Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

1

Sa Tamis ng Alak

By Christina Marie Peñaranda

Setting: Sa loob ng isang bar, Tatlong magkaka ibang gabi.

Characters:

Sabina (Sab) - 23 anyos, isang problematic na lasingera, graduating student at isang

anak ng Mayor ng siyudad nila.

Venancio (Ven) - 28 anyos, isang estranghero na nakilala ni Sab sa bar. May karisma at

madali makipag usap.

Stephen - 24 anyos, ang dating kasintahan ni Sab, manipulado at mapang-abuso kay

sab.

Isa - 21 anyos, Ang kapatid ni Sab sa labas, lumaki siya sa kahirapan at may tanim na

pait, inggit at galit kay Sab.

Kuya Anton - 35 anyos, isang bartender.

Mayor Tatlonghari - 50 anyos, ama ni Sab at ang Mayor ng kanilang siyuda.

Synopsis:

Isang buwan bago ang graduation ni Sab, nagdesisyon siyang uminom mag-isa sa bar

upang makapag-isip kung ano ang gagawin para sa kaniyang kinabukasan. May isang

misteryosong estrangherong tatabi sa kaniya. Maaakit siya rito dahil sa mahalina at

maamo nitong personalidad. Maaaliw si Sab. Kakausapin niya ang estranghero

hanggang sa tuluyang mahuhulog ang kanyang loob dito ngunit may kakaiba sa daang
2

patungo sa kanya ng lalaki. Dapat bang ipagkatiwala ni Sab ang kanyang sarili sa isang

estranghero na ilang gabi pa lamang niyang nakilala? Ano ba talaga ang intensyon

nito?

“Unang gabi”

Sa isang bar, kung saan masisilayan ang mga taong walang humpay na nagsasayawan

sa entablado. May isang malaking bar stand sa gitna at makikita ang isang babaeng

lasing na tila’y nangingibabaw dahil sa mala kulay dugo nitong suot na sando, maikling

paldang kulay abo at mahaba at kulay kape ang kanyang buhok.

Sab: Kuya, isa ngang bloody mary!

Kuya Anton: Oh ma’am! Baka masobrahan ka na, ah.

Sab: Hindi naman, kuya. Kaya ko pa ’toh!

Si Sab ay matatawa nang panoorin niya magtimpla si Kuya Anton. Habang sumasayaw,

nakakalat pa rin ang mga tao sa entablado. Bigla na lang may dadating na isang lalaki

na nakasuot ng itim na jacket at uupo sa tabi ni Sab.

Ven: Kuya, isa ngang bote ng emperador!


3

Tatango lamang si Kuya Anton, ibibigay niya ang inumin kay Sab at aalis siya para

makakuha ng emperador.

Ven: Uy! Madalas kita nakikita dito ah!

Sab: Weird! Stalker ba kita?

Ven: (Tatawa) Grabe ka naman, stalker na agad! Bawal ba na madalas lang kitang

nakikita dito?

Sab: Ano ba ang inaasahan mo? Bigla-bigla may dumating na isang taong hindi mo

kilala tas sasabihin na madalas ka nakikita sa lugar na ito. Ano ang magiging reaksyon

mo niyan?

Si Ven ay mag pipigil na matawa nang panoorin niya si Sab na iinom ang kanyang

timpladong alak. Babalik na ulit si Kuya anton para ibigay ang isang bote ng Emperador

kay Ven.

Ven: Salamat kuya!

Sab: Alam mo kung kantot lang ang habol mo sa akin umalis ka na.

Ven: (Mapapanguso.) Napaka-judger naman neto! Ano akala mo sa akin? Makati pa sa

gabi; kahit posteng nakapalda, papatulan.

Sab: Oo, ganun naman talaga ang mga lalaki. Nag-hahanap lang naman kayo ng tsiks.

Ven: Hindi naman lahat. Wag mo naman idamay ang mga malilinis lang din ang

intensyon.

Sab: Bahala ka na kung yan ang gusto mo iparating.


4

Ven: Bakit parang ang laki ng galit mo sa mga lalaki? May nanakit ba sa ‘yo?

Sab: Hindi naman… Marami lang ako nakikilalang gago.

Ven: So bakit madalas ka pumupunta dito? Ayan, genuine question na ‘yan.

Sab: Wala, nag-celebrate lang ako.

Ven: Ikaw lang mag-isa? Para saan?

Sab: Graduation ko na next month. Kailangan ko ng sulitin ang pagka-party girl era ko

kasi papasok na ako sa realidad.

Ven: Ah ganun ba? Congrats!

Sab: Salamat!

Ven: Bakit ka pala nag-celebrate bago ang graduation mo? Alam ko sabi sa pamahiin

malas daw ‘pag ganun. Marami daw namamatay sa ganiyan.

Sab: Kaya nga nag-celebrate ako ngayon diba?! Para kunin na ako ni San Pedro.

Sab: (Tumawa ng malakas) Joke lang! Yung itsura nito parang sineseryoso ang mga

sinasabi ko.

Ven: Curious ako, ano ba ang kinuha mong kurso?

Sab: Political Science.

Ven: Uy, ang astig! So magiging isa ka pala sa mga government relations ganun?

Sab: Siguro nga.

Ven: Bakit parang hindi ka masaya?

Sab: Anong pinagsasabi nito? Masaya ako siyempre, sino bang hindi masaya na

nakapagtapos ka na sa pag-aaral?

Ven: Ikaw.

Sab: Ulol!
5

Ven: Ayaw mo ba talagang tulungan ang mga taong nasa paligid mo?

Sab: Sarili ko pa nga lang hindi ko matulungan, yung ibang tao pa kaya? Hindi din ako

ang klaseng tao na umaasa sa pagbabago ng lipunan. Ilang taon na nga ang nakalipas

wala naman nagbago.

Ven: Eh bakit PolSci ang kinuha mo in the first place kung hindi ka naman naniniwala

dun?

Sab: Wala, nasa pamilya lang talaga namin ‘yun. Marami sa amin ang mga government

officials, public defenders, at may iba pa nag-criminology.

Ven: Bale napilitan ka lang talaga sa ganiyang buhay?

Sab: Sadyang hindi ko lang talaga alam kung ano ang gusto ko sa una pa lang. Kaya

tutuparin ko na lang ang mga pangarap ng pamilya ko para sa akin. Iyan lang naman

ang alam ko kaya ‘yan na lang din ang pinili ko. Alam ko sa sarili ko na masyadong

mabigat ang magiging responsibilidad ko pero wala akong choice.

Ven: Hindi ka naman nagsisisi sa desisyon mo?

Sab: May parte sa akin na nagsisisi, oo. Pero may parte din sa akin na nagsasabing

bahala na. Tuloy lang ang buhay.

Ven: Ano bang plano mo pagka-graduate mo?

Sab: Hanggang ngayon nga wala pa rin akong plano sa buhay. Pero balak ng mga

magulang ko na i-pasok ako sa law school.

Ven: Ang lungkot naman nun.

Sab: (Magpupunas ng luha.) Tangina naman! Bakit naman bigla kong kinuwento ang

buhay ko?! Mysterious dapat ako eh!

Ven: (Tatawa) Okay lang ‘yan! Makakalimutan ko din naman ‘yun–


6

Sab: Hala gago!

Bigla nalang tatayo si Sab sa kinauupuan niya at titingin siya sa malayo. Kukunot ang

noo ni Ven at tataka dahil sa biglaang reaksyon niya.

Ven: Bakit ano meron?

Lilingon na dapat si Ven ngunit kukunin ni Sab ang kaniyang kamay at hihila siya sa

dance floor kasama ang mga taong sumayasaw sa entablado.

Sab: (Pabulong) Tago mo ako, Nandito ang ex ko.

Ven: Hala! Sino diyaan?

Paikot-ikot ang ulo ni Ven sa kakahanap at ituturo nito ni Sab ang isang lalaki na

nakatayo sa kaliwang bahagi ng entablado na nakasuot na checkered na polo.

Sab: Ayan siya oh! Nasa entrance. Yung naka checkered.

Sab: Tulungan mo ako, makaalis dito please. Ayaw ko makita niya ako dito.

Ven: Ay ganun ba, sige dalhin nalang kita doon sa likod alam ko may labasan doon.

Makikilahok ang dalawa sa mga taong sumasayaw sa entablado upang hindi sila makita

ang Dating Kasintahan ni Sab. Dahan-dahan sila sisiksik hanggang sa makapunta na

sila sa kanang bahagi ng Entablado.


7

Ven: Ayan, deretso ka lang diyaan tas nandoon na ang labasan. Gusto mo samahan

kita?

Sab: Ah ganun ba, sige wag na baka makasira pa ako sa gimmick mo. Salamat!

Ven: ‘Wag kang mag-alala, miss…

Sab: Sabina ang pangalan ko pero tawagin mo nalang akong Sab. Ikaw, anong

pangalan mo?

Ven: Venancio. Ven ang itawag mo sa akin.

Sab: Sige na, alis na ako! It was nice meeting you, Ven!

Ven: Sana magkita ulit tayo! Sa susunod ‘wag mo na akong tarayan.

Sab: Gago!

Aalis si Ven at sasama sa mga tao sa entablado. Si Sab aalis na dapat siya sa ngunit

bigla nalang may hahawak sa braso niya at malakas siyang hihila pabalik sa entablado.

Unting-unti didilim ang mga makukulay na ilaw at nakatutok lang sakanila ang spotlight.

Sab: Stephen? Anong ginagawa mo dito?

Stephen: Wag ka nga mag maang-maangan! Alam ko nakita mo ako kanina. Sino

naman yan nakita kong lalaking kasama mo kanina? Makikipag sapalaran ka

nananaman sa ibang lalaki noh?

Sab: Huwag mo ko ikatulad sayo!

Hihigpit ang hawak ni Stephen sa braso ni Sab at pilitin na lalapit sakaniya.


8

Stephen: (Pabulong) Meron ka bang pera diyaan?

Sab: Tangina! Ayan ka nanaman eh! Ginagamit mo lang talaga ako pag kailangan mo

ng pera!

Stephen: Makasalita ka naman parang hindi kita binabayaran ah!

Sab: Hindi naman talaga. Tingin mo parin ba saakin tanga? Kaya nakipag hiwalay ako

sayo eh.

Stephen: Ah ganun! Gusto mo talaga makatikim saakin ah!

Sab: Ano ba Stephen! Bitawan mo nga ako!

Hihila ni Stephen si Sab palabas ng entablado, sumubok na lumaban si Sab at sisigaw

siya ng tulong. Ngunit masyadong malakas ang pag-hila sakaniya ni Stephen at hindi

siya marinig ng mga tao sa entablado dahil sa lakas at ingay ng mga tugtog. Biglaan na

mag-sara ang ilaw.

“Pangalawang gabi”

Magliliwanag muli ang entablado, magbubukas pa lang ang bar kaya kakaunti pa

lamang ang mga tao. Papasok muli si Sab na matamlay, nakasuot na siya ng isang asul
9

na crop top na tinernohan ng pantalong maong, at dalawang malaking hikaw sa tenga

niya. Uupo ulit siya sa kanyang pwesto sa bar side.

News Report V.O.: Isang babae na si Jaslene Dela Cruz nakikilalang anak ni

Gobernador Dela Cruz ay nawawala sa loob ng mahigit dalawang linggo. Hindi umano

nakikipagtulungan ang mga testigo sa mga search team, na pinaniniwalaan ng ilan sa

mga rescue professional na maaaring kriminal ang kasong ito.

Isa: Grabe and dami nang nawawala sa panahanon na ito.

Bigla nalang magugulat si Sab na mag salita ang isang babae sa tabi niya.

Isa: Hindi ka ba natatakot na magiging isa ka sa mga yan.

Sab: (Tuturo ang sarili) Ako ba ang kausap mo?

Isa: (Tatawa) Obvious naman! Tayo lang naman ang nakaupo dito.

Sab: Bakit naman ako matatakot?

Isa: Alam mo ba, limang tao na ang nawala ngayong linggo? Lalo na’t may nakita pang

bangkay kaninang umaga sa ilog. Nawala pa nga daw ‘yung laman loob niya.

Sab: Saan mo ba nakukuha ang mga impormasyon nayan?

Isa: Kung saan-saan lang

Didikit ang dalawang kilay ni Sab habang Iinom si Isa ng isang shot ng alak.
10

Sab: Ikaw? Hindi ka kinakabahan?

Isa: (Iiling) Lumaki ako sa kalye, alam ko lahat nga mga kagaguhan ng mga tao sa

siyudad na ito. May diskarte ako, eh ikaw?

Sab: (Ngigisi) Teh kung alam mo lang.

Isa: (Pabulong) Alam mo ba, may narinig akong kuro-kuro tungkol dito. Hindi ako sure

ah pero balita ko yung mga nawawala halos lahat sila may kaugnayan sa mga kilalang

tao dito. Hindi lang anak ng Gobernador ang nawawala, kundi pamangkin naman ng

City Council member at ang apo ng Vice Mayor.

Lalaki ang mga mata ni Sab sa mga nakuha niyang impormasyon ni Isa.

Isa: Feel ko si Mayor na ang susunod…

Sab: Bakit mo naman nasabi yan?

Isa: Hindi mo ba alam? Madaming krimen ang ginawa nun. Corruption, Human

Trafficking and Illegal drug trade. Masyado siyang mapang abuso sa posisyon niya.

Sab: Sigurado ka ba diyaan? Baka sa chismis mo lang nakuha yan.

Isa: (Tatawa) Ako? Sa chismis ko lang nakuha? Totoo lahat ng mga yan.

Sab: Saan mo ba nalaman yan?

Isa: Base on experience lang.

Sab: Ha?

Tatayo si Isa sa kinauupuan niya at bigla siyang tatawa ng malakas.


11

Isa: (Tatawa) Sige alis na ako. It was nice to meet you Sabina.

Sab: Paano mo nalaman ang–

Biglang aalis si Sab sa entablado. Iiwan si Sab na may pagtataka sa kaniyang muka.

Sab: Weird… Siguro lasing lang siya

Darating muli si Kuya Anton palapit sa kanya.

Kuya Anton: Uy ang aga mo naman ngayon ma’am.

Sab: Kuya naman! Pa-order naman ako ng honey lemon.

Kuya Anton: Ingat-ingatan mo ang sarili mo ah. Marami daw nawawala sa panahon

ngayon?

Sab: Ako pa! Kaya ko naman alagaan ang sarili ko.

Kuya Anton: Sabi mo yan ah.

Aalis muli si Kuya Anton at papasok na si Ven sa entablado. Mapapalaki ang mga mata

ni Sab habang papalapit ito sa kaniya.

Ven: Uy ikaw nanaman! Baka tinadhana talaga tayo.

Sab: Putangina mo.

Ven: Ayan minumura mo nanaman ako.


12

Uupo ulit si Ven sa tabi ni Sab. Dadating na ulit si Kuya Anton para iabot ang inumin ni

Sab.

Sab: Thank you, kuya!

Ven: Kuya, pa-order din nga ako. Yung katulad nung sakaniya.

Ven: Oh, kamusta pala? Ilang linggo na ‘yung huling inom natin. Bakit bumalik ka ulit

dito? Nag celebrate ka nanaman mag-isa?

Sab: Oo (Tatawa ng malakas)

Ven: Gago ilang beses ka na ba nag-celebrate?

Sab: Actually, pang apat ko na ‘to.

Ven: Sana okay pa atay mo.

Sab: Uy, matibay ‘to!

Ven: Alam mo may napansin ako…

Sab: Ano yun?

Ven: Ang ganda mo ngayon kasing ganda ng buwan.

Sab: Ulol, bulok na yang mga pick up lines mo.

Ven: Uy! Nag sabi naman ako ng totoo!

Sab: Bakit? Pangit ba ako nung huling kita natin?

Ven: Hindi mas maganda ka lang talaga ngayon.

Hindi makasalita si Sab kusang ngingiti nalang siya at iiwas siya ng tingin kay Ven.

Ven: Uy! Kinikilig! Sabi ko na nga ba crush mo ko eh!


13

Marahas itinulak ni Sab si Ven at muntik na ito matumba sa kinauupuan niya.

Ven: Hoy! Muntik na ko matumba!

Sab: Deserve mo talaga yan! Sana tuluyan mabaok yang ulo mo.

Tatwa lang ang dalawa pagtapos nilang mag harutan. Agad munang titingin si Sabina

sa kanyang paligid bago niya tignan muli si Ven.

Sab: Alam mo, may sasabihin akong sikreto. Hindi ko nasabi sa’yo nung nakaraan. Sa

ating dalawa lang to ah.

Ven: Ano ‘yun?

Sab: Lapit ka dito.

Ilalapit ni Ven ang ulo niya kay Sab upang marinig ang sasabihin nito.

Sab: (Pabulong) Tatay ko ang Mayor dito. Si Mayor Tatlonghari.

Dahan-dahang titingin sa kaniya si Ven habang lalaki ang mga mata nito sa gulat.

Ven: Seryoso ba?

Sab: Oo nga!
14

Ven: Parang masyado ka namang komportable sabihin ‘yan sa isang estrangherong

katulad ko? Masyado ka nang komportable sa akin.

Sab: Ewan ko. Narealize ko lang na parang mas okay lang pala mag-open up sa mga

taong hindi mo kilala, kasi hindi ka naman nila huhusgahan.

Ven: Ah, ganun ba?

Sab: Eh, ikaw naman? Wala ka pang na kuwento tungkol sa sarili mo.

Ven: Hindi naman ganun ka-interesting ang buhay ko.

Sab: Hindi, okay lang! Wala namang boring sa buhay.

Ven: Sige, ‘yan ang sabi mo eh.

Hihinga ng malalim si Ven at susubukan niyang mag kuwento kay Sab ang buhay niya.

Ven: Lumaki ako sa ilalim ng skyway. Yun ang nagsilbing tirahan ng pamilya ko.

Hinding-hindi mawawala ang tunog ng mga busina ng kotse sa amin. Nakasanayan ko

na iyon simula nung bata palang ako. Oo, maingay siya pero naging masaya naman

ang kabataan ko kahit papaano, at lumaki naman kami ng maayos. Kaso nagbago ang

lahat noong pinalayas kami sa tirahan namin. Kinuha nila ang lahat ng mga gamit

namin nang walang paalam. Sobrang gulo ng panahon na ‘yon. Matinding kaguluhan.

Mas malakas pa ang mga sigawan kaysa sa busina ng truck. Naalala ko nga na

tinutukan pa ng baril ang buong pamilya namin habang nagmamakaawa kami na iligtas

ang mga kagamitan sa bahay.


15

Matatahimik ang dalawa habang magpapatugtog pa ng malakas at magsasayaw ang

mga tao sa entablado.

Sab: Puwede ko bang itanong kung anong nangyari sa pamilya mo?

Ven: Pinatay sila na parang daga lang… Ako na lang ang na buhay, binaril lang ako sa

dibdib pero malayo sa puso kaya eto buhay parin.

Sab: Sorry, bakit ko pa kasi tinanong yun?

Ven: Hindi, ayos lang. Hindi naman ikaw ang may kasalanan niyan. Nangyari na ang

nangyari. Wala naman tayo magagawa eh.

Sab: Ikaw na lang ba ang bumuhay sa sarili mo?

Ven: Nung una, oo. Namalimos ako sa kalye pero hindi pa rin ‘yun sapat. Natuto akong

mangupit ng pera dahil sobrang desperado ko na nung panahon na iyon. At dahil doon,

kinupkop ako ng isang sindikato. Nang lumipas na ang panahon, nakapag ipon ako ng

pera. Napag desisyunan kong tumakas at pumunta sa ibang bansa.

Sab: Ang dami mo palang pinagdadaanan noh? Anong pinagkakakitaan mo ngayon? At

bakit bumalik ka na dito sa pilipinas?

Tatawa lamang si Ven habang ito ay iiling lang kay Sab.

Ven: Yan ang hindi ko kayang sagutin.

Biglang tutunog ang telepono ni Sab kaya kukunin niya ito sa kaniyang bulsa habang

nakakunot ang kaniyang noo. Agad niya rin itong isinara at itinago ulit.
16

Ven: Sino ‘yan?

Sab: Papa ko.

Ven: Bakit hindi mo sinagot?

Sab: Siyempre hinahanap ako.

Ven: Baka mag-alala pa yan sayo.

Sab: Bahala na.

Sab: Alis tayo dito, gusto mo?

Ven: Eh saan tayo pupunta?

Sab: Kahit saan basta malayo dito.

Tatayo na ang dalawa at kukuhanin ni Sab ang kamay ni Ven. Hihilain niya ito paalis ng

entablado at dahan-dahang mag-sasara ang mga ilaw.


17

“Huling Gabi”

Tatlong linggo na ang nakalipas, magliliwanag muli ang entablado. Maingay at

dumadami ulit ang mga tao. Dadating si Ven galing sa banyo at suot-suot niya pa rin

ang kulay itim niyang jacket. Paikot-ikot ang ulo niya sa kakahanap niya si Sab.

Ven: Kuya Anton, nakita niyo ba si Sab? Yung babaeng laging pumupunta dito, yung

kulay kape yung buhok niya.

Kuya Anton: Hindi ko naman siya nakita. Ilang linggo na siyang hindi bumabalik dito

eh.

Si Ven ay mapapakamot sa ulo at kukunot ang noo niya.

Ven: Ah talaga ba? Sayang naman! Sige salamat.

Tatamlay ang muka ni Ven at malungkot siyang aalis sa entablado. Nang magtitimpla na

si Kuya Anton. Bigla nalang may lalabas na balita galing sa telebisyon nila.

News Report V.O.: Tatlong linggo nang nawawala ang Anak ni Mayor Tatlonghari na

nakilalang Sabina Tatlonghari. Huling siyang nakita nung 25 ng Mayo. Hinahanap na


18

siya ngayon ng mga search team. Maari na pinaniniwalaan na isa siya sa mga limang

nawawalang biktima ng krimen na ito.

Biglang may isang lalaking nag tatangka na lumapit kay Kuya Anton na nakadikit ang

mga kilay nito.

Lalaki #1: Bakit ang baho naman sa banyo niyo kuya? Amoy patay na daga!

Kuya Anton: Ha? Kanina lang naman namin nilinis ang banyo namin, Sir. Wala naman

kaming naamoy na nakakaiba doon.

Biglang dadating ang janitor ng club na may dala-dalang maleta. Nakatakip ang ilong

niya gamit ang face mask.

Janitor: Anton, may nakakakita ng maleta na ‘to sa banyo. Parang may nakakaibang

amoy dito.

Kuya Anton: Tawagin ko ang Manager!

Ilalapag niya ang maleta sa sahig. Lilibot lahat ng mga tao sa club habang nag

papatugtog nang malakas na musika, at umiikot ang mga makukulay na ilaw sa

entablado. Bumalik si Kuya Anton sa entablado kasama ang manager ng club.

Manager: Ano nangyayari dito?


19

Kuya Anton: Nakita niya ang maleta na ito sa banyo. May nakakaibang amoy galing sa

loob nito.

Dahan-dahang bubuksan ang Manager ang maleta nang biglang mag-sisigawan at

mag-sisitakbuban ang mga tao. Iiwan mag-isa ang maleta sa gitna ng entablado. Sa

loob nito ay may isang bangkay ng babae, nakasuot ng isang asul na crop top na

tinernohan ng pantalong maong. May isang magulong peluka na kulay kape na

nakapatong sa ulo nito. Nakasuot siya na isang malaking hikaw sa kaliwang tenga at

nawawala naman ang ternong hikaw sa kanang tenga niya.

Babalik muli si Ven sa entablado nang mawawala na ang mga tao. Sisilip siya sa maleta

na nakatago ang mga kamay niya sa bulsa ng jacket niya. Ngingisi pa lamang siya

nang makita niya ang bangkay sa loob nito at biglaan mag-sasara ang mga ilaw sa

entablado.

-WAKAS-
20

Revision:

-Added characters.

-Remove si Babae #1 at #2.

-Added dialogues para magkaroon ng chemistry si Sab at Ven.

-Accepted ang some suggetions/edits ni Sir Chuck.

-Dinagdag ang part ni Stephen ang ex ni Sab para ipakita ang rason kung bakit galit

siya sa mga lalaki and si Isa para magkaroon din ng conflict about sa tatay ni Sab.

You might also like