Cot Lesson Plan Second Quarter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Schools Division Office-Romblon

Odiongan South District


TABOBO-AN ELEMENTARY SCHOOL
Tabobo-an, Odiongan, Romblon

SEMI-DETAILED LESSON PLAN in ARALING PANLIPUNAN 1

On

TUNGKULING GINAGAMPANAN NG BAWAT KASAPI NG PAMILYA

Inihanda ni:

ALMA F. SISCAR
Guro
A SEMI-DETAILED LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN1

ARALIN: MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG BAWAT KASAPI NG PAMILYA

1.LAYUNIN

A. Pamantayan sa Pangnilalaman
1. Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag unawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya
at mga kasapi nito at bahaging ginagampanan ng bawat isa
B. Pamantayan sa Pagganap
1. Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagsasaad ng bahaging ginagampanan
ng bawat kasapi nito sa malikhaing pamamaraan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
1. Nailalarawan ang ibat- ibang tungkulin na ginagampanan ng bawat kasapi ng
pamilya sa iba’t ibang pamamaraan
(AP1PAM-IIa-3)
II.NILALAMAN
A. SANGGUNIAN
MELC
Learners Material in ARALING PANLIPUNAN1 pp.74-79

B. Iba pang Kagamitang Panturo


Mga larawan, power point presentation, tunay na bagay

III.PAMAMARAAN

III.1. Panimulang Gawain

1.Pagbati
2.Panalangin
3.Pampasiglang awitin
Finger Family song
Nasaan si tatay, Nasaan si tatay?
Heto siya. Heto siya. Kumusta, kumusta? (2X)
Mabuti. Mabuti.
Nasaan si Nanay, Nasaan si nanay?
Heto siya, Heto siya. Kumusta, kumusta? (2X)
Mabuti. Mabuti.
Nasaan si kuya, Nasaan si kuya?
Heto siya. Heto siya. Kumusta, kumusta? (2X)
Mabuti, Mabuti.
Nasaan si ate, Nasaan si ate?
Heto siya, Heto siya. Kumusta, kumusta? (2X)
Mabuti, Mabuti.
Nasaan si bunso, Nasaan si bunso?
Heto siya. Heto siya. Kumusta, kumusta? (2X)
Mabuti, Mabuti

A. Balik-aral
Magpakita ng Finger Puppet ( hayaang ang mga bata ang magsabi kung sino ang kanilang mga
nakikita sa bawat daliri. )
Kasapi ng Pamilya

Itanong:
Sino-sino ang bumubuo sa pamilya?
( Itago ang ama sa finger puppet at ipakita ang ina, kuya, ate, at bunso )
Itanong:
Kapag si ina at mga anak lamang ang magkasama. Masasabi ba natin na sila ay pamilya?
( Hayaang mag-isip ng isasagot ang mga bata. )

B. Paganyak
Awit: Lima ang Daliri ng Aking Kamay
Lima ang daliri ng aking kamay
Si ate, si kuya, si nanay, si tatay
At sinong bulilit?
Ako.. Ako.. O tingnan ang daliri ng aking kamay

Laro: “Pamilya Mo, Piliin Mo”


Panuto: Pagkilala sa mga kasapi ng pamilya
(sa pamamagitan ng bilang ng bawat kasapi, piliin kung saan napapabilang ang bilang ng inyong
pamilya )
Tingnan ang bilang na ipinapakita ng guro. Piliin kung sa anong bilang napapabilang ang bilang
ng inyong pamilya

Halimbawa:
8
8 ang nakikitang bilang na ipinakita ng guro ( kapag ang kasapi ng iyong pamilya ay 8,doon
ikaw pupunta sa 8 na bilang.
( depende sa bilang ng kasapi ng pamilya ng bawat mag-aaral )

C. Paglalahad
Magpapakita ng mga larawan ng kasapi ng pamilya na may iba’t ibang tungkuling
ginagampanan.

Talakayan
Ang aralin natin ngayon ay “ANG MGA TUNGKULING GINAGAMPANAN NG BAWAT
KASAPI NG PAMILYA”

Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng tsart

Kasapi ng Pamilya Tungkulin ng bawat kasapi ng Pamilya (mga larawan)


Tatay

Nanay

Kuya

Ate
Bunso

(Ipaliwanag na ang tungkulin ng ama ay puwede ding gawin ng ina o kaya ay ang Gawain ng ina
ay puwede ding gawin ni ama.
Ganoon din ang gawaing ginagampanan ni kuya ay puwede ding gawin ni ate. At ang gawain ni
ate ay puwede din gawin ni kuya. Kapag si bunso ay maliit pa at dahil wala pa siyang alam, siya
yaong nagpapasaya sa pamilya pero kapag siya ay Malaki na, katulong din siya nina ate at kuya
sa iba’t ibang gawaing pang tahanan.))

Mga Tanong:
1. Ano ano ang mga tungkulin ginagampanan ng ama sa pamilya?
Inaasahang sagot:
Naghahanapbuhay para sa pamilya.
2. Magbigay ng halimbawa ng hanapbuhay ni ama
Inaasahang sagot:
Pumapasok sa opisina
Nag aayos ng sirang sasakyan
Naglalaba din si ama
Nag aalaga ng mga anak
2.Ano ano naman ang gawain ni nanay?
Inaasahang sagot:
Naglalaba, at ginagawa ang mga gawaing bahay
3.Ano-ano naman ang gawain nina ate at kuya?
Inaasahang sagot:
Tumutulong maghugas, magwalis at magluto
4.May maitutulong ba si bunso sa pamilya?Paano?
Inaasahang sagot:
Opo. Nagbibigay saya

Hots question:
1.Bilang kasapi ng pamilya, sa inyong edad ano ang pwede ninyong maitutulong sa
inyong pamilya? Bakit kailangan ninyong tumulong?
Inaasahang sagot:
 Gumawa ng gawaing bahay.
 Para hindi mapagod sina nanay at tatay

D. Patnubayang Pagsasanay
Panuto: ` Idugtong ng linya ang bawat kasapi ng pamilya sa Hanay A sa mga tungkulin nito sa
Hanay B.

Hanay A Hanay B

a. Katulong ng ina sa mga gawaing-


1.
bahay

b. Nagtratrabaho para sa
pangangailangan ng pamilya
2.

c. Pinananatili ang kaayusan at


3.
kalinisan ng tahanan

4
d. Katulong ni ama sa pag-aayos ng
d mga sirang gamit

e. Katulong nina ate at kuya sa mga


5. gawaing bahay kapag siya ay malaki
na.
E. Pangkatang Pagsasanay
Laro: “Kilos Mo, Alam Ko”
Pamamaraan:
Alamin ang mga kasapi ng pamilya
Magpapangkat.
Bubunot ang leader sa kahon ng isang larawan ng kasapi ng pamilya upang makabuo ng pangkat
ng:
a. Tatay
b. Nanay
c. Kuya
d. Ate
e. Bunso
( Sikaping hindi malaman ng ibang kasapi ang inyong nabunot )
Isakilos ang mga tungkuling ginagampanan nito.
Pahulaan sa kasamahang pangkat

F. Pag-iisang Pagsasanay
Laro: “Sagot Mo, Pakita Ko”
Panuto: Ipakita ang larawan ng kasapi ng pamilyang gumaganap sa tinutukoy na
tungkulin
1. Katulong ng ina sa mga gawaing-bahay.
2. Nagtratrabaho para sa pangangailangan ng pamilya.
3. May pananagutang mag-aral ng mabuti.
4. Pinanatili ang kaayusan ng tahanan.
5. Nagpapasaya sa pamilya.

G. Paglalahat
Itanong:
Sino-sino ang kasapi ng pamilya na gumagawa ng mga gawaing sumusunod
1. Naghahanapbuhay para sa pangangailangan ng mag-anak.
2. Naglilinis at naglalaba sa pamilya
3. Tumutulong sa ama sa pag-ayos ng mga sirang kasangkapan.
4. Tumutulong sa ina sa paglilinis ng bahay at pag-aalaga ng maliit na kapatid.
5. Nagpapasaya sa pamilya.

Tandaan:

Ang bawat kasapi ng pamilya ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan.

IV. PAGTATAYA

Panuto:
Piliin ang mga tungkuling ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang ama ang siyang
a. nagpapasaya sa pamilya
b. naglilinis at naglalaba
c. naghahanapbuhay para sa pamilya
2. Si ina naman ang nagsisilbing ___________ sa pamilya
a. Naglilinis at gumagawa ng mga gawaing bahay
b. Naghahanapbuhay para sa pamilya
c. Nagpapasaya sa pamilya
3. Sino naman ang katulong ni ama sa paggawa ng mga sirang kagamitan/
a. Ama
b. Kuya
c. Bunso
4. Ang ate ang siyang ______________ ni ina sa mga gawaing bahay
a. Katulong
b. Kaklase
c. Kaibigan
5. Ang nagpapasaya sa pamilya ay _____________.
a. Ama
b. Ina
c. bunso

V. KASUNDUAN

Iguhit ang kasapi ng pamilya at ang mga tungkuling ginagampanan ng bawat kasapi.

Inihanda ni:

ALMA F. SISCAR
Guro

Observed by:

MA. LEONORA F. CABATO


MT 1

You might also like