Modyul 1 Ki

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

1

KONTEMPORARYONG ISYU

UNANG MARKAHAN

Paksa: Ang Lipunan


Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong
sama -samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga.

TANAY EAST INTEGRATED “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung


saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain.
NATIONAL HIGH SCHOOL Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang
maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat
pangkat at institusyon ay gagampanan nang
maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney, 2011)
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-
KONTEMPORARYONG ISYU aagawan ng mga tao sa limitadong
Kn=tem=porr=yoN=]Is=yu pinagkukunang-yaman upang matugunan ang
kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito,
nagiging makapangyarihan ang pangkat na
kumokon trol sa produksyon. Bunga nito,
GRADE 10 nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na
antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at
kapangyarihan.” (Panopio, 2007)
Ang Istrukturang Panlipunan at Kultura
1. Istruktura ng lipunan
2. Kultura
Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan
Ang mga elemento ng istrukturang
panlipunan ay ang institusyon, social groups,
Pangalan: _______________________________
status (social status), at gampanin (roles).
Grado:_______________Pangkat:____________
1. Institusyon
Ang institusyon ay organisadong sistema ng
ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011).
2

- Nakatalaga sa isang indibiduwal simula


nang siya ay ipinanganak at hindi nya
kontrolado.
Mga Institusyon sa Lipunan *Achieved Status
- Nakatalaga sa isang indibiduwal sa
A. Pamilya
bisa ng kaniyang pagsusumikap kaya’t
B. Institusyong Pang-edukasyon
maari nya itong mabago.
C. Institusyong Pampamahalaan
D. Institusyong Pang-ekonomiya
4. Gampanin (Roles)
E. Institusyong Pang-relihiyon
Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga
karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng
2. Social Group lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal.
Tumutukoy ang social group sa ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao
dalawa o higit pang taong may sa lipunang kanyang ginagalawan.
magkakatulad na katangian na
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang
May dalawang uri ng social group: ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng
primary group at secondary group.
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
(Mooney, 2011)
lipunan.
Primary group
- ay tumutukoy sa malapit at impormal “Makakamit ang kaayusang panlipunan sa
na ugnayan ng mga indibiduwal. pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga
Kadalasan, ito ay mayroon lamang mamamayan.” - Charles Cooley
maliit na bilang. Halimbawa nito ay
Katuturan ng Kultura
ang pamilya at kaibigan.
Secondary group - tumutukoy sa isang kumplikadong sistema ng
- ay binubuo ng mga indibiduwal na ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng
may pormal na ugnayan sa isa’t isa. pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang
Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa lipunan sa kabuuan. Andersen at Taylor (2007)
isang gawain ang ganitong uri ng
- “ito ang kabuuang konseptong sangkap sa
ugnayang panlipunan. Isang pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi,
halimbawa nito ay ang ugnayan sa at ang kabuuang gawain ng tao”. Panopio (2007)
pagitan ng amo at ng kaniyang
manggagawa, gayundin ang ugnayan Dalawang Uri ng Kultura
ng mga manggagawa sa isa’t isa. A.Materyal - Binubuo ito ng mga gusali, likhang-
3. Status sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita
Ang status ay tumutukoy sa at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao.
posisyong kinabibilangan ng isang (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may
indibiduwal sa lipunan. Ang ating kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura
pagkakakilanlan o identidad ay ng isang lipunan.
naiimpluwensiyahan ng ating status. May
dalawang uri ng status: ito ay ang B.Hindi Materyal - Kabilang dito ang batas, gawi,
ascribed status at achieved status . ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng
*Ascribed Status tao. Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito
nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o
3

maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw


na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan.
(Mooney, 2011)
Mga Elemento ng Kultura ARALIN 1: Konteksto ng Suliraning
PANINIWALA (BELIEFS) - tumutukoy ito sa mga Pangkapaligiran
kahulugan at paliwanag tungkol sa
Ilan sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran
pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
sa
a.PAGPAPAHALAGA (VALUES) - maituturing itong Pilipinas ay ang sumusunod:
batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan
kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang 1. Suliranin sa Solid Waste
hindi.
Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang
b.NORMS - tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o nagmula sa mga tahanan at komersyal na
gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa establisimyento, mga basura na nakikita sa
isang lipunan. -- nagsisilbing batayan ng mga paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng
ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal agrikultura at iba pang basurang hindi
sa lipunang kaniyang kinabibilangan. nakakalason (Official Gazette, 2000).
Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama
c.SIMBOLO - tumutukoy sa paglalapat ng (2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422
kahulugan sa isang bagay ng mga taong tonelada ng basura kada araw noong taong 2015.
gumagamit dito. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay
nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang
isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-
araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world
average (National Solid Waste Management,
2016). Ang malaking bahagdan ng itinatapong
basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan
Paksa: Isyung Personal at Isyung Panlipunan na mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki
SOCIAL IMAGINATION naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong
- tumutukoy sa kakayahang makita ang tinatawag na bio-degradable na may 52.31%
kaugnayan ng mga personal na karanasan ng (National Solid Waste Management Status
isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Report, 2015).
ISYUNG PERSONAL
- ito ay nagaganap sa pagitan ng isang tao Mayroon ding suporta na nanggagaling sa
at ilang malalapit sa kanya. mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa
ISYUNG PANLIPUNAN solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay
- pampublikong paksa kung saan apekto sumusunod:
ang buong pamayanan. a. Mother Earth Foundation - tumutulong sa
pagtatayo ng MRF sa mga barangay.
b. Clean and Green Foundation- kabahagi ng
Mga Aralin at Sakop ng Modyul mga programa tulad ng Orchidarium and
Aralin 1 – Konteksto ng Suliraning Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green
Pangkapaligiran Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at
Aralin 2 – Ang Dalawang Approach sa Pagtugon Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008).
sa mga Hamong Pangkapaligiran c. Bantay Kalikasan – paggamit ng media
Aralin 3 – Mga Hakbang sa Pagbuo ng upang mamulat ang mga mamamayan sa
Community-Based Disaster Risk Reduction and suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa
Management Plan
4

reforestation ng La Mesa Watershed at sa plantasyon,subdivision,paaralan,


Pasig River Rehabilitation Project. at iba pang imprastruktura.
d. Greenpeace – naglalayong baguhin ang Fuel wood Ayon sa Department of Natural
kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato harvesting Resources na lumabas sa ulat
at pangangalaga sa kalikasan at ng National Economic
pagsusulong ng kapayapaan Development Authority (2011),
tinatayang
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman mayroong 8.14 milyong
kabahayan at industriya ang
Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan… gumagamit ng uling at kahoy
sa kanilang pagluluto at
Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng
paggawa ng produkto, ang
forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay mataas na demand sa uling at
naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003. kahoy ay nagiging dahilan ng
Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang pagputol ng
mga puno sa kagubatan.
ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw
Ilegal na Apektado ang kagubatan sa
mula sa dating 10 kilo.
Pagmimina pagmimina dahil kadalasang
Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng dito natatagpuan ang deposito
matabang lupain sa huling sampung taon ng
mga mineral tulad ng limestone,
2.1 Suliranin sa Yamang Gubat nickel, copper, at gold. Ayon sa
DENR, mayroong 23 proyekto ng
pagmimina ang matatagpuan sa
GAWAIN EPEKTO
kabundukan ng Sierra Madre,
Illegal Ang walang habas na pagputol
Palawan, at Mindoro.
Logging ng puno ay nagdudulot ng iba’t
ibang suliranin tulad ng
3. Climate Change
pagbaha, soil erosion, at
pagkasira ng tahanan ng mga Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index
ibon at hayop. Sa katunayan (Sönke, Eckstein, Dorsch, & Fischer, 2015), naitala
noong 2008 ay mayroong ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa
221species ng fauna at 526
na pinakanaapektuhan ng Climate Change. Ito ay
species ng flora ang naitala sa
dahil mas lumalakas, dumadalas, at nagiging
threatened list (National
unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural
Economic Development
Authority, 2011) na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at
Migration Nagsasagawa ng kaingin (slash- malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas
– paglipat and-burn farming) ang mga dahil sa climate change.
ng lumilipat sa kagubatan at Ang climate change ay maaaring isang natural
Pook kabundukan na nagiging sanhi
na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o
panirahan ng pagkakalbo ng kagubatan at
napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa
pagkawala ng sustansya ng
lupain dito. sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init
Mabilis na Ang mabilis na pagtaas ng ng daigdig o global warming dahil sa mataas na
pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na
populasyon nangangahulugan ng mataas na naiipon sa atmosphere.
demand sa mga pangunahing
Nanggagaling ito mula sa usok ng pabrika,
produkto kung kaya’t ang mga
mga iba’t ibang industriya, at pagsusunog ng mga
dating kagubatan ay ginawang
kagubatan.
5

na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan


gaya ng ipinakikita sa larawan ay ilan sa mga
ARALIN 2: Ang Dalawang Approach sa Pagtugon
halimbawa ng anthropogenic hazard.
sa mga Hamong Pangkapaligiran
1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa
Sa araling ito ay pagtutuunan mo ng
mga hazard na dulot ng kalikasan. Ilan sa
pansin ang dalawang approach na ginagamit sa
halimbawa nito ay ang bagyo, lindol, tsunami,
pagbuo ng disaster management. Bilang isang
thunderstorms, storm surge, at landslide.
mag-aaral, suriin mo kung paano ka
Ipinakikita sa kasunod na larawan ang
makatutulong sa pagharap sa mga suliranin at
pagbabalita sa pagdating ng isang malakas na
hamong pangkapaligiran.
bagyo.
1. Ang Disaster Management
2. Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari
Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
isang mahusay na disaster management. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo,
lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad
Ayon kay Carter (1992), ito ay isang
ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi
dinamikong proseso na sumasakop sa sa
ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan
pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa,
ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang
pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at
mga hazard.
pagkontrol.
3. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa
Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon
tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na
na dapat magtulungan at magkaisa upang
posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang
maiwasan, maging handa, makatugon, at
pagiging vulnerable ay kadalasang
makabangon ang isang komunidad mula sa
naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal
epekto ng sakuna, kalamidad at hazard.
at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas
Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi
disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang matibay na materyales.
gawain na dinisenyo upang mapanatili ang
4. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala
kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at
sa tao, ari -arian, at buhay dulot ng pagtama ng
hazard.
isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng
Sa pag-aaral ng disaster management, pamayanan ang kadalasang may mataas na risk
mahalagang alam mo ang pagkakaiba ng mga dahil wala silang kapasidad na harapin ang
ginagamit na termino o konsepto. Ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad
sumusunod na kahulugan ay isinalin sa Filipino
5. Resilience – ang pagiging resilient ng isang
mula sa Disaster Risk Management System
komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng
Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama
pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot
(2008).
ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring
1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang mga
maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. tahanan, tulay o gusali upang maging matibay.
Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng Maaari ring ito ay makita sa mga mamamayan,
pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan. halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman
tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang
1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced
sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad.
Hazard – ito ay tumutukoy sa mga hazard na
bunga ng mga gawain ng tao. Ang maitim na usok
6

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang
Management Framework Community-Based Disaster Risk Management ay
isang pamamaraan kung saan ang mga
Nakabatay ang Philippine Disaster Risk
pamayanang may banta ng hazard at kalamidad
Reduction and Management Act of 2010 sa
ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri,
dalawang pangunahing layunin:
pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk
(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at na maaari nilang maranasan. Isinasagawa ito
hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang upang maging handa ang komunidad at
haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at
kalamidad; at ari-arian.

(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng


pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at
Sa Community-Based Disaster Risk
panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at
Management Approach, napakahalaga ng
hazard. Ang mga nabanggit na layunin ay kasama
partisipasyon ng mga mamamayan na siyang may
sa mga naging batayan sa pagbuo ng Philippine
pinakamataas na posibilidad na makaranas ng
Disaster Risk Reduction and Management
mga epekto ng hazard at kalamidad. Subalit, higit
Framework (PDRRMF).
itong magiging matagumpay kung aktibo ring
Binibigyang diin ng National Disaster Risk makikilahok ang mga mamamayan na hindi
Reduction Framework ang pagiging handa ng makararanas ng epekto ng mga hazard at
bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad.
kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang
Ayon naman kina Shah at Kenji (2004),
pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring
ang Community-Based Disaster and Risk
mapababa o maiwasan.
Isinusulong din ng PDRRM Framework ang Katangian ng Bottom-up Approach
kaisipan na ang paglutas sa mga suliranin at
* Ang mga mamamayan ay may kakayahang
hamong pangkapaligiran ay hindi lamang
simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang
tungkulin ng ating pamahalaan. Ang proseso sa komunidad
pagbuo ng isang disaster management plan ay
dapat na produkto ng pagkakaisa at * Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na
pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs,
nanatiling pangunahing kailangan para sa grass
tulad ng pamahalaan, private sector, business
roots development ang pamumuno ng lokal na
sector, Non-governmental Organizations (NGOs),
pamayanan.
at higit sa lahat ng mga mamamayang
naninirahan sa isang partikular na komunidad. * Ang malawak na partisipasyon ng mga
Ang ganitong proseso ay tinatawag na mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at
Community Based-Disaster and Risk Management mga gawain sa pagbuo ng desisyon para
matagumpay na bottom-up strategy.
(CBDRM).
Management Approach ay isang proseso ng
Sa kasalukuyan, isinusulong rin ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na
NDRRMC ang Community Based-Disaster and Risk nakasentro sa kapakanan ng tao. Binibigyan nito
Management Approach sa pagbuo ng mga plano ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang
at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa
hamong pangkapaligiran. kanilang pamayanan. Bukod dito, mahalaga ring
2. Ang Community-Based Disaster and Risk masuri ang mga istrukturang panlipunan, pang-
Management Approach ekonomiya, at pampolitika na maaaring
7

nagpapalubha sa epekto ng hazard at kalamidad. lokal na pinuno kung paano maisasama ang
Ang kahulugang ito ng CBDRM Approach ay sang- CBDRM Plan sa mga plano at programa ng lokal
ayon sa konsepto ng isyu at hamong panlipunan na pamahalaan.
na tinalakay sa unang aralin.
Higit sa lahat, ang plano na binuo kasama
ang iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang na ang
mga mamamayan ay mas epektibo sa patugon ng
pangangailangan ng mga mamamayan. Bunga
nito, sinabi rin ni Lacson (Gabieta, 2014) na
nagdesisyon siyang gamitin ang “bottom-up
approach” upang mapabilis ang pagbangon mula
bagyong Yolanda.

Kahalagahan ng CBDRM Approach


Aralin 3 – Mga Hakbang sa Pagbuo ng
*Pinakamahalagang layunin ng Philippine Community-Based Disaster Risk Reduction and
National Disaster Risk Reduction and
Management Framework (PDRRMF) ay ang Katangian ng Bottom-up Approach
pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan.
* Ang responsableng paggamit ng mga tulong-
pinansyal ay kailangan

*Ang CBDRM Approach ay nakaayon sa konsepto * Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng


ng bottom-up approach kung saan ay nagsisimula matagumpay na bottom-up approachay ang
sa mga mamamayan at iba pang sektor ng pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na
pagpapatupad nito
lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-
aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong * Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay
pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan.
pamayanan.
* Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay
Ito ay taliwas sa top-down approach. Ang maaaring may magkakaibang pananaw sa mga
top-down approach sa disaster management plan banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang
ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng Management Plan
gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin
hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad Unang Yugto: Disaster Prevention and
ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o Mitigation
ahensya ng pamahalaan.
*Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng
pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation?
Sa kasalukuyan, ang National Disaster Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga
Coordinating Council (NDCC), (na kilala ngayon babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga
bilang National Disaster Risk Reduction hazard, mga risk, at sino at ano ang maaaring
Management Council) ng Pilipinas ay kasapi sa maapektuhan at masalanta ng kalamidad.
proyektong “Partnerships for Disaster Reduction-
Southeast Asia (PDR - SEA) Phase 4 (2008). Hazard Assessment
Layunin ng programang ito na maturuan ang mga Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa
lokal na pinuno sa pagbuo ng Community Based pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring
Disaster Risk Management Plan. Mahalaga ang danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa
proyektong ito sapagkat binibigyan nito ng sapat isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na
nakaalaman at hinahasa ang kakayahan ng mga
8

panahon. Sa pamamagitan ng hazard assessment, lamang tulad ng lindol; sa loob


natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng ilang araw tulad ng baha o
ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap kaya ay buwan tulad ng
sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard digmaang sibil.
assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at Speed of Bilis ng pagtama ng isang
Temporal na katangian nito. onset hazard. Maaaring mabilisan o
walang babala tulad ng lindol o
kaya ay may pagkakataon na
magbigay ng babala tulad ng
bagyo o baha.
Forewarning Tumutukoy sa panahon o oras
sa pagitan ng pagtukoy ng
hazard at oras ng pagtama nito
sa isang komunidad
Force Maaaring natural tulad ng
Talahanayan 1.5 – Pisikal na Katangian ng Hazard hazard na dala ng hangin, tubig
tulad ng malakas na pagbuhos
Pagkakilanlan Pagkakaroon ng kaalaman ng ulan, baha, pa g-apaw ng
tungkol sa iba’t ibang hazard ilog, flashflood, tidal wave at
at storm surge, lupa tulad ng
kung paano ito umusbong sa landslide at lahar; apoy tulad
isang lugar ng pagkasunog ng kagubatan o
Katangian Pag-alam sa uri ng hazard kabahayan; seismic tulad ng
Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala lindol at tsunami; gawa ng tao
na maaaring idulot ng hazard tulad ng conflict gaya ng
Lawak Pag-aaral tungkol sa sakop at digmaang sibil, rebelyon, at
tagal ng epekto ng hazard pag-aaklas;industrial/technolo
Saklaw Pagtukoy kung sino ang gical tulad ng polusyon,
maaaring tamaan ng o pasabog, pagtagas ng
maapektuhan ng hazard nakalalasong kemikal at iba
Predictability Panahon kung kailan pang hazard tulad ng
maaaring maranasan ang taggutom, tagtuyot, at
isang hazard pagsalakay ng peste sa mga
Manageability Pagtaya sa kakayahan ng pananim.
komunidad na harapin ang Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)
hazard upang mabawasan
ang malawakang pinsala Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009) *Sa pamamagitan ng VCA, masusukat ang
Talahanayan 1.6 – Temporal na Katangian ng kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa
Hazard pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring
maranasan sa kanilang lugar. Sa Vulnerability
Frequency Dalas ng pagdanas ng hazard. Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan
Maaaring ang hazard ay
ng isang tahanan o komunidad na harapin o
nagaganap taon-taon, isang
bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
beses sa loob ng lima o
Samantala, sa Capacity Assessment naman ay
sampung taon o kaya ay
biglaan lamang. tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin
Duration Pag-alam sa tagal kung kailan ang iba’t ibang uri ng hazard. Ayon kina Anderson
nararanasan ang hazard. at Woodrow (1990) mayroong tatlong kategorya
Maaaring ito ay panandalian
9

ang Vulnerability: ito ay ang Pisikal o Materyal, ng partisipasyon ng mga mamamayan sa lahat ng
Panlipunan, at Pag -uugali tungkol sa hazard. aspekto ng pagbuo ng disaster management plan.
Talahanayan 1.8 – Mga katangian ng
Vulnerability at Capacity Assessment
Capacity Assessment
Kategorya Deskripsyon
Sa Capacity Assessment, sinusuri ang
Pisikal o Tumutukoy sa mga materyal na
kapasidad ng komunidad na harapin ang
Materyal yaman tulad ng suweldo mula sa
trabaho, pera sa bangko at mga anomang hazard. Mayroon itong tatlong
likas na yaman. Ang kawalan o kategorya: ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at
kakulangan ng mga nabanggit na Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.
pinagkukunang-yaman ay
Sa Pisikal o Materyal na aspekto, sinusuri
nangangahulugan na ang isang
kung ang mga mamamayan ay may kakayahan na
komunidad ay vulnerable o
muling isaayos ang mga istruktura tulad ng
maaaring mapinsala kung ito ay
makararanas ng hazard bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan,
Panlipunan Tumutukoy sa pagiging kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad.
vulnerable o kawalan ng Sa aspektong Panlipunan naman,
kakayahan ng grupo ng tao sa masasabing may kapasidad ang isang komunidad
isang lipunan. Halimbawa ay
na harapin ang hazard kung ang mga
mga kabataan, mga matatanda,
mamamayan ay may nagtutulungan upang
mga may kapansanan, maysakit,
at iba pang pangkat na maaaring ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala
maging biktima ng hazard. ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay may
Kasama rin dito ang pagiging epektibong disaster management plan.
vulnerable ng institusyong
Sa pagsasagawa ng Capacity Assessment,
panlipunan tulad ng pamahalaan.
itinatala ang mga kagamitan, imprastraktura, at
Pag-uugali May mga paniniwala at gawi ang
mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng
tungkol sa mga mamamayan na
Hazard nakahahadlang sa pagiging ligtas pagtama ng hazard o kalamidad. Mahalaga ang
ng isang komunidad. Bunga nito, pagsasagawa nito sapagkat magbibigay ito ng
nagiging vulnerable ang isang imporasyon sa mga mamamayan at sa mga
komunidad. pinuno ng pamayanan kung ano at kanino hihingi
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009) ng tulong upang mapunan ang kakulangan ng
pamayanan.
Vulnerability Assessment
Tandaan na hindi lahat ng pamayanan ay
Sa usapin ng vulnerability ng isang
mayroong magkakatulad na pisikal na katangian.
komunidad, kailangan na maging mulat ang mga
Kung kaya’t maaaring makaapekto ito sa kanilang
mamamayan sa mga hazard sa kanilang lugar.
kapasidad. Gayundin, ang pagkakaiba ng antas ng
Tungkulin nila na magkaroon ng kaalaman sa mga
kita ng bawat pamayanan ay mayroon ding
panganib at banta na maaari nilang
malaking epekto sa pagiging handa nila sa
110maranasan. Bukod dito, dapat na maging
panahon ng kalamidad.
aktibo rin sila sa paglahok sa mga programa ng
pamahalaan kabilang na dito ang tungkol sa Risk Assessment
disaster management. Sa panig naman ng
Kung ang Disaster prevention ay
pamahalaan, dapat na maging seryoso ito sa
tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at
pagbuo ng disaster management plan. Hindi
kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa
dapat kalimutan ng pamahalaan ang kahalagahan
disaster mitigation na mabawasan ang
10

malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at 3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk
kalikasan. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na reduction and management plan. Nagiging gabay
dapat gawin b ago ang pagtama ng sakuna, sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto,
kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o at istratehiya upang maging handa ang
mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.
kalikasan (Ondiz at Redito, 2009).
4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na
Dalawang uri ng Mitigation magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing
Structural Mitigation Non Structural batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa
Mitigation pagharap sa mga hazard.
Tumutukoy sa mga Tumutukoy sa mga
paghahandangginagaw ginagawang plano at 5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment
a sa pisikal na kaayuan paghahanda ng ay ang pagtatala ng mga hazard at pagtukoy kung
ng isang komunidad pamahalaan upang alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o
upang ito ay maging maging ligtas ang higit na atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing
matatag sa panahon ng komunidad sa risk.
pagtama panahon ng pagtama
ng hazard. Ilan sa ng hazard. Ilan sa
halimbawa nito ay ang halimbawa nito ay Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness
pagpapagawa ng ang pagbuo ng
dike upang mapigilan disaster Ang ikalawang yugto ay tinatawag na
ang baha, paglalagay ng management plan, Disaster Response.
mga sandbags, Pagkontrol sa
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat
pagpapatayo ng mga kakapalan ng
flood gates, populasyon, gawin bago at sa panahon ng pag tama ng
pagpapatayo ng paggawa ng mga kalamidad, sakuna o hazard. Mahalagang
earthquake-proof ordinansa at batas, malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga
buildings, at pagsisiguro information mamamayan sa komunidad, at maging ng mga
na may fire exit ang dissemination, at kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa
mga ipinatatayong hazard assessment. panahon ng sakuna o kalamidad. Dapat ring
gusali. maliwanag sa bawat sektor ng lipunan ang
kanilang gagawin upang magkaroon ng
Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at
pagkaantala na maaari pang magdulot ng dagdag
Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang na pinsala o pagkawala ng buhay.
sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga
ang pagsasagawa ng risk assessment: Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa
yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga
1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa maapektuhan, maiwasan ang malawakan at
pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard malubhang pagkasira ng mga pisikal na istruktura
na dapat unang bigyang pansin. at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon
2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga ng mga mamamayan mula sa dinanas na
hazard na mayroon sa kanilang komunidad na kalamidad.
noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk Bago tumama at maging sa panahon ng
assessment ay nagkakaroon ng mas matibay na kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng
batayan ang maaaring maging epekto ng hazard paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ay may
sa kanilang komunidad. tatlong pangunahing layunin:
11

1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa pagkaantala ng serbisyong pangkalusugan ay


mga hazard, risk, capability, at pisikal na maituturing na loss.
katangian ng komunidad.
Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and
2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol Recovery
sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda,
Tinatawag din ang yugto na ito na
at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
Rehabilitation. Sa yugtong ito ang mga hakbang
3. To instruct – magbigay ng mga hakbang na at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga
dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang
puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng pangunahing serbisyo upang manumbalik sa
tullong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard. dating kaayusan at normal na daloy ang
pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
Ikatlong Yugto: Disaster Response
Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng
Ang ikatlong yugto ay tinatawag na sistema ng komunikasyon at transportasyon,
Disaster Response. Sa pagkakataong ito ay suplay ng tubig at kuryente, pagkukumpuni ng
tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot bahay, sapat na suplay ng pagkain, damit, at
ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong gamot. Kabilang din dito ang pagbabantay sa
makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi presyo ng mga pangunahing bilihin at
itong batayan upang maging epektibo ang pagkakaloob ng psychosocial services upang
pagtugon sa mga pangangailangan ng isang madaling malampasan ng mga biktima ang
pamayanan na nakaranas ng kalamidad. kanilang dinanas na trahedya.

Nakapaloob sa Disaster Response ang Noong 2006, ang Inter-Agency Standing


tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment, Committee (IASC) na binubuo ng iba’t ibang NGO,
Damage Assessment, at Loss Assessment. Ayon Red Cross at Red Crescent Movement,
kina Abarquez, at Murshed (2004), ang needs ay International Organization for Migration (IOM),
tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan World Bank at mga ahensya ng United Nations ay
ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, nagpalabas ng Preliminary Guidance Note. Ito ay
tahanan, damit, at gamot. tungkol sa pagpapakilala ng Cluster Approach na
naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’t
Samantala, ang damage ay tumutukoy sa
ibang sektor ng lipunan. Makatutulong ito upang
bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-
maging mas malawak at ang mabubuong plano at
arian dulot ng kalamidad.
istratehiya at magagamit ng mahusay ang mga
Ang loss naman ay tumutukoy sa pinagkukunang yaman ng isang komunidad.
pansamantalang pagkawala ng serbisyo at Ginamit na batayan ng National Disaster
pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng Coordinating Council (NDCC) ang Cluster
produksyon. Approach sa pagbuo ng sistema para sa pagharap
sa mga sakuna, kalamidad, at hazardsa Pilipinas.
Ang damage at loss ay magkaugnay dahil
ang loss ay resulta ng mga produkto, serbisyo, at Noong Mayo 10, 2007, ipinalabas ang
imprastraktura na nasira. Halimbawa, ang NDCC Circular No. 5-2007, ito ay isang direktibo
pagbagsak ng tulay ay damage, ang kawalan ng na nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo
maayos na daloy ng transportasyon ay loss. Ang ng mga Disaster Management System sa Pilipinas.
pagkasira ng mga lupaing-taniman ay damage Iminumungkahi rin nito na magtalaga ng pinuno
samantalang ang pagbaba ng produksiyon ng ng bawat cluster (Cluster Leads) para sa tatlong
palay ay loss. Isa pa ring halimbawa ay ang antas: nasyunal, rehiyunal, at probinsiyal.
pagguho ng ospital dahil sa lindol ay maituturing
na damage. Samantala, ang panandaliang
12

Noong July 2007, sa bisa ng E.O. No. 02-


2007, ay binuo naman ang Albay Mabuhay Task
Force. Layunin nito na ipatupad ang mas
komprehensibong programa para sa pagtugon at
rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ng
kalamidad.
Isa sa mga pamamaraang ginawa ng
pamahalaan upang maipaalam sa mga
mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay ang
pagtuturo nito sa mga paaralan. Sa bisa ng DepEd
Order No. 55 ng taong 2008, binuo ang Disaster
Risk Reduction Resource Manual upang magamit
sa ng mga konsepto na may kaugnayan sa
disaster risk reduction management sa mga
pampublikong paaralan.

You might also like