Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDITORYAL SA NATATANGING ARAW

EDITORYAL - Araw ng Kagitingan

facebook sharing buttonmessenger sharing buttontwitter sharing button

() - April 9, 2012 - 12:00am

Ngayon ay Araw ng Kagitingan o mas kilala sa tawag na Bataan Day. Ginugunita ngayon ang
kagitingan ng mga sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Abril 9, 1942.
Nakipagbakbakan sila kasama ang mga Amerikanong sundalo para maidepensa ang Corregidor pero
hindi pa rin umubra sa puwersa ng mga Hapones na walang patid ang ginawang pambobomba. Libong
Pilipino at Amerikanong sundalo ang namatay habang ipinagtatanggol ang Bataan. Maraming nabihag na
sundalo at pawang sugatan.

Ang pinaka-matinding dinanas na mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay ang paglalakad mula
Mariveles patungong Capas, Tarlac na tinatayang 80 kilometro ang layo. Habang naglalakbay, mara-ming
Pilipino at Amerikanong sundalo ang namatay sa gutom at pagod. Nagkasakit ang karamihan. Ang ilan na
hindi na makalakad ay binabayoneta ng mga sundalong Hapones. May mga nagtangka umanong
tumakas habang naglalakad subalit nahuli rin ng mga Hapones at mas matindi ang sinapit nilang
kamatayan.
Ngayon, 66 na taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang pagbagsak ng Bataan at Death
March, sariwa pa rin sa isip ng mga matatandang beterano ang lupit ng giyera. Hinding-hindi nila
malilimutan ang walang kasingtinding hirap na dinanas para maipagtanggol ang Inambayan laban sa mga
mananakop. Karamihan sa mga beteranong nasugatan ay nakatimo pa sa kanilang katawan ang tingga
ng bala. Isang buhay na alaala ng kanilang pakikipaglaban. Marami sa kanila ang may mga bakas ng
pahirap na habang sila ay nabubuhay ay naalala ang kalupitan ng mga Hapones.

Masakit nga lang ang katotohanan na sa kabila ng kanilang pakikipaglaban hindi pantay ang
benepisyong natatanggap o natanggap sa pamahalaan ng Amerika. Ang mga kapwa beteranong
Amerikano ay mas malaki ang natatanggap na pension at kumpleto pa sila sa pangangalaga. Parehas
lang silang nagpakamatay sa pakikipaglaban pero mas prayoridad ang mga Amerikanong sundalo na tila
ba sila lang ang nakatikim nang matinding hirap.

Walang katumbas na halaga ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo noong World War 2
partikular ang mga nagtanggol sa Bataan, sana ang kasalukuyang gobyerno ay makapagbigay pa ng
tulong sa mga beterano at kanilang kaanak. Tulungan sila bilang pagtanaw sa ipinakitang kabayanihan at
paglilingkod sa bayan.

You might also like