Si Lilly, Si Langit Saka Su Tulong Higante - Fil - PORTRAIT - V12023.04.11T022925+0000

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

Si Lilly, Si Langit at ang Tatlong

Higante
Shanelle Escuro
Noel A. Perez
Ilang araw nang walang tigil ang ulan, pero
’yon ang unang beses na kumulog na sobrang
lakas.
Nasindak si Lilly, na nakatulog sa pagdrowing
ng sisiw ng pato nila.

1
Meron silang isang matandang pato na
nangitlog ng lima.
Ang saya ni Lilly dahil unang beses niya itong
magkaroon ng alaga.
Ngunit lalong lumakas ang ulan.

2
Di nila napansin ang pagtaas ng tubig.
Sinapaw ang tirahan ng mag-inang pato.
Gininaw ang tanging sisiw hanggang sa
nawalan ng buhay.

3
Solong anak lamang si Lilly. Dati gusto niyang
bumaba ang mga higante sa langit upang
makipaglaro sa kaniya doon sa palayan
malapit sa ilog. Tuwing umuulan, naghihintay
siya na marinig ang langit dahil senyales ‘yan
na ang higante mga higante ay naghahabulan
sa itaas. Hinihintay ni Lilly na may bumaba sa
langit.

4
Kapag naiisip ito ni Lilly, di niya mapigilang
mapangiti. Mas lalo pa siyang natuwa
nang nangingitlog na ang pato. Angkop na
walang tigil ang ulan, gusto ng mga pato
ang lalanguyan. Pero nang namatay ang
kaisa-isang sisiw, nagtampo siya kay Langit,
inayawan na rin niya ang mga higante.

5
Kinusot muna ni Lilly ang mga mata niya at
pagkatapos tiningnan ng husto ang iginuhit
niyang pato na pinangalanan niyang “Maggy
”. Iniwan muna niya ang drowing sa kama at
pakatapos ay dumiretso sa kusina.

6
“Mama, namatay tuloy si Maggy dahil dito sa
walang tigil na ulan,” sabi ni Lilly. “Iisa na lang
nga.”
“Hayaan mo, Lilly, mangingitlog pa ang pato
natin,” sabi ni Mama na naghihiwa ng sibuyas.
“Bakit di tumitigil si Langit sa pag-iyak?”
tanong ni Lilly.
“Nalulumbay pa si Langit, Lilly,” sagot ni
Mama.
Alam ni Mama na nalungkot si Lilly sa

7
namatay nilang sisiw na pato.

8
“Ayokong umiyak tulad ni Langit. Di ako
iiyak,” bulong ni Lilly sa sarili niya habang
nakasilong siya sa labas ng pintuan sa kusina.

9
Pinipigilan niyang bumuhos ang luha niya
kahit nangungulila na siya kay Maggy. Parang
may mga insektong gusto nang lumabas
sa dibdib niya upang sumama sa ulan, pero
ayaw niyang bitawan dahil ayaw niyang
tularan ang gawi ni Langit.

10
Klaaaaattt! Duguduuuu, Duuuumm!
Biglang umugong ang Langit. Dali-daling
bumalik si Lilly sa kuwarto niya. Sumilip siya
sa labas ng bintana kung may natamaan na
puno ang kidlat.

11
Nanlaki ang mga mata ni Lilly sa nakita niya.
Nabitawan niya bigla ang papel na hawak-
hawak.

12
“Hello, Lilly,” sabi ng nakangiting higante na
may bunging ngipin.
“Uy, baka matakot sa ’yo ang bata,” sabi
naman ng isa habang itinataas ang kaniyang
maluwag na salawal.

13
Di makagalaw si Lilly. Nakasandal lamang siya
sa bintana na halo-halo ang nararamdaman.

14
“Matagal ka na naming inoobserbahan, Lilly,”
sabi ng matabang higante na may maamong
mga mata. “Gusto sana naming makipaglaro
sa ‘yo, pero di kami makababa.”
Sasagot na sana si Lilly pero may sinabi ang
mas matangkad na higante.

15
Naunahan siya nito, at pagkatapos ay umupo
malapit sa bintana kung nasaan si Lilly. “Wala
kasi kaming malabasan para makababa dito
sa lupa dahil iyak nang iyak pa rin si Langit,”
nasagot ng pinakamatangkad na higante ang
tanong ni Lilly sa isip. “Bumaba kami upang
ibalik si Maggy.”

16
“Si Maggy? Huwag na ninyong ibalik si
Maggy! Nilunod siya ni Langit. Di na lang
sana kayo bumaba! Dinakip ninyo dapat si
Langit at ikinulong! Ayokong kong umiyak
tulad ni Langit. Di ako iiyak.”

17
Pinigilan ni Lilly ang sarili kahit naiiyak na
siya.
Sasarahan na sana niya ang bintana nang
dinukot ng matabang higante ang sisiw sa
bulsa ng damit nito.

18
“Kwak, kwak, kwak!” huni ni Maggy habang
nasa palad siya ng matabang higante.
“Ma…Maggy?” sabi ni Lilly habang lumilingon.
Di niya alam kung kaya niya pang pigilan ang
iyak niya.

19
Dahan-dahang isinuksok ng higante ang
kamay niya sa bintana at inilagay ang sisiw na
pato sa kama.

20
“Lilly, heto
si Maggy. Di kami nagsisinungaling. Ano ang
problema at ayaw mo siyang makitang muli?”
sabi ng higanteng maamo ang mata.
“Ayokong umiyak tulad ni Langit. Di ako iiyak,”
sagot ni Lilly, sabay kusot ng mata.

21
“Alam mo kung bakit umiiyak si Langit?”
nakangiting sabi ng matabang higante.
“Nalulungkot si Langit dahil malubha na ang
init dito sa inyo,” sabi ng mas matangkad na
higante.

22
“Kaya kahit ayaw niyang umiyak, ginawa
niya pa rin upang matulungan ang mundo,”
sabi ng isa pang higante. “Nadamay tuloy si
Maggy.”
“Ayaw ni Langit na malungkot ka kaya sa pag-
iyak niya, nagkaroon kami ng daanan para
madala si Maggy papunta sa ‘yo,” sabi ng mas
matangkad na higante.

23
“Wala namang problema kung tutularan
mo si Langit, Lilly,” sabi ng higante na may
pinakamaamong na mata. “Luha ang didilig
sa nalantang pag-asa sa puso natin.”
“Tulad ni Langit, dinilig niya ang mga
nalalanta nang mga pananim sa mundo,” sabi
ng pinakabatang higante.
“Kaya, iiyak mo na ang nadarama mo.”

24
Nasindak hanggang namangha ang mga
higante nang nagsilabasan ang mga tutubi sa
dibdib ni Lilly. Masaya silang lumipad papunta
kay Langit na nagsisimula na ulit magliwanag.
Magaan na ang pakiramdam ni Lilly pati na
rin ni Langit.

25
This book was developed as part of the ABC+:
Advancing Basic Education in the Philippines
project. ABC+ is a partnership of USAID
and the Department of Education (DepEd),
implemented by RTI International together
with The Asia Foundation, SIL LEAD, and
Florida State University.
This book was quality assured by Belen Pili,
Riema Yocampo, Eda Dato, Edna Blazado,
Karen Bobis, and Grace Rabelas, and was
approved for publishing by the Department
of Education Region V - Bicol Learning
Resource Management Section (LRMS) of
the Curriculum and Learning Management
Division (CLMD). This book was field tested by
Ruthsilly Samillano.

26
This work is licensed under the Creative
Commons Attribution-NonCommercial 4. 0
International License (CC BY-NC 4. 0). You are
free to copy, distribute, transmit, and adapt
this work but not for commercial purposes
and under the following conditions:
If you copy and distribute this work in its
entirety, without making changes to content
or
illustrations, please label the work as follows:
“Reproduced on the basis of an original work
developed under the USAID ABC+: Advancing
Basic Education in the Philippines project
and licensed under the Creative Commons
AttributionNonCommercial 4. 0 International
License.”
If you create a translation of this work,
please use the following label on your work:
“Translated from an original work developed
under the USAID ABC+: Advancing Basic
Education in the Philippines project and

27
licensed under the Creative Commons
Attribution-NonCommercial 4. 0 International
License.”
If you create an adaptation of this work,
please use the following label on your work:
“This is an adaptation of an original work
developed under the USAID ABC+: Advancing
Basic Education in the Philippines project
and licensed under the Creative Commons
Attribution-NonCommercial 4. 0 International
License.”

28
Brought to you by

Let’s Read is an initiative of The Asia Foundation’s Books for Asia


program that fosters young readers in Asia and the Pacific.
booksforasia.org
To read more books like this and get further information about
this book, visit letsreadasia.org

Original Story
Si Lilly, Si Langit at ang Tatlong Higante (Lilly, Langit and the Three
Giants). Author: Shanelle Escuro. Illustrator: Noel A. Perez.
Contributor: USAID’s ABC+: Advancing Basic Education in the
Philippines.

Published by The Asia Foundation - Let’s Read, © The Asia


Foundation - Let’s Read. Released under CC-BY-NC-4.0.

This work is a modified version of the original story. @ The Asia


Foundation, 2023. Some rights reserved. Released under
CC-BY-NC-4.0.

For full terms of use and attribution,


http://creativecommons.org/licenses/by-nc/4.0/

Contributing translators: Dharyl Mae Degara

You might also like