Tabay ES Poems 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SA NGALAN NG PAMILYA

Sam Boy C. Absalon


(Tabay Elementary School/San Jose South)

Linggo ng araw ng lisanin ko sila


Ilang araw muli bago ko makasama
Ang malayo sa pamilya kayhirap talaga
Pagmamahal nila, yan ang lagi kong kasama.

Tatlong buwan mula ng maisilang


Mawalay sa ama’y wala pa sa hustong gulang
Malungkot mahirap tinitiis ko nalang
Hindi mayakap,mahagkan..dagat sa amin ang hadlang

Guro sa isla itinapon


Iba’t-ibang mga bata kasama ko maghapon
Atensyon na dapat ay sa kanya, sa iba naituon
Makasamang muli ang lagi kong tugon

Biyernes, huling araw na sa isla


Sinuong ang alon kahit araw ay lubog na
Ano pa bang nanaisin ng katulad kong ama?
Kundi makauwi at makasama ang pamilya.

Sabado isang araw makalipas Linggo na na naman


Kailangang tanggapin malungkot na katotohanan
Iniatang na trabaho, kailangan kong gampanan
Mahal kong mag-ina, kailangan kong lumisan.

Patawad kung sa oras nagkukulang man


Salamat ako’y inyong naiintindihan
Lahat gagawin, pangangailanga’y mapunan
Mahal kayo sa akin, ngayon at kalianman.
SANA OIL
(Optimistic and Innovative Leader)
Shama Grace M. Leido
Tabay Elementary School/San Jose South District

Noong una ka naming nakita kami ay kabado na,


Kabado dahil baka katulad ka rin ng iba na ayaw nila
Sobrang higpit, hindi nararamdaman mga gurong kasama
At higit sa lahat ang pondo ng school, nasaan na?
Pero hindi pala, ang layo mo sa kanila.

Masarap sa pakiramdam kapag lider nyo’y magaling na at napaka-humble pa


Hindi ka mahihiyang lumapit sa kanya
at handang tulungan ka kapag mundo’y pasan mo na
Lider na iaangat kayong lahat at walang maiiwan ni isa
Lider na puno ng moibasyon upang ikaw ay gumaling pa

Ang sarap magtrabaho kung ang school head nyo ay ganito


May iisang adhikaing nais makamit nyo
Masaya at magandang samahan hindi magbabago
May hawak na pang-unawa sa bawat kasamahang nagtuturo
Kaya pagmamahal,paggalang,pagsunod at respeto namen sayo ay todo

Hindi maipagkakaila na ito ang suliranin


Ng ibang paaralan dito sa amin
Kaya itong si guro hindi masayang siya ay kapiling
Ipinagdarasal na sana may swapping upang makawala sa taong sobra na rin

Ikaw naman guro, trabaho mo’y gawin mo.


Upang ‘di ka masita’t-mapagalitan ng head mo
Iresponsableng gawain ang dahilan ng mga ito
Kaya ugali’y baguhin na para sa ikabubuti mo.

Darating ang araw sila nga’y aalis at sa iba dadalhin


Bagong lider na naman, mamumuno sa atin.
Tanggapin natin sila nang buong puso at mahalin
Ang dalangin ko, SANA OIL rin para patuloy ang paglago ng mga guro, paaralan, lalong
higit para sa mga bata naming.
MAHAL KO
Jzelle Anne M. Manahan
(Tabay Elementary School / San Jose South)

Ang nakaraan ay nakaraan na


Sabi nga nila “Hindi na dapat balikan pa.”
Subalit mahal, ikaw yung nakaraan
Na kahit aking balikan,
parang wala naman.

Hanggang isang araw


Bigla kang lumitaw
Ika’y nagpakilala
Ngunit di kita maalala
Kaya Mahal Ko,pasensya ka na!

At hindi ka huminto
Na baling araw makakasama mo’ko
Dun, napahanga mo ako
Mayroon pala talagang taong tulad mo?
At tumigil ang mundo.

“Ikaw yung taong kaytagal


Kong hinintay,mahal ko
Yung taong hindi ko kakayanin
Pag nawala sa buhay ko.”
Mga katagang nasambit ko

Pakiramdam ko ang swerte ko


May tao pala talagang katulad mo
Imahinasyon lang kita dati
Pero ngayon ikaw ay aking katabi

Ngayong magsasama na tayo


Ayos na ayos na ako
Hindi man kita maalala noon
Ang mahalaga naman ay yung ngayon
Kaya maraming salamat mahal ko!
PAG-IBIG PARA SA AKIN
Jzelle Anne M. Manahan
(Tabay Elementary School / San Jose South)

Bawat isa ito’y kusang mararamdaman


Darating siya, sana iyong pakaingatan
Pag-ibig na taglay, ito’y makapangyarihan
Sapagkat kaya nitong baguhin kahit sino ka man.

Aking mahal, sana iyong maramdaman


Ito ay kusan at walang pag-aalinlangan
Pag-ibig kong ito sa iyo lang ilalaan
Tulad ng kalikasan iyo sanang pahalagahan

Wag sanang paglaruan itong pagmamahal


Dahil parehas nating alam ang pakiramdam ng masaktan
Mahirap nang bumalik at muling sumugal
Sa panahong kung saan pati pag-ibig ay lokohan

Pag-ibig na alay mo sa akin


Pangakong pagyayamanin
Pangarap ko’y matutupad na
Pagkat ikaw ang laging kasama
POWERFUL WEAPON
Richelle Cabran
(Tabay Elementary School / San Jose South)

In a world where standards really matter


Biased decisions are seen everywhere
Out of school youth remains begging
Unfair judgment makes them suffering

In order not to be one of them


Move as early as you can
Get up, hold a pen and notes ev’rything
Go, read a book and be enlightened

Sacrificing isn’t in a negative term


Rather stepping stone for you to learn
Keep on moving and be a productive citizen
To speak for everyone’s equity and entitlements

One pen..one book..can make a difference


A powerful weapon to see fair existence
Now looking forward to a better society
Where everybody’s opinion promotes inclusivity

You might also like