Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

vPAGBASA NOTES MIDTERM

 PAGBASA- ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya
- pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip para sa pag-unawa ng binasang teksto
 JAMES DEE VALENTINE- pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak.
 JAMES COADY- ang pagbasa ay pag-uugnay sa dating kaalaman sa binasang konsepto.
 KATOTOHANAN- pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirical na karanasan,
pananaliksik o pangkahalatang kaalaman o impormasyon.
 OPINYON- pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala.
 LAYUNIN- tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto.
 PANANAW- tumutukoy kung ano ang presensiya ng manunulat sa teksto.

2 URI NG PAGBABASA
 ISKIMING- alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto at kung paano inorganisa ang mga ideya at
kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
 ISKANING- pokus nito ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa.

2 PANGKALAHATANG KATEGORYA NG MAPANURING PAGBASA


 EKSTENSIBONG PAGBASA- maunawaan ang pangkahalatang ideya ng teksto at hindi ang mga
ispesipikong detalye na nakapaloob dito.
 INTENSIBONG PAGBASA- may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na
teksto.

4 NA TEORYA NG PAGBASA
 TEORYANG TOP-DOWN- pag-unawa sa binasa na nagsisimula sa isip ng mambabasa patungo sa teksto.
 TEORYANG BOTTOM-UP- Tinatawag itong “outside-in o data driven” sapagkat ang impormasyon sa pag-
unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa kundi sa teksto
 TEORYANG ISKEMA- nagbigay lamang ng direksyon sa nakikinig o nagbabasa kung paanong
gagamitin at mabibigyan ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.
 TEORYANG INTERAKTIV- pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang produkto.

KATANGIAN NG MASINING NA PAGBASA


 BISWAL NA PROSESO- Nangangahulugang ang malinaw na paningin ay malinaw na pagbasa.
 MASIGLANG PROSESO- Isang prosesong pangkaisipan kumikilos ayon sa siglang ibinibigay ng
katawan, emosyon, at kakayahang na kailangan sa masiglang pagbabasa
 NAKARAANG KAALAMAN- Ito ay nakatutulong upang maging magaan at mabisa sa paggamit
ng nakalimbag na kaisipan ng may- akda.

 DENOTATIBO- tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang salita, pagpapakahulugan ay tumutukoy sa


kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunary.
Hal. BOLA- laruang hugis bilog
HALIGI- poste ng bahay o gusali
 KONOTATIBO- pahiwatig o simbolo na ikinakabit sa salitang ito o kahulugan naman ay naayon sa kung paano ito
nauunawaan ng mga tao, nakabatay sa kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
Hal. BOLA- matatamis na pananalita
HALIGI- ama ng tahanan

Hal. AHAS- uri ng reptalya – DENOTATIBO


AHAS- traydor - KONOTATIBO

You might also like