Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panuto:Basahing mabuti ang tanong at isulat ang tamang sagot sa sagutang

papel.
1.Sa sistemang presidensyal, sino ang may pinakamataas na
posisyon sa pamahalaan?
A. diktador
B. hari
C. pangulo
D. punong- ministro
2. Ano ang kahalagahan ng pamahalaan sa isang bansa?
A. nagsisilbing tagapayo ng mamamayan
B. nagsisilbing gabay ng mga makadiyos na mamamayan
C. nagsisilbing tagapangalaga at tagapangasiwa ng mga
kagalingan ng mamamayan
D. nagsisilbing tagasunod sa lahat ng kagustuhan ng
mamamayan

3.Alin sa sumusunod ang hindi gampanin ng pamahalaan para sa


taumbayan?
A. pangkabuhayan
B. pangkultura at edukasyon
C. pangangalaga sa kalusugan
D. paggamit ng pondo para sa sariling kapakanan
4. Bakit may ugnayang diplomatiko ng pamahalaan sa ibang
bansa?
A. upang masira ang kabuhayan ng bansa
B. upang magulo ang buhay ng mamamayan
C. upang mapahina ang ekonomiya ng bansa
D. upang mapabuti ang kabuhayan ng bansa

5. Bilang isang mamamayan, paano ka makakatulong sa


pagkamit ng layunin ng pamahalaan?
A. hihinto sa pag-aaral at maghanap ng mapagkikitaan
B. makikipaglaro ng online games kasama ang mga
kaibigan
C. mangangalakal ng mga bakal at magpalaboy-laboy sa
lansangan
D. nakikilahok ako sa mga gawaing pangangalaga sa likas
na yaman ng bansa
6.Ano ang isinasaad sa Batas Republika Blg. 7160?
A. Ang buong bansa ay nasa antas ng pamahalaang local.
B. Ang pamahalaang lokal ay binubuo ng isang barangay
lamang.
C. Ang pamahalaang lokal ay binubuo ng mga lungsod at
barangay.
D. Ang pamahaang lokal ay binubuo ng mga lalawigan,
lungsod, bayan, at barangay.

7.Sino ang kasalukuyang gobernador sa lalawigan ng Surigao del


Sur?
A. Hon. Roxanne C. Pimentel
B. Hon. Alexander T. Pimentel
C. Hon. Eleanor D. Momo
D. Hon. Librado C. Navarro
8.Bakit maaaring palitan ng pangalawang pangulo ang Pangulo
kahit hindi pa tapos sa kaniyang panunungkulan sa bansa?
A. dahil ito ay nakipagpulong sa ibang mga presidente ng
bansa
B. dahil ito ay hindi sumipot imbitasyon ng isang Unibersidad
C. dahil ito ay namatay o hindi na karapat-dapat sa
kaniyang tungkulin
D. dahil ito ay gumawa ng isang batas na hindi sang-ayon
ang kaniyang mga gabinete
9.Gaano kalawak ang lupaing sakop ng isang lugar upang
matawag na lalawigan?
A. 1 000 kilometro kuwadrado o higit pa
B. 2 000 kilometro kuwadrado o higit pa
C. 3 000 kilometro kuwadrado o higit pa
D. 4 000 kilometro kuwadrado o higit pa

10. Paano ang pangkalahatang pangangasiwa ng pangulo sa


pamahalaang lokal?

A. sa pamamagitan ng eleksyon
B. sa pamamagitan ng Batas 3110
C. sa pamamagitan ng mga Punong Mahistrado
D. sa pamamagitan ng Department of Interior and Local
government (DILG).

You might also like