual Simsuri dito ang pagiging kakaiba sa karaniwan o ang pagiging natatanga
kataliwasang pandalawahan (binary opposition).

Upang higit na maunawaan ang kaisipang taglay ng teoryang ito mahalagang maunawaan
ang pagkakaiba ng kasarian (seks), jender, at sekswalidad Tumutukoy ang kasarian sa
pagiging babae at lalake ng indibidwal. Ang jender ay ang gawaing nagpapakita ng wikilos ng
pagpapakababae (femine) at pagpapakalalake (masculine) na itinuturing na hubog-lipunan
(social construct) o itinakda ng lipunan. Ang sekswalidad naman ay ang pagiging
homosekswal o heterosekwal ng indibidwal. Homosekswal ang tawag sa katangian ng
indibidwal na nakikipag- grayang sekswal sa taong may katulad na karian, at ang
heterosekwal naman ay ang katangiang nakikipag-ugnayan sa indibidwal na iba ang
kasarian.

Sa teoryang queer, higit ang pag-iimbestiga sa sekswalidad o oryentasyong sekswal ng tao


na itinuturig ngang hubog-lipunan

Iginigit ng teoryang ito na ang lahat ng pag-uugaling sekswal, ang lahat ng mga kaisipang
nag-uugnay ng pag-uugaling sekswal sa pagkakakilanlang sekswal, at lahat ng mga
kategoryang normative at deviant ay hinubog o itinakda ng lipunan na lumilikha ng
panlipunang kahulugan (http://www.colorado.edu/English/ENGL
2012Klages/queertheory.html).

Ang ipinagkakagayon ng isang individual ay dahil na rin sa pamantayang itinakda ng lipunan.


At ang pamantayang panlipunan ding ito ang humuhusga sa pagiging katanggap-tanggap
odi-katanggap-tanggap ng gawikilos ng mga individwal

You might also like