Professional Documents
Culture Documents
Liham Sa Magulang para Sa NAT 1
Liham Sa Magulang para Sa NAT 1
Department of Education
MIMAROPA Region
Schools Division of Calapan City
Oriental Mindoro National High School
Enero 17,2023
Sa mga magulang:
Pagbati at Paanyaya!
Malugod pong ipinababatid ng ating paaralan na magkakaroon ng National
Achievement Test (NAT) ang mga mag-aaral na nasa Baitang 12 sa Enero 30-31,
2023. Ito ay alinsunod sa DepEd Memorandum No. 001, s. 2023 na may layuning
masukat ang kaalaman at kasanayang pang-akademiko ng mga mag-aaral sa iba’t
ibang asignatura at disiplina.
Kaugnay ng nasabing pagsusulit, hinahangad po namin na magkaroon kayo nang
lubos na kabatiran hinggil sa mahahalagang impormasyon na makatutulong sa
mga mag-aaral upang matagumpay na maipasa ang pagsusulit. Sapagkat,
naniniwala po kami na mahalagang kabahagi at kasama namin kayo tuwina sa
anomang gawain, proyekto, at adhikain para sa pag-abot ng pangarap ng ating
mga mag-aaral. Kaya naman po, inaanyayahan namin kayo sa isang Virtual
Orientation (via zoom meeting) sa darating na Sabado, Enero 21, 2023 sa
ganap na ika-__:00 ng umaga.
Inaasahan po namin na muli ay makapaglalaan kayo ng panahon na tanda ng
patuloy na pakikiisa, pakikisangkot at pakikipagtulungan sa paaralan para sa
kapakinabangan ng mga mag-aaral.
Maraming salamat po at nawa ay patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Poong
Maykapal.
Lubos na gumagalang,
Kaalam: