Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

AP: Ang Parody”

Isang araw sa AP classroom, may mga estudyanteng nag-uusap tungkol sa mga prinsipyong
gabay sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Sila’y nagpasyang gumawa ng kanilang sariling
bersyon ng mga prinsipyong ito. Narito ang kanilang “AP: Ang Parody”:
(Meaningful):
1. Teacher: “Class, ano ang pinakamakabuluhan na bagay sa buhay?”
2. Ava: “Ang pagkain, Ma’am!”
3. Elly: “Hindi, ang WiFi!”
4. Teacher: “Tama kayo pareho! Ang pagkain at WiFi ay parehong makabuluhan sa
modernong buhay!”
5. CM: May mas mahalaga pa dyan ma’am
6. Teacher: Sige! Ano yun?
7. CM: Yung pinag-aralan natin sa pagluluto, nasarapan yung crush ko.
8. Teacher: Ayieeee… . tama! Plus points ka sa langit, este kay crush
(Integrative):
1. Teacher: “Ano ang koneksyon ng AP sa iba’t ibang asignatura?”
2. Syrine: “Ma’am, parang love life lang ‘yan. Kailangan mo ng integrasyon!”
3. Teacher: “Tama! Kailangan natin ng ‘AP + Math’ at ‘AP + Science’ para maging buo ang
ating pag-unawa.”
4. Ava: Parang love life namin yan ma’am, di ko kayang mabuhay mag-isa, kailangan ko
syang iintegrate sa aking buhay.
5. Teacher: Talaga naman mga batang to!
(Value-Based):
1. Teacher: “Ano ang halaga ng pag-aaral ng AP?”
2. Elly: “Ma’am, ang halaga nito ay 100 points!”
3. Teacher: “Hindi lang ‘yan, anak. Ang halaga ng AP ay sa paghubog ng kabutihan at
pagiging responsableng mamamayan.”
4. Ychel: Opo, parang yung binigay ko sa kanyang pagmamahal at kabutihan, pero sa huli
ako ay kanyang iniwan.
5. Teacher: Ang sakit naman
(Challenging):
1. Teacher: “Ano ang pinakamahirap na bahagi ng AP?”
2. Syrine: “Ma’am, ang pag-interpret ng mga primary sources!”
3. Teacher: “Tama! Pero alam niyo, ang hamon ay nagpapalakas sa atin. Kaya’t laban lang!”
4. CM: Mas nahirapan pa ko ma’am pagpapasagot sa kanya, sa bandang huli iba din yung
minahal niya. Sayang naman yung effort ko, binigay ko pa namang lahat sa kanya!.
5. Teacher: Kawawa naman si CM, bukas may irereto ako sayo.
(Active):
1. Teacher: “Paano natin maipapakita ang aktibong pag-aaral?”
2. Elly: “Ma’am, gumawa tayo ng dance number tungkol sa kasaysayan!”
3. Teacher: “Astig! AP dance troupe, mag-rehearse na tayo!”
4. Teacher: At ano namang gagamitin nating music.
5. Ychel: Phililpine Geography ma’am ni Yoyoy Villame.
6. Teacher: Sige nga sample nga
7. Lahat: Sample! Sample! Sample
8. Ychel: (nagsample)

Sa AP classroom, ang mga estudyante ay hindi lang nag-aaral, kundi nagpapatawa rin. Dahil sa
kanilang “AP: Ang Parody,” mas lalong naging masaya at makabuluhan ang kanilang pag-aaral.

You might also like