Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mababang Antas ng Pagbasa; Epekto ng Pandemya

Ni: Angel B. Borromeo

Sinong makapagsasabing sa isang iglap ay magbabago ang lahat?

Sa loob ng dalawang taon na ating pinagdaanan mula sa pandemyang dulot ng Covid-19, hindi
maikakaila na nagbago ang direksyon ng ating pamumuhay. Maraming bagay ang naganap na hindi natin
inaasahan, lalo na sa sistema ng edukasyon na isa sa labis na naapektuhan ng pandemya.

Sa takot na mas dumami ang kaso ng mga nagpopositibo sa virus ay ipinatigil ng Department of
Education (DepEd) ang face-to-face classes. Pinalitan ito ng online classes kung saan ang mga mag-aaral
ay gumagamit ng cellphone, telebisyon o radyo upang mag-aral. Ang mga mag-aaral naman na walang
kakayahan sa ganitong sistema ay nasa distance approach kung saan ang mga magulang ay pumupunta
sa paaralan upang kunin ang mga printed module na sasagutan ng kanilang mga anak. Ang iba naman ay
ang mga guro ang mismong naghahatid ng mga modules para sa kanilang mga mag-aaral.

Ang resulta, maraming mga mag-aaral ang naging tamad sa pag-aaral partikular na sa larangan
ng pagbabasa, umasa na lamang sila sa paghahanap ng mga sagot mula sa internet at ang nakakalungkot
pa hindi nila ito binabasa. Nawala rin sa kanila ang tiyaga sa paghahanap ng tamang formula sa mga
mathematical problem at ipa ba. Ang iba naman ay magulang o kapatid ang sumasagot sa kanilang mga
modules.

Dahil dito lalong bumaba ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Ayon sa inilabas na resulta
ng World Bank (WB) noong 2022, lumalabas na 9 sa 10 mag-aaral na Pilipino edad 10 ay nahihirapang
bumasa kahit na sa simpleng babasahin. Katumbas ito ng 91% na mga bata sa Pilipinas ay hindi magaling
bumasa.

Ayon naman sa inilabas na ulat ng Programme for International Student Assessment (PISA)
noong 2022. Lumalabas na ang mga mag-aaral na Pilipino sa edad na 15 ay nasa level 2 lamang ang
antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa tatlong asignatura, 16% lamang ang nakihang bahagdan sa
Math, 23% sa Pagbasa at 24% sa Science.

Ngayon ay unti-unti ng bumabalik sa normal ang lahat. Ang mga mag-aaral ay muli nang
pumapasok sa mga paaralan, ngunit sa bawat pagpasok nila sa kanilang silid-aralan ay may pangamba sa
kanilang mga isipan. Sapagkat alam nila sa kanilang mga sarili na hindi sila handa at hindi sapat ang
kanilang kaalaman mula sa dalawang taong nagdaan. Lalo na sa kakayahan ng mga mag-aaral na
bumasa.

Malaking hamon rin ito para sa mga guro, sapagkat paano sila makapagtuturo ng ayon sa antas
ng baitang o year level ng mag-aaral kung maging simpleng salita lamang ay hindi ito kayang basahin ng
mga mag-aaral?

Ang mga resultang ito ay patunay lamang na napakalaki ng naging epekto ng pandemya sa
kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Nakakalungkot man ngunit ito ang katotohanan. Katotohanang
dapat tanggapin at mabigyan ng agarang solusyon ng ating gobyerno lalo na ng Department of
Education (DepEd). Dapat silang makabuo ng isang programang magbibigay ng epektibong solusyon
upang muling mapataas ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa.
Sa kabila ng lahat ng mga programang ipinatutupad ng pamahalaan, kaya pa bang
makipagsabayan ng ating mga mag-aaral sa mga karatig bansa sa ganitong antas ng kalidad ng
edukasyong mayroon tayo ngayon?

You might also like