Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Kahit Maliit Lang Kami

Ang Kuwento ng Paglalakbay ng Isang


Langgam
Ni: Trojan Cloyd B. Monoy
Ako nga pala si Angga. Walang namang
espesyal sa araw na ito. Minalas nga ako e.
Paano ba naman, napahiwalay ako sa mga
kasamahan ko sa paghahanap naming ng
pagkain na madadala naming sa aming mga
lungga. Nadala kasi ako ng ihip ng hangin at
nawalan ng malay. Pagdilat ko, hindi ko na
sila makita. Iniikot ko ang aking paningin sa
paligid ngunit wala talaga. Minabuti ko na
lamang na libutin ng mag-isa itong bahay na
napuntahan namin.

“Asan na kaya sila?” tanong ko sa


aking sarili. “Sana ay mahanap ko na sila.
Hindi ko pa naman matandaan kung saan
ang daan pauwi sa amin.

Sa aking paglalakad ay napadaan ako


sa ibabaw ng isang lamesa. May mga papel
dito na napapatungan ng isang ‘paper
weight’. Lumapit ako sa paper weight.
Napansin ko na may larawan na naka-tatak
dito. Logo pala ito ng Ateneo de Naga
University. Ayon sa aking ina, ang Ateneo de
Naga University ay paaralan daw ng mga tao.
Katulad din daw ito ng Ants Training
Center(ATC) sa amin. Sa ATC tinuturuan at
sinasanay kaming mga langgam na maglakad
sa pader, lumangoy at magbuhat ng mga
kanin, pira-pirasong tinapay, asukal at iba pa.
Kahit langgam lang kami, maliit at hindi
gaanong pinahahalagahan ng iba ay
importante sa amin ang edukasyon. Kaya nga
pinipilit namin na magtrabaho at maghanap
ng pagkain upang mayroon kaming
ipambabayad sa paaralan. Kailangan kasing
magbigay ng sapat na dami ng pagkain
upang tanggapin ang isang estudyante. Sa
kabila ng pagiging maliliit namin ay
pinahahalagahan namin ang bawat aral na
natututunan namin sa paaralan dahil alam
namin na makatutulong ito ng lubos sa aming
pang araw-araw na gawain. Siguro ganun din
ang mga tao. Pinahahalagahan din kaya nila
ang kanilang edukasyon?

Hindi ko pa rin sila nakita noong nasa


itaas ako ng lamesa. Naglakad-lakad ako at
padaan ako sa isang mahaba at manipis na
bakal na nakakabit sa parang hawakan n yari
sa plastic. Cutter daw ang tawag dito.
Matalim. Nakakasugat. At nakamamatay para
sa aming mga langgam. Pagkakita ko dito ay
nasariwa sa aking isipan ang mga mapapait
at masalamuot na bahagi ng aking buhay.
Bata pa lamang kasi ako nang mamatay ang
aking ama. Naaalala ko pa ang araw na iyon.
Maaga siyang umalis ng lungga namin upang
maghanap ng pagkain ngunit hindi na siya
nakabalik. Ibinalita na lamang sa amin ng
mga kasama niya sa paghahanap ng pagkain
na nadulas daw ang tatay
sa blade isang cutter at nahiwa ang kanyang
katawan na naging sanhi ng kanyang
pagkamatay. Masakit at mahirap man ang
mabuhay ng walang ama ay nakayanan pa
rin namin. Lalo pa aming naging matatag at
palaban sa buhay.

Nag-ingat ako ng mabuti sa pagdaan


ko sa cutter. Minarapat ko naman ngayon na
dumaan sa dingding. Mabuti na lang at
nakinig ako ng mabuti sa aking mga guro sa
paaralan. Sila kasi ang nagturo sa amin kung
paano maglakad sa dingding. Hindi pa rin
maalis sa aking isipan ang imahe ng cutter na
nadaanan ko kanina.

Habang naglalakad ako sa dingding


ay napadaan ako sa isang krus na naka-
sabit. Ito raw ang sumisimbolo ng Diyos para
sa mga tao. Itinuro sa amin sa paaralan na
ang Diyos na lumikha ng mga tao ay ang
parehong Diyos na lumikha sa aming mga
langgam. Maliit man kami at hindi kasinlaki ng
mga tao, nilikha pa rin kami ng Diyos. Pare-
parehong may dahilan ang pagkalikha ng
lahat, maliit man ito o malaki. Kaya hindi ibig
sabihing porke maliit lamang kami ay maari
na kaming paglaruan at apakan-apakan ng
mga mas malaki sa amin. Binigyan din kami
ng Diyos ng buhay, buhay na kailangan
naming hanapan ng kahulugan. Kahit maliit
lamang kami, pinapahalagahan namin ang
buhay na ipinagkaloob sa amin ng Diyos.
Pinapahalagahan at iginagalang din naming
ang buhay ng ibang langgam at iba pang
nilalang. Naniniwala kasi kami na lahat ng
nilalang ay may karapatang mamuhay ng
may dignidad at malayo sa pang-aabuso ng
iba.

Napadaan na rin lang naman ako sa


krus ay minabuti ko nang magpahinga muna
dito at kausapin ang Paginoon.

“Panginoon, alam ko pong nariyan Kayo.


Maraming salamat po at ibinigay Niyo sa akin
ang pagkakataong ito upang magkaroon ng
mas malawak na pag-unawa sa daigdig.
Mayroon po sana kong ihihiling Sainyo.
Nawalay po kasi ako sa mga kasamahan ko
sa paghahanap ng pagkain. Sana po ay ligtas
sila. Sana po ay matagpuan ko na sila o kaya
naman ay matagpuan na nila ako. Ano po ba
ang dapat kong gawin?”

“Angga…” sabi ng misteryosong


boses na nagmumula sa kung saan. Kasabay
ng pagsalita ng tinig na iyon ay biglang
umihip ng malakas ang hangin. Napakapit
ako ng mahigpit sa krus. “Ako ang
Panginoon. Bumitaw ka upang maibigay ko
sayo ang iyong hinihiling”

Hindi ko alam kung susundin ko ang


sinabi ng tinig na ngayon ko lamang narinig.
Hindi ko alam kung maniniwala akong siya
ang Panginoon. Paano kung may nanloloko
lang sa akin? Mabuhay a kaya ako sa aking
pagkabagsak. Hindi ko na alam ang gagawin
ko. Sa mga panahong tulad nito masusubok
ang pananampalataya natin.
Ipinikit ko ang aking mga mata at
namalayan ko na lamang na unti-unti nang
buminbitaw ang mga kamay ko sa krus.
Tinangay ako ng malakas na ihip ng hangin.
Bumagsak ako sa medyo malambot at
makulay na lugar. Nang tingnan ko ang
paligid ko ay nakita ko ang mga kasamahan
ko na nagbubuhat ng pagkain mula sa loob
ng nabagsakan kong plastic ng isang
pagkaing pantao na may naka-sulat na Boy
Bawang. Hindi nagtagal ay napansin din ako
agad ng mga kasamahan ko.

“Angga! Paano ka nakarating diyan?”


pagtataka ng isa sa mga kasamahan ko.
“Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa
naming hinahanap.”
“Halika na dito. Tulungan mo kami.”
Sabi naman ng isa. “Marami tayong mai-
uuwing pagkain”

“Panginoon, maraming salamat po”,


mahina kong sambit habang bumababa
upang tumulong sa mga kasamahan ko.

Habang pauwi na kami ay inusisa nila


kung ano ang nangyari sa akin matapos
tangayin ng ihip ng hangin. Ikinuwento ko sa
kanila ang nangyari. Mayroong mga naniwala
sa sinabi ko, mayroon namang hindi.
Nalaman na rin sa lungga namin ang
nangyari sa akin. Alam ko na maraming nag-
iisip na baka nagpapa-pansin lamang ako
pero ayos lang iyon. Alam ko kasi na sa
bawat sampung langgam na nakaka-alam ng
kwento ko ay merong isa man lang na
naniniwala sa akin. Marahil ito na ang
kahulugan ng aking buhay – ang ipaalam sa
lahat na totoong may Panginoon at walang
imposible basta’t huwag tayong mawawalan
ng pag-asa at tiwala sa Kanya. Patuloy kong
paninindigan ang aral na natutunan ko at
patuloy ko itong ipamamahagi sa iba. Ano
naman ngayon kung maraming hindi
naniniwala? Ang mahalaga, nagiging
instrumento ako ng upang pagtibayin ang
ispiritwal na askpekto ng mga naniniwala sa
aking kuwento.

You might also like