Isyu Sa Pagtuturo NG Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

May Kaugnayan ba ang Pagtuturo ng Filipino sa Oras?

Ni JAHERON M. DACULA

Isa ngayon sa isyu sa pagtuturo ng wika ay ang kaugnayan ng oras sa pagtuturo ng


Filipino. Dito nakasalalay kung kailan o anong oras mas madali natututo ang utak sa pag-aaral ng
wika. Sakaling mas natututo ang utak sa Filipino sa umaga, marapat lamang na ilagay ang
asignaturang Filipino sa alinmang oras sa umaga. Gayundin kung epektibo sa hapon, marapat
lamang sa hapon ang pagtuturo. Pero hanggang ngayon, walang opisyal na pag-uutos ang KWF,
CHED o DepEd o iba pang sangay ng pagtuturo o nangangasiwa ng wika hinggil sa eksaktong
pagtuturo ng wikang Filipino. Ngunit may ilang pag-aaral tungkol sa kaugnayan ng oras sa
pagtuturo ng wikang Filipino

Ayon kay Santiago (2003), ang pagtuturo ng wikang Filipino ay mas epektibo sa umaga
kaysa hapon. Ang mga bata ay nababagot sa hapon. Wala silang ganang bumasa ng mga akdang
pampanitikan sapagkat kulang na sila ng lakas. Ang kanilang nararamdaman ay pagkatulog kaya
medyo nahihirapan na ang kanilang isip na magproseso ng pag-unawa sa kanilang binabasa.
Mula sa pag-aaral na nabanggit, masasabing, mas mainam ituro ang Filipino sa umaga habang
ganado pa ang mga bata at hindi pa oras ng siesta o pagtulog. Madali nilang nauunawaan sa
umaga ang pag-aaral ng wika dahil presko pa ang utak at katawan. May lakas pa para iproseso
ang impormasyon.

Binanggit ni Vidanes (2001) na sa kanyang eskperimental na pag-aaral pinasagot niya


ang mga mag-aaral ng sanaysay sa umaga at hapon na may iisang tanong. Ikinumpara niya ang
lawak ng sagot ng mga mag-aaral sa umaga at hapon. Tiningnan niya ang reliability at validity
ng kanilang sagot. Natagpuan niya sa kanyang pag-aaral na ang mga bata ay mas malawak ang
sagot sa umaga kaysa hapon. Ang sagot ng mga bata sa hapon ay limitado at maikli lang. Sa
kanyang konklusyon sinabi niyang mas mainam magbigay ng pagsusulit sa wika sa umaga. Mula
sa kanyang pag-aaral, masasabing mainam na gamitin ng mga guro ang oras sa umaga sa
pagbibigay ng pag-susulit upang mas masukat ang lawak ng karanasan at pag-unawa ng mag-
aaral. Ito rin ay magsisilbing daan sa pagbigay ng direksyon sa paggalugad nila sa wikang
Filipino.
Sa pag-aaral naman ni Lagrada (2005), natuklasan niya na ang mga mag-aaral ay mas
maganda ang kanilang pagsusuri ng tula sa umaga kaysa hapon. Gayundin kung pangkatang
gawain, mas mainam ang mga resulta sa umaga. Natuklasan niya ang mga paliwanag ng mag-
aaral sa tula ay maraming saklaw. Sa hapon, hindi masyadong malawak ang pagpapaliwanag.
Mula sa pag-aaral na nabanggit mas mainam na sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan
kagaya ng tula, pinakamainan na gawin sa umaga. Marapat lamang na gawin ito sa paaaralan
upang maging produktibo ang bata sa pag-aaral ng wikang Filipino.

Ayon kay Cayetano (2013), ang mga kolehiyong mag-aaral sa MSU-BUUG na


kumukuha ng kursong BSED Filipino ay mas madaling natututo ng balarilang Filipino sa umaga
kaysa hapon. Ayon sa kaniyang survey, lahat ng kaniyang respondente ay sumang-ayon na ang
umaga ay ang pinakaepektibo a oras ng pagkatututo ng wika. Mula sa nabanggit na pag-aaral,
marapat lamang na gawing umaga na ang pagtuturo ng balarilang Filipino dahil maraming
kabataan ngayon hindi pa bihasa sa tamang gamit ng mga salita. Ang pagtuturo ng balarila ay
hindi madali kaya mas mainam magturo nang naayon sa tamang oras ng pagkatuto ng wika.

Sa pag-aaral ni Bernales (2008), binanggit niya na ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng


maikling kwento nang may kahabaan sa umaga. Sa dapit hapon, iilan lang ang nakabubuo ng
mahaba dahil halos lahat ay maikli lang. Sa pag-aaral na ito ay mahihinuha na mas pabor ang
pagtuturo ng panitikan sa umaga kaysa hapon.

Sinabi naman ni Colayco (2010) sa kaniyang pag-aaral na ang mga mag-aaral ay mas
kampante sa pagtatalumpati sa umaga kaysa hapon. Sa kanyang natuklasan binanggit niyang
kulang sa lakas ang pagtatalumpati ng mga mag-aaral sa hapon. Mula sa nabanggit na
pananaliksik, masasabing mainam nag sa umaga parin ang mainam na pagbibigay ng aktibidad
sa mga mag-aaral gaya ng pagtatalumpati upang mabigyan sila ng tamang oras ng kanilang
pagkatuto.

Sa sanaysay ni Fraenkel na pinamagatang Human Brain, ikinumpara niya ang utak ng tao
sa internet connection. Ipinaliwanag niya na ang internet connection ay malakas sa umaga kaysa
hapon. Kagaya rin ng utak ng tao, likas na sa tao na aktibo ang utak sa umaga kaya anumang
asignatura ang ituro sa umaga ay madali nilang natutunan. Sa hapon, kagaya rin ng internet
connection, humihina na rin ang kanilang utak. Ang sanaysay na ito isang patunay rin sa
kainaman ng umaga sa pagtuturo ng Filipino.
Sa isang panayam ni Chan (2014) sa mga guro sa paaralan sa UP, natuklasan niyang mas
kampante ang mga guro magturo ng Filipino sa umaga dahil produktibo sila dahil lumalaban pa
ang kanilang katawan. Binigyan-diin din ng mga guro na produktibo rin naman sila sa halon pero
kulang nalang sa lakas sapagkat ginagambal sila ng pagkatulog. Ngunit wala rin namang opisyal
na jtos umano sa UP na ituro ang asignaturang Filipino sa umaga ngunit kadalasan umanong
skedyul ng Filipino ay nasa umaga. Mula sa pag-aaral na ito, mas nangingibabaw ang ebidensya
na ang pagtuturo ng Filipino ay mainam sa umaga hindi lamang para sa kapakanan ng mag-aaral
kundi pati na ng guro.

Sa disertasyon ni Colita (2015), binanggit niya na ang mag-aaral na tinuturuan niya ng


panitikan sa hapon ay kadalasang may mga mababang marka sa lahat na uri ng pagsusulit.
Samantalang ang mga mag-aaral na nasa umaga ang skedyul ay may matataas na marka.
Natuklasan niya na may kaugnayan ang oras sa pagkatututo sa wika. Mula sa pag-aaral na
nabanggit, mahihinuhang upang masigurado ang pagkatuto ng mag-aaral mainam na umaga ang
pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Mula sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na nakalap, masasabing ang pagtuturo ng


wikang Filipino ay mainam na gawin sa umaga kaysa hapon dahil mas aktibo ang utak ng mga
mag-aaral. Ang mga guro ay dapat bigyang pansin ang oras dahil may kaugnayan ito sa
pagkatuto ng mga mag-aaral.
MGA SANGGUNIAN

Benales, R.A. (2008). Pagsusuri ng Maikling Kwento. Valenzuela City: Mutya Publishing
House, Inc.

Cayetano, R.A. (2013). Pagkatuto ng Wikang Filipino: MSU BUUG BSED. Papel na binasa sa
SILAWAN 2013. Pedagohikal at Inklusibong Edukasyon sa Pagtuturo ng Filipino na
idinaos noong Pebrero 20-22, 2013 sa Mindanao State University, Buug Campus.

Chan, A.P. (2008). Survey sa Pagkatuto. Valenzuela City, Mutya Publishing House, Inc.

Colayco, F.J. (2010). Pagtatalumpati sa Tamang Oras. Colayco Foundation for Education , Inc.

Colita, Z.B. (2015). Epektibong Oras sa Pagtuturo ng Wika. Mindanao State University, Buug

Fraenkel, J.R. (2006). Essay for Readings. U.S. McGrawHill Campus.

Lagrada, V. B (2005). Obrang Pampanitikan. Makati City: Grandwater Publications and


Research Corporation.

Santiago, A. O. (2003). Pagkatuto ng Wikang Filipino. Manila: REX Bookstore

Vidanes, M.O. (2001). Filipino sa iba’t ibang Disiplina. Quezon City: Wiseman’s Book Trading,
Inc.

You might also like