Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

ARALIN 4:

Etika at Pagpapahalaga
sa Akademya: Pagsulat at
Replektibong Sanaysay

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)


ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA
AKADEMYA
Ang salitang etika ay galing sa salitang
Griyego na ethos na may kahulugang
“karakter”
Ethos ay mula sa salitang ethicos, na
nangangahulugang “moral, moral na karakter”.
Ginawa ang ethics sa Ingles at etika sa Filipino.
Ayon kay Chris Newton ang etika ay
tumutugon sa mahalagang tanong ng moralidad,
konsepto ng tama at mali, mabuti at masama,
pagpapahalaga at pagbabalewala, pagtanggap at
di-pagtanggap ng lipunan na siyang nagtatakda
ng mga batayan sa mga ito.

Ang pagpapahalaga (values) ay ang mga


istandard o batayan, ideyal at gawi, at institusyon
gaya ng simbahan, paaralan, pamilya, at negosyo
na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang
ating mga desisyon.
Etika at Pagpapahalaga
ay kapuwa gumagabay kung paano natin ihaharap ang ating
sarili sa o pakiharapan ang ating kapuwa. Gayundin,
tumutulong ito upang magkaroon ng kaayusan at katahimikan
sa isang lipunan.

Narito ang isang ilustrasyon ng pagkakaiba ng etika at


pagpapahalaga
Etika
Tama/Mali
Mabuti/masama
Praktis
Lipunan Pagpapahalaga/
Kilos
Pagbabalewala
Etikal/Di-Etikal
Pagtanggap/Di-
Pagtanggap
Tao Obligasyon
Grupo Karapatan
Komunidad Katuwiran
Institusyon Halaga
Pagpapahalaga

Praktis
Istandard
Kilos
Tao Paniniwala
(Manipestasyon
Grupo
Kapwa/Ibang
Tao
May sarili-sariling etikang sinusunod at
mga pagpapahalagang gumagabay sa
bawat institusyon, grupo, opisina, maging
sa loob ng isang komunidad o bansa.

May inaasahang etika at pagpapahalaga


ang mga guro kaiba sa mga doktor, nars,
abogado, arkitekto, mamamahayag,
estudyante, empleyado ng gobyerno at
pribadong korporasyon, at iba pa.
Mga Pangkalahatang Halimbawang
Pagpapahalaga
Narito ang ilang pangkalahatang pagpapahalagang
inaasahan sa mga tao, grupo, at institusyon sa
alinmang bansa o lipunan.
kompetensi pagkakawanggawa serbisyo
integredad seguridad paggalang
dignidad dibersidad katapangan
katapatan impluwensya kagalingan
responsibilidad pagkatuto
Etika at Pagpapahalaga sa Pagsulat
ng Akademiya
Sa pagdating ng makabagong teknolohiya,
kanluraning edukasyon, at impluwensya ng
iba’t ibang kultura, iba’t ibang etika at
pagpapahalaga ang nangingibabaw, lalo na
sa larangan ng edukasyon.

Sa akademikong pagsulat, ang paggamit ng


mga social media ay hindi daw malinaw kung
Sa akademikong pagsulat, ang
paggamit ng mga social media ay hindi
daw malinaw kung makatutulong sa
iskolarsyip.
Kaugnay nito, ilang isyu o paglabag
kaugnay ng etika at pagpapahalaga sa
pagsulat gamit ang sari-saring datos at
reperensyaang mahalagang bigyang-
pansin:
a. Copyright - Sa Pilipinas nililinaw sa Intellectual
Property Code of the Philippines o ang Republic Act
No. 8293 ang mga karapatan at obligasyon ng may
mga akda (manunulat, artista, iskolar, tagasalin,
kompayler, editor, mananaliksik at iba pa), pat na
ang paggamit sa mga ginawa ng mga ito.
Mahalagang malinawan ang mga karapatan at
obligasyong ito upang maiwasan ang anomang di-
pagkakaintindihan para sa mga pagsipi at
pagbubuod.
Plagiarism
-ito ang maling paggamit, “Pagnanakaw ng ideya,
pananaliksik, lengguwahe, at pahayag” ng ibang tao
sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kaniya.

Ayon kay Diana Hacker,


(www.newworldencyclopedia.com) tatlong paglabag
ang maituturing na plagiarism

1. hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging


sinipi at kinuhanan ng ideya.
2. hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na
direktang salita o pahayag;

3. hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang


mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw
(paraphase).
Kasama rin sa isyu ng plagiarism ang “pagkopya
sa sarili” kung saan ang dati nang inilathalang akda
ng mismong manunulat ng sulatin ay kinopya ng
hindi nababanggit ang pinaglathalaan na nito.
Mga Kaso ng Pandaraya sa Paggamit
sa Pagsulat at ilang Kaparusahan
1. Maramihan at malawakang pagkopya
ng mga sipi at datos nang hindi
binibigyang-kredito ang
pinagkuhanan.
2. Nagsumite ng isang group paper ang
tatlong mag-aaral ng isang kilalang
unibersidad sa Metro Manila.
Mga Pagpapahalagang Intelektuwal at
Moral sa Akademiya
a. Kababaang-loob
huwag angkinin ang hindi sa iyo at
aminin na hindi sa iyo ang ideya o
datos.

b. Lakas ng loob na harapin at tanggapin


ang ideyang humahamon sa sariling ideya
at pangangatwirang ito.
c. Pakikiisa at pag-unawa sa
karanasan at kalikasan ng iba
Maisasakongkreto ito ng
paggamit ng politically
correct na mga salita upang
maiwasan ang insulto at
pananakit ng damdamin.
d.Integridad - Pinapahalagahan
ang katapatan kaugnay ng paraan
ng pagkuha, paggamit, at
interpretasyon ng mga datos,
gayundin ang paraan ng
pagpapahayag ng katuwiran.
e. Pagsisikap, hindi basta sumusuko sa gitna
ng mga pagsubok.

f. Paniniwala sa katuwiran-
nangangatwiran ng naayon sa etika at
pagpapahalaga ng komunidad na tagabasa
ang anomang ideyang gustong patunayan.
g. Pagkamakatarungan, katapatan, at
pagsunod sa mga alituntunin
h. Kamalayang mapanuri - binibigyang-
halaga rito ang papel ng tao bilang
tagapagpaganap (tagapagpagalaw at aktor)
i. Pag-aatubili - hindi kailangang madaliin
kundi bigyan ng sapat na panahong
manaliksik at magsiyasat

You might also like