Professional Documents
Culture Documents
Banghay S ESP Ika 5 Linggo
Banghay S ESP Ika 5 Linggo
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikaanim na Baitang
B. Pamantayan sa Pagganap
Naipakikita ang mga gawaing tumutugon sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng aktibong
pakikilahok na may dedikasyon at integridad.
I. Layunin
Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman.
Code:
II. Paksang Aralin
Kamalayang pampuhunan (Entre)/ Pag-iimpok at matalinong pamamahala ng mapagkukunang
yaman.
Integrasyon: EPP
a. Sanggunian: CG p.85
b. Kagamitan: larawan ng mga pinagkukunang yaman, video clip, Manila paper,laptap,DLP
c. Pagpapahalaga: Pag-iimpok at Matalinong Pamamahala ng Mapagkukunan ng yaman (Resources)
III. PAMAMARAAN
Unang Araw
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
2. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
3. Pagbuo ng pasel (puzzle) ng mga larawan ng pinagkukunan ng likas na yaman. Hatiin ang
klase sa apat na grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng larawang bubuin. Ang unang grupo na
makabubuo ang panalo.
bundok Lupa/patag
dagat gubat
B. Panlinang na Gawain
1. ALAMIN NATIN
a.Gamit ang larawang binuo, sasaagutin ng grupo ang tanong. Isusulat nila
ang sagot sa tsart sa loob ng limang minuto. Bibigyan ang bawat grupo ng
dalawang minuto para mag-ulat.
1. Ano ano ang nakukuhang yaman sa bawat larawan?
2. Paano napangangalagaan ang mga ito?
b. Pag-uulat ng grupo
c. Talakayin ang mahalagang kaisipan.
3. ISAPUSO NATIN
a. Pagbati sa mag-aaral
b. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
c. Balik-aral l sa nakaraang talakayan.
d. Pagganyak
Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong magnegosyo gamit
ang mga nakukuhang yaman sa inyong pamayanan, anong negosyo
ang papasukin mo?
e. Paglalahad
Pagpapaliwaang sa gagawing plano ng negosyo.
I. Pangalan ng Negosyo:____________
II. Puhunan
KAGAMITAN PRESYO
f. Paggawa ng Gawain.
Hatiin ang klase ayon sa uri ng pinagkukunayang yaman na makikita sa kanilang
pamayanan. (10 minuto)
f. Pag-uulat ng Gawain. (2 minuto bawat grupo)
g. Pagtatalakay sa ginawang plano
h. Tandaan:
Dapat alagaan ang kapaligiran dahil dito nanggagaling ang
ating kabuhayan ngayon at ng mga susunod na henerasyon. Kapag ito
ay hindi naalagaan at inabuso tuluyan itong masisira o di kaya’y
mawawala. Kapag pinahahglagahan natin ang mga ito at ginamit na
maayos at may pananagutan, ang mga ito ay patuloy na
mapakikinabangan sa pang-araw-araw na pangangailangan at maging
sa pagnenegosyo.
Ikaapat na Araw
4. ISABUHAY NATIN
a. Pagbati sa mag-aaral
b. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
c. Balik-aral l sa nakaraang talakayan.
d. Malikhaing paglalahad tungkol sa pangangalaga ng pinagkukunang yaman. Hatiin ang
klase sa mga grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ng
10 minuto na magplano at 2 minuto upang maglahad.
e. Talakayan sa mahahalagang kaisapan ng presentasyon
Rubric na gagamitin.
NILALAMAN 15 PUNTOS 10 PUNTOS 5 PUNTOS
Nailahad/Naipakita/ Napakahusay na Mahusay na Sumubok na
Naisagawa naisagawa naisagawa magsagawa
ang wastong
pangangalaga sa
pinagkukunang yaman
Partisipasyon ng lahat Lahat ng miyembro ay Dalawa (2) sa mga Tatlo (3) o higit pa
ng miyembro ng grupo nakilahok o nakisali miyembro ay hindi ang miyembrong
nakisali hindi nakisali
(Maglagay ng closure)
Ikalimang Araw
IV. PAGTATAYA
5. SUBUKIN NATIN
a. Muling itanong ang nakaraang aralin.
b. Ipasagot ang mga pahayag batay sa napag-aralan.
Sitwasyon 1:
Sina Mang Roger at Mang Kiko ay nagtatrabaho sa kumpanya ng pagawaan ng papel.
Sa bawat puno na kanilang pinuputol upang gawing papel ay pinapalitan nila ito.
Sitwasyon 2:
Ang mag-anak ni Mang Anton ay naninirahan sa may tabi ng dagat upang makatipid
at makapag impok,siya at ang kanyang anak na panganay ay nangingisda gamit ang
wastong paraan sa panghuhuli ng isda o lamang dagat upang iulam nila sa maghapon.
Ang tirang nahuling lamang dagat ay kanilang ititinda.