Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan 7- Araling Asyano

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nakikilala ang mga nasyonalista at ang kanilang mga ambag sa Timog at Kanlurang
Asya.

2. nasusuri ang mga pamamaraang ginamit ng mga nasyonalista sa pagpapahayag ng


kanilang damdaming makabayan.

3. naiuugnay ang mga mga katangian ng mga nasyonalista sa Timog at Kanlurang


Asya sa katangian ng isang huwarang mamamayan na may pagmamahal sa bansa.

4. naipapahayag ang sariling paraan upang maipamalas ang damdaming makabayan.

II. Paksang Aralin

A. Paksa

Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang asya

B. Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et al. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.


Eduresource Publishing Inc. pp. 230-233

C. Kagamitan

Cartolina, Pisara, Marker, Larawan, Laptop, Projector, Speaker

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat. Maari bang isa sa (Isang mag-aaral ang pupunta sa harap at
inyo ang mamuno sa ating panalangin? pangungunahan ang pagdarasal)

2. Pagbati

Magandang araw Grade 7-Aguinaldo!


Magandang araw din po!
3.Pagsasaayos ng Silid
Bago kayo magsiupo, maaari bang
pakiayos muna ang inyong mga upuan at
pulutin ang mga kalat sa inyong paligid. (Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang
mga upuan at pupulutin ang mga kalat)

Maari na kayong maupo. (Mauupo na ang mga mag-aaral)

4. Pagtala ng Liban

Mayroon bang liban sa inyong pangkat?


Pangkat 1 Wala po!

Pangkat 2 Wala po!

Pangkat 3 Wala po!

Pangkat 4 Wala po!

Pangkat 5 Wala po!

5. Balik-aral

Sa araw na ito may bagong paksa tayong


tatalakayin ngunit bago ang lahat
magbalik-tanaw muna tayo sa ating pinag-
aralan kahapon. Ano ba ang inyong (Magtataas ng kamay ng mga mag-aaral)
natatandaan hinggil sa ating tinalakay?

(Tatawag ang guro ng mag-aaral)


Maam! Tinalakay po natin ang
Nasyonalismo sa Asya
Mahusay! Ano ba ang kahulugan ng
Nasyonalismo?
Maam! Ito po ay ang pagpapakita ng
pagmamahal sa bayan
Tama! Paano ba natin maipapakita ang
nasyonalismo?
Maam! pagtangkilik po sa sariling produkto
ng bansa.
Mahusay!
Maam! pagkakaisa at pagiging
makatarungan po
Tama! Paano ba umusbong ang
damdaming makabayan sa Timog at
kanlurang Asya?
Naging malupit at di makatarungan po ang
mga kanluranin sa pamumuno at
pamamahala sa Asya.
Mahusay!

6. Pagganyak

Ngayon bago tayo dumako sa ating


talakayan sa araw na ito magkakaroon
tayo ng isang gawain. Manonood tayo ng
isang Music Video na may pamagat
na “Handog ng Pilipino sa Mundo”. Ito ay
isinulat ni Jim Paredes at kinanta ng
labinlimang mang-aawit kabilang dito ay
sina Kuh Ledesma, Gretchen Barreto, at (Manood ang mga mag-aaral)
ang Apo Hiking Society. Matapos yaon ay
may ilang katanungan ako sa inyo.

Mahusay! Tungkol saan ang inyong


napanood? Maam! Tungkol po sa mga naganap
noong EDSA People Power Revolution
Mahusay! Ano ang mensahe ng inyong
pinanood?
Maam! makakamit po natin ang kalayaan
nang walang dahas ang kailangan lang po
ay magkaisa.
Magaling! Sino-sino ba ang mga naging
bahagi ng EDSA People
Power Revolution? Maam! mga pari, madre at sundalo
Tumpak! Alam ninyo ba na ang tawag sa
mga katulad nila na taong nagpapakita ng Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang
pagmamahal sa bayan ay nasyonalista at Asya
ang tatalakayin natin sa araw na ito ay…

B. Pagtalakay

Ngayon ay dadako na tayo sa ating


talakayan. Ngunit bago yaon ay
magkakaroon tayo ng isang gawain.
Hahatiin natin ang klase sa limang
pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan
ko ng isang envelope na naglalaman ng
kartolina at litrato ng isang
Nasyonalista. upang inyo siyang makilala
pupunan ninyo ang ilalim ng larawan ng
mga salita, pangungusap, o parirala na
may kaugnayan sa kanya. Inyo itong
gagawin sa loob ng dalawampung minuto (Sa loob ng dalawampung minuto ay
at ibabahagi ninyo ito sa klase gagawin ng mga mag-aaral ang gawain at
pagkatapos. Kayo ay bibigyang marka pagkatapos nito ay ang kanilang
ayon sa rubrik. pagbabahagi)

Presentasyon- 20 puntos
Impormasyon- 20 puntos
Pagkakaisa sa paggawa- 10 puntos

Ang ating pagkilala sa mga nasyonalista


ay pangungunahan ng unang pangkat.

-Ang nasa larawan po ay si Mohandas


Karamchad Gandhi mula sa India
-Namuno upang ipaglaban ang hinaing ng
mga Indian sa mga Ingles
-Naniniwala sa Ahimsa (lakas ng kaluluwa)
at satyagraha (Kawalan ng Kararahasan)
sa pakikipaglaban
-Nagsagawa ng Hunger Strike,
pagmamartsa, at civil disobedience o
pagboykot sa produktong Ingles
-Lumaya ang India subalit namatay ng
hindi nagtagumpay na mapag-isa ang mga
Hindu at Muslim
Mahusay! Makakaupo na kayo. Bakit nais
ni Gandhi na hindi gumamit ng dahas?
Maam! ayaw po niya na magbuwis ng
buhay ang mga tao upang makamit
lamang ang kalayaan
Tama! Ano ba ang mangyayari kung
gagamit ka ng dahas sa pakikipaglaban?
Maraming buhay ang mawawala at
maraming pamilya ang mawawalan ng
mahal sa buhay.
Tama! Kung ikaw si Gandhi, ano ang
iyong mararamdaman kung hindi ka
nagtagumpay sa iyong layunin? Malulungkot po dahil parang nasayang
lang po ang aking pinaghirapan.

Mahusay! Ano ang iyong gagawin nang


hindi gumagamit ng dahas?
Maam! Pagtangkilik po sa mga gawa dito
sa ating bansa tulad ng pagkain, damit at
iba pa.
Tama!
Pakikiisa po at pagtulong sa mga
nangangailangan sa ating bayan
Tumpak!
Pagsunod po sa mga batas na pinaiiral ng
pamahalaan.

Mahusay! Ngayon kikilalanin naman natin


ang ikalawang nasyonalista. Ikalawang
pangkat maari na kayong magsimula..

-Siya po ay si Mohamed Ali Jinnah mula


sa Pakistan
-Pinangunahan ang Muslim League na
naghangad ng isang malayang hiwalay na
bansa para sa kanilang mga Muslim mula
sa India
-Kauna-unahang Gobernador-heneral ng
Pakistan
-Tinaguriang “Ama ng Pakistan”
Magaling! Bakit kaya ninais ni Jinnah na
magkaroon ng sariling bansa ang mga
Muslim? Maam! upang mapanatili ang paraan ng
kanilang pamumuhay na nakabatay sa
relihiyong Islam.
Mahusay! Maaari bang magsama sa
iisang bansa ang muslim at hindu ?
Maam! hindi po upang makaiwas sa
pangmamaliit at diskriminasyon mula sa
isa’t isa

Tama! Ang ikatlong nasyonalista naman


ang ating kikilalanin sa pangunguna ng
ikatlong pangkat.

-Siya ay si Mustafa Kemal Ataturk mula sa


Turkey
-Isang opisyal ng militar na naging unang
pangulo at tagapagtatag ng Turkey
-Isa sa mga hindi sumangayon sa
kasunduan ng Italy at France na hatiin ang
Imperyong Ottoman.
-Naging tagapagsalita ng Grand National
Assembly na nagbigay daan upang
kumilos ang mga Turkong militar para
hingin ang kanilang kalayaan.
-Nagsagawa ng mga pagbabago sa
pamahalaan, ekonomiya, at kultura.

Magaling! Bakit ninais ni Atataturk na


mapalaya ang kanyang bansa mula sa
tangkang paghahati sa kanila ng mga Maam! upang mapanatili po nila ang
Kanluranin? kanilang pagkakakilanlan bilang mga
Turko

Mahusay! Bakit nagsagawa ng maraming


pagbabago si Mustafa Kemal sa kanyang
bansa? Maam! dahil kailangan po ng pagbabago
upang makasabay ang kanilang bansa sa
takbo ng iba pang bansa.
Tama!
Kung ikaw ay mag-isa lamang posible ba Maam! hindi po! Dahil kailangan po ng
na ikaw ay magtagumpay na palayain ang maraming tao na nagkakaisa upang
iyong bansa? makamit ang hangarin mo na mapalaya
ang iyong bansa tulad po ng nangyari sa
Turkey na sinuportahan po si Mustafa
Kemal ng militar.

Mahusay! Ang ika-aapat na nasyonalista


ay ipapakilala sa atin ng susunod na
pangkat.

-Siya ay si Ayatollah Roullah Mousari


Khomeini mula sa Iran
-Bumatikos sa mga karahasan ng Shah at
pagsuporta nito sa interes ng mga
dayuhan.
-Nakulong at ipinatapon sa ibang bansa
-Salman Rushdie- hinatulan niya ng
kamatayan dahil sa aklat nitong “Satanic
Verses”.
-Nakilalang malupit na pinuno

Mahusay! Bakit tinuligsa ni Khomeini ang


Maam! dahil pinanigan po niya ang interes
kanilang pinuno?
ng mga ito.

Tama? Ano baa ng mangyayari kung may


roong dayuhan sa isang bansa?
Maam! dahil pag may dumating pong
dayuhan nagugulo po ang paraan ng
pamumuhay ng isang lugar at
naiimpluwensiyahan nila ang
pamamalakad ng pamahalaan.
Mahusay! Handa ba kayong makulong o Maam! Opo dahil bilang isang
maipatapon sa ibang bansa maipahayag mamamayan kailangan ipahayag po natin
lamang ang hinaing ninyo sa ang ating karapatan na magmalasakit sa
pamahalaan? Bakit? pamahalaan at sa bayan sa pamamagitan
hinaing ng pagpapahayag ng hinaing

Magaling! Sa inyong palagay, ano ang


mangyayari kung nasa iisang tao lamang
ang kapangyarihan sa pamahalaan at Magiging magulo po dahil ang batas ng
simbahan? simbahan ang magiging batas din ng
pamahalaan kaya kung malupit po ang
batas ng simbahan gayundin po ang
magiging batas sa pamahalaan

Mahusay! Magkakaroon po ng kaayusan dahil iisang


tao lamang ang namumuno sa bansa.

Tama! Para sa huling nasyonalista,


ibabahagi naman sa atin ito ng ikalimang
pangkat.

-Siya ay si Ibn Saud mula sa Saudi Arabia


-Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia
-Pinagbuklod sa iisang kaharian ang mga
lupaing dating sakop ng kanilang pamilya
at mga nasakop na lupain.
-Nahimok ang mga nomadiko na mabuhay
ng payapa at napatigil ang mga
pagnanakaw at pangingikil sa mga
dumadalo sa pilgrimage sa Mecca.
-Pinahintulutan ang isang kompanya mula
sa Estados Unidos na magkaroon ng oil
concession sa Saudi Arabia.
Mahusay! Paano nabawi ni Saud ang mga Gumamit po siya ng pakikidigma upang
lupaing sakop ng kanyang pamilya? mabawi ang mga lupaing dating sakop ng
kanilang pamilya

Tama! Malaki ba ang bahaging


ginagampanan ng relihiyon upang Opo dahil kung iisa lang po ang relihiyong
mapagbuklod ang ilang pangkat? sinasamba magkakaroon po ng ugnayan
ang bawat pangkat at madali pong
magkakasundo

Tama! Paano naging susi ang langis


upang yumaman at maging Nagbigay po ito ng malaking pera para sa
makapangyarihan ang Saudi Arabia? ekonomiya at pamahalaan ng Saudi
Arabia

Tumpak! May katanungan ba o nais


linawin sa ating talakayan? Wala po!

Magaling!

C. Paglalahat

Sulyapan natin muli ang tinalakay sa


araw na ito. Ano nga uli ang ating paksa ? Maam mga Nasyonalista po sa Timog at
Kanlurang Asya

Tama! Sino- sino ang mga nasyonalista? Ayatollah Khomeini

Tama! Mohandas Karamchad Gandhi

Tama! Mustafa Kemal Ataturk

Tama! Ibn Saud

Tama! Mohamed Ali Jinnah

Tama! Ano ang bagay ang ginamit ni Maam! gumamit po siya ng ahimsa at
Mohandas Karamchad Gandhi? satyagraha sa pakikipaglaban
Mahusay! Saang bagay naman nakilala si
Mohamed Ali Jinnah Maam nakilala po siya sa pangunguna
niya na magkaroon ng hiwalay na bansa
para sa mga Muslim sa India

Tama! Ano namn ang nagawa ni Mustafa


Kemal Ataturk? Maam! Siya po ang nagbigay daan upang
lumaya ang Turkey

Mahusay! Paano naman ipinakita ni


Ayatollah Roullah Mousari Khomeini? Maam! ipinaglaban po niya ang
kakapakanan ng kanyang mga kababayan
laban sa karahasan ng Shah at pagpanig
nito sa mga dayuhan.

Mahusay! Paano naman nakilala si Ibn Maam! pinagbuklod at pinaunlad po niya


Saud? ang ekonomiya ng Saudi Arabia.

Tama!

D. Paglalapat

Sa puntong ito na nakilala na natin ang


mga nasyonalista sa Timog at Kanlurang
Asya, Sino sa kanilang lima ang maari (Ibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang
mong masabing idolo mo sa larangan ng kasagutan batay sa kanilang damdamin at
nasyonalismo? Bakit? naunawaan)
IV. Pagtataya

Pagpapangkat-pangkat. Isulat lamang ang sagot.

A B

1. Ama ng Pakitan a. Ayatollah Khomeini

2. Nanghikayat ng Civil Disobedience b. Ibn Saud

3. Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia c. Mohandas Karamchad


Gandhi

4. Unang pangulo ng Republika ng Turkey d. Mohamed Ali Jinnah

5. Nagtalumpati at nagsulat laban sa Shah. . e. Mustafa Kemal Ataturk

f. Isman Rushdie

Susi sa Pagwawasto

1. D 2. C 3. B 4. E 5. A

V. Kasunduan

Sa isang Short Bondpaper gumawa ng Slogan na nagpapahayag ng nasyonalismo..

Halimbawa: Buhay ay iaalay

Para sa bayang sinilangan

Rubrik: Pagkamalikhain- 15 puntos. Mensahe- 15 puntos

You might also like