Professional Documents
Culture Documents
Group 2 - Activity 1 - PAMUMUNA
Group 2 - Activity 1 - PAMUMUNA
LAPPAY
MST-Filipino
BAYOGRAPIKAL
SOSYOLOHIKAL
1. Magbigay ng 3 suliranin sa Di Ko Masilip ang Langit.( 5 puntos)
Sagot:
Hindi pantay na pagtingin sa estado ng buhay ng mga tao.
Dahil sa kahirapan nagkakaroon ng mababang pagtingin ang mga may kaya sa buhay sa mga taong
di nakapagtapos ng pag-aaral at mahihirap.
Dahil sa sunod-sunod na suliranin nawala ang pananampalataya sa Diyos.
3. Magtala ng limang epekto / o bunga ng panghuhusga sa kapwa batay sa kwento ng ang kalupi.
Ipaliwanag ( 5 puntos)
Sagot:
Dahil sa panghuhusga sa mga taong akala natin ay gumagawa ng hindi mabuti ay may hindi
mabuting epekto ito sa kanila tulad sa kwento ng kalupi napahamak ang bata ng walang kasalanan.
Ang isa pang epekto ng panghuhusga ay pagbababa ng moralidad ng isang tao lalo na’t kung
nahusgahan ito ng hindi tama.
Kahihiyan sa mga taong nahusgahan lalo na’t kung nangyari ito sa isang pampublikong lugar.
Minsan ay ito rin ang nagdudulot ng puot at galit sa mga taong mapanghusga.
Paghihignti ay isa ring epekto ng panghuhusga sa taong di nabigyan ng pagkakataon na ipaliwanag
ang sarili.
4. Magbigay ng tatlong suliranin sa Tata Selo. Ipaliwanag ( 3 puntos)
Pagiging mahirap ay kasalanan, nasabi ko ito dahil sa hindi tamang pagtingin ng mayayaman sa
mahihirap tulad ni Tata Selo na minamaliit at hindi binibigyan ng halaga.
Kinukurakot ng mayayaman ang kakarampot na pag-aari nang mahihirap at simpleng tao na katulad
ni Tata Selo.
Walang boses ang mga taong mahihirap dahil hindi sya pinakikinggan ng mga taong nasa itaas.
HUMANISMO
1.Magbigay ng sariling pakahulugan sa humanismo? (5 puntos)
Sagot:
Ang teoryang humanismo ay pananaw na nakasentro sa tao sa halip na sa Diyos. Sa pilisopiya, ito ay atityud
na nagbibigay diin sa DIGNIDAD at KAHALAGAHAN ng tao. Pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang
RASYUNAL.
2. Magbigay ng isang kahalagahan ng humanismo, ipaliwanag. (5 puntos)
Sagot:
Mahalaga ang kultura at sining sa humanism. Ipinaniniwala nito na ang mga ito ay nagbibigay-kulay at
halaga sa buhay ng tao.