Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Bangkang Papel

RAQUEL P. GIRAO

Pagkalipas ng isang oras bangkang papel nagawa din


Mas medaling kesa eroplanong papel mandin
Buti na lang batang munti’y di mainipin
Matiyaga siyang sa ginagawa’y patingin-tingin

Ng matapos bangkang papel prinsipe’y nagyaya mandin


Pumasyal sa Harborfront sasakay sa MonoRail Train
Walang magawa itong si Mamiquel kundi sundin
Kahilingan ng prinsipe kaligayahan kong tupdin

Sinubukang palutangin simpleng bangkang papel


Tuwang-tuwa naman si Conan nasa cloud nine ang feeling
Dulot na kaligayahan nitong bangkang papel
Di malilimutan tunay na feel na feel

Isa, dalawa, tatlo ilang beses sinubukan


Bangkang papel na magpalutang-lutang
Ngiti sa labi ni Conan di maitsurahan
Kagalakan sa puso di kayang pantayan

Masarap maging bata walang problema


Masarap maging bata laging masaya
Masarap maging bata maglalaro tuwi-twina
Masarap maging bata lalo’t arugang-aruga

Masarap maging lola dulot mo ay saya


Masarap maging lola nawawala problema
Masarap maging lola nabalik sa pagkabata
Masarap maging lola, apo’y mamahalin ka

Salamat bangkang papel kaming mag lola’y muling nagbonding


Salamat bangkang papel pagmamahalan muling umigting
Salamat bangkang papel pasensya ni Conan nasubukan muli mandin
Salamat bangkang papel duot mong aral aming babaunin

HAWAK KAMAY
RAQUEL P. GIRAO
Hawak kamay, pamagat ng isang awit
Yeng Constantino ang siyang umawit
Kay sarap pakinggan ika’y mapapakapit
Nanamnamin bawat katagang sinasambit

Akala ko sa awit ko lang maririnig


Ganda ng mensahe tayo ay kinikilig
Tuwing mapapakinggan balahibo ko’y tumitindig
Kay sarap pakinggan kay limig ng tinig

Sa pagkakataong ito ako ay nagulat


Sa sinasambit ni Conan ako’y napamulagat
“Nanay Nida, kamay nyo po’y aking hawak
Forever pong kamay nyo’y aking hawak”

Aking nawari sa edad ng batang munti


Tunay na nga bang alam nya wikang nasabi
O dahil narinig o napapanood sa TV
Ang mahalaga si Nanay Nida ang waging-wagi

Una’y umalakbay, sabay ngiti ng matamis


Mamiquel, Mamiquel, sa ami’y say cheese
Shoulders ni Nanay Nida akin pong namiss
Buti na lang my upuan sabay kaming nagcheers

Hawak kamay may magic kang taglay


Hawak kamay bawat isa’y sana ika’y maging gabay
Sa pagpapakita ng paggalang na siyang tunay
Idagdag pa ang pagmamahal, ito’y mahalagang bahay

Salamay sa iyo Conan, muli may natutunan


Pagmamahal sa magulang wag kalimutan
Hawak kamay magpakaylan man
Anak at magulang siyang dapat panghawakan

Salamat sa iyo Conan, muli mong ipinalaala


Paggalang at pagkalinga sa mga matatanda
Pakatatandaan sa tuwi-tuwina
Upang buhay nila ay maging masaya
JACK EN POY
RAQUEL P. GIRAO

Eto si Dadisonny happy at enjoy


Kasi kasama na naman si Little boy
Eto si Dadisonny alis ang kapoy
Kasi kasama na naman si cute cute boy

Isa, dalawa, tatlo, bukas mga kamay


Halakhakan nila’y walang humpay
Conan ay tuwang tuwa siya ang nagtagumpay
Sa unang laban siya’y kakaway-kaway

Isa, dalawa, tatlo, bukas mga kamay


Sa pagkakataong ito tabla yaring mga kamay
Sa parehong tira walang nagtagumpay
Tanging nasambit, “ ang saya ng buhay.”

Isa, dalawa, tatlo, bukas mga kamay


Dadisonny ang siyang nagtagumpay
Muka ni Conan may ngiting tagumpay
Dadisonny daw naman para di malumbay

Isa, dalawa, tatlo, bukas mga kamay


Pareho silang di naman sumablay
Kaya table sila uli at yan ang tunay
Wala ng mata sa pagtawang walang humpay

Isa, dalawa, tatlo, bukas mga kamay


Kita sa muka ni Conan sayang walang kapantay
Bigla tayo at kamay iwinagayway
Pagkat sa labang ito siya naman ang tagumpay

Simpleng laro, simpleng paraan


Ng pagpapakita ng pagmamahalan
Lolo’t apo lubos ang kasiyahan
Pagmamahal di kayang matumbasan

JACK EN POY salamat sa iyo


Muling nagbonding ang maglolo
Dahil sa iyo napaligaya na naman ang apo
Kaligayahang di kayang gumuho

JACK EN POY dapat kang laruin


Bata man o matanda ika’y susubukin
Madaling laruin, kagandahin asal matutunan mandin
Mag isip kang mabuti upang ika’y palarin

Matutunan sa iyo pagiging matapat


Idagdag pa ang pag-unawang wagas
Na sa bawat laban may pagkatalong katapat
Di lalaging panalo yan ang isipin dapat
Sa isip naglalaro ititira bago umalagpas
Mga kamay na animo’y manibigat na armas
Upang siguraduhing Manalo sa wakas
Tunay na halakhak na wagas ay lalabas

Minsan mag iisip ka n asana mali itira ng kalaban


Minsan mag iisip ka n ikaw sana ay pagbigyan
Minsan mag iisip ka negatibo sa kalaban
Minsan mag iisip ka ng tama nga ba’tong nasa iyong isipan
JACK EN POY, JACK EN POY
Hale halehoy
Mga bata’y nag eenjoy
Pag nilaro ka tiyak na walang kapoy

You might also like