Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
11
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
1
Kwarter I – Linggo 7
Ikalawang Yugto: Kasaysayan
ng Wikang Pambansa

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 7: Ikalawang Yugto: Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Vilma R. Cabansag


Pangnilalamang Patnugot: Marichel V. Miraflores
Editor: Vilma R. Cabansag
Tagawasto: Enrile O. Abrigo
Tagasuri: Luis R. Mationg
Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza
Tagalapat: Angie Lyka L. Galaroza

Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS


Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Panlabas naTagasuri: Lilibeth E. Nadayao, PhD, College Professor,


College of Teacher Education (Palawan State University)

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1

Ikalawang Yugto: Kasaysayan


ng Wikang Pambansa
MELC: Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang
pagtalakay sa wikang pambansa (F11PN-If-87).
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa bawat panahon.
2. Naiisa-isa ang kaganapang kaugnay ng sanhi at bunga sa pagbibigay ng opinyon
o pananaw.
3. Nakapagbibigay ng mga pananaw o opinyon sa mga pangyayari sa panahon ng
Hapon, Pagsasarili at Kasalukuyan.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik na
katumbas ng iyong napiling sagot.

1. Kailan ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog?


A. Hulyo 4, 1946 C. Enero 2, 1942
B. Oktubre 24, 1967 D. Marso 28, 1957

2. Sino ang kauna-unahang babaing naging pangulo ng Pilipinas?


A. Lourdes Quisumbing C. Armin Luistro
B. Corazon Aquino D. Liwayang Arceo

3. Sa iyong palagay bakit sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa noong
Panahon ng Hapones? Dahil ipinagbawal ng namumuno ang paggamit ng ____ .
A. wikang Ingles C. dalawang wika
B. wikang Tagalog D. wikang katutubo

4. Sa iyong opinyon, bakit tinawag na Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino ang


Panahon ng Hapones? Dahil ___________ .
A. wala nang natirang panitikan ang Pilipinas noong panahon ng Hapones
B. ipinagbawal ng mga namumuno ang pagsulat sa wikang Ingles
C. higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikang Pilipino
D. mahigpit ang mga namumuno sa pagsulat ng panitikang Pilipino

5. Kailan nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang


Pambansa?
A. Hulyo 4, 1946 C. Setyembre 23, 1955
B. Oktobre 24, 1967 D. Marso 28, 1957

6. Ito ang kautusang nagsasaad ng pagpapalit ng pangalan ng Surian ng Wikang


Pambansa na naging Linangan ng mga Wika ng Pilipinas.
A. Kautusan Blg. 52 C. Kautusang Tagapagpaganap 117
B. Saligang Batas ng 1987 D. Artikulo 14 seksyon 6
1
7. Alin sa sumusunod ang nagtatakda sa patakaran ng Edukasyong Bilingguwal?
A. Kautusan Blg. 52 C. Kautusang Tagapagpaganap 117
B. Saligang Batas ng 1987 D. Artikulo 14 Seksyon 6

8. Alin sa sumusunod ang naging basehan na ang wikang pambansa ng Pilipinas


ay Filipino?
A. Kautusan Blg. 52 C. Kautusang Tagapagpaganap 117
B. Saligang Batas ng 1987 D. Artikulo 14 Seksyon 6

9. Sa iyong pananaw, bakit naging mas matibay ang implementasyon ng


patakarang Bilingguwal? Dahil sa ____________.
A. Kautusan Blg. 52 C. Kautusang Tagapagpaganap 117
B. Batas ng 1987 D. Artikulo 14 Seksyon 6

10. Bakit sinabi ni Armin Luistro, dating kalihim ng DepEd na ang paggamit ng
wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ay nakatutulong sa
mga mag-aaral? Upang ____________ .
A. mapatibay ang kamalayang sosyo-kultural
B. maging bihasa sila sa pagsasalita
C. maipakita ang pagsunod sa batas na umiiral
D. maituro ang tamang paggamit ng wika

2
Ating Alamin at Tuklasin

Pagkatapos ng mga paghahanda, sumiklab ang rebolusyon laban sa Espanya sa


Kamaynilaan noong Agosto 24, 1896. Di nagtagal at ang himagsikan ng mga Tagalog ay
naging tunay na rebolusyon sa bansa. Sa pakikiisa ng iba’t ibang rehiyon sa adhikaing
paglaya, nagapi ang mga Kastila at sangkapuluan hanggang sa mapinid ang mga yugto
ng himagsikan laban sa Espanya sa kasunduan sa Biak-na-Bato noong Disyembre 15,
1897.

Binhi
Binhi
ng Alam ba ninyo
ng
Kaalaman napagkaraan ng Ika-
Kaalaman
lawang Digmaang
“Ang Filipino ay ang Pandaigdig, nagta-
Katutubong Wika na ginagamit gumpay ang pagtu-
sa buong Pilipinas bilang wika ng turo sa wikang pam-
komunikasyon ng mga etnikong bansa na tinawag na
grupo. Katulad ng iba pang Pilipino sa isang
wikang buhay, ang Filipino ay
kautusang nilagdaan
dumadaan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng
ni Jose E. Romero,
mga panghihiram sa mga wika dating Kalihim ng
ng Pilipinas at mga ebulosyon ng Pagtuturo.
iba’t ibang barayti ng wika para
sa iba-ibang sitwasyon, sa mga
nagsasalita nito na may iba’t
ibang saligang sosyal at para sa
mga paksa ng talakayan.

Ang wikang Tagalog at Ingles ay mga wikang opisyal batay sa Batas Komonwelt
Bilang 570. Ang mga wikang ito ay naging midyum sa pagtuturo sa paaralan.

Ang Panahon ng Hapones. Habang


nagaganap ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga
sundalong Hapones ang Pilipinas noong
Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw
pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang
Pearl Harbor, Hawaii at Estados Unidos,
pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina
Heneral Douglas Mac Arthur na kasama ang
pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay
nanunungkulan bilang pangulo ng Pilipinas.
Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila
noong Enero 2, 1942. Sumuko ang Bataan sa
puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Noong Oktubre 1944, nagsimula ang
digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga
puwersa ni Douglas Mac Arthur sa Tangway ng Leyte. Naproklama bilang bagong pangulo
ng Pilipinas si Sergio Osmeňa nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na binomba ng
mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero, 1945.

3
Dahil nasa isalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang
Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang
panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa
panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.

Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi
mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nilikha. Ang panahong ito sa
kasaysayan ng bansa at ng panitikan ay tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang
Pilipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng
kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino.

Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa katauhan
nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga naikintal na maka-
feministang maikling kuwento.

(Pinagkunan: Rainier Amparado, “Kasaysayan ng Pambansang Wika.” Agosto 24, 2020,


https://www.RainierAmparado/kasaysayan-ng-wikang-
pambansa)https://www.tagalog.com/)

Ang Panahon ng Pagsasarili. Hulyo 4,


1946 ipinahayag na ang wikang opisyal sa
Pilipinas ay Tagalog batay sa Batas Komonwelt
bilang 570. Sa panahong ito nabalam na
naman ang pagpapaunlad sa wikang
pambansa dahil muling namayagpag ang
wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon
sa mga pahayagan at pamahalaan. Sa
pamamagitan ng proklamasyong bilang 12 na
nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay
noong Marso 26, 1951, ipinagdiwang ang
Linggo ng Wikang Pambansa. Nagsimula ang
pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril 4
taon-taon.

Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong


Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa paglilipat ng petsang Linggo ng Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pangulong
Manuel L. Quezon (Agosto 19). Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 nagsasaad na
kailanman ay tutukuyin ang Wikang Pambansa ng salitang Pilipino at ito ang gagamitin.
Higit na binigyang halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa panahong ito. Lahat ng
tanggapan at gusali ay ipinangalan sa wikang Pilipino. Ang mga dokumentong
panggobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho, pasaporte at visa ay nakasaad din sa
Pilipino. Ginamit din ang wikang Pilipino sa mass media tulad ng telebisyon, radyo
komiks, magasin, at diyaryo. Noong Pebrero 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez
Direktor ng Paaralang Bayan ang Sirkular 21 na nag-uuutos na ituro at awitin ang
Pambansang Awit sa mga paaralan. Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga
pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan. Noong Oktubre 24, 1967.
Noong Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang
Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga
opisyal na komunikasyon sa mga transaksyon ng pamahalaan. Memorandum Sirkular
Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng Linggo ng Wika.
4
Sa kabila ng mga pagbabagong ito, hindi pa rin matanggap ng ibang sektor ang
Pilipino bilang wikang Pambansa. Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa
1972 Kombensyong Konstitusyunal. Naging mainit na isyu ang probisyong pangwika
hanggang sa ang naging resulta ay maraming pagtatalo at pag-aaral sa probisyong
Seksiyon 3 (2) ng Artikulo XV na nasa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas.
Samantalang “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng
Pilipinas.”

(Pinagkunan: “Alay sa Dakilang Nilalang,” Bandila, Agosto 9, 2002,


https://www.deviantart.com/bandila/art/Cory-Aquino-131817020)

Kasalukuyang Panahon

Si Corazon Aquino, ang unang babaeng Pangulo ng Pilipinas. Sa Saligang Batas 1987
at ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117, ang Surian ng Wikang Pambansa ay
pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang
buuin ang bagong Konstitusyon ng Pilipinas.

Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng


Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang
Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng
Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng
paaralan kaalinsabay ng Ingles na nagtatakda sa
patakaran ng Edukasyong Bilingguwal.

Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng


1987 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
FILIPINO.

Ayon kay Virgilio Almario, ang wikang opisyal ay


itinadhana ng batas na maging wika ng talastasan
ng pamahalaan batay sa kasalukuyang konstitusyon
(Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7).

“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.”

Ang wikang panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa


pangkalahatan ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga
paaralan.

Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang
ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong upang
mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang
kamalayang sosyo-kultural.

(Pinagkunan: “Alay sa Dakilang Nilalang.” Bandila, Agosto 9 2002,


https://www.deviantart.com/bandila/art/Cory-Aquino-131817020)

5
Tayo’y Magsanay

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang salitang
TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi wasto ang pahayag.

1. Pinahahalagahan pa rin hanggang ngayon ang pag-aaral ng iba pang wika sa


Panuto:
Pilipinas.

2. Nagsimula sa pagbabalita ang pagpapahalaga sa wikang Filipino.

3. Kumilos ang Kagawaran ng Edukasyon nang lumabas ang jejemon.

4. Sa kasalukuyan, ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapanatili ang


paggamit ng wikang pambansa sa iba’t ibang sitwasyon o pagkakataon.

5. Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika tuwing Agosto taon-taon.

Panuto: Piliin sa kahon ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang
bilang.

A. Higit na mabigyang halaga ang paggamit ng Pilipino sa panahong ito


B. ituro at awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas
C. Manuel L. Quezon
D. 570
E. Kautusang Tagapagpaganap 117

1. Bakit ipinahayag na ang Wikang Opisyal ng Pilipinas ay Tagalog? Dahil


sa Batas Komonwelt Blg.________.

2. Anong kautusan ang nagtatakda ng pagsasa-Pilipino ng pangalan ng


mga gusali at edipisyo at tanggapan ng pamahalaan?

3. Winika ni Jose Romero dating kalihim ng DepEd na kailanman ay


tatalakayin ang Wikang Pambansa na Pilipino ang gagamitin. Bakit niya kaya ito
winika? Upang .

4. Bakit nilagdaan ni Gregorio Hernandez Direktor ng Paaralang Bayan ang


Sirkular 21? Upang ___________.

5. Sino ang nanguna sa pagkakaroon ng wikang pambansa?

6
Ating Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik na
katumbas ng iyong napiling sagot.

1. Kailan sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones?


A. Abril 9, 1942 C. Enero 2, 1942
B. Setyembre 23, 1955 D. Abril 11, 1942
2. Kailan pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila?
A. Abril 9, 1942 C. Enero 2, 1942
B. Setyembre 23, 1955 D. Abril 11, 1942
3. Kailan nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang proklamasyon Blg. 186
na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto?
A. Abril 9, 1942 C. Enero 2, 1942
B. Setyembre 23, 1955 D. Abril 11, 1942
4. Kailan nilagdaan ni Gregorio Hernandez ang Sirkular 21 na nag-
uutos na ituro at awitin ang pambansang awit sa mga paaralan?
A. Pebrero 1955 C. Pebrero 1945
B. Pebrero 1956 D. Pebrero 1942
5. Kailan binomba nang malakas ng mga sundalo ng Estados Unidos
ang Maynila?
A. Pebrero 1955 C. Pebrero 1945
B. Pebrero 1956 D. Pebrero 1942

Panuto: Sumulat ng isang pananaw o opinyon kung maunlad ba o hindi ang Wikang
Pambansa sa kasalukuyan. Isaalang-alang ang gamit ng mga salita o pahayag na
maglalahad ng mga pangyayari na magiging batayan ng pagbibigay pananaw o
opinyon.

7
Ang Aking Natutuhan

Dudugtungan Ko

Pagkaraan ng Ikalawang (1)__________________, nagtagumpay ang pagtuturo

sa wikang pambansa na tinawag na Pilipino sa isang kautusang nilagdaan ng

dating Kalihim (2)___________________ ng Pagtuturo. Dala ng malaking

pangangailangan ng mga tagasubaybay sa Pagtuturo ng Pilipino, nadagdagan ng

(3)__________________ ang bilang ng tagapagmasid sa Punong Tanggapan. Ang

Maynila ay nagkaroon naman ng isa bagama’t wala ang mga nasa lalawigang

(4) ___________________ at (5) ___________________. Naging opisyal na wika ang Tagalog

at Ingles. Naging midyum sa mga paaralan ang Ingles at asignatura ang Pilipino.

Nagkaroon ng mga aklat para sa mga Pilipino. Marami ang pag-aaral na isinagawa

sa wika upang magamit itong panturo.

Ating Tayahin
Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot na
tinutukoy ng bawat aytem.

1. Kailan nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang


Pambansa?
A. Hulyo 4, 1946 C. Setyembre 23, 1955
B. Oktobre 24, 1967 D. Marso 28, 1957

2. Ito ang kautusang nagsasaad ng pagpapalit ng pangalan ng Surian ng Wikang


Pambansa na naging Linangan ng mga Wika ng Pilipinas.
A. Kautusan Blg. 52 C. Kautusang Tagapagpaganap 117
B. Saligang Batas ng 1987 D. Artikulo 14 seksyon 6

3. Alin sa sumusunod ang nagtatakda sa patakaran ng Edukasyong Bilingguwal?


A. Kautusan Blg. 52 C. Kautusang Tagapagpaganap 117
B. Saligang Batas ng 1987 D. Artikulo 14 Seksyon 6

8
4. Alin sa sumusunod ang naging basehan na ang wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino?
A. Kautusan Blg. 52 C. Kautusang Tagapagpaganap 117
B. Batas ng 1987 D. Artikulo 14 Seksyon 6

5. Sa iyong pananaw, bakit naging mas matibay ang implementasyon ng


patakarang Bilingguwal? Dahil sa ____________.
A. Kautusan Blg. 52 C. Kautusang Tagapagpaganap 117
B. Batas ng 1987 D. Artikulo 14 Seksyon 6

6. Bakit sinabi ni Armin Luistro, dating kalihim ng DepEd na ang paggamit ng


wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ay nakatutulong sa mga
mag-aaral? Upang ____________ .
A. mapatibay ang kamalayang sosyo-kultural
B. maging bihasa sila sa pagsasalita
C. maipakita ang pagsunod sa batas na umiiral
D. maituro ang tamang paggamit ng wika

7. Kailan ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog?


A. Hulyo 4, 1946 C. Enero 2, 1942
B. Oktubre 24, 1967 D. Marso 28, 1957

8. Sa iyong palagay bakit sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa noong
Panahon ng Hapones? Dahil ipinagbawal ng namumuno ang paggamit ng ____ .
A. wikang Ingles C. dalawang wika
B. wikang Tagalog D. wikang katutubo

9. Sino ang kauna-unahang babaing naging pangulo ng Pilipinas?


A. Lourdes Quisumbing C. Armin Luistro
B. Corazon Aquino D. Liwayang Arceo

10. Sa iyong opinyon, bakit tinawag na Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino


ang Panahon ng Hapones? Dahil ___________ .
A. wala nang natirang panitikan ang Pilipinas noong panahon ng Hapones
B. ipinagbawal ng mga namumuno ang pagsulat sa wikang Ingles
C. higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikang Pilipino
D. mahigpit ang mga namumuno sa pagsulat ng panitikang Pilipino

9
Susi sa Pagwawasto
Subukin Tayo’y Magsanay
1. A Gawain 1 Gawain 2
2. B 1. TAMA 1. D
3. A 2. MALI 2. E
4. C 3. MALI 3. A
5. C 4. TAMA 4. B
6. C 5. TAMA 5. C
7. A
8. B
9. A
10. A

Ating Pagyamanin
Gawain 1 : Gawain 2 : Nakabatay sa magiging
1. A sagot ng mag-aaral.
2. C
3. B
4. B
5. C

Ang Aking Natutuhan Ating Tayahin


1. Digmaang Pandaigdig 1. C 6. A
2. Jose Romero 2. C 7. A
3. Dalawa 3. A 8. A
4. Tagalog 4. B 9. B
5. Di-Tagalog 5. A 10. C

Sanggunian
Aklat

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino-Batayang Aklat. Quezon City: Department of
Education - Vibal Group, Inc., 2016.

Website

Amparado, Rainier. “Kasaysayan ng Pambansang Wika.” August 23,


2020. https://www.RainierAmparado/kasaysayan-ng-wikang-
pambansa

“Alay sa Dakilang Nilalang”. August 9, 2002,


https://www./bandila/art/Cory-Aquino-131817020

10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong
pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na


serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

11

You might also like