Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan _________________________________________ Petsa ___________________

Grado at Seksyon __________________________________ Nakuha__________________

Gawaing Pagkatuto
Araling Panlipunan 6
Nagbibigay Daan sa Pagwawakas ng Batas Militar
Q4 Week 4-5

Pagtalakay (Susing Konsepto)

Ang People Power 1 ay isa sa mga hinahangaan ng maraming mga bansa bilang isa sa
pinakamapayapang rebolusyon sa kasaysayan ng mundo sa pagkamit ng pagbabago sa uri ng pamahalaan at
sa mga mamamahala.

Pag-usbong at Pagkilos ng Oposisyon

Sa patuloy na kahirapan ng mga mamamayan sa panahon ng Batas Militar at sa patuloy ng pagdami


ng bilang ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, maraming mga mamamayan ang lumahok sa
mga pagkilos at pagbatikos sa Pamahalaan ni Ferdinand Marcos. Sa panahong ito, umusbong ang mga
samahang Makabayan laban sa diktaduryang rehimen. Naranasan ng bansa ang krisis pang ekonomiya at
pampulitika dahil sa daming oposisyon.

Pagpaslang kay senador Benigno Aquino Jr.

Si Senador Benigno Aquino Jr. ay isa sa mga malakas at masigasig na bumabatikos at kumakalaban
sa pamahalaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ikinulong siya sa solong selda at piitang military ng
pitong taon. Dahil sa mahinang kalusugan ay hiniling niyang magpagamot sa Estados Unidos noong 1980.
Bumalik siya sa Pilipinas pagkaraan ng tatlong taon upang ipagpatuloy niya ang pakikipaglaban para sa
Kalayaan ng bansa laban sa diktadoryang pamamahala ni Pangulong Marcos.
Habang pababa siya ng eroplano sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983 ay
pinaslang siya sa pamamagitan ng asasinasyon. Ang kanyang pagpanaw ay nagdulot ng matinding galit ng
mamamayan sa paghanap ng hustisya at lalong lumakas ang panawagan ng pagbabago ng pamahalaan.
Dagliang Halalan

Ang patuloy na protesta at demokrasya ng ibat- ibang sector ng mamamayan at sa maraming lugar
ng bansa ay nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya at krisis pampulitika sa bansa. Dahil dito ay ginanap ang
dagliang halalan o :snap election” noong Ika- 7 ng Pebrero, 1986. Hinarangan ito ng maraming opisyal ng
bansa dahil ito ay labag sa komisyon. Sa pasya at sa pamamagitan ng mga indorso ng pamahalaang Estados
Unidos ay ipinagpatuloy ang halalan. Sa talaan ng NAMFREL o National Movement for Free Election at sa
mga datos pagkatapos ng halalan ay natalo nina Corazon C. Aquino at Salvador Laurel si Pangulong
Ferdinad E. Marcos at Arturo Tolentino sa halalan. Dahil sa pagkaproklama kay Ferdinand Macos at Arturo
Tolentino bilang bagong halal na pangulo at pangalawang pangulo karamihan sa mga Filipino ay hindi
sumasang-ayon at naglunsad ng pagboboycot sa lahat ng mga serbisyong pagmamay-ari ng pamilyang
Marcos at tinawagan sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin.
Pagtiwalag ng Militar
Ang mainit na panawagan sa pagbitiw ni Pangulong Marcos bilang pangulo ay nakaagaw pansin at
suporta mula sa mga batang kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sa naranasan nitong panggigipit
at pagmamalabis sa hanay ng kasundaluhan. Karamihan sa mga batang opisyal ng military ay nawalan ng
tiwala sa pamumuno ng Sandatahang Lakas. Nag organisa ng isang kasapi at sumabay sa panawagan ng
pagbabago.
Ang plano nitong paglunsad ng coup d’ etat o pag-agaw ng kapangyarihan sa marahas na
pamamaraan ay nagging hudyat sa pagtiwalag ng military sa pangulo ng bansa. Karamihan sa mga
sundalong kasapi sa pagplano nito ay dinakip at pinarusahan. Upang maipagtanggol ang mga sundalo ang
kanilang mga sarili ay pinasya nilang magtago sa Kampo Aguinaldo at Kampo Krame sa pamumuno nina
Minister ng Tanggulang Pambansa Juan Ponce Enrile at Vice Chief of Staff Fidel V. Ramos. Nagbigay ng
matinding galit kay Pangulong Marcos kayat inatasan siya ng kanyang chief of staff na si Heneral Fabian
Ver at lusubin ang kampo Krame, dakpin sina Enrile at Ramos at kasamahan at bawiin ang dalawang
kampo.

Panawagan ni Jaime Cardinal Sin

Ang pagkampo nina Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos at mga tauhan nito sa Krame at Agunaldo
ay nagdulot ng panganib sa kanilang mga buhay. Humingi sila ng tulong kay Jaime Cardinal sin na atasan
ang mga mamamayan na ipagtanggol sila mula sa mga malakihang tangkeng pandigma at malalakas na
armas ng militar.
Nanawagan si Jaime Cardinal Sin sa mga tao upang magpunta sa EDSA upang protektahan ang mga
sundalong nagkampo sa Krame at Aguinaldo. Tumugon agad ang mga tao at kaagad na bumuo ng barikada
sa paligid ng kampo at nagsilbing harang sa laban sa mga sundalo ni Pangulong Marcos. Ito ang naging
simula sa People Power revolution sa EDSA. Umabot ng limang araw ang barikada na tinaguriang People
Power Revolution.
Tagumpay ng EDSA People Power 1

Nag-alay ng mga mamamayan ng mga bulaklak, pagkain at rosaryo sa mga sundalo. Sa loob ng apat
na araw at apat na gabi, maraming Pilipino mula sa ibat-ibang sector ng lipunan at mula sa ibang lugar ay
nanatiling nakahimpil sa harap ng Kampo Krame at nagsilbing panagga ng mg tangke. Natapos ang
himagsikan nang bumaba si Pangulong Marcos sa Malacañang kasama ang kanyang pamilya at nagtungo sa
Hawaii.
Ang mga dasal, bulaklak, pagkain, awit at pagbuklod-buklod ng mga tao ay nagsilbing tulay ng mga
Pilipino upang umabot at makausap sa payapang paraan paraan ang mga sundalo ni Pangulong Marcos. Ito
rin ang hudyat sa pagbabago ng pamahalaan ng bansa.

Gawain 1
Panuto: Buuin ang analohiya sa pamamagitan ng pagpuno ng tamang salita. Kompletuhin lamang ang mga
titik sa linya upang makuha ang tamang sagot.

1. Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986: F __ __ __ I


__ __ __ D __ __ __ R __ ___ __

2. Ang senador na bumabatikos at kumakalaban sa rehimeng Marcos. _ __ N __


__ __O A __ __ __ __ O J r

3. Alagad ng simbahang katoliko na nanawagan sa mga tao upang protektahan


ang mga sundalong nagkampo sa Krame at Aguinaldo.
J ___ ___ M ___ ___ A ___ ___ ____ N ___ ____ ___ I ___
4. Inatasan ni Pangulong Marcos na lumusob sa Kampo Krame at dakpin sina Enrile at Ramos.
F __ ___ ___ A ___ V ___ ___

5. Unang babaeng naging pangulo ng Pilipinas.


C __ __ A ___ ___ N ___ A ___ ___ I ___ O
Gawain 2
Panuto: Basahing mabuti ang talata sa ibaba at sagutin ito sa pamagitan ng pagsagot sa mga pamprosesong
katanungan.
Kung ikaw ay isa sa mga oposisyon na bumabatikos o kumakalaban kay Pangulong Marcos, anu-ano
ang dapat mong gawin para makamit ang pagbabago ng pamahalaan ?
Mga pamprosesong katanungan:
1. Anu-ano ang iyong gagawin upang makamit ang mga pagbabago ng pamahalaan?
2. Makabubuti ba sa mga Pilipino ang iyong gagawin? Sa anong paraan ?
Pagtataya
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang salita ay nagpapahayag ng katotohanan at MALI kung hindi. Isulat
ang sagot sa patlang.
_____________1. Naging Pangulo ng Pilipinas si Corazon C. Aquino pagkatapos ng tagumpay ng People
Power 1.
_____________2. Si Juan Ponce Enrile ang nanawagan sa mga mamamayan upang tulungan ang mga
sundalo sa EDSA.
_____________3. Ang kasamahan ni Enrile na tumiwalag sa Pamahalaan ni Marcos ay si Hen Favian C.
Ver.
_____________4. Ang People Power 1 ang nagbigay daan sa pagwawakas ng Pamahalaan ni
Marcos.
_____________5. Maraming mamamayan ang bumabatikos sa Pamahalaang Marcos.

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot
___________1.Kailan naganap ang makasaysayang People Power Revolution?
A. Pebrero 25, 1986
B. Pebrero 24, 1986
C. Pebrero 23, 1986
D. Pebrero 22, 1986
_________2.Sino ang nagluklok kay Corazon C. Aquino sa pagiging pangulo ng Pilipinas? Ang mga
mamamayang _________.
E. Tsino
F. Pilipino
G. Dayuhan
H. Amerikano
______3.Saan naganap ang Asasinasyon ni Sen. Benigno Aquino Jr. noong Agosto 23, 1983?
I. Clark International Airport
J. Manila International Airport
K. Zamboanga International Airport
L. Diosdado Macapagal International Airport
______4. Siya ang pinili ng mga nagkakaisang Pilipino upang tumakbo bilang pangulo laban kay Pangulong
Marcos sa 1986 Snap Election.
M.Gloria Macapagal Arroyo
N. Corazon C. Aquino
O. Juan Ponce Enrile
P. Fidel Ramos
_______5. Ano ang nagbigay daan sa pagwawakas ng Batas Militar?
Q. Snap Election
R. Pagtiwalag ng Militar
S. Pagkilos ng oposisyon
T. People Power revolution

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. FERDINAND E. MARCOS

2. BENIGNO AQUINO Jr

3. JAIME CARDINAL SIN 4. FAVIAN VER

5. CORAZON C. AQUINO

Gawain 2
Mga inaasahang sagot

1. Sila ang kumakalaban o bumabatikos sa Pamahalaang pinamunuan ni Marcos

2. Ginigipit at pinagmamalabisan ang hanay ng mga kasundaluhan

• Pinagplanuhan ang paglulunsad ng coup d’etat

3. Mula sa ibat-ibang sector ng lipunan ang mga tao ay nakahimpil sa harap ng kampo krame at nagsilbing panagga ng mga tangke.

• Nag-alay ng mga mamamayan ng bulaklak, pagkain at rosary sa mga nagrebeldeng sundalo

Gawain 3
Maaaring magkakaiba ang sagot. Iproseso ng guro ang sagot gamit ang rubriks

Pagtataya A.
1. Tama

2. Mali

3. Mali

4. Tama

5. Tama

B.

1. A

2. B

3. B

4. B

5. D

You might also like