Banghay Aralin Sa Filipino 6 Pagpapakitang Turo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

October 2, 2023

I- LAYUNIN
Sa loob ng 50-minutong talakayan, ang mga mag—aaral ay inaasahang:

Nabibigyang kahulugan ang sawikain (F6PN-Ijf.28)

II- PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Pagbibigay kahulugan sa sawikain

Makrong Kasanayang Lilinangin:


Pakikinig- Nakasusunod sa mga panutong napakinggan
Pagbasa- Nauunawaan ang binasang teksto o seleksyon
Pagsasalita- Papapahayag ng mga ideya, kaisipan o opinyon sa bawat gawain
Pagsulat- Pagsulat ng kahulugan ng sawikain

B. Sanggunian: MELC p. 165, Filipino Susi sa Pag-unlad (Batayan at Sanayang


Aklat sa Wika at Pagbasa pp. 4-10)

C. Kagamitan: Laptop para sa Powerpoint Presentation, larawan ng mag-


aaral,envelope ng mga pangkatang gawain at gawaing indibidwal, activity sheets,
white board slate, white board marker, mga kagamitang autentiko tulad ng mga
kagamitang pampaaralan

D. Pagpapahalaga: Pagiging matulungin na kaibigan at mapagmalasakit sa kapwa

E. Integrasyon:, Science, ESP,Mathematics

III- PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng mga alintuntuning dapat sundin sa klase sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino (ididikit ito upang hindi makaligtaan)

B. Balik Aral
Bago tayo magsimula ng bagong paksa ay balikan muna natin ang .ating
paksa. Ano ba ang paksang araling tinalakay natin kahapon? (Pabula)

C. Paglalahad ng Paksa

Ngayong araw, ay ating paksang aralin ay:

Sawikain

Pagkatapos ng talakayan o aralin sa araw na ito, kayo ay inaaahang:

Nabibigyang kahulugan ang sawikain.


D. Pagganyak

Pagpapakita ng larawan ng mga hayop na tauhan sa pabulang babasahin.


Pagtatanong: Ano ang nakikita ninyo sa larawan? (Mag-aaral)
Ano kaya ang pakinabang na nakukuha natin sa mga hayop na ito sa ating
komunidad o maging sa ating pamilya?
Nariniig niyo na ba ang salitang ecosystem? Anong papel ang ginagampanan
ng mga hayop na ito sa ating ecosystem?

E. Pagtalakay sa Paksa

Pagpapayaman ng talasalitaan:

Piliin ang salita na kasingkahulugan o malapit na kahulugan salitang may


salungguhit. Pagkatapos ay gamitin ito sa sariling pangungusap.
1. Lumusob kasi ang mga daga mula sa talahiban para manginain.
2. Lalantakan sana nila ang palay ng inyong amo kaya dinepensahan ni
Tandang.
3. Takam na takam ang mga daga.

Pagbasa

Ngayon ay magbabasa tayo ng isang seleksyon na tiyak kong kapupulutan


ninyo ng aral at pagpapahalaga.

1. Bibigyan ng sipi ng seleksyon ang bawat mag-aaral.


2. Pabanggitin sa mga mag-aaral ang mga tuntuning dapat sundin sa pagbasa ng
tahimik.
2. Hahayaan muna ang mga mag-aaral na magbasa ng tahimik sa loob ng 3-4
minuto.
3. Tatawag ng mag-aaral para sa isahang pagbasa sa bawat talata at sa huling talata
ay sabayang pagbasa.

Pagganyak na Tanong: Ano ang dinipensahan ni Tandang?

Pagtsek ng Pag-unawa sa Binasa:

1. Ano diniepensahan ni Tandang?


2. Sinu-sino ang naging kalaban ni Tandang.
3. Bakit ganoon na lamang ka pursigido ang mga daga na makuha ang
kanilang gusto?
4. Paano ipinakita ng mga kapitbahay ang kanilang pagmamalasakit?
5. Kung ikaw si pusay, ganoon din ba ang iyong gagawin? Bakit?

Pagtalakay

Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? Tama ka. Ang mga
salitang may salungguhit ay mga SAWIKAIN. Ito ay mga matatalinghagang salita na
ginagamit sa pang-araw-araw na buhay.Malalaman mo ang kahulugan ng sawikain
ayon sa gamit nito sa pang araw-araw na buhay. Malalaman mo ang kahulugan ng
sawikain ayon sa gamit nito sa pangungusap. Ito ay tinatawag ding idyoma.
PAGHASA NG KAKAYAHAN
Pagsasanay 1

Tukuyin ang sawikain sa loob ng pangugusap. Isulat sa white board slate.


1. Ang napangasawa ng aking pinsan ay alog na ang baba sa kanya.
2. Iniiwasan kong makasama ang mga balat-sibuyas na kaibigan.
3. Magkabungguang balikat sina Pedro at Jose mula noong bata pa sila.
4. Bagamat anak pawis si Lyka, siya’y nagsusumikap sa kanyang pag-aaral.
5. Ang nanay ay parang sirang plaka sa aming magkakapatid, upang kami ay
maturuan.

Pagsasanay 2

Pagsasanay 3
Pangkatang Gawain:
1. Ipabanggit ang mga tuntuning dapat sundin sa pagsasagawa ng
pangkatang gawain.
2. Ibigay ang panuto.
3. Ibigay ang task envelope sa bawat pangkat .

F. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
1. Ano ang sawikain?
Ang sawikain ay matatalinghagang salita na ginagamit sa pang araw
araw na buhay. Ito ay maaaring di-tuwiran ang kahulugan minsan malalalim
kaya’t mahirap unawain. Ito ay tinatawag ring idyoma.

2. Paglalapat
Pumili ng isang sawikain na nagustuhan mo at paano mo ito maaaring
isabuhay o ilapat sa pang araw-araw na pamumuhay mo bilang isang mag-
aaral?

IV- EBALWASYON
V- KARAGDAGANG GAWAIN

Sumulat ng lima pang halimbawa ng mga sawikain at ipaliwanag ang


kahulugan nito.

Inihanda ni: Nabatid:

JOY KAREN M. MORALLOS BEATRIZ D. BELBES


Teacher III ESP I

You might also like