Filipino V

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FIRST SUMMMATIVE TEST IN FILIPINO V

THIRD QUARTER
WEEK 1 and 2

Name: _______________________ Score: ____________Rating: __________


Grade: _______________________ Parents/Guardian Sig.: _______________

I. Bilugan ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.

1. Maagap pumasok ang aking ama sa trabaho kaninang umaga.


2. Sa Lunes ng umaga ay magkakaroon kami ng bisita sa paaralan.
3. Magdiriwang ang aking lola ng ika-70 kaarawan sa darating na Agosto.
4. Mahirap ang buhay pero aking kakayanin para sa hinaharap.
5. Madalas akong magbakasyon sa Maynila tuwing sasapit ang kapaskuhan.
6. Sa ika-20 ng Abril uuwi ang aking Tita mula sa Singapore.
7. Sa paaralan madalas kaming nagbabasa ng aking mga kaklase.
8. Sa darating na Undas uuwi ang aking mga pinsan.
9. Itinatabi ko tuwing Biyernes sa alkansya ang aking natirang baon.
10. Sa bukid kami madalas nagpapahangin tuwing walang kuryente.

II. Salunguhitan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.

11. Aking isinusulat nang maayos ang aking liham para sa aking kaibigan.
12. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kahapon.
13. Nanalangin nang tahimik ang buong klase para sa lahat.
14. Tumawa nang malakas ang aking nanay dahil sa aking ikinuwento.
15. Natulog kami nang maagap kagabi.
16. Madalas kaming lukmakad nang mabilis tuwing mag-uuwian na.
17. Nagmamadaling umalis ang aking nanay papunta sa palengke.
18. Kami ay nakikinig ng maayos sa aming guro.
19. Malayang lumilipad ang mga ibon sa himpapawid.
20. Masayang nagdaos ng kaarawan ang aking kapatid.

III. Gumuwa ng Sariling pangungusap na ginamitan ng pang-abay na panlunan gamit ang mga
sumusunod.
21. Sa labas –
22. Sa parke-
23. Sa paaralan –
24. Sa tagpuan –
25. Sa aming bayan -

You might also like